Chapter 45
September 2017
"Sure ka bang itutuloy pa natin tong debut?" rinig kong wika ni Mama na nandon sa sala.
Walang gana lang akong kumakain ng cassava cake dito sa dining area na sa tingin ko kanina pa nauumay sa pagmumukha ko.
Nagulat nalang ako ng may biglang yumakap sa leeg ko.
"Kaym, balik ka na sa dati oh!" malungkot na wika ni cheesy.
Tinapik tapik ko lang yung nakapulupot na kamay sa leeg ko.
Bigla nalang kumuha si cheesy ng upuan na nakatago sa mesa at tumingin sakin ng diretso.
"Hanggang kailan kaba maging ganyan? Kaimee debut mo na kaya bukas, baka di mo rin alam" wika nito sakin na di ko naman napagtuunan ng pansin.
Ilang sandali pay naramdaman ko nalang yung pagbatok niya sa noo ko.
"Agay ano ba?" inis kong sabi.
"Para akong hanging nagsasalita dito, ano ba kaimee" galit niyang sagot sakin.
"Ano ba kasing problema mo?" ulit niyang tanong.
"Wala ka na dun!" sagot ko tsaka nilapag yung platito sa kusina.
Wala akong ganang makipagbiruan ngayon.
Aakyat na sana ako ng kwarto ng may humila na naman sakin.
"Chee- axel?" gulat kong tanong sa kanya, tsaka tinanggal yung pagkahawak nito sa kamay ko.
"Di ka pa talaga okay, tara na may pupuntahan tayo" agad niyang hila sa kin na pilit kong nilalabanan.
"Ayoko nga!"
"Wag ng makulit" wala akong laban na sumunod sa plano nito.
Di ko alam kung san yung direksyon namin basta sa oras nato nandito kami sa loob ng jeep at nag antay pa ng mas maraming pasahero.
"Hon, gutom na kasi ako" rinig kong wika ng babae na kaharap lang namin ngayon.
"Konting antay nalang hon, makaabot din tayo. Okay? Wag ng magtampo." sagot naman ni Hon este ng kausap niyang lalaki na dahilan ng pag igting ng sarili kong panga.
Ang Lalandi!
Agad ko nalang naramdaman yung pag gulo ni Axel ng buhok ko at ngiti ngiti pa.
Nakain nito?
"Ano ba?" inis kong tanong at iniwas yung kamay nito.
"Alam mo kaym, gusto ko rin sana ng honey eh" bulong nito sakin na ikinagulat ko.
"Kaya lang, may iba na pala siyang honey" malungkot nitong sabi tsaka tumitig sakin.
Dahilan para umiwas nalang ako.
Nagpatuloy lang yung biyahe ng ilang sandali pay nakarating din kami sa di ko malamang destinasyon.
Una ko nalang napansin pababa.
"Cementry?"
Nakita kong umunang maglakad si axel sakin, kaya sumunod agad ako.
Ayoko ko ngang mastuck dun, baka may biglang babangon at yayain ako sa hukay.
No way!
Ilang lakad rin at bigla nalang itong napahinto kaya minasdan ko ng tingin ang paligid pero saglit lang baka may makita pa kong di karapat dapat.
"Hi Lola, andito na naman ako" rinig kong wika ni axel matapos siyang may tiningnan sa harap kaya mas lumapit ako.
Maxima Aguilar Zubiri
Basa ko dun sa nakasulat na lapida. Bakas dito ang pagiging bago dahil malinis pa ang pagkakapintora ng lahat.
Ilang sandali pay biglang tumahimik si axel kaya palihim kong tiningnan.
Malay natin baka tulog lang.
Kaya lang agad ko ring narinig yung hikbi.
"Sobrang miss na kita lola, tsaka birthday ko na bukas. Panibagong birthday pero wala ka" mahinahon nitong wika kaya linapitan ko sya at hinimas himas yung likod.
"Pero alam mo lola, parang may dahilan yung lahat ng pangyayari. Matapos mo kong iwan, nakilala ko na si Mama. Tama ka nga talaga, sa kanya ako nag mana. Nagmana ng kapogian haha" kwento pa nito na pilit pang tumawa.
Di ko alam pero may namumuo ding luha sa mata ko.
"Tsaka tong magandang babaeng kasama ko? "
Napalingon ako agad nung nabanggit niya yung maganda.
Ah basta yung babae daw na kasama ngayon.
"Siya po yung kinukwento ko sayo dati. Kaya lang parang dun lang talaga siguro. Pero wag kang mag alala habang buhay naman yung pagiging magkaibigan namin.
Isa pa, siya din po yung birthmate ko"
May kung anong gulat akong naramdaman pero patuloy parin ako sa pakikinig.
"Sa katunayan nga, siya talaga yung tumulong sakin na makita si mama.
May dalawa pa po akong kapatid si Ranz tsaka si Maxine. Isinunod din po sa pangalan niyo kahit na si Papa naman talaga yung anak niyo." kwento pa nito na ngayoy di na masyadong umiiyak.
Napatayo rin ako agad nung naramdaman kong tumayo ito.
Ilang sandali pay umuna na itong maglakad kaya sinundan ko rin.
Hello? Ayaw ko nga kasing mastuck don.
Baka meron pang bangkay na binata na gusto akong ligawan. Ayoko nga!
Tahimik lang kaming naglakad lakad palabas ng cementry ng ilang sandali pay.
"Axelllllll"