Chapter 6 Help of a friend

“Akala ko ba ay sa Regsheyr shop ang meet up place?” mataray kong tanong kay Ashton habang kasalukuyan itong nag d-drive ng kotse.

Pasakay na ako ng taxi kanina nang bigla ako nitong maabutan at pigilang sumakay doon. Pinaalis nito ang driver ng taxi at sinabing sakaniya na lang ako sasakay.

Wala namang nagawa ang driver kundi ang tumango at umo-o sa sinabi nito. At syempre may choice pa ba ako? Pinaalis na niya yung pinara kong taxi, saan pa ba ako sasakay.

Hindi ito umimik pero binigyan lang niya ako ng isang ngisi. Bakit ba lagi na lang itong nakangiti at tumatawa sa tuwing nakikita ako.

Ganun na ba siya kasaya sa akin?

“Sinadya kong hindi pumasok para doon sa footage.”

Napalingon ako sakaniya nang maisipan nitong basagin ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

“Bakit? Bakit mo ginawa ‘yon?”

Lumingon din ito sa akin at binigyan ako ng pilit na ngiti.

“Nakokonsensya ako.” Ayan nanaman tayo.

“Kung sana ay sinamahan na lang kita nang mga oras na ‘yon kahit ayaw mong magpahatid, edi sana kahit papano ay may kasama ka at may p-protekta sa iyo ng mga oras na iyon. Pasensiya kana, gusto talaga kitang ihatid pauwi pero ayoko din namang pilitin ka kung talagang ayaw mo ang magpahatid. Kaya wala na rin akong nagawa nang mag decide kang umalis na lang mag-isa.”

Why do they feel sorry e, hindi naman sila ang humabol at nagbalak ng masama sa akin ng mga oras na ‘yon. Isa pa, wala naman akong sinisisi sa kahit sino man sakanila.

“I’m sorry, Eash. Gusto ko lang bumawi. Hindi mo ako masisisi kung bakit ganito ako ngayon sa’yo. Kinakain ako ng konsensya kahit sabihin man nating wala naman akong nagawang mali saiyo. But please, let me do you a favor, let me help you this time.”

Hayy. Mukha pa bang makakatanggi ako kung ganiyan sila saakin?

Gaya na lang ng kapatid niya kahapon, kahit gusto ko mang tumanggi, hindi ko naman magawa kung ipinagpipilitan parin nito ang gusto nitong mangyare. Magkapatid nga talaga sila.

“Saan ka naman nakakuha ng copy ng footage?”

“I asked someone to get some copy. I don’t know where’d he gets it. Hindi ko na inalam pa ‘yon. All I care is that, I already have now the copy.”

Perks of being a rich kid, e, noh.

Maya-maya ay ipinark nito ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Pinagmasdan ko ang lugar kung nasaan kami. Kahit saan man ako tumingin ay wala akong idea at hindi pamilyar sa akin ang lugar.

Bumababa ng sasakyan si Ash at ipinagbuksan ako ng pinto.

“Where are we?”

“My house.” Simpleng sagot niya.

Isinara nito ang pinto ng sasakyan at nagpatiuna itong maglakad papasok ng bahay. Kahit nagtataka ay wala akong nagawa kundi ang sumunod.

“Pasensya kana kung dito kita mismo dinala, masyadong confidential ang ipapakita ko saiyo. Sabi ng napaghingan ko ng tulong ay kung pwede ay huwag ko raw muna itong ipagkakalat sa kung kani-kanino lang.” paliwanag niya na agad kong tinanguan.

If he says so.

Ako yung tipo ng taong hirap magtiwala na lang ng basta basta sa kahit kanino. If my mind and gut feel tells me to stay away from that person, then I’ll stay away. But from this moment, I don’t know if it’s just my curiosity kaya napasama ako agad kay Ashton.

Dapat ay kinakabahan o nag-ooverthink na ako sa mga oras na ito, dahil pumayag pa akong sumama at pumasok sa loob ng bahay niya. Pero wala man lang akong naramdamang kahit na anong signs na baka may gawin ito sa akin at ilagay muli ako nito sa panganib.

I don’t want to admit it, but this time, I’m going to trust him.

Pumasok ito sa isa mga kwarto ng bahay para kunin ang isang hawak na folder. Lumapit ito sa akin at agad ini-abot ang hawak nito.

“Alam kong madaming bumabagabag ngayon sa isip mo. But I hope this thing will somehow help you.”

Ilang segundo muna akong napatitig sa hawak niyang folder bago ito tuluyang kunin. Napakabilis ng tibok ng puso ko, ramdam ko rin ang pamamasa ng mga mata ko.

If I opened this right now, magiging kampante na kaya ako? magkaka idea na ba ako kung sino ang gumawa niyon sa akin? Tumingin ko kay Ash at napansing kanina pa ako nito tinitignan.

What happened that night really traumatized me, hindi ko alam kung paano aalisin ang mga tanong at bagay na bumabagabag sa’kin.

Pakiramdam ko nga ay may chansa pang maulit ang nangyareng ‘yon hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang may kakagawan non. At alam kong hinding hindi ako matatahimik sa kakaisip sa bagay na ‘yon.

I know that this guy was just trying to help me, because of conscience. Pero ramdam kong may iba pang rason kung bakit niya ito ginagawa.

This guy likes me.

I know it, his action and the way he looks at me tells everything. Alam ko ang bagay na ‘yan kasi ganiyan na ganiyan din ako kay Ford. He may not say it, but I know how he feels towards me.

I wonder if Ford, notices my feelings for him too?

“Eashie, you okay?”

Napansin ata niyang kanina pa ako nakatingin at tulala sa kaniya. Ilang segundo muna akong natigil bago maka compose ng mga salitang sasabihin sa kaniya.

“Thank you, I know you just wanted to help me para mabawasan ang konsensiyang nararamdaman mo. I’m so grateful at tinutulungan mo din akong mabawasan ang mga iniisip ko ngayon. But, if there are other reason pa para tulungan mo ako, please don’t do it."

"I don’t want you to expect things from me. Malaking bagay na itong ginawa mo ngayon. Ayoko ring madamay ka pa sa problemang ‘to. Kung ako lang ang masusunod, hindi mo na kailangan pang tulungan ako sa susunod. This is already enough and I want to solve this thing on my own.”

Mukhang hindi nito ine-expect na sasabihin ko ang mga yun sa kaniya. Hindi rin muna ito nakapagsalita agad.

“I-im not expecting things from you. I helped you because I just really wanted to help, Eashie..”

Tumango ako. Siguro ay masiyado lang akong asyumera para sabihin ang mga iyon sakaniya. Iniisip na siguro nito ngayon na asyumera ako.

“Just because I like you and I helped you, doesn’t mean that I’ll expect things from you now. Hindi ako ganon, Eashie.” dagdag niya na bahagyang ikinagulat ko. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang mga iyon.

“Don’t worry, if my presence bothers you that much, susundin ko ang sinabi mo kanina. I’ll stay away and let you solve this prob. on your own.”

“Ash..” did I offended him? Parang nakonsensya ako bigla.

Ngumiti ito sa akin at tinapik ako sa balikat.

“Let’s go.” sabi niya at naglakad na pauna sa labas.

Arghh. What did I do? Kahit nang sumakay na ako ng kotse nito ay hindi parin niya ako kinakausap. Hindi ako sanay na tahimik siya.

Ano kaya pwedeng i-open up na topic? His favorites? Books? Food? Color? Perfume?

Aha!

“Ash..?”

“Hmm?”

Ang cold naman.

“What’s your favorite book?”

Bigla itong natawa sa tanong ko. Anong meron?

“Why did you suddenly ask about it? Hindi ka sanay na tahimik ako no?” I rolled my eyeballs to him.

“Joke lang. Ang sungit nanaman. But anyways, to answer your question, my favorite book is..” tila nag-isip pa ito. “None.”

What? Wala siyang favorite book? Bakit pa siya nag-isip?

“What? Why? Hindi ka ba mahilig magbasa?”

He shrugged. “Hindi, e.”

Nakaka turn off naman.

“O bakit parang nalungkot ka? I still have other favorites pa naman, baka ma turn on ka agad sa akin kapag nalaman mo mga hobbies ko.”

Bat ba ang hangin neto?

“What are your favorites?”

“Ahm, sa food is pasta. Place is Paris, ano pa ba, ahm, color? Black?”

“O, bat parang hindi ka pa sure sa sagot mo?” natatawang sabi ko.

“Haha, hindi ko alam if it’s black or grey. I don’t know, pwede both?”

Natawa ako. “Ikaw bahala.”

Saglit kaming natahimik bago ko muling basagin ang katahimikan. Ang boring kasi pag walang nagsasalita.

“How about your perfume? I still remember your scent yesterday. Is that your favorite?”

“No, actually kahapon ko lang ito ginamit. Lei, gave me that perfume.”

Lumingon ako sa kaniya. “Really? Regalo ba niya ‘yon sayo?”

Tumango siya. “Yep.”

“Kelan niya ito binigay sa’yo? Before or after the party?”

“Before. Why?”

Umiling ako at hindi na muling nagsalita. Iwinaksi ko na lang ito sa isip.

Ayoko ng ma-stress.

Muli akong nagpasalamat kay Ashton nang makarating sa bahay. Hindi ko namalayang inabot kami ng ilang oras sa biyahe. Medyo malayo din pala ang bahay ni Ash.

Sabi niya, siya lang daw ang nakatira do’n. May kaniya-kaniya daw silang bahay na magkapatid.

Tinignan ko ang oras at alas singko na ng hapon.

“Do you still want to grab some dinner?” tanong niya.

Umiling ako.

“Hindi na, salamat. May gagawin pa kasi ako.” rason ko para hindi na ito mangulit pa. Gusto ko nalang muna magpahinga.

“Okay, then.” Aniya at ngumiti sa akin. Mukhang okay na ulit siya. Mas bagay sa kaniya ang nakangiti kaysa ang nakabusangot.

“Goodbye, ingat.” pagpapaalam ko.

He nods and wave before he gets inside his car. I wave back and smiled at him before he leaves.

Pumasok ako ng bahay at agad sumalampak sa sofa. I stared at the folder for about a minute before I decided to open it. Ilang picture ng footage ang laman nito. Some are blurry pics of the guy who tries to hurt me. Halos wala din akong maaninag sa mga litrato dahil sa labo ng mga ito.

Ibinalik ko ito sa loob ng folder, mukhang wala din akong napala dito. O dahil baka pagod lang ako kaya wala pa akong napapansin dito.

Kinuha ko ang cellphone at nakitang may message mula kay Ford. Napaayos ako ng upo bago ito i-open.

'Have you heard the two vm’s already?'

'Where are you, Eashie?'

'Are you busy?'

'Why are you not answering my calls?'

'Nagtatampo ka pa rin ba?'

Madami pa itong text mula pa kaninang tanghali. Bakit ngayon ko lang ito nareceieve?

Chineck ko kung naka silent ba ako and damn! naka silent mode nga! Sa kaba ko ay nag-open agad ako ng messenger to check his other vm this morning. Nakalimutan kong dalawa pala ‘yon.

Madami pa siyang bagong message mula kanina pero inuna kong i-open ang isang vm nito.

‘I want to make up things with you, Eashie. I wanted to see you. I missed you already. I missed my best friend. I’m sorry hindi na kita napupuntahan jan sainyo. I’m not in our house right now. I’m currently at our vacation house right now, pero babalik ako today just to see you. Magkita tayo sa bahay, aantayin kita.’

Nanlulumo akong napa upo sa sofa.

He wants to see me, and he’s expecting me to be there at their house today.

Antanga mo, Eashie!

Bakit hindi mo man lang naalala na dalawa ang vm nito sa’yo! Ano na kaya ang iniisip nito ngayong hindi ako sumipot? Malamang nagtatampo na ‘yon sayo! Hindi ka rin ba naman kasi nagpaalam at sabihing may iba kang pupuntahan.

Pero biglaan ‘yon! Siya naman talaga ang pupuntahan ko dapat nung una, e.

Binasa ko ang mga bagong message nito.

‘So, you already forget about me?’

‘You choose to be with him, than to be with me?’

‘You choose that sc*mbag over your best friend?’

‘Have you guys enjoy each other company now, that you already forget that I’m still here, waiting for you?’

Hala, Ford! It’s not what you think!

Kinakabahan ako. I know he’s damn mad at me right now.

Sino ba namang hindi? e, pinag antay ko siya sa wala!

Nag umpisa akong mag-type at sinubukang magsend sa kaniya ng message. Pero hindi iyon masend. Mukhang nag expired na rin ang load ko.

Nak ng! kung minamalas ka nga naman.

Lumabas ako ng bahay. Pupuntahan ko na lang siguro siya. Pero hindi pa man ako nakakalalayo ng bigla ulit siyang mag-send ng message.

I stop and opened it right away.

“Forgetting me was a huge mistake, you’ve been avoiding me because of him? You broke our rules, Eash. And now you need to pay for it.”

I stared at the message for about a minute now, I understand that he’s mad, but what the heck is he saying right now?

What is he trying to say?

What are you going to do, Ford?