Chapter 46

"Oo na nga papasok na ko" sagot niya sakin nung pilit ko syang pinapapasok sa gate nito habang tinatakpan yung ilong ko.

"See You" pahabol niya sakin.

"Maligo kana, abot dito yung amoy mo" sagot ko dito at umuna ng maglakad.

Pano ba naman kasi sa sobra niyang seryosong maglakad may natapakan siyang di dapat matapakan.

Okay sana pag may extra tubig sa sementeryo. Pero halleer puro kaya kadamuhan dun.

Ang tanga tanga din eh.

Buti na nga lang may tirang newspaper dun sa nakabalot na bulaklak kaya yun ang ginawa niyang pang ewww.

Ayaw kong alahanin.

Kaya ayun ending, umuwi kami agad.

Buti lang talaga sa sapatos lang dahil kung hindi. Baka liparin ko rin talaga galing cementry hanggang bubong ng bahay namin.

Dahan dahan lang yung galaw ko na naglalakad pauwi ng may nakita akong di karapat dapat.

Si Cheesy, Steven at siya.

Nung pansin kong patungo sila sa isang direksyon nagtago ako sa may gilid.

Naramdaman ko na naman ulit yung sakit nung pilit inakbayan ni steven si patrick pero umiwas ito.

May iba sa hitsura nito na di ko mawari.

Na mimiss ko na siya.

Sobra.

Ilang sandali pay agad kong pinunasan ang sariling mukha dahil sa iilang agos ng luha nito.

Nung pansin kong nakadaan na sila agad akong nagpatuloy sa kaninang ginagawa pauwi.

Di ko alam kung magkakaayos paba kami.

"Piliin mo na siya" yun yung mga salitang di ko inasahang marinig galing sa kanya.

Kasalanan ko rin kasi siguro.

Pero mukhang tama rin kasi yung ginawa ko.

Yung nagpupumilit siyang alamin yung pagitan namin ni axel mas nangingibaw na mas pagtagpuin ko yung dalawang taong never pinagtagpo ng tadhana.

Pero di ko akalaing magiging ganto, sobrang hirap.

Nakauwi narin din ako sa bahay na walang gana.

Dumiretso lang ako sa kwarto at umidlip.

Kinabukasan

Oo alam ko!

Alam na alam ko, birthday ko nga!

Bat ba kasi naging sunday tong araw na to?

Edi sana di ako mapipressure.

Nakahilata parin ako sa kwarto nung pumasok si cheesy na may sunflower na naman sa ulo.

Napairap nalang ako agad.

"Sad Birthday Kaym" masaya nitong bati sakin. Para tong tanga!

Ilang oras din ang nagdaan ay kanya kanya na silang pumunta ng exclusive pool na Joint 18th Birthday slash Debut ko at ni Axel.

Si Tita Rose yung nakaisip nun kaya wala naman akong magawa kahit labag sa kalooban ko.

Di ko nga alam anong gagawin ko dun.

Mga 6 pm na siguro nagstart pero wala parin ako sa mood.

Ewan ko nga kung anong theme meron tong birthday nato.

Baka joint theme din , may nakikita akong naka semi formal tsaka merong nakahawaiian.

Mas kapansin pansin ng mga mata ko yung iilang babaeng puro naka longdress na mukhang pupunta ng beach at may nakapatong na naman na sunflower sa ulo pero walang masakyan kaya mas piniling pumunta ng party.

Agad ko lang napansin kong sino yun nung humarap ang walang hiyang leader nila.

Si Cheesy.

Kasama ang mga classmate ko.

Napailing iling nalang ako sa mga kaartehan nito.

Agad rin namuo yung hiyawan nung pumasok ang tatlong zubiri na puro naka suit.

Makalaglag panga nga naman ang mga lahi nito.

Napailing iling din ako sa mga naiisip.

Ilang sandali pay magsimula na ang nakakapagod na party.

Marami pa itong seremonyas na ginawa habang ako eh inip na inip na dito sa pwesto ko.

Nagdaan ang treasures , candles na walang kataposang realtalk at tbh.

Ilang sandali pay naging seryoso ang lahat.

Unang lumabas si papa na hindi ko alam kong anong trip, naka suit pero may nakabuhol buhol na cheche bureche sa may leeg.

Malamang kila cheesy galing to.

Tsaka ako binigyan ng red rose.

Hayyss buti naman dahil di ko kakayanin pag sunflower yung ibibigay sakin.

Sinundan ni Tito Pets na kinareer yung hawaiian polo nito natawa nalang ako sa mala model nitong pagrampa kahit na melody yung background music.