Chapter 12

Lumipas ang araw na para na lang akong isang robot. Gigising sa umaga, papasok sa trabaho at matutulog sa gabi. All I did was routine. And it's overwhelmingly depressing. Dahil nami-miss ko ang asaran namin ni Gabriel. Nami-miss ko ang mga ngiti niya. At naiinis ako sa sarili ko. I have never felt this with Nicolo. Nahihiya ako kay Susana.

Nagbabasa ako ng libro para aliwin ang sarili nang may maulinigan akong bumagsak sa kusina. Kinabahan ako. Baka pinasok na kami ng magnanakaw.

Hinanda ko ang aking sarili. Wala si Susana, as usual, out of town na naman. Si Gabriel, hatinggabi na kapag umuuwi. Hindi ko na nga siya maintindihan dahil halos hindi na kami nagkikita. Mas naniniwala tuloy akong kalokohan lang iyong oras na binanggit niya ang tungkol sa kasal.

May dala akong plorera at marahang tinungo ang kusina. Ito ang ibabasag ko sa magnanakaw sakaling mahuli ko siya. Nakapatiyad akong naglakad. Kumakabog ang dibdib ko sa nerbiyos.

Muntik na akong mapasigaw nang may yumakap mula sa likuran ko. Ipupukpok ko na sana sa kung sinoman ang hawak ko nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"K-Kara, babe..."

Tumayo ang mga balahibo ko. Bigla rin akong nanghina. Nakadikit sa likuran ko ang maskuladong katawan at damang-dama ko ang mainit na hininga na tumatama sa batok ko.

"G-Gabriel, let me go…" utos ko kay Gabriel at tinigasan ang boses.

Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa akin. His jaw rested on my shoulder.

"Why would I? Hindi ko na ulit ito magagawa, Kara. Just let me touch you this one last time…" halos pabulong lang na sabi ni Gabriel.

Naamoy ko ang alak sa hininga niya. Lasing siya.

One last time? Mga salitang nakakalito. Ano ang ibig niyang sabihin doon?

Pinakiramdaman ko si Gabriel. Hinayaan ko na nakayakap siya sa aking katawan. May mainit na bagay na pumatak sa aking balikat. Kasabay n’on ay mahinang paghikbi. Napalunok ako. Is Gabriel crying?

"M-Mahal mo pa rin siya, 'di ba? Kahit niloko ka na niya..." Mahina lamang ngunit dinig na dinig ko ang malungkot na tinig niya. Why is he acting like this? Si Nicolo ba ang tinutukoy niya? But he's in the past now, iyon ang gusto kong isagot. "He's too damn, lucky..." Nagpakawala si Gab ng malalim na hininga.

Napapikit ako. Ang init ng yakap niya. Para bang pinapawi niya ang lamig na nadarama ko sa ilang araw na hindi ko siya nakita.

Shit, why am I feeling this way?

"I'm sorry, Kara,” bulong ulit ni Gab. "That night when I thought we were making love... was the happiest night of my life. I never knew I could have you. Knowing that I was the first..."

Habang sinasabi niya iyon, may namuo sa aking mga mata.

"Been with different girls. But since I met you, nagbago na ang lahat. Ikaw ang gusto kong laging makita. Iniinis kita dahil hindi mo 'ko pinapansin. And it's painful when I find out you're already taken..."

“G-Gabriel…”

“Shh…” aniya sa likod ng tainga ko. “Please don’t say a word. Kailangan kong sabihin ito sa ‘yo…”

Wala lang ba siya sa sarili niya? Lasing lang ba talaga siya? Bakit siya nagtatapat sa akin ng ganito? Nalilito ako dahil aaminin ko, iba na ang nadarama ko para kay Gabriel. Kung noon, inis lang at galit. Ngayon, inis pa rin ako at nagagalit sa kanya, pero sa isang banda ng isip at puso ko, nagugustuhan ko na siya. Namimiss ko siya, at...

"I'm in love with you, Kara."

Napanganga ako. Pumatak ang kanina ko pa pinipigil na mga luha.

"Maniwala ka man o hindi, but that's the truth. I settled for a job para maipagmalaki mo rin ako. I asked you to marry me kahit alam kong it was impossible. I tried to put some distance between us. Pero masakit pala, Kara. Masakit pala..."

Nadama ko ang panginginig ng katawan ni Gab. Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Should I tell him I'm already in love with him? Pero paano kung mali siya o ang nararamdaman ko? How can I tell if this is true love?

May dumampi sa aking pisngi. Mainit na tila nakakapaso. "I-I'm sorry for loving you, Kara," Gabriel whispered. Hinalikan niya akong muli sa gilid ng leeg ko. Agad na may gumapang na kuryente sa buo kong sistema. Bago pa ako nakapagsalita ay pinakawalan na ni Gabriel ang katawan ko.

Hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming pag-uusap ni Gabriel.