Chapter 9: Love does not delight in evil
Papasok pa lang ang kotse sa mansion ay nakita ko na agad si Cadmus sa labas at panay ang tingin sa gate. May tinitipa rin ito sa kanyang cellphone habang nakatingin pa rin sa labas. Alam kong gumagawa siya ng mensahe sa akin kaya tunog nang tunog ang cellphone notifications ko.
Nang makita niya ang sasakyan ng ama niya ay parang wala lang ito sa kanya. Ang akala siguro’y nag-iisa lang ang Senyor Arcajante.
Unang bumaba ng sasakyan si Cadesia. Napatingin doon si Cadmus pero agad ding bumalik ang tingin nito sa gate. Nakita ko pang tinuturo siya ni Cadesia at pinagtatawanan sa hindi malamang kadahilan dahil nasa loob pa ako ng kotse.
“Come out when you’re ready, Erin,” ngumiti sa akin si Senyor Arcajante.
“Opo, Senyor Arcajante---”
“Papa. Can you call me ‘Papa’ instead of that, Erin?”
Natulala ako rito. “A-Ano po?”
Ngumiti lang ito at nagtanggal na ng seatbelt bago lumabas.
Napangiti rin tuloy ako. Grabe! Kinikilig na talaga ako kahit sa pamilya ni Cadmus. Sayang lang at hindi kami nakapunta ng puntod ng ina ng mga Arcajante kasi sure akong napaka bait niyang tao dahil ganito ang pamilya niya.
Tumingin si Cadmus sa direksyon ko nang may ibulong si Cadesia sa kanya. Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Tinanguan niya si Cadesia bago siya naglakad papunta sa kotse.
Shocks! Sinabi ba ng sisteret niya na nandito ako? Paano na?! Saan ako pupunta?! Saan ako magtatago?! Gagi naman… bakit pa kasi ako pumunta rito?! Hays!
Nakapamulsa pa ang mokong papunta rito. Wala manlang itong pasabi na papasok siya rito sa kotse kahit katok manlang. Nagdire-diretso ito papasok ng kotse. Palabas na sana ako nang bigla akong hilain nito at siilin ng halik.
Nanlalaki ang mga mata ko pero hindi ako nanlaban. Ang isang kamay ko’y hawak niya at ang isa naman ay nakababa pero ‘di kalauna’y inilagay ko ito sa dibdib niya.
“Dang, I’ve never craved for a lip more as much I crave yours.” He stared at me with full of desires.
“P-Para saan ‘yon? Bakit mo ako hinalikan?!” Namumula na ang pisngi ko sa hiya.
“Hinalikan? You mean, like this?”
Hinalikan ako ulit nito pero ngayon ay gumagalaw na ang kanyang labi at mas mariin ito kesa sa binigay niyang halik sa akin kanina pa. Hindi gumagalaw ang labi ko kaya mas lalo siyang nagsumikap na pagalawin ito sa pamamagitan ng painit nitong paghagkan sa akin.
“I-I’m sorry again… I made you mad again. I’m really sorry. I will tell you every details.” Umakbay siya sa akin pero inismiran ko siya. Hindi pa kami bati pero kung maka-tsansing siya, wagas! “Is this okay? Is it okay if I do this?” Nag-aalalang tanong nito sa akin.
“Ang ano? Akbayan ako? Eh ginagawa mo na!”
Tumawa ito. “But still…”
“Oo na! Oo na!” Namula ang pisngi ko.
“Isang linggo na siyang pumupunta sa opisina… Pabalik balik siya roon. Noong una kasi’y siya ang nagiging mata ng kompanya sa kalaban naming kompanya kaya pinapayagan ko siya roon kahit naiinis na ako sa bigla bigla niyang panghahawak sa akin.” Bumuntong hininga ito.
“Kagabi lang, iyong nakita mo, hinawakan niya nga ako sa dibdib para halikan pero ayaw kong pumayag kaya binuksan ko ang pinto para palabasin siya pero iyon ang unang nakita mo kaya naiintindihan ko kung nagtatampo ka sa akin pero huwag naman sana tayong manatili sa ganito…” Pagpapatuloy niya pa.
Natulala ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, hindi talaga siya nagkakagusto ulit kay Amber?
“Hinding-hindi ko na magugustuhan ulit si Amber kahit kailan, Erin… Hindi na niya mababalik ‘yung dating kami kaya kung… If… If you’re maybe, j-jealous…” Tumigil ito saglit para tingnan ang reaksyon ko. “Or maybe I’m just assuming things…” Hirit niya pa. “But if you do, I belong to you. Only you. You’re my girlfriend, right?”
“Your fake girlfriend.” Pagtatama ko. “They found out.”
Natigilan siya sa sinabi ko. “Found what?”
“They knew, from the start.”
Nakahinga ito ng maluwag. “Guess they’ve already accepted you here before I even ask for it…” Ngumiti siya sa akin. “I won’t do it again, Erin. Huwag ka nang magselos sa kanya. Kung pwede lang dalhin kita sa opisina ko araw-araw, gagawin ko kaso baka maburyong ka lang doon. Pinapangako ko sa ‘yo, I promise you, Erin… You will never see me close to that woman again.”
Nakatanggap siya ng yakap sa akin. Kung kahapon ay iyak ako nang iyak sa selos kahit walang kami, ngayon ay nag-uumapaw sa saya ang puso ko dahil bukod sa binigyan ako ng assurance ni Cadmus ay mukhang tanggap naman ako ng pamilya niya. Ang sarap lang sa pakiramdam.
At oo, ngayon ay pinipili ko ang desisyon na sinabi ni Cadesia kesa sa ibinigay sa aking salita ni Nirca dahil mas naiintindihan ko na ang sitwasyon ngayon ‘di tulad kahapon na bulag ako sa tunay na nangyari dahil naunahan ako ng bugso ng emosyon.
“Paanong gagawin natin ngayon, titigil na tayo sa plano?” Tanong ko sa kanya.
“C-Can we talk about that later?” Lumungkot ang kanyang mga mata.
Isa na lang sa pamilya Arcajante ang hindi ko pa nakikilala…
“Let’s go see mom,” ngumiti rin ito sa akin ‘di kalaunan bago siya lumipat papunta sa driver’s seat. Ako naman ay lumabas para makaalis ako sa passenger seat at lumipat sa shotgun seat para maging magkatabi kaming dalawa.
Tahimik lang ang buong byahe pero kapag nagtatama ang mga mata namin ay ngumingiti siya. Hindi niya matago sa akin ang namumula niyang tenga at pisngi. Posible bang… may gusto siya sa akin? Kasi kung hindi bakit niya pa ako bibigyan ng assurance, hindi ba?
“We are here,” hininto niya ang sasakyan sa kalsadang may katabing puno ng mangga.
Mula rito sa inuupuan ko ay kita ko ang mga puntod sa matingkad na kulay berdeng damo. Nakakagulat lang at hindi ito tulad ng ibang mayayaman na may mga bahay pa ang mga puntod o kung anuman ang tawag doon. Hindi rin ito pribadong sementeryo.
Lumabas siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. Natatawa ako sa kanya dahil nagpipigil siya ng hagikhik sa ginagawa niya.
Dati-rati’y nak-cringe ako sa mga bagay na ganyan pero noong naranasan ko na ay parang gusto ko na lang maglupasay sa sahig.
May nakalahad na kamay sa akin kaya ngumiti ako bago ko ‘yon tanggapin. Naging intertwined ang kamay naming dalawa habang parang tangang nagngingitian sa isa’t isa. Ang sarap sa pakiramdam… Ang gaan gaan na para bang nabunutan ako ng tinik.
Huminto kami sa isang lapida.
Celestina Alcantara – Arcajante
You will be missed forever
Born: May 13, 1978
Death: December 31, 2009
Nakita ko ang ilang bulaklak doon na patuyo na. Marahil dinalaw rin siya rito ni Cadesia o ni Senyor Arcajante. May sulat din doon gamit ang marker.
‘I hope you’re proud of me, mom. I’m now a CEO.’
Si Cadmus ang nagsulat noon. Meron pang dalawa.
‘I’m on my last year of highschool, mom! I’m going to be a model some day! You will be prpud of me too. :D’
‘Darling, they’ve grown well. I’m proud that you are my wife. Thank you for guiding us. I love you and I miss you every day.’
Napangiti ako habang binabasa ang mga ito.
“Mom died before the new year 2010. The picture you saw on the mansion was the last picture she took before she died. She died because of Leukemia.” Paliwanag niya sa akin.
Tumango ako. Wala akong masabi. Gusto ko siyang yakapin…
“Mom,” tawag niya rito. “It’s me again and I’m here with a special person. I’m glad the first one I invited to be here didn’t accept my offer to visit you here because she could’ve been the first one to see you instead of this beautiful woman with me right now…”
“Hi po! Ako po si Erin Hecate Crisostomo! Fake girlfriend po ako ni Cadmus!” Pagpapakilala ko sa sarili. “Hindi ko man po kayo nakita o nakilala noon pa man ay nagpapasalamat po ako dahil sa pagmamahal na binigay niyo sa mga anak niyo po at asawa po. Ang bait po nilang lahat sa akin… Salamat po at nakilala ko kayo ngayong araw. Sa paggabay po kila Cadesia, Cadmus at kay… Kay Papa po.”
“P-Papa? That’s good to hear. Say that again!” Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Cadmus. “Please Erin say that again…” Hinawakan niya ang kamay ko.
“Papa?” Taka kong tanong.
“You called my dad ‘papa’…”
“Sabi niya ‘yon na lang daw ang itawag ko sa kanya, eh…”
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
Medyo natagalan kami roon kasi nagkkwentuhan kaming dalawa sa harap ni Ma’am Celestina. Nagpahuli roon si Cadmus. Sabi niya’y hintayin ko raw siya dahil may sasabihin muna raw siya sa ina bago kami umalis. Pero dahil makulit at curious ako sa sasabihin niya ay lumapit ako para marinig ko ito.
“That woman… She’s a good person, mom. She’s beautiful… She’s got everything.” Napangiti ako sa una kong narinig. “I’m going to marry that woman soon.”