Chapter Two: Love is kind
“Ma’am you can now come inside,”
Natanaw ko ang nakangiting si Kimberly na nakadungaw sa pintuan ng meeting room. Ngumiti ako sa kanya pabalik, napaka-disrespectful ko pa naman sa kanya noong una kaming nagkita tapos ang bait bait niya pa sa akin!
“Sorry talaga sa mga sinabi ko, Ms. Kim,” madamdaming paumanhin ko sa kanya nang makarating ako sa pwesto niya.
Tumawa siya sa akin. “No need to worry about that ma’am. It’s no big deal. Kim na lang po ang itawag niyo sa akin.” Sabi niya tsaka ako sinenyasan kung saan ako uupo.
Dalawa ang meeting room nila—o tatlo pa ‘ata kasi nasa baba ‘yung isa. Iyong isang meeting room na nakita ko kanina sa same floor na ito, pang maramihan. Dito naman sa room na ito, pang hanggang apat lang na bisita.
Unang pasok ko pa lamang sa main company building nila ay nalula na agad ako. Para akong sinampal ng kahirapan nang ilang daang lengguwahe. Talagang mayaman ang kumpanyang ito. At base sa saliksik ko, matagal na itong itinayo. Kaya nga napagkamalan kong matanda na si Cadmus Jr. Parehas pala sila ng pangalan noong tatay niya. Ang tatay niya ang founder pero siya ang nagtaguyod ng kumpanya kaya nasama siya sa Youngest Self Made Billionaires ng taong ito.
‘Cadmus Arcajante Jr. | chief executive officer’
Matatanaw mo agad ang mukha ng napakagwapong CEO mula pa lang sa pintuan. Nangingibabaw siya kahit sa mga makikinang na gamit sa paligid. Kahit na nagbabasa lang ito ng mga papel ay napaka-hot niya pa rin tingnan. Idagdag mo pa na nakasalamin siya ngayon habang nagbabasa. Ay, yummy! Hahaha. Nakadikwatro rin siya sa kanyang table. Sa harapan non ay may dalawang maikling sofa sa kanan at kaliwa.
Nang maramdaman niya ang presensya namin ay nawala ang pagkakadikwatro niya. Nag-angat siya ng tingin kasabay ng pagtanggal niya sa salamin na nasa mata niya lamang kanina. Nang magtama kami ng tingin ay nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang Adam’s apple.
Bago pa man kami tuluyang makalapit ni Kim sa gwapong nilalang ay binulungan ko na agad siya. “Ilang taon na ba si Arcajante Jr.?” Tanong ko sa kanya.
Mukhang nagtataka siya sa tanong ko pero sumagot pa rin siya. “23 year old lang po sir sir, ma’am.”
Ah… halos apat na taon ang tanda niya sa akin. Magbebente anyos na kasi ako.
“Naku Kim! Erin na lang!” Napahagikhik pa ako dahil kinikilig ako sa pagtawag niya sa akin. Ang ganda niya na nga, ang bait niya pa! “Eh ikaw ba, ilang taon ka na?”
Ngumiti siya. “29 year old na po ako ma’am.”
Tapos ang gwapo pa ng boss niya! Hindi kaya, na-fall na rin si Kimberly kay Cadmus Jr.? Paano natitiis ni Kimberly na maging amo ang ganyang kagwapo na nilalang?!
“Crisostomo,” tawag sa akin ni Cadmus Jr.
Puro na lang ako Cadmus Jr. Ano kayang pwede kong itawag sa kanya? Cade na lang kaya? O Caddy? Hays. Ewan ko. Pag-iisipan ko ‘yan. Tsaka magiging magnobyo’t nobya rin naman kami kaya siguro naman may tawagan kaming ‘honey’, ‘babe’ o ‘di kaya’y ‘love’?
“Crisostomo, I’m talking to you,” sabay pa ang pagsabi ni Cade non at pagsiko sa akin ni Kim. “Are you with us?” May halong pagkairita ang boses nito.
“Oo, ano nga ulit ‘yon?” Pilit akong tumawa dahil wala talaga akong maintindihan. Hindi kasi ako nakikinig, patuloy pang nagd-daydream sa kaharap kong bilyonaryo.
“I’m asking if you’ve already read the terms and conditions of our deal? Kimberly sent it on your email.” Sagot nito. “But I guess you have not yet because you seem clueless right now so I will state it to you lively.”
“Ha?” Lutang kong ganti.
Napahilot ito sa kanyang sintido. Sumenyas siya kay Kimberly at may binigay namang folder agad ang sekretarya niya. Binasa niya ‘yon saglit bago tumingin ulit sa akin. “Why is this so long…” Rinig kong bulong niya sabay buntong hininga.
“Ako na ang magbabasa!” Halos pasigaw kong sabi sabay agaw ng folder sa kanya. “Okay..”
Madali lang naman ang lahat ng condition. Ganoon ang inaasahan ko, eh. Tugma ito sa na-imagine kong condition sa pagtulog ko. Katulad ng; magiging sweet kami, pupunta sa events nang magkasama, maghoholding hands sa public at marami pang iba. Wala namang kasama na magkikiss kaya nakahinga ako nang maluwag. Not until nakita ko ang huling condition.
“Condition 27: Party B shall live with Party A for the meantime.” Binasa ko ito nang malakas. “Ano? Titira ako sa inyo?” Gulat kong tanong. Binasa ko pa nga ulit ‘yon dahil baka mahina lang ang reading comprehension ko pero tama naman talaga.
“Yes.” Cade answered. “You have nowhere to go and I need you there. Dad oftenly goes to the mansion so he can ask me where my girlfriend is. He thought my ex girlfriend used to like going there so he still asks for her everytime we see each other.”
“Hindi ba pwedeng bilhan mo na lang ako ng new place hehe charot lang,” nag-iwas ako ng tingin dahil nahihiya ako sa sarili ko. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Kim na nakawala dahil todo pigil siya ng tawa.
“For the meantime only, then we’ll find you a shelter.” Seryosong sagot ni Cade.
“So… Hanggang kailan ako magpapanggap na girlfriend mo?”
“Maybe before or after four months tapos na tayo. Let’s make it realistic. Shall we?”
“Sige!” Ngumiti ako. “Seryoso wala na talaga akong gagawin? Kahit magkuskos ng kubeta o ano?” Kyuryusong tanong ko kaya sabay na silang natawa ng sekretarya niya. Maging ako ay natatawa na rin sa mukha nila. Natutuwa ako na may mga tao akong napapangiti kahit unintentional pa ang mga sinabi ko.
“Wala na po ma’am,” ngumiti si Kim sabay tingin sa boss niya. Tumingin naman ako sa paligid pero kita ko pa rin sila sa peripheral vision ko. “You did a great job finding her, sir,”
“Wow ang laki! Seryoso ba ‘to?” Para akong namangmang dahil sa laki ng mansion nila. Nadaanan pa namin ang kay laki-laking fountain na malapit sa gate nila. Pwede na nga akong magswimming sa laki non eh!
“Why? Does this look like a joke to you?” Iritado ang mukha nito pero nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Huh! I got him!
“Ang swerte mo naman,” ngumiti ako at pinikit ang mata para damhin ang sariwang hangin. Marami rin kasing puno na nakatanim kaya malamig dito. Pagbukas ko muli ng mga mata ko ay ang malapit na mukha niya na agad ang bumungad sa akin. Muntikan ko na nga siyang masampal dahil sa gulat. “Anong ginagawa mo?!”
“I-I’m just helping you unbuckle the seatbelt, sorry…” Nag-iwas ito ng tingin pero hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng mukha niya.
“Nakakagulat ka naman! Salamat, kaya ko na,” ngumiti ako sa kanya. “Do you believe in love?” Bigla kong tanong sa kanya.
“What a random question,” palatak niya. “Well, I don’t. The last time I got fooled with that so called love, my ex cheated on me.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Hala? May nang loko sa ‘yo?” Gulat kong tanong. Sino bang nanloko sa kanya? Ang kapal naman ng mukha non! Sa gwapo ni Cade, the nerve na maghanap pa ng iba? Eh nasa kanya na nga ang lahat!
Pababa na sana ako nang bigla siyang magsalita. “Do you?”
“Yes… I do still believe in love even it failed me a lot of times. I believe love doesn’t only exist in commitments, you can love someone even you have no relationship with them..” madamdamin kong sabi. Parang naglaho lahat ng sinabi ko dati pag nagddrama ako sa kwarto ko at nagwawala dahil sa sakit magmahal. “Love is… kind.” Bulong ko sa tatlong salita ng favorite love verse ko mula sa bibliya.
Hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya para pagbuksan ako ng pinto. Kaming dalawa lang kasi ang nasa sasakyan dahil ayaw ni Cadmus na kasama namin si Kim.
“Uy, salamat,” napangiti ulit ako.
Hindi niya ako pinansin dahil pumunta agad siya sa trunk para kunin ang kung ano roon. Pero teka, puro gamit ko ang nandoon ah?!
“Hala! Ako na ho riyan!” Nagmadali akong pumunta sa likuran para kunin ang mga gamit ko. Nakakahiya, wala na nga akong gagawin tapos pagbubuhatin ko pa ng bag ang CEO ng isa sa pinakasikat na bangko ng bansa!
Sinenyasan niya akong huminto. Natulala na lamang ako nang makita kong buhat niya sa iisang kamay lamang ang tatlong malaking mala-probinsyana na bag ko at ang favorite kong unan. Nakasenyas pa rin sa akin ang isa niya pang kamay.
“Ako na po!” Napa-‘po’ ako nang wala sa oras. Paano ba naman? Eh tatlong taon ang tanda niya sa akin!
“It’s fine, Erin…” Aniya. Maya-maya ay may dumating na babae na nasa 40s, kasambahay ‘ata dahil sa kasuotan nito. “This is Manang Aida, she’ll take you inside. I’ll tour you once I’m done fixing some things.”
“Good morning po ma’am! Siguradong pagod po kayo dahil sa biyahe. Mula Marikina papuntang Davao para kausapin ang business partner ni Sir Cadmus tapos ngayon pumunta pa po kayo rito sa Manila. Tara po ma’am, naghanda na po kami ng pagkain niyo.” Halos hindi ko na makita ang mga mata ni Manang Aida sa sobrang singkit nito. May iilang putting buhok din siya pero napakaputi niya.
“I’m sorry for tiring you, Erin. You should rest,” sabi naman ni Cadmus tsaka dire-diretsong pumasok sa loob ng mansion dala ang gamit ko. Maya-maya ay bumalik din siya na wala nang dala tsaka sumakay muli sa kotse niya pabalik Marikina. Marami pa kasi siyang aasikasuhin dahil marami siyang pina-reschedule na meeting.
“Ingat ka…” Sabi ko kahit na hindi niya ako marinig.
“Tara po ma’am,” hinawakan ni Manang Aida ang bewang ko para sabay kaming makapasok sa mamahaling mansion. “Ang galing niyo po pumili ma’am… Mabait po ‘yan si Sir Cadmus, napaka down to earth. Seryoso nga lang po siya palagi pero parang lalaki sa libro siya sa sobrang sweet. Parang anak ko na rin po ‘yan eh.” Ngumiti siya sa akin. “Ang ganda mo po,”
“Huwag na po kayong mang-‘opo’, Manang Aida. Erin na lang po.” Ngumiti ako. “May kapatid po ba si Cadmus?”
“Meron neng… Si Cadesia. Dalawa lang sila magkapatid. Panganay si Cadmus. Ang papa naman nila ay tinatawag naming Senyor Arcajante para hindi kami malito sa kanilang dalawa ni Cadmus. Ang nanay nila, matagal nang pumanaw dahil sa leukemia.”
Medyo nalungkot ako sa sinabi ni Manang Aida. Wala na rin palang nanay si Cadmus.
Una niya akong dinala sa aking silid na mas malaki pa sa bahay na tinitirhan ko roon kay Aling Pranswa. Wala pa ‘ata ‘yon sa kalahati ng kwartong ito sa sobrang laki. Halos lahat ng gamit ay puti. Parang sumisigaw ito ng eleganteng tema.
Isang malaking picture ang umagaw sa atensyon ko. Picture iyon ni Cadmus kasama ang pamilyar na lalaki.
“Manang… Kilala niyo po ba ito?” Tanong ko sabay turo sa lalaking nakasumbrero at nakaakbay kay Cadmus. Sa picture na ito, parang highschool pa lamang sila.
Huwag naman sanang magtama ang nasa isip ko.
“Kilala ko po ‘yan ma’am!” Tinuro rin ito ni Manang Aida. “Kaibigan po ‘yan ni Sir Cadmus simula pa noong elementary sila. Diyan po sa picture na ‘yan ay nasa school po sila. Kuha pa po ‘yan ng mama ni Cadmus. Parehas po silang CEO ngayon ng magkaibang kumpanya. Ang pagkakaiba lang po, si Sir Cadmus ay siya ang nagpataas sa kumpanya. Self made nga po kung tawagin nila. Iyan naman pong kaibigan niya, nakuha po ang posisyon mula sa yumao nitong ama. Mabait din po iyang bata na ‘yan kahit ilang taon ko na po siyang hindi nakikita.”
“Pero sino po ba siya, manang?” Hindi ako natinag. Gusto ko talagang malaman ang katotohanan. Sino ba talaga ito?
“Medyo hindi ko na po maalala eh, matagal tagal na rin po kasi simula noong huli siyang bumisita rito sa mansion… Teka… Susubukan kong alalahanin at baka maalala ko pa…” Humawak siya sa baba niya. “Teka… Jiego? Hindi… Ah alam ko na! Jarmin po!”
Nanlaki ang mga mata ko. No way!
That’s my ex!