Chapter 33
"Discipline and Ideas in the Applied Social Sciences"
Rinig kong basa ni Cheesy sa isa pang mataas naming subject.
Nakita ko na lamang na may isinulat si Mam sa board.
Counselling
"Counselling falls under the umbrella term "TALKING THERAPIES" and allows people to discuss their problems and any difficult feelings they encounter in a safe, confidential environment."
Panimula ni Mam sa discussion tapos may kinuha na naman itong box sa table at humarap samin.
"Hanggang dun muna ang discussion, dahil meron tayong activity. Base sa topic natin, i want you to act as either the counselor or the client 30 kayo lahat , pero 15 lang dito ang may pangalan the other 15 is empty--" sabi ni mam sa may platform.
Hayss ano na naman kayang naisip nito, mukhang di ko gusto ah.
"Pag may nakuha kayong name , meaning kayo yung counselor, pag nakareceived kayo ng empty meaning kayo yung client"
Napareklamo nalang yung iba kong kaklase dahil may ibang di pumapayag pero wala din naman silang magagawa.
Isa isa kaming bumunot dun sa harap at bumalik na rin sa pwesto.
Arrange your chairs into two.
Hayss ang hassle naman nito.
Tiningnan ko yung papel na nabunot ko
#Empty.
At dahil nga sa empty yung sakin wala akong ibang ginawa kundi ang umupo.
Agad ring tumayo si cheesy at lumapit dun sa gawi nila Ace.
So, sa lagay nato mukhang ako yung client na kailangang e counsel.
Agad nag hihiyawan yung iba kong kaklase nung mga kaibigan lang din nila ang nakaparehas, kasi nga by pair.
"Excuse me mam, kailangan ba english pag nagtatanong?" tanong nung kaklase kong babae na may sunflower sa ulo.
"No, free kayo sa language dahil counselling to, mas kailangan niyo ng mas maliwanag na pag uusap.
The only thing you write in the paper is yung problem at yung action or yung maging sagot sa problema. Okay?" paliwanag naman ni mam na tinanguan din ng lahat.
"Lahat na ba may partner? " Tanong ni mam sa harap, tiningnan ko yung paligid.
Mukhang ako lang yung walang partner ah? Tinakbohan yata ako.
Ng ilang sandali pay umupo sa tabi ko si Patrick.
NO WAY!
Parang gusto ko na yatang umuwi sa oras nato.
Eh! Ba't ba kasi tong taong to pa?
Nakakailang.
Okay sana pag may topic na pero halleer? Counselling to at ako pa yung kliyente. Ano na namang problema yung dapat kong e share dito?
Ehhhh ayaw ko nito. Naman kasi!
Agad itong may sinulat sa papel.
Counselor: Deym Patrick Mendoza
Client:
Problem:
Agad niya rin tong binigay sakin na di man lang tumingin.
Eh, pano ba to? Impossible namang di kami mag uusap eh counselling nga!
Ano bang dapat kong isulat na problema?
Hayys, para akong kinakabahan na ewan. Baka nga namutla na ako sa lagay nato.
"Ah, pa- patrick!" ilang kong tawag sa kanya.
"Kayo diyan, ba't di pa kayo nag uusap!" napapikit nalang ako nung napansin kong kami pala yung tinatanong ni mam.
"Baka LQ" rinig kong sabi ng isa kong kaklase sa harap. Na ikinalingon ng lahat.
Hayss sino naman kayang walang hiya ang nagsabi nun.
"Kung meron man kayong personal na problema, yun nalang yung gawan niyo ng sagot!"
"Mam?" sabay na sagot namin ni patrick.
Napailing nalang si mam dahilan ng panunukso ng mga kaklase ko.
Bwisit. Bwisit.
Bwisit.
Di umimik yung isa pero kinuha yung papel na ibinigay sakin tsaka nagsulat ng panibago.
Counselor: Kaimee Victoria Marquez
Client: Deym Patrick Mendoza
Problem:
Pano pasayahin ang pusong nasaktan?
Basa ko sa sinulat nito na dahilan ng pagtayo ko.
"Ano yun Ms. Marquez?" agad na tanong ni mam.
Napaupo nalang din ako agad.
"Eh? Diba ako yung kliyente?" naiilang kong sabi sa kanya.
Agad itong humarap sa kin na ikinabigla ko ng sobra.
"Ako yung may problema" mahina nitong sabi.
"Na ikaw lang yung sagot". Pahabol nito tsaka seryosong tumitig sakin.