Chapter 37: Mahal Sa Buhay
“I’m sorry to ask you this, Rhenn, but can you bring over to my house the paper bag that I placed under my desk in the office?” Tinawagan ni Lucian ang PA.
“Good timing ang pagtawag mo, sir. Nandito ako sa office dahil may nakalimutan akong i-check bago ang short New Year vacation natin. I’ll be on my way in ten minutes,” tugon nito sa pakiusap niya.
“Thank you, Rhenn.”
“O, bakit mo inutusan si Rhenn sa araw na ‘to?” sita ni Rowan sa kaniya nang matapos niyang tawagan ang PA sa hapong iyon.
Nasa loob pa rin silang dalawa ni Rowan sa kaniyang kuwarto. Nakasuot lang ito ng roba habang nakasandal sa kama at nanonood sila ng palabas sa cable TV. Marami kasing channel kaya marami silang mapagpipilian at hindi mababato. Isa pa, sa pagitan ng panonood ay nagniniig naman sila nang walang kasawaan kaya sino ba ang mababato sa kaniyang araw?
“I was going to give it to you on our monthsary kasabay ng singsing. I forgot about it that night sa office. And since then, doon na lang siya namalagi.”
“Bakit, ano’ng nasa paper bag?” kunot-noong usisa nito.
“A dress that I want you to wear to meet the New Year, our New Year together,” nakangiting tugon niya.
“Hmm, I see. Ang sweet mo talaga. Naisip mo pa ‘yon, ah.”
Hinalikan niya ito sa labi. “We’ll get ready when your dress arrives,” kindat pa niya sa dalaga.
“Let me guess. Darating sina Kuya Lucas mo, sina Lee, Raya, at Baby Lance?”
“Yes. We’re going to have a family party this New Year. Ako ang host. Last year kasi, si Kuya Lucas.”
Napa-ah na lang ito.
“And… I almost forgot. Isasama rin ni Raya ang natatangi niyang kapamilya na si Nimuel, her cousin.”
“Oh! Why haven’t I heard about him before?”
“Well… there’s not much to say about the bloke. He’s based in Davao.”
“Ah, malayo rin pala.”
***
Nakatunghay si Rowan sa pamilya ni Lucian. Mainit siyang binati ng mga ito, bagay na ikinainit ng kaniyang dibdib. Ngayon lang siya nakadama ng isang mapagmahal na pamilya. Alam niyang marami pa siyang kakaining bigas bago maging opisyal na pamilya nito pero ngayon pa lang ay damang-dama niya ang mainit na pagtanggap ng mga miyembro ng pamilya ni Lucian sa kaniya na ikinasiya niya. Matagal na rin siyang nangungulila ng isang pamilya.
Medyo off ang pinsan ni Raya pero mukha namang mabait, sa tingin niya. In fairness, guwapo ito at matangkad rin. Mukhang maskulado ito katulad nina Lucian at Lee. Napag-alaman niyang isang mekaniko ito at may-ari ng isang talyer sa Davao saka single pa ito, ayon kay Raya.
Nagkaroon ng kasiyahan ang magkapamilya habang tumutugtog ng piano si Lucian. Proud na proud siyang nanood na tumutugtog ito at lalo lang siyang nai-in love sa katipan. Iyon ang unang pagkakataon na nakita at narinig niya itong tumugtog.
Lumapit si Baby Lance kay Lucian at sinira ang performance ng kaniyang fiancé. Napatawa na lang silang lahat dahil sa ginawa ng bata.
Pagkatapos niyon ay nagpaputok ng fireworks ang ilang tauhan ni Lucian at silang lahat ay nanood sa balkonahe. Nakayakap siya sa baywang ng nobyo at ito naman ay nakaakbay sa kaniya.
Tili nang tili at tawa nang tawa si Baby Lance dahil sa makukulay na fireworks habang ang mag-asawa ay nakahawak dito. Nakapatong ang bata sa ibabaw ng rail ng balkonahe samantalang magkaharap na nag-uusap sa mababang tono sina Lucas at Nimuel habang umiinom ng gin.
“I love you, sweetheart, and Happy New Year!” bati sa kaniya nang pabulong ni Lucian.
“Happy New Year, my sugar, and I love you, too!” Tinugon niya ang banayad nitong halik sa kaniyang labi. Lumundag ang puso niya sa saya.
“Hey! May bata rito, o,” reklamo ni Lee sa kanila.
Ngunit napangisi lang sila sa pamangkin ni Lucian habang si Raya naman ay tinakpan ang mga mata ng bata na pilit tanggalin ang kamay ng ina para manood pa sa fireworks.
***
Magkahawak-kamay sina Lucian at Rowan habang nakaharap sa isang puntod.
Ang puntod ng kaniyang ama.
Maraming damo ang halos tumabon sa puntod nito. Pero dahil siguro ay masinop ang magkabila na katabi ay hindi iyon nangyari. Tinawag ni Lucian ang isang tagalinis sa sementeryo para bayaran ito.
Si Rowan naman ay kinausap sa isipan ang namayapang ama. Nakatitig sa lapida nitong itim na marmol, kung saan nakasulat ang pangalan ng ama.
‘Patawad, ‘Tay, kung matagal akong nakadalaw. Kasi naman… nabulagan lang ako sa sobrang galit ko sa ‘yo nang dahil sa ginawa mo sa amin ni Nanay. Pero… naisip ko rin na baka hindi ka pa rin nakapagpahinga nang maayos diyan dahil sa galit ko sa ‘yo. Kaya pasensiya ka na po. I’m… tired… of hating you, and I think I’d let bygones be bygones. Isa pa, may lalaking naging totoo sa akin. He has proven to me that not all men are like you and my exes. So… I trust him and love him with all my heart. At kaya rin ako dumalaw rito para malaman mo, ‘Tay, na ikakasal na kami sa susunod na buwan. Sana… sana ay magiging masaya ka para sa ‘kin, sa amin.’
Ilang minuto pa ay naramdaman niya ang paghalik ni Lucian sa kaniyang sentido. “Are you okay now?” tanong nito sa kaniya.
Tumango naman siya sa katipan. “Yeah. Thanks to you. Kung hindi dahil sa ‘yo, siguro ay hinding-hindi ako makikipag-ayos sa kaniya kahit kailan.”
Niyakap siya nito at hinalikang muli sa sentido. “Well, maybe he sent me to you, so you’d forgive him.”
Napatawa ito nang marahan. “Huh?”
“Malay mo, ‘di ba? Fate has a funny and weird way to connect people. Sometimes, it’s beyond logic but not impossible. Gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para makilala mo ang isang tao na para sa ‘yo.”
“At ano ang koneksyon mo sa tatay ko, aber?”
“No idea,” tugon nitong nakatawa.
Pinisil niya ang matangos na ilong ng nobyo. “Ikaw talaga, kung anu-ano na lang ang iniisip mo pero… salamat, Lucian. You came into my life at the right moment and at the right place.”
Bahagya itong napataas ng kilay, hindi makapaniwala sa kaniya. “Really?”
“Huh?”
“It should be my line, sweetheart. I thought my life would have remained dull if I hadn’t met you that day.”
Kinilig siya sa sinabi nito. “Talaga?”
“Uh-hmm.”
“Halika na nga. Panay pakilig mo sa ‘kin, eh. Baka kung ano pa ang iisipin ng tatay ko sa sobrang pagka-cheesy mo.”
Natawa ito habang sabay na silang umalis ng sementeryo nang magkahawak-kamay.
“Teka nga lang, hindi mo pa sinabi sa ‘kin kung naayos mo na ang problema ni Reina at ng anak niya.”
“No worries. I’ve already done enough for them.”
Natigil siya sa paglalakad. “Meaning?”
“I gave them a business deal they can’t refuse. I’ve acquired their company, and I’ve given them free rein of it, so that the board members will be pacified. Nalaman na kasi nila ang tungkol sa ninakaw na pera ng kompanya. I gave them my word. Both mother and son will work their assess off to pay it with interest. I offered it to the BOD, so that her son won’t be sued and go to jail. Everyone reached to an agreement, so that was it.”
“Hindi ba lugi ka niyan?”
“Hindi ko na inisip ‘yon. Ang sa ‘kin lang ay nabigyan ng leksyon ang dalawang ‘yon.”
“Paano kung hindi sila magbabago?”
“Reina gave me her word. She’ll teach her son better.”
“At naniniwala ka naman sa kaniya?”
Kumibit ang lalaki. “I have no choice. They’ll be on their own after this. I told her that specifically. I’ve already done my obligation as her late husband’s friend. Siguro naman ay tama na ‘yon, ‘di ba?”
“I think you’ve done more than enough for them,” sabi naman niya.