Chapter 11
Kenzo Juaquin pov.
“Inuman ulit sa sabado.”
Naibaba ko ang files na hawak ko ng marinig ang sinabi ni J. A. Inom na naman, okay pa ba ang atay nito? Sumandal ako sa aking upuan at mariin na tumingin sa kanya na prenteng naka upo sa umupuan dito sa harapan ko, nakatukod ang isang siko sa ibabaw ng lamesa at naka di-kwarto ang paa.
“May balak ka bang sunogin mga atay namin?” nang uuyam na tanong ko sa kanya.
“ ‘Wag ka ng umangal, pabor 'to sayo sa apartment ni ate tayo iinom. Pasalamat ka boto ako sayo.”
NApatikhim ako at umayos ng upo sa binitawan niyang salita, ramdam ko ang pag init ng magkabilang tainga ko kaya nag busy-busy-han ako sa aking papel na hawak ng hindi niya mapansin ang pagbago ng ekspresyon ko.
Binato niya ako ng nilukot niyang papel at kaagad itong tumayo.”Kadiri ka. Na in love rin naman ako at kinilig pero hindi ako namumula. Lol. Bistado ka masyado na patay na patay ka sa ate ko.”
“Gago ‘to. Manahimik ka nga,” pabulong na singhal ko at luminga sa paligid baka may ibang makarinig ayaw ko ang tinutukso ako baka ma usog.
“Bading mo,” umiiling na saad niya.” Sa sabado ha. Nag approved na ang tatlo ikaw na lang hindi. ‘Ge, alis na ako.”
Hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi sa saya na nararamdaman. Bading na kung bading basta masaya ako na boto sa akin si J. A para sa ate niya. Wala rin naman akong plano na saktan si Elies kaya malaki ang kumpiyansa ko sa aking sarili.
Nagkagusto naman ako noon pero hindi katulad ng naramdaman ko para kay Elies, kasi ang nararamdaman ko para sa kanya hindi ko maipaliwanag. Ang malinaw lang sa akin ngayon, ang mahalin siya, alagaan at pasayahin. Kailangan ko lang dumiskarte ng maayos kung paano iyon gagawin.
"Marasigan."
Tumayo ako at sumaludo. "Chief."
"Ano itong nabalitaan kong kaguluhan na nangyari sa bar last week?"
"A, e. Tito, kaunting pagtatalo lang iyon at naayos naman," parang bata na sumbong ko. "Hindi na ho mauulit, tito."
He took a deep breath. "Last na 'yan, dahil kapag umabot sa itaas ang mga kaguluhan ninyong magkaibigan hindi ko na kayo matutulungan d'yan,” pagbabanta na wika niya.
"Thank you, tito."
Napabuga ako ng hangin at sinamaan ng tingin sina Cedrick, Jerom, at Aljon na nakasilip sa labas ng pintuan, parang mga akyat-bahay gang.
"Mag bagong buhay na nga kayo," singhal ko sa tatlo.
Nabaling ang aking tingin kay J. A na sumisipol itong pumasok at dumiritso sa kanyang desk.
"Nagbabagong buhay pala ang isang tao kapag in love."
Panunuksong wika niya. Hinugot ko ang baril ko na naka sukbit sa aking tagiliran at tinutok iyon sa kanya.
"Kaya masalimuot ang buhay mo dahil broken hearted ka."
"Burn baby burn," panunudyo ng tatlo sa kanya, napangisi ako ng tumahimik ito at sinamaan kaming tatlo ng tingin.
"May araw rin kayo sa akin," pagbabanta niya na tinawanan ko lang. Ang pikon kapag love life na niya ang pinag-uusapan.
Ibinalik ko ang atensiyon sa aking ginagawa. Si Chief Antonio Marasigan ay pinsan ni daddy pero hindi ibig sabihin no’n na ng dahil sa impluwensiya niya kaya ako naging isang SPO2 ngayon. Pinaghirapan ko ang posisyon na kung anong mayroon ako ngayon. Loko-loko kaming magkaibigan pero pagdating sa propesyon namin tapat at seryoso kami. Nagkataon lang noong last week na napasubra si J. A.
Galing ako sa isang mayamang pamilya. Ang mga magulang ko ay nagmamay-ari ng isang malaking hardware at mga restaurant na mamanahin ko rin pagdating ng araw. At the age of 23 masasabi kong wala akong interes pagdating sa negosyo dahil ang pag pu-pulis talaga ang nasa puso ko. Pero nang makilala ko si Elies nagkaroon ako ng interes na pag-aralan ang mga negosyong mamanahin ko.
Paano nalang kung ayaw pala ni Elies sa trabaho ko? Paano kung dumating ang araw na papipiliin niya ako, siya o ang trabaho ko. Paano kung piliin ko siya pero wala naman akong ibang pagkukunan ng pera para sa aming dalawa? Paano nalang ang bright future na pinangako ko sa kanya?
“ ‘Tol, ‘wag kang mag over think hindi ka pa nga nagsimulang manligaw sa ate ko.”
Nabalik ako sa aking malalim na pag-iisip sa tapik ni J. A sa aking balikat. Lihim akong napamura , wala akong takas sa isang ‘to baka dahil sa kanya ma boku ako ng ate niya e.
“Malaki naman ang sahod mo. ‘Wag ka na mag over time, hindi naman materialistic ate ko.”
Nag salubong ang kilay ko. “Anong pinagsasabi mo?” nalilito na tanong ko.
“Uwian na, kanina pa kita tinatawag pero mukhang lunod na lunod ka sa trabaho mo na para bang magdamang kang kumakayod dahil may kasal kang pinaghahandaan.”
“KUng hindi lang kita kaibigan, kung hindi ka lang kapatid ng babaeng gusto ko kanina pa kita sinapak. Trip mo yata akong asarin ngayon.”
Umakbay ito sa akin at sabay kaming lumakad palabas ng presinto. “Ipagpatuloy mo ‘yan, para naman masiguro ko na kaya mo ngang buhayin ang ate ko.”
“Tama na nga ‘yan. HIndi ko na kaya iyang pang aasar mo,” natatawa na wika ko.
Hindi naman siguro masam kung ngayon palang mag plano na ako para sa future ko kasama si Elies. Mas maganda kung secured muna ang future para naman hindi ako mahiya na magmayabang sa kanya kung anong mayroon ako.
Ano ba itong iniisip ko, hindi ko pa nga nasabi sa kanya na gusto ko siya pero ang future naming dalawa na kaagad ang nasa plano ko. Paano kung hndi niya pala ako gusto? Paano kung mahal niya parin ang ex-boyfriend niya at wala siyang balak na palitan iyon sa puso niya? Haissttt.
______________________
SATURDAY.
“Woah!”
NApabuga ako ng hangin sa kabang naramdaman. Narito ako sa tapat ng apartment ni Elies, hindi pa ako naka labas sa sasakyan ko nakita ko na si Elies dahilan para kumawala ang puso ko sa subrang lakas ng tibok nito. Nang makita kong lumabas si J. A sa bahay bumaba na ako sa sasakyan at umakto ng normal sa humarap ng aking kaibigan.
“O, nandito ka na pala,” wika ni J. A nang makita ako.
Sinalubong ko siya ng tapik sa balikat bago umupo sa plastik na upuan na hinanda niya dito sa labas ng bahay. Pa simple kong tiningnan si Elies, nag iihaw ito ng pang pulutan namin hindi man lang lumingon, imposible naman kung hindi niya ako nakita na dumating.
“SIna Cedrick, wala pa?” tanong ko kay J. A.
“Darating rin ang mga iyon maya-maya, kasama raw nila mga girlfriend nila,” si Jerom ang sumagot na kakarating lang kasama ang chinita niyang girlfriend. “Si, Melanie girlfriend ko.”
“Hi. Kenzo,” pagbati ko sa kanya.
“J. A,” ani niya at kumaway dito. “ Feel at home, huwag kang mahiya. Iyon,” turo niya sa pwesto ni Elies. “Ate ko. Si ate Elies. Ate, tama na ‘yan halika dito,” tawag niya.
Napalunok ako ng humarap ito sa amin at ngumiti. Pakiramdam ko nalaglag ang puso ko sa ganda ng ngiti niya. Nilingon ko si J. A nang sikuhin niya ako.
“Laway mo ‘tol salurin mo, tumutulo,” pang aasar niya.
Inismiran ko lang siya at muling tumingin kay Elies ganon nalang ang gulat ko nang makitang nasa tabi ko na siya hawak ang isang plato na may laman ng mga inihaw niya. Nang mailapag niya iyon umupo siya sa tabi ng kapatid kaharap ang girlfriend ni Jerom.
“Gusto mo palit tayo ng upuan?” bulong sa akin ni J. A.
“Huwag na. Baka hindi siya maging komportable. Hayaan na muna natin siyang ma aliw,” wika ko.
Maya-maya ay dumating na sina Cedrick at Aljon kasama ang girlfriend nila. Nakakatuwa lang dahil lahat sila kasundo ni Elies.
“Tayo lang pala ang walang partner dito ‘tol,” wika ko.
“ANo, renta na ba ako?” ani Cedrick.
“ No need ‘tol, ayoko palitan si Dina, no.” si J. A.
“Ikaw, ‘tol Kenzo, gusto mo ba?”
Umiling ako at nilagok ng alak.” Huwag na ‘tol, ayaw ko sa mga ganyan,” nilingon ko ang gawi ni Elies and to my surprise nagtagpo ang tingin naming dalawa. Lihim akong napangiti ng agad itong umiwas ng tingin sa akin.
“Good. Good.” wika ni Jerom naka approved ba ang daliri.
Black label ang ininom namin at san mig light para sa mga girls, malakas ang alcohol tolerance level ko kaya matagal ako malasing unlike dito sa apat na sumusuray na ang mata halatang lasing na. Mukhang magiging driver na naman yata ako ngayong gabi ng mga lasing a.
Ubos na ang pulutan namin na inihaw ni Elies kanina kaya nagluto siya ulit, busy sila sa kanilang baso kaya lumapit ako kay Elies para tulungan siya.
“Tulungan na kita,” I said.
“ ‘Wag na, ako na lang dito,” tanggi niya at patuloy sa pag paypay sa kanyang niluluto.
I couldn’t stop myself from staring at her. Natulala ako sa ganda niyang parang isang anghel, pati boses ko nawala hindi ako makapagsalita sa pagkatulala.
“Doon ka na. Kaya ko na dito,” wika niya ulit.
Natigilan siya nang hawakan ko ang kanyang pisngi, maski ako ay natigilan din sa ginawa ko, hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa.
“Hindi bagay sayo ang may uling sa mukha para kang…pusa,” wika ko para makalusot sa katangahang ginawa ko.
UMirap ito at umiwas ng tingin. “Tss, ang linaw naman ng mata mo kahit madilim nakita mo pa.” at pinunasan ito.
Umawang ang aking labi dahil nagkatotoo ang sinabi ko. Na lagyan ng uling ang kanyang pisngi ng pinahiran niya ito ng kamay niyang may bakas ng uling.
“Kitang-kita ko kaya, o. Ayan ang lapad pa,” saka pinahid ko ito upang mawala pero shit lalong kumalat. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang kanyang mukha kung totoo ba ang sinabi ko. Nanlaki ang kanyang mata at bahangyang umawang ang kanyang bibig nang makita ang mukha niya.
“Akala ko ba pinahid mo. E, mas lalo mo pang kinalat e,” galit na wika niya.
“Sorry, ang cute mo kasi tingnan e,” wika ko sa natawa na tono.
Mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko. “A, cute pala ha. Ikaw rin kaya lagyan ko ng mag mukha kang unggoy.”
Napangisi ako. “Yeah. Unggoy na gwapo.”
“Kapal mo,” singhal niya at hinarap ulit ang niluluto.
“Halika nga,” pinaharap ko siya sa akin at marahang pinunasan ang kanyang pisngi. TInago ko ang ngiti sa labi ng makitang bigla itong natulala at namumula ang magkabilang pisngi.
“Ako na nga, baka lalo mo lang dagdagan, e. “ awat niya sa akin at iniwas ng tuluyan ang kanyang mukha.
Doon hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi habang nakatitig sa kanya. .. kilig na kilig. Na ba-bakla na talaga ako.