Chapter Three: Love does not envy

DALAWANG ARAW akong natulala dahil sa nalaman ko. Magkaibigan silang dalawa ni Jarmin?! Napakaliit naman ng mundong iyon kung ganoon. Bakit sa dinami-rami ng pwede maging kaibigan ni Cadmus ay ang ex ko pa?!

Ngayong araw ay nag-aya si Cadmus na pupunta kami sa isang golf course. Doon din kasi sila magkikita ng kapatid niyang babae na halos malapit sa edad ko lang. Diecisiete anios kasi ito.

Kahit talaga sa meeting place nila, expensive pa rin! Eh ako nga naglulupasay lang ako sa tabing kalsada pag makikipagmeet up ako sa mga kaibigan ko!

Kagigising ko lang nang makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto. Hindi pa ako sanay sa mga nakikita ko kaya natulala muna ako nang ilang minuto bago ako tuluyang nakatayo oara pagbuksan ng pinto ang kumakatok.

“Pwedeng pumasok?”

“Cadmus!” Tawag ko sa pangalan nito. “Oo naman… Sige. Pasensya ka na, kagigising ko lang eh.”

“That’s for you,” may ibinigay sa akin si Cadmus na isang paper bag. Sa print pa lang na nasa labas nito ay nalaglag na ang eyeballs ko. “Pick one there and use it today. If you don’t like it, tell me. We’ll choose again. I’m the one who chose that, by the way…” Napansin ko na naman ang nag-iiwas niyang tingin. Nahihiya ba siya? Hala!

Walanghiya, isang bag ng Christian Dior at Chanel! Kaloka! Partida, binibigyan pa nila ako ng pera ha. Pinatira pa ako rito tapos ngayon, ito? Sobra sobra na ‘ata ito!

“It’s not too much… You’re doing me a favor too.” Ngumiti ito sa akin. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang hindi nagpipigil. “Kumain ka na?”

“Opo,” kusang sumagot ang bibig ko dahil sasabog na ang puso ko sa kilig. Wala naman talaga sa materyal na bagay ang hilig ko kung makikipagdate ako sa lalaki pero ngayon, peke pa ang relasyon namin pero kinikilig na agad ako. “Kailan tayo magsisimulang magpanggap?” Tanong ko.

“Today.”

“Huh?!” Bulaslas ko. Nahulog ko tuloy ang hawak kong paper bags. “Kaloka! Sana pala madaling araw pa lang ay nagising na ako!”

“Bakit naman?” Takang tanong nito habang pinupulot ang nahulog na paper bags para iabot ulit sa akin. Bago pa man ako makasagot ay nagulat na lang ako nang punasan niya ang mata ko. Hala, oo nga pala! Kagigising ko lang! Pinunasan niya pa ang muta ko.

“P-para makapag-ayos, syempre…”

“Maayos ka na naman na ah… Kahit bagong gising ka pwede ka na sa runway show. May muta ka nga lang.” Tumawa ito kaya pabiro ko siyang hinampas. Nagulat ako nang pasimple niyang kinuha ang kamay ko. Magtatanong pa sana ako nang pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. “I’m planning to buy you a bracelet. Which do you prefer more? A bracelet, necklace, a ring or watch? Nevermind. I’ll get everything.”

Natulala ako sa sinabi niya pero hindi pa rin ako makamoveon sa kamay niyang nakasiklop sa kamay ko.

Dug dug. Dug dug.

Huwag mong sabihin na… Hala! Ngayon ko lang ito ulit naramdaman. Ang pamilyar na lumilipad na paru-paro sa aking tiyan. Parang nagwawala ang buong sistema ko! Para bang kinukuryente ako?!

“After this I’ll take you out. You should get ready.” Kumindat ito bago inalis ang magkasiklop naming mga kamay tsaka tuluyan na siyang umalis.

Damn… I don’t know who should I be envious with. Should I be envious to him because he’s rich, handsome and intelligent or should I be envious to myself because I’m getting all of that while I’m doing absolutely nothing?

Nagbihis na ako agad. Nakita ko pa si Manang Aida sa baba at ang ilang kasambahay. Nag-uusap usap pa sila. Magtatanong lang sana ako kung nasaan si Cadmus ngayon dahil hindi ko siya makita sa kwarto niya. Nagtext na rin ako pero wala pang akong natatanggap na reply.

Pababa ako sa hagdan nang marinig kong tumawa ang isang kasambahay na blonde pa ang buhok. Naalala ko tuloy ang customer sa dating restaurant na pinagta-trabahuan ko.

“Nako! Sa tingin mo magugustuhan ni Ma’am Cadesia ‘yang bagong gerlpren ni Sir Cadmus?” Tanong noong blonde. “Naku! Mukha namang retokada!” Sagot nito sa sarili niyang tanong. Tumawa pa itong babae.

Retokada? Duh! Natural ‘to hoy! Kahit mukha akong bulldog sa umaga!

Pinakinggan ko pa sila.

“Retokada? Hindi siguro…” Akala ko ay ipinagtatanggol na ako noong babaeng katabi nung blonde pero nagkamali ako. “Mukha ngang walang pera eh!” Sabi pa noong babaeng nasa 30s ang itsura. Nakatirintas ang buhok nito na parang kay Annabelle.

Yan! Yan ang katotohanan! Wala akong pera! Compliment na ‘ata iyan kasi at least hindi na ako masasabihan na retokada ako.

“Kayong dalawa talaga… Mabait si Ma’am Erin, maganda pa at magalang. Iyong mga bunganga niyo naman, baka marinig kayo non. Huwag niyo na uulitin iyan ha… Hindi ko na kayo kakausapin ulit…”  Babala ni Manang Aida. “Naayos niyo na ba ang tray? Gutom na ‘yon si Ma’am Erin sigurado.”

Napangiti ako kay Manang Aida. May kakampi rin pala ako rito.

“Tapos na po,” sagot noong blonde. “Seryoso mo naman po pero dahil sinabi mo at mahal ka namin susunod kami sa inyo.” Matigas na sabi pa nito.

“O siya sige, umakyat na kayo sa taas. Gising na rin ‘ata si ma’am kaya hindi niyo na kailangan lumapit. Ilagay niyo na lang sa desk.”

“Sige po,” hawak na nito ang tray kaya dali-dali akong umakyat pataas para hindi nila malaman na nakikinig ako sa usapan. “Hindi talaga papatol si Sir Cadmus sa mga cheap na kagaya natin. Sayang.”

Pero hindi ko inaasahang may tao roon! At si Cadmus pa! Kaya ayon sa pagmamadali ko ay naitulak ko siya, hulog kaming dalawa sa sahig!

At ang mas ikinagulat ko? Magkadikit na ang labi naming dalawa!

“Dios mio!” Nakarinig kami ng sigawan ng mga kasambahay sa baba. “Ang Senyorito Cadmus at Ma’am Erin, nahulog sa hagdan!” Hindi ko man nakikita ang mukha ni Manang Aida ay ramdam ko na gusto na niyang mag sign of the cross dahil sa nakita niyang labi naming dalawa ni Cadmus.

Akala ko ay hihiwalayin na niya ang labi niya sa akin pero nagkamali ako. Nagulat ako nang hapitin niya pa ang mukha ko para mas mahalikan niya pa ako. Diniin niya pa ito!

Hindi ako nakagalaw agad kaya wala akong nagawa kundi makipagdikit ng labi rito. Ang lambot ng labi niya! Ang tamis pa. Ano bang iniisip ko ha?!

“I guess I’m not too late?” Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Cadmus nang marinig niya ang boses na ‘yon. Boses lalaki.

“Magandang umaga po, Senyor Arcajante!” Bati ni Manang Aida sa lalaki.

Tuluyan na akong napatayo para magpagpag ng damit. “Magandang umaga po!” Wala sa sariling napa-bow ako. Hiyang hiya dahil nakita pa nitong magkadikit ang labi namin ng anak niya. Magkamukhang magkamukha sila ni Cadmus Jr.! Parang copy paste lang pero mas matapang ang features ni Cade kahit na mas bata pa ito sa Senyor Arcajante. “Pasensya na po kayo at ito ang unang nadatnan niyo. Hindi ko po sinasadyang mahulog kasama si sir Cadmus. Nagmamadali po kasi akong bumaba kasi hinahanap ko siya tapos hindi ko nakita agad na papalapit na po pala siya.”

“Nagmamadaling BUMABA huh,” he emphasized the word ‘Bumaba’ just to mock me. Todo ngisi pa ang walanghiya pagkatapos dilaan ang daliring pinampunas niya kanina sa kanyang labi. Naiinis tuloy ako. He know damn well I’m eavesdropping. “Are you okay?” Biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

“Oo naman… po.”

Humalakhak ito. “Dad, this is my girlfriend, Amber.” Pagpapakilala nito sa akin.

“Hello po, ako po si… Si Amber po.” Amber ano? Amber ng Sofia the first? Amber Heard?

Amber pala ang pangalan ng ex niya… Amber din ang pangalan ng amo kong nagpalayas sa akin sa trabaho. Kumulo tuloy ang dugo ko nang maalala ko na naman ang pangyayaring ‘yon. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

“Amber?” Kumunot ang nuo nito sa akin at tumingin sa anak niya. “Nice to finally meet you, Amber. What’s your last name again?”

“Uh---”

“Amber Maverick, dad.” Putol ni Cadmus sa akin. Nakalimutan niya ‘atang sabihan ako tungkol sa impormasyon sa Amber na ex niya. Sa bagay, biglaan din ‘ata ang pagdating ng Senyor Arcajante dahil mukhang nagulat siya kanina.

“Sorry I didn’t tell you that I’m coming over today. I rescheduled a meeting just to see your sister. I’m glad I got to see…” Tumingin siya sa akin. “Amber. Your girlfriend. You’re so beautiful, Amber. I wonder how my son made you say yes?” Ngumiti siya sa akin.

Tumawa na lang ako dahil wala akong masabi.

Bago pa man kami makarating sa golf course ay magkasama na kami sa iisang sasakyan nina Senyor Arcajante at Cadmus. Tingin nang tingin sa akin ang matandang Cadmus dahil daw talagang napakaganda ko. Na-appreciate ko naman ‘yon pero naiilang ako. Si Cadmus naman ay lagi niyang sinisiko para asarin sa akin.

“Magaling, son,” puri niya sa anak.

“Dad please stop, you’re making her feel uncomfortable.” Saway ni Cadmus sa ama niya.

“Do I?” Sarkastikong tanong ng Senyor.

“I know I did a great job and I don’t need a praise from it. She’s really a wonderful woman and I’ll work hard everyday just to prove everyone I’m not the only one who’s lucky to have her. She’s lucky to have me too.” Dagdag pa ni Cadmus dito.

Tumawa ang matandang lalaki. “Akala ko nama’y hindi mo na mararanasan ang pag-ibig. Nagkamali ako. Mas malalim pa ang nahulugan mo kesa sa nahulugan ko.” Sabi nito sa anak. “Gosh, I remember your mom.” Naging malungkot ang mga mata nito. Maya maya naman ay naging emosyonal na ito at nagsimulang umiyak kaya natataranta ko siyang pinakalma.

Ang kinatatakutan ng ibang kumpanya, ang founder ng Arcajante Bank Holdings at ang ama ni Cadmus Arcajante Jr. ay umiiyak ngayon sa harapan ko? Napaka-imposibleng paniwalaan ‘yon sa ibang mga tao.

Pero ang kinabahahala ko ngayon, paano kung hindi ako magustuhan ng kapatid niya? Kahit na hindi totoo ang relasyon namin ay mahalaga pa rin ito. Kailangan ay magustuhan din ako ng kapatid niya dahil ito lang naman ang trabaho ko tapos sobra sobra pa ang ibinigay sa akin. Kailangan kong bumawi.

Nasa driver’s seat ang Senyor Arcajante at nasa backseat naman kami ni Cade.

“Anong favorite color ng kapatid mo?” Pabulong kong tanong kay Cade.

“What?” Takang tanong nito.

“Favorite color?” Ulit ko dahil baka hindi niya lang narinig.

“Black, white, gold and red. She likes elegant things.” Sagot niya agad. “Why are you asking me that?”

“Baka kasi hindi niya ako magustuhan eh,” nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Napunta sa bintana ang tingin ko.

Nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Dahan-dahan niyang pinihit ang baba ko paharap sa kanya. Pagkatapos non ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

“Listen Erin, she’ll love you. She’s not really the judgemental type. You have the best sense of humor, the best laugh and smile. She likes humorous people. I’m the picky one and I chose you. Paano pa kaya siyang hindi judgemental, hindi ba?” Malambing nitong sabi.

Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya pero napalitan ko ito ng ngiti.

Sana nga.

Unang lumabas ang Senyor Arcajante sa sasakyan. Paglabas pa lang namin ay tanaw na naming dalawa ng katabi ko ang babaeng kulay pula ang kulay ng maikling buhok. Hindi tulad ng kanyang kapatid at ama na parehong moreno, ang babaeng ito ay mestiza.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero kapwa sila nakangiti at nagyayakapan. Nakapang golf outfit din ang babae na hula ko’y kapatid nga ni Cadmus.

Napunta ang tingin ni Cadesia sa kotseng kinalalagyan namin. May binulong si Senyor Arcajante rito na hula ko’y sinabi na rito ang tungkol sa akin. Mas lalong lumapad ang ngiti nito at masayang tumakbo palapit sa kotse.

Tatanggalin ko pa lang ang seatbelt ko ay humarang na naman ang mukha ni Cadmus sa harap ko. “Ako na,” sabi nito at tinanggal ang seatbelt ko. “Don’t be nervous, ‘kay… I promise she’ll love you, sweetheart.”

Pagkalabas namin, magsasalita sana ako para magpakilala pero sinalubong agad ako ng yakap ni Cadesia. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat pero ‘di kalaunan ay napangiti ako. Hinaplos ko ang likuran nito habang niyayakap niya ako.

“I finally met you! You’re so pretty oh my gosh! I should post you on Instagram so I can get more followers.” Natatawang saad nito. “Have you guys eaten yet? I prepared food. Maybe we should eat first before playing.”

Dire-diretso pa ang inggles nito! Wow! Halatang sanay sa nasyonal na lengguwahe.

I’m so jealous. I hope I have a family like this too.