KABANATA 35
“Ayos lang ba kayo riyan ni Tita Janice?” ang nag-aalalang tanong ni Bonita kinabagihan pagkatapos naming umalis ni Nanay sa Esperanza.
Bumuntonghininga ako at sinilip si Nanay sa loob na noo’y naghuhugas ng pinagkainan namin. Naupo ako sa kawayang upuan sa labas ng bahay namin habang kausap si Bonita sa cellphone. Malungkot kong tiningala ang langit na noo’y kumikislap sa napakaraming bituin.
“Ayos na kami, Bon. Medyo naging emosiyonal si Nanay kanina dahil mahirap ang balitang dumating sa amin at ang pagpapaalis sa amin ng mga Esperanza, ngunit medyo ayos na rin naman siya ngayon kaya panatag na ako,” pagpapaliwanag ko.
Narinig ko ang bahagyang pagtahimik ni Bonita sa kabilang linya. Nawala ang paningin ko sa langit at napunta sa mga paa kong nakaapak sa lupa. Mukhang alam ko na kung ano ang iniisip niya ngayon.
“Eh, ikaw?” malumanay niyang tanong. “Narinig ko kay Eli na nagdesisyon kang hiwalayan si Bal, Jam. Ayos lang ba sa iyo ‘yun?”
Tumikhim ako dahil tila naramdaman kong may bumara sa aking lalamunan. Pilit kong nililihis ang sarili ko kanina pa na isipin iyon, ngunit kahit anong gawin kong iwas ay puso ko na mismo ang nagpapaalala. Ang matinding sakit na tila humihiwa sa dibdib ko at nagpapawala ng lakas sa buo kong katawan ay sapat nang dahilan para sagutin na hindi ayos ang lahat. Hindi ako ayos.
“Kailangan ako nina Nanay at Kuya Jamile, Bon. Isa pa, mainit na rin ako sa mga Ferrer ngayon hindi lang sa Esperanza kaya mahihirapan lang din kaming dalawa. Ayaw ko naman na mas lalong magkagulo pa kahit pa handa niya akong ipaglaban. Mas mainam na siguro ang ganito kaysa gano’n.”
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko nang manubig iyon. Kaagad na nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko kaya kaagad ko iyong kinusot. Ayaw kong makita o marinig pa ni Nanay na umiiyak ako. Ayaw kong pati sa akin ay mag-alala pa siya. Sa mga panahong ito ay kailangan niya ang suporta ko kaya hindi maaring maging mahina ako.
“Paano ang pag-aaral mo?” pag-iiba ni Bonita ng usapan kaya napangiti ako. I felt grateful that she did.
“Titigil siguro muna ako ngayong schoolyear. Kapag naayos na namin ang kaso ni Kuya Jamile, maghahanap akong part-time para masuportahan ko ang pag-aaral ko sa sunod na taon,” paliwanag ko sa aking plano.
Rinig na rinig ko ang paghugot ni Bonita ng malalim na hininga. Mukhang hindi niya nais ang plano ko.
“Maari ka namang magsabi kay Eli, Jam. Hindi magdadalawang-isip iyon na tulungan ka sa pag-aaral mo. Wala manlang bang sinabi ang isang iyon tungkol diyan?” may bahid ng inis na niyang sabi.
Mahina akong natawa. Mukhang boss na boss si Bonita sa relasiyon nila, ah? I couldn’t imagine my Alpha stepbrother being submissive to someone, pero alam kong iba si Bon. Sabi ko nga, once na nakapasok ka sa buhay ni Kuya Eli, he would be the most caring man you could ever have.
“Bon, it’s fine,” malumanay kong saad. “Sobrang rami nang tulong ang natanggap namin sa kanila. Oras nang lumaban din kami sa sarili naming problema. Labis na akong nagpapasalamat sa suporta na nakukuha namin sa kanila ayaw ko nang dagdagan pa.”
I heard her sighed. “Oh, siya. Kung iyan ang desisyon mo ay nirerespeto ko na. Kung may kailangan ka o nais mo ng tulong, huwag kang mag-aatubili na magsabi, ha? Rito lang ako parati para suportahan ka.”
Nangiti ako at tumango kahit hindi niya naman ako kita.
“Ikaw rin.”
Nang matapos ang tawag ay napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone. No texts or calls. Oo nga naman? Bakit pa ako umaasa? Matapos nang ginawa ko sa kaniya, hindi na ako magugulat kung galit siya ngayon sa akin. Hindi na rin ako magugulat kung sa mga susunod na araw ay mabalitaan ko na lang na may bago na siya. I don’t want him to fall inlove with someone else. Ang isipin pa lamang na may babae na siyang inaalagaan at hindi ako ay masakit na, but I would be selfish kung isatinig ko pa iyon.
“I’m sorry,” I whispered in the wind, wishing that those words would reach him.
Kinaumagahan ay kaagad kaming nagtungo ni Nanay sa istasiyon ng pulis kung nasaan si Kuya Jamile. Sobrang nerbyos si Nanay at alam ko na kagaya ko, halos hindi rin siya nakatulog. We couldn’t now not knowing kung maayos ba si Kuya o hindi.
“Kuya!”
“Jamile, anak!”
Maluha-luha naming nilapitan ni Nanay si Kuya noong pinaunlakan ng mga pulis na makita namin siya. Naupo kami sa isa sa mga pwesto roon kung saan pwede mag-usap ang mga dalaw sa mga nakakulong.
My heart sunk seeing my brother with his orange shirt. Halatang stressed siya at kulang sa tulog. Napansin ko rin na bahagya siyang namayat kaya mas lalong nanakit ang aking puso. Si Nanay ay humihikbi na habang yakap siya ni Kuya at pilit na pinapatahan.
“Ano ba kasi ang nangyari, anak?” garalgal ang boses na tanong ni Nanay sa kaniya. “H-in-ostage mo ba talaga iyong si Kendall?”
Mabilis na umiling si Kuya Jamile sa tanong niya. Nakita ko ang mahigpit na pag-igting ng panga niya at pagtalim ng titig niya sa kawalan.
“Nay, hindi. Kailanman ay hinding-hindi ko gagawin ang ganoong bagay.”
“Eh, bakit naroon siya sa puder mo, Kuya? Magkakilala ba kayo?” hindi ko napigilan nang itanong.
Kuya’s tired eyes landed at me. Tipid siyang ngumiti sa akin at ginulo ang buhok ko. Maya-maya pa ay bumuntonghininga siya at napahilamos sa kaniyang mukha. Napatingin ako sa mumunting mga bigote niya na papatubo na sa kaniyang mukha. Hindi naman naging balakid iyon para matabunan ang angking kagwapuhan ni Kuya. Marami ngang nagkakagusto riyan kay Kuya Jamile sa amin. Kamukhang-kamukha niya kasi ang tatay naming matinik din sa mga babae noong araw.
“Nagkakilala kami noon sa Esperanza noong una at huli kong pag-apak doon. Kasama at kausap kasi siya noon ni Eli at nang magpaalam ako ay roon kami nagkita,” pagkukwento niya na kinagulat ko. “Hindi ko naman akalain na makikita ko siya ulit at napag-alaman ko pang tumakas siya sa Esperanza. Siyempre sa katayuan niya, delikado sa kaniya ang magpalaboy-laboy kaya dinala ko siya sa bahay. Nais ko lamang noon ay magpalipas siya ng gabi at pagsabihan na umuwi na sa kanila, ngunit umiyak siya at sinabi na ayaw na niyang bumalik sa buhay na kinalakihan. Nahabag naman ako. Naisip ko nang magkagaganito, ngunit iniisip ko rin ang nais ni Belle.”
Belle. Napatitig ako kay Kuya Jamile nang banggitin niya ang ikalawang pangalan ni Kendall.
Habang nagkukwento si Kuya Jamile ay kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. Ang mga mata niya ay may kakaibang pinapahiwatig na hindi ko mawari kung ano. Si Nanay naman ay masuyo siyang hinaplos sa kaniyang balikat.
“Bakit hindi mo ito pinaglaban nang ipakulong ka ng mga Esperanza, anak?”
Umiling si Kuya sa sinabi ni Nanay.
“Natakot ako na kung kumontra pa ako ay si Belle ang mapapahamak…” Kuya Jamile clicked his tongue.
Nagkatinginan kami ni Nanay at may kakaibang pagkaunawaan kaming nakita sa kapwa namin mga mata.
“Sinisikap ni Kuya Eli na makausap si Kendall, kaso napakahigpit ng pamilya niya ngayon sa kaniya. Kinulong ulit siya sa kanilang mansiyon,” pagsisiwalat ko.
Rinig namin ang mahinang mura ni Kuya at nakita ang mas pagkuyom ng kamao niya. Kumabog ang dibdib ko sa kaisapan at senariyo na maaring naganap kina Kendall at Kuya Jamile sa iisang bubong sa loob ng dalawang linggo. Napakaikling panahon ngunit maari lalo na at bakas sa mga mata ni Kuya ngayon ang alala para sa huli.
Kung tama nga ang hinala namin ngayon, mukhang mas hindi magiging madali ang lahat lalo na kay Kuya Jamile.