Chapter 8: Love keeps no record of wrongs

‘Where are you? Please talk to me. Call me back please, Erin.’

Nakatingin lang ako sa message na pinadala sa akin ni Cadmus. Kanina pa ako nakatingin doon. Panay pa rin ang tulo ng luha ko. Ang dami niyang missed calls at messages na puno ng pagtatanong kung nasaan ako o kumusta na ako. Napatingin ulit ako sa cellphone ko nang makatanggap ako ng panibagong notification.

‘Let’s talk when you’re okay. I want to tell you something.’

“Anong balak mo ngayon?” Tanong sa akin ni Nirca. “Akala ko naman iba siya… Ganoon din naman pala. Manggagamit din.” Umiling-iling ito habang sinusuklay ang buhok ko.

“Anong gagawin ko, Nirca?” Napabusangot ako dahil babagsak ma naman ang mga luha ko. “Hindi ko alam ang gagawin ko.”

Tumigil siya sa pagsuklay ng buhok ko. “Ano bang gusto ng puso mo? Sundin mo lang…”

“Maiintindihan ko pa sana na nauwi siya ng late pero ‘yung makikita ko pa silang dalawa noong babaeng kinababahalaan ko, roon ako talaga nasasaktan e. Ang sakit sakit, sis. Parang binabasag ang puso ko.”

“Confirmed na ‘yan sis, na-fall ka na. Patay ka na talagang loka-loka ka.” Pananakot nito sa akin.

“Malay ko bang sasaktan niya ako ng ganito…”

“Nagseselos ka? Bakit, may kayo ba?” Tanong nito sa akin dahilan para mas lalo akong bumusangot. “Ang sinasabi ko lang, wala naman talaga kayong label kaya anong aasahan mo… Hindi naman siya totoong nakatali sa ‘yo kasi kahit na totoo ka pa niyang nobya, nobya ka lang. Hindi mo pa naman siya asawa.”

“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Nirca…” Yumakap ako sa kanya habang patuloy na lumalandas ang luha ko.

“Itigil mo na ‘yan bago pa mahuli ang lahat, Erin. Masasaktan ka lang.”

Sabi ko na nga ba, masasaktan din ako… Anong nagpabago sa isip ko’t sumugal ako sa kanya? Hah… Hindi pa nga pala ako umaamin. Ano bang problema ko? Eh kahit umamin naman ako’y nakakuha na rin ako ng sagot dahil nakita ko silang magkasama sa office tapos gabi pa. Pinili niya ‘yon kesa sa akin. Kesa sa sarili kong birthday.

“Ate Erin! I’m glad you came here. How did you know I’m here?” Tuwang tuwa si Cadesia nang makita ako. Nakakapit pa siya sa aking braso habang naglalakad kami.

“Nabanggit lang sa akin ni Manang Aida noon…” Ngumiti ako.

Nasa condo ako ni Cadesia. Balak ko sana siyang bisitahin at magtanong ng ilang impormasyon tungkol sa relasyon ni Amber at Cadmus dati.

“I’m really glad you came here without Kuya.” Niyakap ulit niya ako. “I heard you guys had a fight. Is everything okay?” Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya at tinapik ang kanyang kamay na nakalagay sa aking balikat. Niyakap niya ulit ako.

“Please don’t break up with Kuya… He’s stubborn but he is nice. Tell me if I can do anything when you guys had a fight so I can help to fix it because I don’t want to lose you, Ate Erin. I want you to be Kuya’s wife someday! I can’t imagine someone else to be Kuya’s wife if it’s not you.” Seryosong sabi nito sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Sabihin ko na kaya sa kanya? Tutal alam niya na naman ang katotohanan na hindi ako si Amber at tinago niya ‘yon sa kanyang ama noong sinabi ko.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niyang nalalagay sa kanyang mukha. Inilagay ko ‘yon sa likod ng kanyang tenga bago ako ngumiti sa kanya. “May sasabihin ako sa ‘yo, Cadesia. Alam kong malulungkot ka pagsinabi ko ‘to sa ‘yo. Pwede nga ring magalit ka eh…”

Inosente ako nitong tiningnan. “What po?” Kinakabahang tanong nito. “Did you guys broke up?” Nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata.

Paulit-ulit akong umiling. “Cadesia, no… Please listen to me. Listen to Ate Erin okay…” Bumuntong hininga ulit ako. “Ang totoo… Kami ng kuya mo, never kaming nagkaroon ng relasyon sa isa’t isa.”

“H-Huh?” Tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. “Is that for real? N-No way…”

Umiling ulit ako habang patuloy na inilalagay sa likod ng kanyang tenga ang hibla ng kanyang buhok. “Shh… I’m not yet finished. Please listen to me…”

“Ate no matter what’s that I won’t hate you okay? Please remember that.” Naluluha nitong sabi at niyakap ako ulit. “W-What is it, Ate Erin?”

Tunaw na tunaw na ang puso ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya sa akin.

“K-Kasi… May deal kami ng kuya mo. Wala kasi akong matirhan at wala rin akong ipambabayad sa tuition at iba pang fees ko kung hindi ako magt-trabaho. Saktong nasisante pa ako sa pinagta-trabahuan ko at nandoon ang kuya mo. Binigyan niya ako ng offer na kapag naging pekeng girlfriend niya ako ay bibigyan niya ako ng daang milyon.”

Napatakip siya sa bibig habang umiiyak. “A-Ate… Ate I understand please don’t leave us. It’s okay, it’s just money---”

“I don’t want that money anymore. I fell inlove your brother, Cadesia… And I’m ready to fight for it. I’ll be a CEO too someday. Just a little more to wait. But I will not going to leave you…” Putol ko sa kanya sabay ngiti. “But then I saw him yesterday with his ex, Amber. Nalaman ko ring ang amo kong nansisante sa akin sa pinagta-trabahuan ko dati at ang dating nobya ng kuya mo na ngayon ay pinagpapanggapan kong babae ay iisa.”

“Ate Erin, you must’ve misunderstood—”

“It’s okay… I’m getting out of the plan anyway. At magtatatlong buwan na rin naman. Kaya kahit ano sa dalawa ang piliin ko ay makakaalis na ako sa kuya mo…”

“I thought you will not leave me, Ate…” Puno ng pag asa ang mukha niya. “Do you want me to punch him? What? Please tell me…”

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan tsaka ko siya niyakap.

“Magkikita pa naman tayo, Cadesia… Hindi ako papayag na hindi.”

“Kailan mo po balak umamin kay Dad?”

“Gusto kong sabihin sa madaling panahon, e…”

“Say what?”

Nanlaki ang mga mata ko nang sumulpot na naman ang Senyor Arcajante mula sa likuran namin. Naka-casual attire ito ngayon at may suot na salamin.

“D-Daddy…” Nanginginig ang boses ni Cadesia. “We’re just playing! Ate Amber and I just want to roleplay Erin on Goblin! See? I cried! Because the series is really emotional---”

“I’ve already known your name before the day we met, Ms. Crisostomo. I actually wondered why my son told me your name is Amber. I thought it was just a coincidence that his ex and you have the same name but when I asked what your last name, he also gave me the same as his ex’s.”

“P-Paano niyo po nalaman?” Patulo na ang luha ko habang nakatingin sa matandang Arcajante.

Ngumiti ito sa akin. “Matagal ko nang nakita ang Amber na dating inibig ng anak ko. I really thought she’s the one my son would marry then we found out she cheated on him.” Sagot niya. “He must’ve thought I’d be mad because he no longer has a girlfriend so I would give all the assets to his old friend who’s now in our rival company.”

“P-pasensya na po… Kinailangan ko lang talaga ng pera ng mga oras na ‘yon. Pero ibabalik ko po sa inyo lahat ng perang nagastos niyo sa akin---”

“Hija, we’ve never thought my son would go that far but I’ve seen he’s happy with you so I’m kept the blind eye. All we gave to you was pure in our hearts and you should never return it.”

“Barya lang ‘yan kay daddy, Ate!” Tumawa si Cadesia na sumisinghot pa rin ng sipon kakaiyak kanina.

“Why did you fight?”

“H-Hindi po kami nag-away… Ayaw ko lang po siya kausap kasi nasaktan ako noong nakita ko siya at ang ex niya sa opisina niya na nakahawak pa sa dibdib niya.”

“And it’s Ate Erin’s birthday yesterday! So annoying!” Nagcross arms si Cadesia at ngumuso.

“That jerk.” Humalakhak ang matandang Arcajante. “I’m pretty sure he’s not cheating on you… He may be very stubborn and too unpredictable but my son will never do that. His mom and I raised her right, we know.”

“You should talk, Ate…” It was Cadesia who said that. “I want you to make up. Please Ate… Stop the plan and make your love with Kuya real.” May halong pagsamo ang kanyang tono.

Lumunok ako. Saan ako magsisimula ngayon? Eh hindi ko nga alam na matagal na palang alam ng Senyor Arcajante na nagloloko lang kami ni Cadmus.

Kung hindi ko lang sana siya nakita kahapon kasama ang ex niyang naging dahilan pa kung bakit ako nawalan ng trabaho’t bahay, edi sana naging masaya pa ako ngayon. Pero kung hindi rin dahil doon, hindi ako mapupunta rito at hindi ko malalaman na alam nga ng daddy niya ang tungkol sa totoong ako.

Ano naman kayang paliwanag ang ibibigay sa akin ni Cadmus tungkol sa nakita ko kagabi? Bakit kaya nakahawak ang babaeng ito sa dibdib niya sa sarili nitong opisina sa gabi? Ano kayang milagro ang ginagawa nila rito?

Hindi ko ma-imagine kasi nasasaktan na talaga ako. Napalapit na talaga sa akin si Cadmus.

“Nandoon siya sa mansion ngayon, hinihintay ka…” Dagdag pa ni Senyor.

Ngumiti ako kahit hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin.

Sino ba ang susundin ko sa dalawa? Si Nirca o ang mag-amang Arcajante? Pipili ako kapag narinig ko na ang paliwanag ni Cadmus. Doon lang ako makakaisip kung ano ang gagawin kong solusyon.

Kung kailan handa na akong ipaglaban siya, ngayon pa nagkaroon ng ganito.

Senyales ba ‘to ng tadhana na hindi talaga kami ang para sa isa’t isa?