Chapter 20: Bodies Touch

Patlang.

Hindi nakakibo si Rowan sa inilahad ni Lucian sa kaniya.

“I… know that we barely know each other, because it’s just about two weeks since we’ve met each other… but… you have to know that I never felt this way before. And I… I don’t want to lose these… feelings that I have… for you. So, I want you to know that you’re the only woman that is making me do this… this thing,” kibit na anito at napakumpas sa basket ng mga carnations at stuffed toy na nakaupo sa sofa malapit sa kaniya. “I love you, Rowan! That much I can say to you!” Napapikit ito ng mga mata pagkasabi niyon.

Siya naman ay napatigagal. Hindi niya alam kung ano ang isasagot o kaya ay sasabihin sa lalaki. Hindi niya inasahang marinig iyon mula rito. Ilang araw lang ba silang magkakilala at ito na ang sinabi nito? Pero natagpuan na lang niya ang kaniyang sarili na nasa harap ng lalaki. At nang imulat na nito nang marahan ang mga mata ay napangiti ito sa kaniya. Iyong ngiting tila marahang hinuhubad ang kaniyang panties. At parang gusto niyang magpaubaya.

‘Shems! Ano ba, Rowan? Bakit napunta sa hubaran ng panties ang isipan mo?’ saway niya sa sarili.

Napalunok tuloy siya nang pilit. Tila kasi may malaking bagay na bumara sa kaniyang lalamunan. Inabot niya ang bouquet ng mimosa na bigay sa kaniya ng binata.

“S-salamat, Lucian. Hindi ko alam kung… kung ano ang dapat kong sabihin,” ang napababa ng tingin na aniya.

“You don’t have to answer right away. Ang gusto ko lang naman ay nandiyan ka palagi. Gusto kong nakikita ka palagi. At gusto kong nakakausap ka palagi, Rowan. I felt like something died deep inside me when… when I sent you home last night.”

“I’m so sorry, Lucian. It… it was not because of you.”

“And I don’t think it was because of you either.”

“H-how can you be so sure?” kunot-noong tanong niya ritong hindi inihiwalay ang mga mata sa mga mata nito.

“If you want to know, Reina is just a friend, and her late husband was also my good friend.”

“Pero gusto ka niya, hindi ba?”

“Paano mo nalaman?”

Napatawa pa siya nang mapakla. “Lucian, I’m also a woman. I can just see it through her actions… and in her eyes.” Humina ang kaniyang boses. Napalunok siyang muli at napababa ng tingin sa mga labi nito.

Bakit ba parang minamagneto siya ng mga labi nito? Bakit parang hinahalina siya nito kahit sa simpleng ngiti nito o kahit na hindi pa rin ito nakangiti?

“Kahit na ang akala mo ay may asawa pa rin siya?” marahang tanong nito sa kaniya.

Tumango siya nang bahagya. “A-at ang totoo… hindi lang talaga siya ang dahilan kung bakit ako umakto ng ganoon kagabi.”

Naghihintay itong magpatuloy siya.

“H-hindi ko pa alam kung… kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa ‘yo.” Napababa siya ng tingin sa may dibdib nito.

“I can wait, Rowan,” maagap na anang lalaki.

Napangiti siya rito habang ang mga mata niya ay nakatitig na naman sa mga labi nito.

‘God! How I wish to kiss him right now!’ Pero nagpigil-pigil lang talaga siya sa sarili.

‘But there’s only one meaning if you want to kiss a guy, Rowan. You’re attracted to him.’

“I… I do like you, Lucian. P-pero hindi ko alam kung sapat⸺”

Pinatahimik siya nito sa pamamagitan ng maingat na pagdantay ng isang daliri sa kaniyang labi. At ang hinalalaki nito ay marahang naglandas sa kaniyang mga labi.

“Like… love… I don’t care if you can’t perfectly name it right now. I’m just happy that you’re going to give me a chance. Ang mahalaga lang naman para sa akin, sa ngayon, ay ang alam mo na ang nararamdaman ko para sa ‘yo, Rowan. I may be selfish for telling you this. But I really, really love to kiss you right now. So badly!” And his eyes fell on her sweet-looking, inviting lips.

Parang tumakas ang hangin mula sa kaniyang baga. “Lucian…” naibulong niya tuloy.

Nakita niya ang bahagyang pagtiim-bagang nito. Halatang nagpipigil lang ito sa sarili. She loved it. And she loved the way he said those words. They were like music and sugar mixed together, which heightened her senses, her feelings. At kahit sa sinabi niya, batid niyang higit pa sa “like” ang nararamdaman niya para kay Lucian.

Ayaw pa niyang aminin. Gusto niyang makasigurado. Baka kasi ang nararamdaman niya ay isa lang yugto sa puntong ito dahil kabe-break niya lang sa kaniyang cheat na nobyo. Natatakot siyang baka sa gusto niyang mag-move on ay ang subconscious niya ay pilit na magustuhan ang sinumang lalaking lumapit sa kaniya para may magiging rebound. At ayaw niyang hayaan ang sarili na manggamit ng iba upang maka-move on at baka masaktan niya ito sa bandang huli.

‘Lucian is a nice guy. He doesn’t deserve it.’

“But I can’t.”

Narinig niyang pahayag ni Lucian nang pabulong din. Marahan itong nagbawi ng kamay.

“Ayokong mag-take advantage dahil alam kong gusto mo rin ako. But God help me! Rowan, I really love you!” Niyakap siya nito nang mahigpit sa kaniyang baywang. Ang mga kamay niya, hawak sa isa ang bouquet, ay marahang nag-angat upang tugunin iyon. Damang-dama niya ang matigas nitong katawan. Kaya lang ay binitiwan din siya ng lalaki pagkatapos ng ilang saglit upang titigan siya sa mga mata.

Magsasalita sana siya nang pumasok si Mang Isidro kasama ang dalawang tauhan nitong sina Rick at Tonio. Binati sila ng mga ito at nakita niyang napatingin ang mga ito sa bulaklak na hawak niya, pati na sa basket ng mga carnations at sa alien na stuffed toy.

“Ma’am Ro, sorry sa istorbo. Re-report na kami na pupunta kami sa bahay ni Sir Lucian. Nandito pala siya,” pahayag ni Mang Isidro.

Tumango naman si Lucian sa mga ito. “Mang Isidro,” sagot ng binata. “Kumusta po ang home emergency ninyo?”