KABANATA 30
Nahihiya kong tinignan si Bellisimo habang kausap pa noon si Kuya Eli. Ilang beses kong inayos ang sarili ko at tinanong kay Bonita kung ayos na ba ako at ilang beses niya ring sinagot na hindi na raw lilingon sa iba si Bellisimo dahil sa akin. That gave a blush in my face. Lalo na at ang ka-date ko ngayon ay sobrang gwapo sa suot niya suit and tie. Ngayon ko lang siya ulit nakita na ganito kapormal. He brushed his hair up and his silver stud complimented with his sexy aura very well.
“Tignan mo, kinakausap ni Aldivar pero sa’yo nakatingin,” bulong ni Bonita sa akin.
I pursed my lips nang napatunayan ang sinabi niya. Bellisimo looked like he’s in so much awe Nakaparte ng bahagya ang mga labi niya habang nakatingin sa akin. Kuya Eli shook his head at tinapik si Bellisimo sa balikat, mukhang tapos na ang kailangang sabihin. Nang makita kong naglalakad na sila papunta sa gawi namin ay tumayo na ako mula sa pagkauupo.
“Mukhang hindi na mapakali kaya binilisan ko na ang bilin ko,” natatawang ani Kuya Eli kaya natawa ako.
Bellisimo’s gaze was still at me. Ilang beses kong nakita na tumaas-baba ang adams apple niya. My heart pounded because of so many thoughts.
“Hey,” halos namamaos ang boses niyang ani.
“Hi,” nahihiya ko namang sagot.
“Uh… let’s go?”
Tumango ako habang nakangiti pa rin. Tinignan ko si Bonita na nag-thumbs-up sa akin habang si Kuya Eli nama’y mabilis akong niyakap.
“You guys going now?”
Sabay kaming napatingala sa hagdan nang bumaba roon si Tito Elton kasama si Nanay na tila kinikilig. Lihim akong sumimangot. Si Nanay talaga.
“Yes, Tito. Huwag po kayong mag-aalala, iuuwi ko po si Jamila ng maaga at ligtas,” Bellismo assured them.
Tito Elton looked pleased with that.
“Then, you guys take care,” aniya bago tumingin sa akin. “Enjoy your date, ija.”
Uminit ang magkabila kong pisngi at biglang nahiya. Mahinang tumili si Nanay kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Salamat po.”
“Huwag kayong maniwala sa tito niyo. Baka gusto niyo pang mag-enjoy hanggang hatinggabi.”
“Nay!” gulat at nanlalaki ang mga mata kong untag. Ano bang pinagsasabi niya?
Tumawa si Tito Elton sa narinig na sinabayan na rin nilang lahat. Gusto ko na lang yata na lumubog sa lupa.
“Stop that, Janice. Don’t give the kids ideas.”
Ilang biruan at paalala pa ang nangyari bago nila kami pinakawalan ni Bellisimo. Nang nasa daan na kami ay ramdam ko pa rin ang panaka-naka niyang pagsulyap dahilan ng mababaw kong pagtawa.
“Baka maaksidente na tayo niyan, ah?” biro ko.
He chuckled. “I can’t help it. You’re just so beautiful, Mila.”
Umirap ako sa kawalan ngunit nangiti rin nang mag-iwas ng tingin. Ilang beses na ba niya ‘yan sinabi mula pa kanina?
“Ang gwapo mo rin,” halos pabulong kong ani.
“Kikiligin na ba ako?” Sabay kaming natawa sa sinabi niya. “Tinawagan pala ako ng Kuya Jamile mo kanina, grabe, ang strikto.”
I laughed at that. Nalaman kasi ni Kuya Jamile – siyempre mula sa sumbonggero na si Kuya Eli – na lalabas kami ni Bellisimo ngayon. Kaagad niya akong t-in-ext para sa numero ni Bellisimo at kauusapin niya raw.
“Takot ka na niyan?”
I saw him smirked.
“No. I’ll fight for you, that’s for sure.”
Hindi na ako nakasagot hanggang nakarating kami sa isang mamahaling restaurant. Kaagad akong kinabahan kasi noon lang ako makapapasok sa gano’n. Bellisimo already reserved our spot in advance. Nang makapasok ay giniya kami ng isang staff papunta sa isang medyo tago na pwesto. The scene around was really romantic. There was roses and candlelights.
“Hm... dito mo ba dinadala ang mga dates mo noon?” panunukso ko kay Bellisimo nang makaupo na kami.
The candlelights made him more handsome. Now I truly understand why women loved this man. He’s beyond sexy.
“No,” seryoso niyang ani. “You’re my first.”
Suminghap ako sa sagot niya. I felt my hand tremble nang ginalaw na ang steak sa harap ko. Hindi ko alam kung ilang beses kong pinag-isipan ang sasabihin ko ngayon. Nag-practice pa nga ako at may script nang minemoryado sa utak ko. Ngunit tila ba nabablangko na ako ngayon.
“Bellisimo,” I called his name, almost a whisper.
“Yes?”
Diretso akong tumingin sa mga mata niya dahilan para tumigil siya sa pagkain. I think he saw the seriousness in my eyes. He became worried kaya napahawak siya sa isa kong kamay na nasa itaas ng lamesa. Huminga ako nang malalim.
“I…” I paused. “I could trust you, right?”
Pumiyok ang boses ko nang sinabi ko ang mga katagang iyon. He squeezed my hand and I saw how his eyes got determined over something. Hindi niya inalis ang mga titig niya sa akin, tila ba hinahalungkat niya maging kaluluwa ko.
“I am not perfect, I could make mistakes, Mila. But please, believe me when I say that I am really inlove with you. Handa kong gawin ang lahat para sa iyo,” sinsero niyang saad na halos humaplos sa puso ko.
Pumatong ang isa ko pang kamay sa kamay niya na nakapatong naman sa isa ko pang kamay. I sincerely smiled at him. At that moment, habang nakatingin ako sa mga mata niya, natanto ko na baka hindi na ako magmamahal pa kagaya sa nararamdaman ko noon para kay Bellisimo. I am completely inlove with this playboy.
“I am giving you my everything. Please take care of me.”
Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya. Napatingin siya sa paligid, sa labas ng restaurant. His eyes were blinking na tila ba may nilalabanang mga luha. His jaw clenched at nang muling magtagpo ang paningin namin ay kita ko ang labis na saya sa singkit na mga mata niyang iyon.
“Damn…” halos pabulong niyang mura. “You made me the happiest man alive tonight, Mila. I so fucking love you.”
Ako rin. Mahal na mahal din kita, Bellisimo.
“Ako rin.” A tear escaped my eyes. “Mahal din kita.”
Tumingala siya at biglang tumayo na kinagulat ko. He went to my side and kneeled in one bended knee. Tinignan ko siya sa harap ko, heart pounding with so much emotion.
“Can I kiss you right now?” namamaos ang boses at halos pabulong niyang ani.
Tila tumigil ng ilang segundo ang puso ko nang marinig iyon bago muli ay tumibok ng sobrang bilis. I pursed my lips at napatingin sa mga labi niya. He licked his lower lip sensually at nang tignan ko ulit ang mga mata niya ay namumungay na ang mga iyon. Napahigop ako ng hangin bago marahang tumango.
After I gave him my cue, Bellisimo gave me a gentle but sensual kiss that took my breath away.