Chapter 9
KENZO JUAQUIN MARASIGAN pov.
Daig ko pa ang tumakbo ng sampong kilometro sa bilis ng tibok ng puso ko habang magkasiklop ang kamay naming dalawa ni Elies. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nakipag holding hands pa ako sa kanya pabalik sa table kung nasaan ang tropa at kapatid niya.
“Sama ka na lang dito sa amin, ’te. Sorry, hindi ka komportable-,”
“Tss. Ano ka ba, huwag mo ako intindihin kailangan mo rin magsaya paminsan-minsan,” sagot ni Elies sa kanyang kapatid.
“Magsaya ako dito,” saad ni J. A sabay taas sa bote ng alak na kanyang hawak. “Alam mo naman, ate.”
“Parehas rin naman tayo. Pero kalimutan mo muna iyon kahit ngayong gabi lang.”
Lihim akong napailing habang pinagmamasdan ang magkapatid na nakisabay sa pag inom sa tatlo pa naming tropa. Hindi na ako nakisali sa laklakan dahil mukhang hayok sa alak silang lahat buti nalang pareho kaming apat na walang duty bukas.
Naging magkaibigan kami ni J. A noong 4th year college kami, na banggit rin niya sa akin na may ate siya pero hindi ko siya nakilala. Neto lang last month ko siya nakita at nakilala noong pinapunta niya ako sa apartment niya which is sa ate niya pala iyon.
And to my surprise, siya pala iyong babae na nilapitan ko sa bar dahil hina-harass siya ng kasama niya at siya rin iyong ninakawan sa karenderya. Hindi mawala sa isip ko ang kanyang maamong mukha na pati sa panaginip ko ay naroon siya kaya noong nalaman ko na kapatid niya si J. A hindi ako nag aksaya ng panahon na mapalapit sa kanya at ang inisin siya ang paraan ko.
“Tama na iyan, lasing ka na,” awat ko kay Elies nang kuhanin niya ang isa pang bote ng beer.
Tinabig niya ang kamay ko. “Hindi pa ako lasing,” nakangisi na sagot niya at tinunga ang bote.
Si Jerom naroon nasa kabilang table na may kausap na babae, si Cedrick nakatulog na kanyang puwesto ngunit hawak parin ang bote ng alak si Aljon naka akbay kay J. A at may binubulong dito halatang lasing na lasing.
“Ate, hatid na kita lasing ka na,” sinisinok na wika ni J. A.
“Ako na maghahatid sa ate mo, ‘tol lasing ka na rin baka ma disgrasya pa kayo.”
“Pasensiya ka na ‘tol. Salamat.”
“Kaunti lang naman nainom ko. Ihatid ko muna ate mo babalik ako agad para kayo naman maihatid ko pauwi,” wika ko.
Tumayo ako at inalalayan si ELies na makatayo.” Tara na, ELies.”
Ngunit tinabig niya ang kamay ko at tumayo siyang mag isa.” Yeah, kaya ko.”
Ngunit nawalan siya ng balanse dahil sa kalasingan mabuti nalang at maagap kong nasalo ang kanyang baywang.
“Ate, hindi mo na kaya. KAya hayaan mong alalayan ka ni Kenzo.”
Tumango lang si ELies sa kapatid. Kinuha ko ang kanyang bag at nagpaalam kay J. A, hanggang sa makarating kami sa sasakyan ay akay ko siya, naglalakad ito na nakapikit ang mata sa subrang kalasingan. Maayos ko siyang pina upo sa passenger set at agad na pinaharurot ang kotse paalis na bar.
“Bakit ang sakit parin?” mahinang usal niya, nang lingonin ko siya nakapikit parin ang kanyang mata. “Bakit hanggang ngayon hindi ko parin matanggap?”
“Kaya ka ba naglasing? Boyfriend mo ba ang tinutukoy mo?” tanong ko sa kanya pero wala akong nakuha na sagot, naka tulog na yata.
Nakarating na kami sa apartment niya pero tulog parin siya hindi ko mapigilan ang titigan siya at namalayan ko na lang hinahaplos ko na pala ang pisngi niya titig na titig sa kanyang labi at natutukso akong halikan iyon.
“Hey, wake up,” wika ko ng mahina itong umungol at unti-unting dumilat ang kanyang mata. Dahan-dahan itong umayos ng upo siguro dahil nahihilo pa siya.
“Thanks,” mahinang sambit niya saka bumaba ng sasakyan.
“Sandali,” awat ko kaagad at mabilis na bumaba ng sasakyan para alalayan siya.
“Kaya ko nang pumasok.”
Ngunit nang humakbang siya nawalan siya ng balanse at na tumba sa akin kaya napayakap siya, kaya hinawakan ko ang baywang niya upang kargahin siya papasok sa bahay.
“Ang tigas ng ulo mo,” wika ko, buhat-buhat siya. Naka kapit ang kanyang dalawang braso sa leeg ko hindi naman siya pumalag kaya hindi ko na rin siya ibinaba.” Saan banda ang kwarto mo?”
“Sa kanan.”
Binuksan ko ang pintuan gamit ang kaliwang kamay ko habang karga parin siya. Nang makapasok, maingat ko siyang inilapag sa kama.
“Ang bigat mo,” sambit ko ng makahiga na siya.
“Salamat,” nakapikit na usal niya.
Hinubad ko ang kanyang sandal at inayos ang kanyang kumot.”Aalis na ako,” paalam ko ngunit hindi siya sumagot kaya umalis nalang ako. Sinigurado ko munang nakasara ng maayos ang bahay bago ko ito nilisan.
Pagdating ko sa bar na abutan kong nakikitapagtalo si J. A agad ko silang nilapitan at iniwat at kumalma na rin siya. Humingi ako ng despensa sa lalaking na agrabyado mabuti nalang at pinagbigyan kami dahil lasing na si J. A kundi lagot kami kapag umabot pa ito sa presinto.
Pinasakay ko silang apat sa sasakyan at si Aljon ang una kong hinatid dahil malapit lang naman ang bahay niya, sunod si Jerom at huli si Cedrick.
“ ‘Tol, sa apartment ko na lang ikaw matulog, wala kasi ako masakyan pauwi kapag hinatid pa kita, dis oras na rin ng gabi,” wika ko, sasakyan niya kasi ang gamit ko pang hatid sa kanila dahil wala akong sasakyan na dala kanina.
“Walang problema,” sagot nito na nakahawak sa kanyang noo at nakapikit ang mata.
HIndi na ako nagsalita dahil halata namang lasing ang kasama ko at inaantok. Nang makarating kami sa apartment ko agad akong nag timpla ng kape para sa aming dalawa at para mahimasmasan ng kaunti si J. A.
“SAlamat ‘tol,” saad niya ng makalahati niya ang kape na binigay ko.
Umupo ako sa kanyang tabi.” Bakit ka ba naglasing ‘tol?
“ Dahil kay Dina,” malungkot ang boses na sagot niya at ramdam ko ang sakit sa pagbigkas niya ng pangalang Dina.
“Hindi mo parin ba siya ma contact?”
“Hindi. At wla na akong balita sa kanya.”
Tinapik ko ang kanyang balikat.” Huwag kang mag alala magkikita rin kayo balang araw.”
Malungkot itong ngumiti.”Sana nga ‘tol.”
Huminga ako ng malamin.”Maiba tayo,’tol…pwede ba ako mag tanog?” lakas loob na sambit ko.
“Oo naman. Ano ‘yon?”
“Ahm. Ano, pwede ko bang ligawan ang ate mo?”
“ Oo naman. Pero hindi ko alam kung paglaanan ka niya ng pansin.”
“Bakit?”
“Kasi hindi pa siya naka move on sa paghiwalay nila ng nobyo niya at hanggang ngayon iyon parin ang iniisip niya.”
“Susubukan ko parin, malay natin makalimutan niya ex-boyfriend niya,” determinadong sagot ko.
“Sana, huwag mo siyang sasaktan kapag binigyan ka niya ng pagkakataon. Saksi ako kung gaano nasaktan ang ate ko noong niloko siya ng ex-boyfriend niya.”
“Badoy man pakinggan ,’tol pero peksman,” itinaas ko pa ang aking palad na parang nanunumpa. “Hindi ko siya sasaktan.”
“Tala lang dahil makakatikim ka sa akin. Hindi lang torture abutin mo,” pagbabanta niya.
Nagpakawala kong isang buntong hininga.” Mahirap man paniwalaan ,’tol pero unang kita ko palang sa ate mo may naramdaman na akong kakaiba, parang ginayuma ako ng ate mo.”
“ANg lakas ng tama ng ate ko sayo, ah,” humahalakhak na sambit niya.
Napangiti ako.”ANg lakas talaga ,’tol. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha ang loob niya.”
‘Goodluck ,’tol.”
“Salamat.”
Sisiguraduhin ko na magustuhan niya rin ako at makalimutan niya ang ex-boyfriend niyang niloko siya at kapag nangyari ‘yon gagawin ko ang lahat ng paraan para mahalin niya ako…para mag mahalan kaming dalawa. May basbas na ako galing sa kapatid niya kaya umpisahan na ang plano.
OPERATION: How to please Elies.