Chapter 10

ELIES ABAGAIL pov.

Nagising ako sa tunog ng door bell. Marahan akong tumayo at napahawak sa aking ulo dahil masakit iyon at parang pinupokpok ng martilyo. Napahilamos ako sa aking mukha ng maalala ang nangyari kagabi. Nalilito na ako sa nararamdam ko. I thought, I like Kenzo pero bakit may puwang parin si Patrick dito sa puso ko?

Naalala ko na naman ulit kagabi ang tungkol sa amin ni Patrick, sa tuwing nalalasing ako na aalala ko ang lahat lalo na ang masakit na nangyari sa aming dalawa. Pakiramdam ko hinahati ang puso ko sa tuwing ma isip ko iyon.

Napahawak ako sa aking ulo ng pumitik ito dahil sa biglaang pagtayo ko. Panay parin ang pag tunog ng door bell kaya pinilit kong pumasok sa loob ng banyo para mag hilamos at pagbuksan kung sino man ang panay pindot ng door bell ko.

Nagulat ako ng madtnan ko si Kenzo pagbukas ko ng pinto.

“Hi. Good morning,” nakangiti na bati niya.

“G-good m-morning,” kanda utal na pagbati ko pabalik.

Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang sa kanya, hanggang ngayon kasi ramdam ko parin ang mainit niyang palad sa palad ko na sandaling magkasiklop kagabi. At nahihiya na rin dahil nasaksihan niya na isa akong lasingga na klase ng babae.

“Ahm, kukunin ko lang iyong cellphone ko naiwan sa kotse mo kagabi , hindi ko kasi nakuha nang maka alis ang kapatid mo kanina.”

“A, ganun ba. Sige, pumasok ka muna kukunin ko lang ang susi ng sasakyan.”

Niluwagan ko ang pagbukas ng pintuan, pina upo ko muna siya sa sofa at nagmadaling pumasok ulit sa kwarto. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay ko dahil pakiramdam ko kinakapos ako sa paghinga sa tagpong iyon.

Hindi naman ito ang unang beses na magkaharap kaming dalawa pero ang pag tibok ng puso ko sa tuwing nakikita siya hindi normal, lagi nalang ako kinakabahan kapag kaharap ko siya at seryoso ang pagsalita niya mas gusto ko pa iyong iniinis niya ako. Nang makuha ko ang pakay ko agad rin akong lumabas at inabot iyon sa kanya.

“Here.”

Tinanggap niya iyon.” Salamat. Sandali, kukunin ko lang muna ang cellphone ko.” at saka lumabas.

Sinundan ko siya ng tingin, patakbo itong lumapit sa sasakyan ko na nakaparada sa gilid ng daan. Nasaan ba ang magaling kong kapatid? Sabi ni Kenzo hinatid niya rito si bunso kanina pero bakit hindi ko makita ang anino niya rito?

“ Hay. Ang gwapo niya talaga kahit simple lang ang suot,” hindi ko napigilang iusal habang sinusundan ito ng tingin, naglalakad pabalik sa akin.

“Salamat,” wika nito at inabot sa akin susi ng sasakyan.

“Uhm,” tipid na sagot ko sabay tango dito.

“ Sige, alis na ako.”

I want him to stay…kahit saglit lang.

“HIndi mo ba hihintayin si J. A?” i asked.

Tipid siyang ngumiti at umiling. “Hindi na, wala naman kaming usapan.”

“Ah, sige. Ingat ka,” napapahiya na sambit ko.

“Yeah. I will.”

Laglag ang balikat ko na sinara ang pinto. Bakit nakaramdam ako ng lungkot? Ng panghihinayang na umalis kaagad siya at hindi ma lang nanatili kahit saglit? HIndi niya man lang ako kinamusta. Kung okay lang ba ako, kung masakit ba ang ulo ko, kung may hang over. HIndi man lang siya nag alala.

Pasalampak kong itinumba ang sarili sa sofa at ipinikit ang mata. Saan ba nagpunta ang magaling kong kapatid? Wala naman siyang duty ngayon kaya bakit wala siya dito? Natiis niyang iwan ang ate niya rito na isang lasing, masakit ang ulo at may hang over pa. Ughh.

WAla pang sampong minuto ng ipinikit ko ang mata ko, nang narinig ko ang boses ng kapatid ko. May sinasabi ito ngunit hindi ko maintindihan kaya hinayaan ko lang na magtalak siya doon kung saan man siya naroon dito sa loob ng bahay.

“Ate, kain na.”

Iyon lang ang malinaw sa pandinig ko kaya bumangon ako dahil humihilab na rin ang sikmura ko. Nadatnan ko siyang naglalagay ng plato nang makapasok ako sa kusina, tinapunan niya lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.

“Saan ka galing?” tanong ko nang maka upo ako.

“Bumili ng soup para sa ate ko na may hang over,” pabalang na sagot niya. “Kamusta ang pakiramdam mo? Kaunti nalang kagabi halos lunurin mo na sa alak ang sarili mo.”

I pouted my lips like a baby.”HIndi na maulit. Promise, last walwal ko na iyon.”

Bumuntong hininga siya. “Hindi na talaga maulit ‘yon. Bawal ka na uminom.”

“Bunso naman,” reklamo ko. “Hindi pwede ‘yon. Baka iyan ang ikamatay ko. Hindi pwedeng walang alak ang katawan ko.”

“Isang bote lang sa isang linggo.. iyong maliit.”

“BUnso naman e,” mangiyak na reklamo ko.

“Isang bote sa loob ng isang linggo, period.”

“Ate mo’ko pero kung umasta ka para kang mas matanda sa akin,” nakanguso na sambit ko.

“Sa liit mong ‘yan mapagkamalan talaga na ako ang matanda sa ating dalawa.”

"Isumbong kita kaya mama.”

“Isumbong rin kita.. akala mo hindi ko malaman na nagkasakit ka? Dapat talaga hindi ako humiwalay ng tirahan sayo e.”

“Sus, rason mo lang ‘yan.”

“Isumbong kita kay mama.”

“Isumbong kita kay mama at papa at pati sa buong angkan na ang kanilang pinakamamahal na unang anak at apo ay pinabayaan ang sarili dahil inuna ang kalandian.”

ANg umagahan namin ay nagtapos na may kahalong asaran. Na-miss ko ang ganitong bonding naming magkapatid na parang mga aso at pusa kung minsan pero sulid ang pagmamahal at pag alaga sa isa’t isa.

Malaki na ang kapatid ko, may sariling buhay, may sariling desisyon at handa nang bumuo ng sariling pamilya. Kaya kailangan kong sanayin ang sarili ko na malayo sa kanya, sanayin na hindi sa lahat ng oras ay nariyan siya sa tabi ko, dahil sa oras na magkaroon siya ng asawa at bumuo ng pamilya hindi na ako ang unang priority niya.

Alam ko at ramdam ko kung gaano niya ka mahal si Dina at kung gaano siya nagsisi sa maling desisyon na ginawa niya at hangad ko na sana balang araw pagtagpuin ang landas nilang dalawa. Naaawa ako sa kapatid ko pero wala naman akong maitulong sa kanya dahil kakarampot lang rin na impormasyon ang alam ko sa babaeng mahal niya.

Nag daan ang mga araw na ang laman ng isip ko ay ang sitwasyon ng kapatid ko, kung paano mahanap si Dina, kung paano maka move on ang kapatid ko. Matagal na rin iyon, ilang taon na pero patay na patay parin ang kapatid ko sa babaeng ni minsan hindi niya man lang nakita kahit isang beses.

“May problema ka ba girl?” tanong ni Gianna sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya. “Ayos lang ako, may iniisip lang.”

“ Si, SPO2 ba?” si Stella.

“SPO2?” kunot noong tanong ko, nagtataka.

“Senior Police Officer, Marasigan. Sino pa ba.”

Napatikhim ako ng marinig ko ang kanyang pangalan, pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko sa pagkabigla ng banggitin ng kaibigan ko ang pangalan niya.

“B-bakit n-naman siya n-nasali sa usapan,” na uutal na wika ko.

Nagkibit-balikat lang ang dalawa at nagpipigil ng ngiti, may hindi ba ako alam? Parang may mali sa kanila ngayon. Pinagsawalang bahala ko nalang ang aking pagtataka at nanahimik sa isang tabi. Yeah. Stella is right, iniisip ko nga ang pulis na iyon. At naiinis ako sa sarili ko dahil kusa lang siyang lumilitaw sa isip ko at namimiss ko na siya.

“Bunso, napatawag ka? May problema ka ba? May kailangan ka?”

“Wala akong problema, ate pero may kailangan ako.”

“Uhm. Ano ‘yon?”

“Mag inuman sana kami ng tropa sa sabado ng gabi pero gusto ko sa aparment mo lang muntik kasi ako mapa away noong nakaraan sa bar e.”

“Walang problema basta isang bocket ng beer ang suhol ko.”

Narinig ko ang pagdaing niya sa kabilang linya sa sagot ko pero kalaunan ay pumayag rin sa kondisyon ko. Kinapa ko ang aking dibdib ng matapos kaming mag usap ng kapatid ko. Heto na naman ng kakaibang tibok ng puso ko…pero aminin ko excited ako na magsabado na para makita ko na ulit siya.