Chapter 4
Sa dami ng problemang dumating, masasabi mo na bang matatag ka? Iyon bang kahit anong pending problems pa ang dumating sa buhay mo, alam mo sa sarili mo na makakaya mo?
We're friends since elementary. We grow up together. We make memories as a friends. And now, here I am thinking about my feelings, about our past. Kung aamin ako maaaring magbago ang pakikitungo niya, kapag hindi, maaaring mawalan na ako ng chance sa mga susunod pang mga araw na magdaan.
Ewan ko. Ang gulo.
It's been a week since the day my Mom and I talked. Isang linggo ko na ring pinag-iisipan ang gagawin ko, ang sunod na hakbang ko.
Ngunit hanggang ngayon ay ganoon pa rin, walang pinagbago. Sa loob ng dalawang linggo, sinubukan ko ring alisin siya sa isip ko at pilit na kinukumbinsi ang sarili na h'wag na siya ang isigaw ng puso ko. But I can't. Palagi na lang akong bumibitaw kapag siya na ang usapan.
"Nandiyan ba si Fort?"
Halos mahulog ko ang hawak kong tinidor ng marinig ko ang boses ni Shad sa labas ng room. Nakasarado ang pinto pero ang kortina ay nakalihis. Kaagad akong nagtago sa malaking kahon at sinenyasan ang mga kaklase kong nandito sa loob na sabihin sa iba naming kaklase na wala ako.
Ayaw ko siyang harapin.
Natatakot ako na baka may masabi akong hindi dapat.
"Wala siya e, nagpaalam siya na may pupuntahan daw," ani ng isa.
"Ganon ba, alam niyo ba saan siya nagpunta? It's been a week pero hindi ko pa rin siya nakakausap."
"Hindi e. Try mong natungin si Shobe."
Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya iyon. Si Shobe?
"Ah—rouch!" sigaw ko sa sakit ng mahulog sa akin ang decoration na nakadikit sa pader, sinabayan pa 'yon ng pagbagsak ng karton sa akin kaya naman napa-upo ako at halos mangiyak-ngiyak na dahil sa sakit.
Maya-maya, rinig ko na ang mga yabag ng paang papalapit. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa paa ko upang hindi ito kumawala at lumagpas sa natatakpan ng karton. Ngunit bigo ako. Ilang saglit lang ay nasilayan ko na ang liwanag na nanggagaling sa labas ng silid ng tuluyang matangal ang karton na nakatabon sa akin.
Nag-angat ako tingin kahit na nahihiya akong harapin siya. Nahuli ako!
Bumagsak ang balikat ng mga kaklase ko. Ang effort-effort pa man rin nilang magsinungaling tapos sinira ko lang.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Ngunit natutop ako sa kinauupuan ng marinig ang boses ni Shad sa aking gilid. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.
Ang kilay nitong makapal ay magkasalubong at ang mata niyang namumungay ay nanlilisik but after all he still look like worried about... me? Malamang.
"Bakit mo ba ako tinataguan?" tanong niya.
Hindi ko siya sinagot, bagkus ay pinagpatuloy ko pa ang pagpupunas sa aking palda na puno ng alikabok. At kahit pa tapos na ako sa ginagawa ay patuloy pa rin ako sa pagwasiwas ng panyo upang maiwasan ang sunod-sunod niyang tanong na hindi ko kayang sagutin.
I heard him took a deep breath. He walked infront of me and hold my cheek to make my head look up.
"Nagbago ka, Fort. Last week okay pa naman tayo, si Shobe lang ang may problema pero ba't parang pati ikaw nadamay? Naguguluhan ako, gusto ko ng kasagutan, Fort."
"May mga tanong na hindi mo kailangan ng sagot—"
"But I need right now. H-Hindi ako mapakali, Fort," Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa magkabilang mata ko. Bumaba ang kaniyang kamay sa aking balikat. "Hindi mo alam kung gaano akong nag-aalala sa 'yo. Tinatawagan kita, si Tita pero walang sumasagot."
"Shad, I need some space. Gusto ko munang mapag-isa, please."
Walang sali-salitang iniwan ko siya sa loob ng aming silid. Kinuha ko ang bag ko bago umalis sa campus na iyon.
Ang hirap. Ngayon pa lang na ganito ang nangyayari ay nahihirapan na ako. Paano pa kaya kapag nalaman na niya? I don't want to hurt him, nasasaktan rin ako kapag nasasaktan ko siya.
"Fort?!"
Kaagad akong kumaripas ng takbo ng marinig ang boses ni Shobe. Mabilis itong tumakbo upang maabutan ako, mabuti na lamang at nakapag-tago ako sa isang kotse sa likuran ng poste.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang dismayadong bumalik si Shobe sa loob ng campus. Sorry, but I can't face y'll right now.
"May tinataguan ka?" Halos tumalon ang puso ko sa gulat sa biglaang pagsulpot ng kung sino sa aking harapan. "Pamella," dagdag niya.
Inilahad ang kaniyang kamay sa aking harapan. Nginitian ko ito saka inabot ang kamay niya upang makipag-shakehands.
"Fortis, Fort na lang."
Bumitaw na ako sa kamay nito at inayos ang aking sarili.
Mukha siyang eligante. Ang ganda ng suot nito kahit na parehas lang naman kami ng suot dahil nasa university kami, uniform ang suot namin. Ngunit ang kaniya at talaga namang bumagay sa kutis nito. Pares rin sa boots at kwintas na suot niya. Ang buhok nitong itim at makapal ay nakaipit ng mataas, sa dulo ay kulot. May kolorete siya sa mukha na mas nagpaganda sa kaniya.
"I know you, Fortis Guttierez, right?"
"P-Paano mo..."
She smiled sweetly and hugged me.
"I'm glad that I already see you. I... I only saw your face on pictures. Maganda ka nga talaga, no lies."
Nakakailang.
Nakatakas ako sa dalawa ngunit nahuli ako ng isang taong ngayon ko lang nakita. She's not familiar with me. Transferee ba siya?
"Who are you? I never seen you before," I said.
She rolled her eyes and laugh. Tumalikod ito upang buksan ang pinto ng kotse na sa tingin ko ay sa kaniya. May kinuha siya sa loob ng sasakyan, isang kahon na kulay brown at inabot iyon sa akin.
"P-Para saan 'to?"
"Just a bit appreciation for everything you've done. Here, tanggapin mo."
"Ano? Kanino? Hindi kita kilala, Miss. Ano— Miss!"
Hinabol ko ito ng mabilis siyang umalis sa aking harapan at pumasok sa loob ng campus. Kahit naka-heels ito ay ang bilis pa rin ng takbo niya. Huminto ako at hindi na siya sinundan pa. Nasa loob pa si Shobe at Shad, kung mahabol ko man iyong babaeng iyon ay makikita ko naman ang dalawang iniiwasan ko.
Hindi lang siguro ito ang pagkakataon na makikita ko siya, 'di ba? Kase nasa parehong unibersidad kami. Hindi malabo 'yon.
Naglakad na lamang ako paalis ng university. Mabilis akong nakasakay sa jeep dahil hindi naman rush hour ngayon. 4:38 p. m. na rin kase at lahat ng estudyante ay nasa school na at pati na rin ang mga employees.
Ligtas akong nakarating sa bahay. Walang tao sa loob. Tanging ang mga gamit sa bahay ang bumungad sa akin. Palagi naman.
Naupo sa sofa at ninamnam ang sarap na dinudulot n'on sa aking katawan. Matapos ng magdamag na nakatayo at upo sa school ay sa wakas nakahiga na rin ako.
Ngunit habang pinapahinga ang katawan ay napatingin ako sa mesa. Dala-dala ko pala ang box na ibinigay sa akin ng babaeng iyon— Patricia? Pia? Alam ko na! She's Pamella. I don't her full name. Hindi siya mahirap hanapin sa campus just in case magtanong-tanong ako. Ibang-iba kase ang pormahan niya kaysa sa ibang student doon.
Public school lamang ang TNHS ngunit ang suot niya'y para siyang pumapasok sa BIS o SIS. She's elegant.
Kinuha ko ang kahon at inilagay sa aking hita.
Ayos lang naman siguro kung bubuksan ko 'to, 'no? She gave it to me so basically it's mine. Pero bakit ko bubuksan kung galing 'to sa taong kanina ko lang nakilala? I don't even know her surname, pangalan lang niya.
What if death threat 'to? Suicide note? Pero bakit naman niya ako bibigyan n'on?
Just a bit appreciation for everything you've done. Here, tanggapin mo.
Naalala kong muli ang sinabi niya sa akin. Kahit anong gawin kong pag-iisip ay hindi ko pa rin lubos maisip ang nagawa ko sa kaniya para bigyan niya ako nito. O baka trip niya lang?
Bwisit! Ang dami ko ng iniisip at dapat isipin, dumagdag pa 'to. Marami pa akong dapat tapusin na activity, may report rin ako pero ito ako; nag o-overthink ng dahil sa babaeng 'yon.
Lumipas ang magdamag. Itinabi ko na lang ang box at hindi na binuksan pa. Naku-curious ako pero mas lamang pa rin sa akin ang concern. Concern kung sino ba siya; anong dahilan niya; bakit ako. Ang dami kong tanong ngunit lahat ng 'yon ay walang kasagutan.
Nang matapos kong lutuin ang pancake at binudburan ko 'yon ng chocolate syrup. Mabuti na lang meron pang natirang isang box kaya may nailuto ako.
Ibinalik ko ang bote ng syrup at akmang uupo na sa harapan ng mesa upang kumain ng makaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Para akong nahihilo at sumasakit ang ulo, 'yon pang pakiramdam na binubunot ang buhok mo ng sabay-sabay.
Sandali akong natigilan at napahawak sa aking ulo. Maya-maya ay laking pasasalamat ko ng humupa ito. Naupo na ako at sinimulang kumain ngunit ang isip ay hindi pa rin maalis sa nangyari.
Hindi ko lubos maisip kung bakit ako nakakaramdam ng ganoon. Hindi lang ito ang unang beses dahil nang mga nakaraang araw ay ganoon rin ang nararamdaman ko. Kakaiba. Nakakatakot. Sa tuwing inaatake ako nito ay ayaw kong nakikita ni Mama o nang kahit sino. Ayaw kong mag alala pa sila ng dahil dito sa hindi maipaliwanag na sakit.
—
Isang araw ang nagdaan magmula ng takasan ko si Shad. Linggo ngayon kaya hindi kami nagkita ni Shad o maski si Shobe kahit kahapon. Hindi na rin nagpunta si Shad dito sa bahay dahil alam kong may practice sila ng banda niya. Malapit na kase ang laban kaya dapat lang na todo practice sila.
Mabuti na lang at nandito si Mama. Hindi siya pumasok dahil darating ang Tita ko, kapatid ni Papa. Ngayon kase ang 4th death anniversary ni Papa. Ilang taon na rin pero grabe pa rin ang sakit sa aking dibdib. Hindi na 'ata ito mawawala.
Nagbuntong-hininga ako saka pinulot ang mga gamit na nasa sahig. Nagwalis na rin ako habang si Mama ay nagpapalit ng kortina. Katatapos lang din niyang magluto kaya itong bahay naman ngayon ang aasikasuhin namin.
Siguro isang buwan bago kami magpalit ng kortina at iilang gamit sa bahay gaya ng balot ng sofa, punta ng unan at bedsheet. Sobrang busy na kase namin at hindi na nabibigyan ng oras ang bahay.
Nang matapos ay pinaligo na niya ako dahil parating na daw sila Tita. Sumunod na lang ako dahil ayaw ko rin namang mag-amoy pawis habang kaharap sila.
Hindi kami ganoon ka-close sa ibang relatives ko. Magmula talaga ng pumanaw si Papa ay mas lumayo ang loob namin sa isa't isa. Hindi sila gaanong nakakabisita dito sa bahay, ganoon rin naman kami but still we're family. Walang galit o ano mang sama ng loob ang pumapagitna sa relasyon ng pamilya namin.
Even they're not that so open, they're the best. Si Tita at ang pamilya niya ang naging second family ko lalo na nang araw na mawala sa amin si Papa. Sa sobrang depressed ni Mama ay napapabayaan na niya ako and she is, my Auntie Janine became my crying shoulder.
"Good morning, Tita," bati ko sa kaniya. Nilipat ko ang tingin sa dalawang anak nito at sa asawa niya. "Good morning, Tito, Jason and Jamie."
"Ang laki mo na! Dalaga na ang unica hija ninyo."
"Oo nga, ang bilis ng panahon," ani ni Mama. "Hali na't pumasok sa loob. Kumain muna tayo bago umalis."
Sa apat na taon na wala sa amin si Papa, taon-taon namin siyang pinupuntahan sa puntot niya kasama ang kapatid nito at ang mga pamangkin niya. Minsan lang kase sumama ang asawa ni Tita Janine dahil busy ito sa trabaho.
"Ang dami mong medal, Insan."
Napatingin ako kay Jamie ng sabihin niya 'yon. Nakatingin siya sa mga medal kong matagal ng nakasabit sa pader kasama ng mga certificates. Iba't ibang medals at certificates ang mga 'yon. Galing sa contest sa school at mga achievements ko gaya ng pagiging honor student. Sa katunayan ay walang-wala iyan sa kung gaano karami ang kay Papa. Top student rin kase siya ng kabataan nila.
"Siguro may boyfriend ka na," sambit ni Tita. Pabiro pang kinurot ang tagiliran ko. "Meron na ba?" Ngiting-ngiti na biro nito.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Madali lang naman na sabihing wala pero paano kung may follow up questions siya? 17 pa lang ako. Normal lang naman siguro na walang boyfriend ang nasa ganitong edad?
Hindi pa ako nakakasagot ng sunod-sunod ang pagdoor bell sa labas ng bahay. Nagkatinginan kaming lahat na nasa hapag. Nagpapakiramdaman kung sinong magbubukas ng pinto kaya naman tumayo na ako para ako na ang pumunta doon at ng hindi na sila maabala pa.
Pagbukas ng pinto at tumagilid ang ulo ng makita ang pamilyar na mukha sa aking harapan.
"Anong ginagawa mo dito?"