Chapter 5

Hirap ako sa pagsubo ng pagkain maski sa paglunok. Pakiramdam ko ay may kung anong bumabara sa aking lalamunan. Ang hirap! Para akong mapupugutan ng hininga ano mang oras.

Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Tita Janine ng magsalita siya. Tumikhim muna ito at umayos ng upo bago nilingon ang katabi ko.

"Bestfriends lang ba talaga kayo?" Mapanukso ang ngiti nito.

Awkward na napangiti si Shad. Oo, si Shad! Siya ang pinagbuksan ko ng pinto kanina. Nakakainis nga at bakit ako pa. Tinanong ko siya kung bakit siya nandito ang sagot lang niya ay bibisitahin ko si Tita. Alam rin kase niya na ngayon ang death anniversary ni Papa, palagi rin namin siyang kasama dahil close rin naman sila ni Papa.

"Friends lang po talaga kami, close friends, gan'on." Pagpapaliwanag nito.

"Matagal na rin kase kaming friends Tita kaya close talaga kami." Gatong ko.

Gusto ko pang dagdagan ang sasabihin ng tumayo si Mama at nagtungo sa kusina. Pagbalik niya ay may bitbit itong bowl na may lamang ulam.

"Kain nang kain, magpabusog kayo," sambit nito. Lihim niya ako sinipa sa paa, hudyat sa ginawa niya.

Naiintindihan ko. Mabuti na lang. Thank you, Mama! Savior talaga kita kahit sa ganitong mainit na question and answer.

Natapos kami sa pagkain at ako na ang naghugas ng pinggan. Ang mga pinsan ko naman ay nasa sala, si Tita Janine at Mama ay magkausap sa labas ng bahay habang ang asawa ni Tita ay nasa sasakyan na gagamitin namin. Kinakarga niya ang mga bagahe na dadalhin namin mamayang aalis.

Si Shad, ito, nasa likuran ko. Hindi maalis ang paningin nito. Para bang lahat ng kilos ko ay kinakabisado siya at sobra akong naiilang. Gusto ko siyang sabihan na umalis na muna sa aking likuran dahil may ginagawa ako ngunit hindi ko siya kayang harapin ng kami lang dalawa.

"Fort, kumusta ka?" Inilagay ko ang huling pinggan na aking binanlawan sa lagayan. "It's been a week. Something happened?"

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.

"Ayos lang ako. Sadyang busy lang," sagot ko. "Sabi ko sa 'yo, kailangan ko ng time, bakit nandito ka? Naiintindihan kong nakikiramay ka pero pwede mo naman iyang sabihin kapag okay na lahat."

"Okay ang lahat? Kailan pa?" Tumaas-baba ang balikat nito. Nalingat ako ng tingin sa kaniya. Seryoso itong nakatingin sa akin ngunit ang mga mata niya'y nagtatanong. "Anong aayusin? Hindi mo sinasabi sa 'kin, Fort kaya paano natin maaayos? Hindi ka naman ganiyan dati, kapag may problema, sa akin man o sa iba ay pinag u-usapan natin pero iba 'to. Iba itong nararamdaman ko."

Iba na rin ang akin, Shad. But I know we don't feel the same. Yours is curiosity while mine is love.

I want to say those words but my mouth kept on shut. I can't. Kailan ba ang tamang panahon para dito? Kapag huli na ang lahat? Kapag nangyari na 'yong gaya sa past ni Mama? Ang hirap. Ang sakit.

Ang sakit pa lang magmahal.

"People can change. Malay mo hindi na talaga ako 'yong dati, 'di ba?" Pilit kong pinipigilan ang luhang nagbabadyang bumuhos sa aking mata. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, dahil ba sa inis, sa sakit, o sa feelings kong hindi masabi sa kaniya?

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bimpo. Umaasang mailalabas ang lahat ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng paghawak ko ron ng mahigpit.

Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Ang bilis nito. Pakiramdam ko ano mang oras at sasabog ito.

"Anak, Shad, halina kayo," sabi ni Mama na kakarating lang sa kusina.

Tipid ko siyang nginitian bago sumunod. Ramdam ko namang nakasunod sa aking likuran si Shad. Parang bawat kilos ko ay nakabantay ang mata nito. Nakakatakot na magkamali. Na baka mabisto niya ang nararamdaman ko.

Hindi pa ako handang sabihin ang totoo. Hindi ko alam kung kailan. Pero sana magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya.

I don't want to lose our friendship but this damn feelings is already hurting me day by day.

Napahawak ako sa ulo ng maramdaman ang pagkahilo. Sandali akong huminto, pinapakiramdamam ang sarili ngunit isang malamig na palad ang naramdaman ko sa aking balikat.

"Ayos ka lang ba?" Si Shad. Napayuko ako at mariing pumikit. Iniiwasan ang nagtatanong niyang mga mata.

"Ayos lang, mauna ka na."

Tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa akin saka lumihis sa dinadaan para bigyan siya ng daan. Nang makalabas ito ng bahay ay saka pa lamang ako nag-angat ng tingin ngunit hindi ko inaasahan na nandoon siya, nakatayo at nakatitig sa akin.

He smiled. Hindi iyong totoong masayang ngiti na noon ay pinapakita niya sa akin. Ngayon, ang nakikita ko'y naku-konsensya, nasasaktan, naaawa. Hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong maramdaman.

Bumalik ako sa kusina at kumuha ng baso ng tubig. Nang mainom 'yon ay laking gulat ko ng makita si Mama na nakatayo sa pinto. Nakapa-krus ang mga braso nito at nakasandal sa pader ng pintuan.

"Iniiwasan mo pa rin siya?" tanong nito. "Nagtatampo na si Shad, hindi mo ba napapansin?"

"Ma, ang hirap makisama sa kaniya. Hindi ko siya matagalan magmula ng naramdaman ko 'to," ani ko. Napasapo na lang ako sa noo at muling nagsalin ng tubig sa baso. "Gusto ko nga siya pero hindi niya 'yon napapansin."

"Sa tingin ko, natural lang 'yon lalo pa't lumaki kayong magkasama bilang magkaibigan. Hindi kita ipatutulakan na aminin ang nararamdaman mo. Pero Fortis Guttierez, if you truly love the person, you'll take the risk just for them."

Mas lalo akong nanlumo sa sinabi ni Mama. Tama siya. Lumaki kaming sabay ni Shad, sweet sa isa't isa, natural na sa 'min 'yon dahil wala namang malisya sa 'min pati na rin sa mga taong nakapalibot sa amin pero iba na ngayon. We're still friends not I'm the Fortis Guttierez that he know. I'm not his bestfriend anymore, I am his admirer.

Inaya na ako ni Mama na sumakay ng van matapos ng maikling pag-uusap namin. Hindi ko maiwasang hindi lingunin si Shad dahil katabi ko ito. Tahimik siya, ganoon rin ako.

Walang nagbukas ng topic sa amin dahil na rin siguro sa nangyari kanina. Iniiwasan na rin ba niya ako? Mas mabuti 'yon. Dahil mas mapapadali ang pagtanggal ko nitong pesteng nararamdaman ko.

Isang tahimik na byahe ang naganap. Halos kalahating oras rin ang naging byahe namin kahit na walang traffic. Malayo-layo kase ang puntod ni Papa. Sinunod namin siya kung saan nakalagay ang labi ng kaniyang ina, ang lola ko.

"Pa, nandito na ulit ako. Kasama ko si Mama, sila Tita, pati si Shad," Bungad ko sa kaniya. "Kwentuhan tayo mamaya, marami akong iku-kwento."

"Fort," pagtawag sa akin ng pinsan ko.

Lumapit siya sa akin bitbit ang basket. Kasunod niya si Shad na may bitbit na blanket. Siya na ang naglantag n'on sa damuhan habang kami ni Jason ay nag-aayos ng pagkain. Si Tito ang siyang nagpark ng sasakyan habang si Mama at Tita ay nag-uusap sa 'di kalayuan. Iyong si Jamie ay hindi matigil sa paglalaro ng kaniyang cellphone, parang wala ng bukas sa batang 'yon.

"Tulungan ko na kayo."

Hindi ako sumagot. Ni isang salitang ay walang lumabas sa bibig ko. Para akong napipi, mapupugutan ako ng hininga sa ginagawang paglapit ni Shad.

"Pinapabuhat pala ni Papa 'yong stand ng payong, pwede mo ba 'kong samahan?"

"Ako ba?" tanong ko. Hindi pa man nakakasagot si Jason ng sumingit si Shad.

"Halika, samahan na kita."

"Ja—" Hindi na ako nakapagsalita pa.

Bumagsak ang balikat ko sa inasta ng dalawa. Bumalik na lang ang tingin ko sa puntod ni Papa. Mapait akong napangiti ng parang shooting star sa bilis na bumalik sa aking isipan nang panahon na kasama pa namin siya hanggang sa malagutan ito ng hininga.

"Paano ka nagkalakas ng loob na umamin kay Mama? Sana kagaya mo rin ako, Pa," ani ko. Sumalampak ako sa damuhan at marahang hinaplos ang kaniyang lapida. "Bigyan mo ako ng lakas ng loob. Gustong-gusto ko ng umamin, pero natatakot ako na baka magbago ang pakikitungo niya sa akin. Ang hirap pa lang ma-in love, ang daming kaakibat na responsibilidad."

"Hindi ba p'wedeng kapag na in love ka, iyon na 'yon? Bakit ba kase kailangan pa nating masaktan, magdusa, kung bakit ang dami-rami pang dapat mangyari bago ka maging masaya."

"Bigyan mo ako ng sign, Pa. Alam ko na alam mo kung ano itong tinitibok ng puso ko. Hindi kita nakikita pero alam kong nakikita mo ako, sana sa susunod na pag-ulan, lakas ng loob ang makuha ko at hindi lagnat— sakit o ano mang hindi maganda."

Nagbuntong-hininga ako saka pinagpagan ang lapida niya. Tinanggal ko ang iilang piraso ng dahon na napatong dito. Ang lanta na bulaklak na ibinigay namin ni Mama ay nandito pa rin.

Nang dumating na silang lahat ay saka namin sinimulan magdasal. Pinagtirik ng kandila ang magkabilang sulok ng kaniyang lapida. Pinalitan na rin namin ang bulaklak na nandon at sa ngayon ay tatlo na. Isang galing sa amin ni Mama, kay Tita at kay Shad.

Napaisip tuloy ako. Bakit 'yong mga patay ay mas marami ang natatanggap na bulaklak kaysa sa buhay? Alam kong hindi ito ang sagot, pero ang sakit isipin na mas pinapahalagaan ang isang tao kapag wala na ito.

Matapos naming magdasal ay saka naman kami kumain. Nagkwentuhan. Si Mama naman ay sinolo muna si Papa, kung ano-anong kwento nito. Sa tingin ko nga'y wala pa siya sa kalahati kahit na mahigit isang oras na siya doon.

"Dalaga na talaga ang anak natin, Fredy," sabi ni Mama. "May napupusuan na." Dagdag nito.

Nanatili akong nakaupo sa likuran ni Mama, nakikinig sa mga sinasabi nito kay Papa. Sa mga sinasabi ni Mama sa kaniya, hindi ko ma-imagine ang itsura nito. Masaya kaya siya para sa akin? O gaya ni Mama na masaya pero may parteng nag-aalala?

"Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko, Fred. Makakalungkot lang na kapag nangyari na ang kinatatakutan ko'y tuluyan na nga akong magiging mapag-isa sa mundong ito."

"Ma," Suway ko.

Kahit naman mag-asawa ako, hinding-hindi magbabago ang pakikisama ko sa kaniya. Ayaw ko ng magdramahan na naman kami dito, nakakahiya dahil may iba kaming kasama. Kakaiba kase mag-drama si Mama, pang MMK ang peg niya.

Mabilis na lumipas ang oras. Matapos magdaldal ni Mama sa harapan ng puntod ni Papa ay inaya na kami nitong kumain. Marami-rami rin ang pagkain kaya ang sakit sa tiyan, hindi ko na nga maubos ang kinuha ko.

Magmula kanina ay hindi ko napansin na tinawag o nilapitan man lang ako ni Shad. Ang sakit sa dibdib, ang sikip. Nagtatampo nga talaga siya pero pabor pa nga sa akin kapag ganito siya, pero ewan ko ba't nasasaktan ako sa pag-snob niya sa akin.

Matapos ang sandaling iyon ay niligpit na rin namin nila Jamie at Jason ang pinaggamitan. Napalingon ako sa van, nakatayo sa labas si Mama kausap si Shad.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan ng dalawa pero sana ay hindi iyon makakasama sa amin.

Mayamaya, naibalot ko na lamang ang bimbo sa aking ulo ng sunod-sunod ang malalakas sa patak ng ulan. Dali-dali akong sumilong sa malapit na kubo, may puntod rin ng yumao dito kaya dahan-dahan at nagpaalam pa ako kahit na alam kong wala namang makakarinig sa akin.

Parang mahika na bumalot sa aking isipan ang katagang binitawan ko kanina.

Hindi kita nakikita pero alam kong nakikita mo ako, sana sa susunod na pag-ulan, lakas ng loob ang makuha ko at hindi lagnat— sakit o ano mang hindi maganda."

Ito na ba?

Nagbuntong-hininga ako at nilanghap ang simoy ng hangin. Sinusubukan kong kumuha ng lakas ng loob na upang mailabas ko na ang itinatago kong nararamdaman para sa isang tao.

Makakaya ko kaya?

"Fort!"

Tumatakbo sa basang damo ang lalaking araw-araw kong pinipili. Bitbit ang maliit na payong na kasya lang sa isang pares. Ang kaninang maayos nitong buhok ay ibang-iba na ngayon. He has messy black hair that fits his polo shirt and pants.

He looked at me with his worried face. And all I can do now is to stare at him and feels the heavy of this afternoon.

"Fort, ayos ka lang?" tanong niya.

"H-Ha? Oo naman, bakit naman hindi?"

Umusog ako patungo sa kabilang dulo. Sa tapat mismo ni Papa ang pinagsisilungan namin kaya naman kahit papaano ay kita ko pa rin ang lapida nito.

"Sorry for what I acted," ani niya. "Since nandito na rin naman tayo at ito na rin siguro ang chance ko na maka-usap ka. May importante akong dapat sabihin sa 'yo, Fort."

"Ako rin, Shad. Hindi ko alam kung ito na ba 'yong right time kase hindi ko pa rin kaya, pero paano kapag huli na ang lahat? I can't take back the time that I wasted."

"What is it? Tell me," he said. He walked towards me and sat behind me.

I look at him. Before saying any words, I took a deep breath and look in his eyes.

"I... I like you," I said.

Walang mababakasang reaksyon sa mukha niya. Ngunit ramdam ko ang pagkabigla nito. Kalaunan ay sarkastiko siyang natawa at tumayo sa kinauupuan.

"Nagbibiro ka lang, 'di ba?"

I shooked my head. "B-Bakit mo naman naisip iyan?"

"Because you promised. You promised not to fall in love with your bestfriend, with me," Nilingon niya ako. "Ang sabi mo bawal ma-fall, kaya napaka-imposimble."

"But I failed. Shad, I tried but I failed. Can't you see? Iba na lahat, hindi na bilang kaibigan ang tingin ko sa 'yo."

"Fort, antok lang iyan. Nabanggit sa akin ni Tita na kulang ka daw sa tulog this past days."

"Dahil iyon sa 'yo," Nag-angat ako ng tingin. Ang magandang mata nito'y hindi nakatingin sa akin. "Hindi ako makatulog sa kaiisip kung paano, kailan, bakit, at anong mangyayari sa oras na sabihin ko sa 'yong gusto kita, na mahal na kita."

Muli siyang natawa. Napahilamos ito ng mukha at kinuha ang payong sa itaas ng lapida.

"Halika na, naghihintay na sila doon."

He hold my waist but I pushed his hand away.

"Gusto kita, Shad. Mahirap bang intindihin iyon? Gusto kita, matagal na. Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula pero alam kong gusto kita. Halos... Halos mabaliw ako sa kaiisip kung bakit sa unang beses na tumibok itong puso ko, doon pa sa taong alam kong hanggang kaibigan lang ako."

"Pinilit ko namang hindi ka gustuhin, pero anong nangyari? Sa bawat araw na iniiwasan kita, sa bawat araw na hindi kita nakikita e mas nagiging malala itong nararamdaman ko."

Hindi ako nakatanggap ng ano mang sagot mula sa kaniya. Nanatili itong nakatayo sa labas ng pinagsisilungan ko, nakatalikod sa akin habang pinapayungan ang sarili.

"Shad, please kahit sa pagkakataong ito lang. Give me another chance, let's make it real."

"Real, what? We're friends. I can't love you back if it's true. Take my hand, Fort. Ihahatid na kita."

"Shad..." Hindi na ako humirit pa.

I know him. Hindi madaling mapabago ang isip nito. Dapat bang hindi ko na lang sinabi? Dapat bang hindi na lang ako umamin para hindi siya nagkaganiyan?

Katahimikan. Iyan ang namutawi sa amin habang nasa loob ng van. Hindi ko lubos maisip ang mga sinabi ko kanina. Hindi maalis sa aking isipan ang mga salitang binitawan niya.

We're friends. I can't love you back if it's true.

Kaibigan lang ba talaga? May mga magkaibigan naman na nagiging sila. Siguro hindi kami belong doon, we're friends, and that's it. Walang magbabago ano mang mangyari.