Chapter One: Love is patient
NAKAKAILANG buntong hininga na ako dahil napakaboring ng subject na ito. Ang katabi ko nga’y nakapikit na dahil napakabagal pang magsalita ng professor namin.
Nagsisi tuloy agad ako noong pinili ko ang subject na ‘to kesa sa trabaho ko ngayong araw. Nakaltasan na nga ako ng swedo, ngayon naman ay wala pa akong natutunan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tumitingin sa relo ko para tingnan ang oras at hilingin na sana matapos na ang klaseng ito.
“Class dismissed.”
Para akong preso sa kulungan na nasabihan na lalaya na ako. Nagpaalam agad ako kay Nirca, kaibigan ko, na pupunta na ako sa trabaho. Nakasalubong ko pa si Renice at ang nobyo niyang parang linta kung makayapos sa kanya. Nasa likod naman nila si Laurel na kaibigan ko rin na may sabit pang gitara sa likuran niya.
Dali-dali akong pumara ng jeep nang makakita ako agad. Buti na lang at hindi pa punuan dahil hindi pa labasan ng mga nursing students.
“Bayad po,” hinabaan ko ang kamay ko para magpaabot ng pera pero walang tumatanggap non. Natahimik ang kanina’y maingay na sasakyan noong dumating ako. Napatingin sa akin lahat ng tao roon. Pakiramdam ko tuloy ay isang malakas na hangin ang sumalubong sa akin.
Nang makamoveon na sila sa mukha ko ay inabot na nila ang bente pesos ko sa driver. “Saan ‘to?” Tanong nung driver.
“Sa Classic Taste Restaurant po,” sabi ko agad. Hinanap ko ang cellphone ko para magtext sa manager na malelate ako dahil traffic ngayon. Kailan ba nawalan ng traffic?
Nang makita ko ang iisang word na reply nito na, ‘okay’ ay isinaksak ko na lang ang earphones ko sa tenga ko at nagpamusic na lang ako.
♪ Beauty queen of only eighteen, she had some trouble with herself ♪
♪ He was always there to help her, she always belonged to someone else ♪
♪ I drove for miles and miles, and wound up at your door ♪
♪ I’ve had you so many times, but somehow I want more… ♪
Pumatak ang aking luha kasabay ng aking tahimik na pagkanta. Naaalala ko ang lalaking nanloko sa akin. Sabi nila, maganda raw ako. Hindi lang maganda, sobrang ganda. Pero bakit ako iniwan?
Napatingin ako sa last conversation namin. Ang nakalagay roon ay 21 minutes na call namin, doon niya ako sinabihan na isang taon na niya akong niloloko at nakikipagbreak na siya sa akin dahil ‘naaawa’ na raw siya sa ‘kin. Kasunod noon ay ang message niya na, ‘huwag ka na magreply, gumising ka sa katotohanan at ‘wag mo nang saktan pa ang sarili mo.’
Pagmamahal? Ayoko na. Pagod na ako. Imbes na ‘yan ang unahin ko, uunahin ko ang pera. Kung pagpipilian lang ang pagmamahal at pera ay pera ang pipiliin ko. Lumaki nga ako na walang pagmamahal ng magulang eh, pagmamahal pa ba ng mga walang kwentang lalaki?
Bago ako pumasok sa Restaurant ay may nakita akong matandang babae na hindi makatawid kaya dali-dali akong bumalik sa pinagtawiran ko dahil hindi ko siya nakita kanina noong tumawid ako.
“Nay, saan po kayo?”
“Nak, baka pwede mo itawid si nanay at isakay sa tricycle. Ayos lang kahit itawid na lang. Salamat nak…” Ngumiti ang kulubot nitong balat sa akin. Nakahawak agad siya sa kamay ko. Para akong tinutunaw pag nakakakita ako ng matatandang tao. Tapos siya tinawag niya pa akong ‘nak’.
“Sige po… Walang problema,” ngumiti ako at sumenyas na huminto ang ilang sasakyan para makatawid kami nang maayos ni Lola. May dala pa siyang panukod.
“Hintay muna po tayo sa tricycle nay… Marami po kasing sumasakay ngayon dahil uwian na ng ilang estudyante kaya nagkakaubusan ng mga sasakyan.” Sabi ko.
“Naku ayos lang… Pwede ka na rin umalis nak. Kaya ko naman maghintay.” Aniya.
“Hindi na po…” Tumingin ako sa paligid para tumingin sa mga dumadaan.
“Napakaganda mo nak, napakabait pa… Anong pangalan mo?”
“Salamat po, ang ganda niyo rin po nay…” Ngumiti ako. “Erin Hecate Crisostomo po ang pangalan ko pero Erin na lang po ang itawag niyo sa akin.”
“Pwede ko bang makita ang palad mo, Erin?” Umabot sa mata niya ang ngiti nito. “Wala kasi akong perang maibibigay sa ‘yo kaya baka ito kahit kaunti ay makatulong sa ‘yo.”
“Naku si nanay naman!” Pabiro akong tumawa. “Hindi ko po kailangan ng pera.” Charot, nay! Need ko talaga ng money pero hindi galing sa inyo. Ang pera ay dapat pinaghihirapan.
Binigay ko pa rin ang palad ko sa kanya.
Sumeryoso ang mukha nito habang nakatingin sa dalawang palad ko. Maya maya ay may sumilay na ngiti kasabay ng pagtaas niya ng pagtingin sa akin. “Napaka-gandang kinabukasan!” Tumaas ang boses niya.
“Bakit po, nay? Magkaka boyfriend ba ako ng bilyonaryo, ganoon po?” Biro ko sabay tawa.
“Oo, Erin,” Nakangiti pa rin siya sa akin. “Mayaman ang mapapang-asawa mo. Malapit mo na sigurong makilala.”
“Nge,” mas lalong lumakas ang tawa ko. “Matanda po ba ‘yan, nay?” Sinabayan ko na lang ang trip ni Lola.
“Oo nak… Tsaka…” Magsasalita pa sana siya nang isang malakas na busina ang nagpahinto sa aming dalawa. Kotse iyon. “Baka siya na ‘yan.” Biro ni Lola.
Nakitawa na lang din ako kahit hindi na ako naniniwala sa mga ganyan.
Nang may dumaan na tricycle ay nag-offer pa siya na ililibre niya ako sa sakay at kakain daw kami pero tumanggi ako dahil malapit lang naman ang restaurant na pinagta-trabahuan ko. Mabilis ang paglalakad ko dahil late na late na ako. Bago pa ako makapasok sa loob ay nakita ko ang kotseng malakas bumusina kanina.
Ano na naman kaya ang ginagawa ng isang yayamanin na kotse rito? Nakikita ko lang ‘yan sa picture na tinitingnan ng mga kaklase ko na mahihilig sa kotse eh.
Pagkabukas ko ng pinto ng restaurant ay humangin nang malakas. Nakita ko pa ang isang lalaki na customer ‘ata sa peripheral vision ko. Hinahanap agad ako ni Sir Lucas, nagtext siya sa akin tapos ngayon ko lang nakita.
“Sir sorry po, may inasikaso lang po.”
“Ayos lang,” matamis pa itong ngumiti sa akin. Iyong nakakatakot na ngiti ba? Iyong parang manyakis. May gusto ‘ata ang isang ‘to sa akin kahit na may girlfriend na siya ngayon galing sa panloloko nila. “Saan ka galing?”
“Sa school po sir,” it’s none of your business.
Tumango ito. Sinulyapan ko ang lalaking nakasumbrero kanina. Palabas na ito at todo tago ng mukha sa sumbrero niya. Sa kanya ‘ata ang kotse sa labas, eh? Mukhang hindi naman siya umorder.
Ganoon ulit ang nangyari sa akin sa mga susunod na araw. Ang pagkakaiba lang ay hindi na ako nalelate dahil hindi ako pumupunta sa subject na ‘yon. Nagpalipat ako.
Hanggang sa isang araw…
“… Tapos cake na chocolate. Pakilagyan na lang ng marshmallows na toppings. Salamat.” Pagsasabi noong babae ng order niya sa akin. “Ikaw mahal ko?” Malanding tanong niya roon sa lalaking halata naman ay nobyo niya.
Hindi nakapagsalita agad ang lalaki dahil nakatingin ito sa akin.
“Mahal ko?” Tawag ulit noong babae. Todo pigil ako ng tawa dahil pumiyok pa ito.
“Okay na ako sa inorder mo mahal ko,” sagot noong lalaki habang nakatingin pa rin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi na ako kumportable. Mukha pa siyang jejemon sa kanto.
Ilang minuto bago ko naiserve sa kanila ang inorder nila. Nag-aaway ‘ata sila dahil nakakarinig ako ng ‘punyeta’ na word mula roon sa babae. Tinatampal niya rin ang braso noong lalaki na todo ilag naman sa kanya.
“Miss, halika nga rito,” tawag noong babaeng parang nagsulat ng marker sa kilay niya. Ang kutis din nito’y parang nasobrahan sa rejuv. Inis na inis ang mukha niya sa akin at namumula pa ang mukha. Blonde pa ang buhok nitong parang nanigas na sa ere.
Nagpahid ako ng kamay sa apron ko dahil bahagyang nabasa ang kamay ko dahil sa yelong sinerve ko kanina.
“Bakit po ma’am?” Tanong ko habang palapit ako.
“Ikaw ‘yung nagserve nito ‘di ba?”
“Opo.”
“Waitress ka na nga lang, nanlalandi ka pa! Wala ka na bang kahihiyan sa sarili mo? Kababae mong tao ikaw pa lumalapit sa lalaki! Nilagyan mo pa ng pampaasim ang cake namin!” Biglang sigaw nito sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Tumingin ako sa mga tao sa loob ng restaurant dahil pinagtitinginan na ako.
Woah, another jealous bitch.
“Ma’am, excuse me? Hindi ko nilapitan ang boyfriend mo! At mas lalong wala akong kinalaman sa pagpapaasim ng cake niyo dahil hindi naman ako nagluluto! Baka galing lang ‘yan sa kili-kili mo kaya maasim!” Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Stress na stress ako sa school tapos pagpunta ko rito gaganyanin niya ako. Waitress ako pero tao rin ako!
“Erin, you’re fired! Napakalandi mo talaga!”
Doon na ako kinabahan sa boses na ‘yon. Boses ni Ma’am Amber!
“Ano po? Wala akong ginagawa ma’am! Nag-iimbento lang po ‘yan!” Todo pigil ako sa pag-iyak dahil naiiyak na ako sa inis. Gustong gusto kong murahin ang babaeng ‘yon! Kung hindi lang talaga ako marunong magpasensya!
Pag-uwi ko sa bahay ay hinagis ko agad ang sarili ko sa higaan at doon ako umiyak nang umiyak. Bakit ba lagi na lang akong pinahihirapan? Makakaranas ng kaunting kasiyahan tapos babawiin din sa huli. Nakakainis.
Nakarinig ako ng katok sa labas kaya pinunasan ko agad ang mga mata ko kahit na medyo namumula na ‘yon. Namamaga na. May bisita ba? Wala namang sinabi ang mga kaibigan ko na tatambay sila rito ngayon. Tsaka may klase pa sila eh? Sino naman kaya ito?
“Erin Crisostomo po?” Tanong noong babae sa akin. Hala, mukhang mayaman! Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin?
“Ako po ‘yon, bakit po?” Tanong ko. Hindi kaya goon ‘to noong babae na ‘yun? Eh hindi nga ‘ata noon afford ang concert ng Enhypen, ito pa kayang babae na ‘to na mukha pang artista?
“Here’s an invitation for a meeting po with our CEO.” Pumaskil ang ngiti sa kanyang labi. “My name is Kimberly Agudo, the CEO’s secretary.”
“Huh?” Parang lumutang ang utak ko sa sinabi niya. Ano raw? Invitation sa meeting? Para saan? “No, I don’t want to see your CEO anymore.” Ngumiti ako sa kanya nang pilit.
Hah… I bet this girl is that guy’s secretary.
“’Anymore’? Have you seen him already ma’am?” She asked.
“Yes. He’s actually my ex and he’s a cheater.” Walang ganang sabi ko. “With all due respect, Ms. Kimberly Agudo, please leave me alone.” Sabi ko sabay sarado ng pinto. Huminga ako ng malalim tsaka napasandal sa pintong nakasarado.
“I’m confused why he still keeps pestering me while he’s the one who initiated the break up.” I whispered.
Walang araw na hindi ako pinupuntahan ng babaeng ‘yon. Nalaman ko ring hindi pala iyon kumpanya ng ex ko kaya nagsimula akong magsaliksik ng impormasyon sa kumpanyang Arcajante Bank Holdings. Obvious naman, sa unang basa mo pa lang ay kikinang na ang mata mo. Kasi ang kumpanya nila, bangko ang hawak kaya talagang yayamanin.
Ngunit sa kasamaang palad, walang masyadong impormasyon sa CEO na ‘yon. Ang misteryosong CEO rin ay walang kahit anong litrato na nakikita ng publiko. Anong meron?
Isang araw pagkatapos noon ay nalaman ko naman na ang meeting na ‘yon ay para sa isang kasunduan. At alam mo ang nakakatawa? Nag-offer sa akin ng daang milyon para lang maging pekeng nobya ako nito. Ano? Sinong niloko nila?
Baka isa itong scam.
Hays, kung patuloy ko lang iga-gaslight ang sarili ko na wala talagang mayaman na lalapit sa akin ay hindi ako matatahimik. Nakumpirma ko na lehitimo ang kumpanyang ito ngunit bakit ako? Andami kong tanong at alam kong ang meeting na ‘yon ang sasagot sa mga katanungan ko pero ano pa ba? Nagdadalawang isip ako.
The last time I became a CEO’s girlfriend, it ruined my system completely.
Nakarinig ako ng katok mula sa labas habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan ko kaya nagpunas muna ako sa damit ko para mabuksan ko ang doorknob. Baka si Kimberly na naman ito?
“Kimberly I’m really sorry but I will keep rejecting your offer---”
Natahimik ako nang makita ko ang landlady sa harapan ko. “Aling Pranswa! Haha! Napadalaw ho kayo?” Tanong ko kahit medyo kinakabahan na ako. Pumupunta lang kasi ito rito kung maniningil siya o may problema.
Naka-soft curler pa ang buhok niya at napakataray ng kilay na halos hindi na makita kakaahit para numipis. Nakabestida rin siya na tipikal na sinusuot ng mga chismosa sa amin. Syempre, hindi mawawala ang sigarilyo niyang wala namang sindi.
“Ma’am kakabayad ko lang po nung upa ko kahapon ah,” inunahan ko na agad siya.
Tiningnan lang ako nito. Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay nagulat na lamang ako nang bigla siyang pumunta sa drawers ko at kinuha niya iyon para baliktarin bago ito itinapon sa sahig.
“Aling Pranswa! Bakit po?” Natataranta kong pinagpupulot ang mga gamit ko habang kabadong nakatingin sa matandang babae. “Kakabayad ko lang po!”
“Kakabayad mo lang sa utang mo noong nakaraang buwan. Ngayong buwan, wala ka na namang ipambabayad! Nalaman kong nawalan ka rin ng trabaho at wala na kayo nung nobyo mong milyonaryo! Anong ipambabayad mo ngayon?” Sigaw nito sabay turo sa akin.
“Pero bakit kailangan naman pong ganyanin ang mga gamit ko. Pwede naman po tayo mag-usap nang masinsinan.” Kalmado kong sabi sa kanya dahilan para mas lalong mag-apoy ang mga mata nito.
Dali-dali siyang lumapit sa akin. Kinuha niya ang neckline ng damit ko at marahas na hinila iyon bago magsalita. “Mag-usap? Hindi na! May bagong uupa rito! Mas kayang may bayad at may sobra pa!”
“Binenta niyo po ang bahay na ‘to sa iba nang hindi ko nalalaman? Nakatira rin ho ako rito!” Nagulat na lamang ako nang hinagis niya na sa labas ang ilan kong damit. Napatakbo ako sa labas dahil baka pagchismisan na naman ako ng kapitbahay. Ayaw kong mapasama si Aling Pranswa at ayaw ko rin na lumaki pa ang gulo.
Habang kinukuha ko ang mga damit ko ay ikinagulat ko nang may isang lumipad ulit na damit. Ang paborito kong damit! Bigay pa ‘yon ng Tita ko na kapatid ni mama, bago siya namatay. Doon na ako nagsimulang maging emosyonal. Bakit ba kailangan niya pa itong gawin?
Wala na ako sa tamang isip kaya marahas kong pinunasan ang naglalandas kong luha at dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Ito na lang ang last chance ko. Magbabago ang buhay ko pag tinanggap ko ang to good to be true na offer na ito.
Nagtipa agad ako ng message para sa numero ni Kimberly na sinave ko lang kahapon dahil sa boredom. Sinabi ko sa kanya na tinatanggap ko na ang offer niya at gusto kong makita ang hula ko’y matandang CEO. Lulunukin ko muna ang pride ko dahil sasampalin ko ng pera si Aling Pranswa. Napaka-kapal talaga ng mukha niya. Matapos niyang angkinin ang lupa ni Tita, pinapalayas niya ako sa sarili naming tahanan?! Sumosobra na siya!
Napakarami kong problema, dumagdag pa ito.
Nakatanggap ako ng mensahe hindi pa umaabot ang isang minuto mula kay Kimberly.
‘That’s a great news ma’am! We’re glad you finally accepted our offer. There’s an address on the calling card I gave to you yesterday. If you know that place, please do come here tomorrow. And if not, please tell us so we can send you a ride. Thank you ma’am!’
Nag-angat ako ng tingin at tiningnan nang masama ang matandang babae. Doon mas lalong nag-alab ang mga mata niya kaya muntikan na ako nitong masampal. Mabuti na lang at matalas ang aking pakiramdam kaya agad ko itong naiwasan.
Magsasalita pa sana ako nang makarinig kami ng tunog ng sapatos papunta sa direksyon namin. Sabay kaming napatingin doon ni Aling Pranswa. Bumungad sa amin ang napakagwapong lalaki.
Omg! Parang Cha Eun Woo American version!
Nakalagay ang isang kamay nito sa bulsa ng kanyang trousers. Para siyang business man! Moreno siya, nakataas ang itim buhok na parang propesyonal. Dagdag pogi points pa ang matangos nitong ilong, mala-rosas na labi, kulay light brown na hunter shaped na mga mata at makapal na kilay. Nadedepina rin ang magandang katawan niya kahit naka business attire pa siya.
“Crisostomo, right?” Tanong niya bigla.
“Sino ka naman?” Tanong ko pabalik. Mabuti na lang at dumating siya dahil baka kung ano na ang masabi ko sa babaeng kasama ko. Salamat po, Papa G.
Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang huminto at tumingin sa taas. I unconsciously looked up too. Anong meron? Nagulat na lamang ako ng alisin niya ang coat niyang nakapatong sa kanyang black dress shirt at ipinatong iyon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maaalala ko ang damit kong nasira kanina. Hindi kaya, nakita niya ‘yon?! Nakita ko ang ngisi sa labi niya nang mag-angat ako ng tingin. Sino ba ‘to?
“My name is Cadmus Arcajante. CEO of the Arcajante Bank Holdings.”
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Arcajante Bank Holdings?! Siya ang CEO non?! Akala ko nasa 40+ hanggang 70+ na ito ngunit hindi! Nagkamali ako! Naalala kong meron nga pa lang mga taong nagiging successful kahit hindi pa man sila ganoong katanda. Meron nga pala akong naging ex boyfriend na bata pa lang ay meron ng mga business company. Pero ang ABH?! Kumpanya ng bangko iyon! So all this time, mali ang hinala ko!
Kung alam ko lang na ganyan kagwapo ang nag-aaya sa akin para maging pekeng nobya niya, edi sana matagal ko na itong sinang-ayunan! Naku! Akala ko naman ay wala nang magandang mangyayari sa buhay ko, meron naman pala!
“Let’s go,” Nakita ko ang pasimpleng pagtapon niya ng sampong libo kay Aling Pranswa. “Keep the change and I don’t want to see your face again.” Tiningnan niya pa ito mula ulo hanggang paa bago binangga.
Ang matandang babae naman ay gulat na gulat habang nakatingin sa mayamang lalaki na napakagwapo.
Ang lalaking iyon… siya ang magiging nobyo ko?!