CHAPTER 79

Nang makarating ako sa ospital ay agad akong pumunta kay Annie. Nakita kong nagtitinginan na naman ang mga nurse sa akin. Isang nurse ang humarang sa akin. "Sandali lang Sir," tawag nito sa akin.

Huminto naman ako at lumingon,"May problema ba Miss?"

"Ikaw ba ang nakabuntis kay Nurse Annie? Ano bang sinabi mo sa kanya kahapon at dinugo siya? Sinabi mo bang hindi mo siya pananagutan? O tinanggi mo na anak mo iyon?" galit na tanong ng Nurse. Ngumiti muna ako at sa pagngiti kong iyon ay nagtilian naman ang ibang nurse na naroon din sa nurse station.

"Pwede ba, tumahimik nga kayo! 'Wag nga kayong padadala sa ka gwapuhan ng taong to! Kung sasakatan naman niya si Annie!" Tinuro pa ako ng hintuturo nito, pero hindi ko ikinagalit iyon.

"Well, maybe your one of the friends of my wife, thanks and please continue for being consern with her, you know she suffering about the condition of her best friend Shiela. Thank you for that," at pagkasabi ko nga no'n ay nagmamadali ko na silang iniwan at tumuloy sa E. R room kung saan dinala nila si Annie. Siya naman ay naiwang natutulala.

"Ano ka!? Makaaway sa Hero ko! Ka-inis ka!" wika ni Nurse Joy kay Mica.

"He! Hero mo! Asawa ni Annie! Kaya tumigil ka na sa kaka-Hero mo! Hindi mo siya Hero, Hero siya siguro ng lahat!" singhal ni Mica sa kaibigang nurse.

Samantalang ng makarating ako ro'n ay nalaman ko na nasa pribadong kwarto na pala siya sa 3rd floor. Kaya agad din akong nagtungo roon. Nang makarating ako roon ay naroon pa ang doktor, kaya naman tinanong ko ito agad.

"Oh, Mr. Santivaniez! Why are you here?" tanong ng doctor na kilala ako.

"Ahm I'm here for my Wife, what is Her Condition Doc.?" mahinahon kong tanong.

"She's fine right now, but she needs to rest, medyo mahina ang kapit ng baby sa sina pupunan niya, bawal siyang ma-stress kung hindi baka duguin nanaman siya."

"Okay Doc. Thanks again..." at pagkasabi ng doctor ay umalis na ito. Tinangka kong pumasok sa loob ng room ngunit nakita ko roon ang Mama niya na nag-aasikaso sa kanya. Tila nawalan ako ng kumpyansang tumuloy. Naisip ko na maaaring ma-stress na naman si Annie, kapag nakita ako o malamang nagpunta na naman ako. Tinawag ko ang isa sa mga body guards ko na iniwan ko doon.

"Magbantay kayong maigi, pero 'wag kayong magpahalata. Siguraduhin niyong walang masamang taong makakapasok, kung aalis ang isa, tiyakin ninyong maymaiiwan."

"Yes Sir," sagot naman ng mga ito na very attentive sa mga sinabi ko.

Dumaan ako sa nursing station bago ako umalis. Hinarap ko ang nurse na kausap ko Kanina. "Hello, I think your one of the friends of my Wife here, this is my calling card please call me if there's anything wrong na mangyari sa asawa ko," at pagkaabot ko no'n ay umalis to na kaagad ako. Pagkarating ko sa hotel ay nagtungo kaagad ako sa rooftop. Naroon na ang dalawang helicopter na gagamitin namin patungo sa Romblon, doo’y isasagawa na namin ang pagkuha ng actual footage ng pataniman ng mga halamang nakakasira ng buhay ng tao.

Isa sa mga reporters ang kasama namin upang gawin ang bagay na iyon. Nakahanda na rin ang lahat ng news t. v na binayaran ko upang i-ere ang balitang iyon, sa lahat ng t. v station. Upang mapanood nang buong bansa ang balitang ito. Bahala na sila, kahit pa alam kong maaring magbuwis ng buhay si Edmond sa gagawin ko. Wala na akong magagawa.

Nasa isang oras lang ang biyahe namin mula sa Benguet patungong kabisayaan ng Romblom. Sa lugar mismo ng pataniman na pag-aari ng isang pribadong tao. "Anong gingawa niyo dito? Hindi niyo pwedeng pasukin ang pataniman!" galit na sabi ng lalaking siyang nagbabantay doon. Maya maya pa ay may mga armadong lalaki ang humarang din sa amin.

Inilabas ko ang warrant of arrest para sa mga taong pumipigil sa amin. May mga kasma akong ilang mga tiga NBI upang mag-imbistiga rin sa kasong iyon.

"Hindi kami pupunta rito ng walang pahintulot! Sige pasukin niyo na ang buong pataniman!" Sabi ng mga tiga NBI sa mga tauhan ko. Pumasok kami at mga tauhan ng NBI upang maghalughog at mag-imbistiga sa mga pataniman. Kami naman ng team namin ay kinuhanan ng live ang pataniman.

"Nakikita niyo po sa lugar na ito ang napakaraming bulaklak ng Talampunay o Devil's trumpet. Isa sa mga halamang nagdudulot ng masamang epekto sa daloy ng dugo ng tao, nakapagpapanuyo ng labi at mga mata ng tao. At ang isapang masamang epekto ng halalamang ito ay nakapagdudulot pa ng hallucinations sa ating mga isipan. Ang tanong ay kung bakit ang pribadong lugar na ito na pagmamay-ari ng isang kilalang pilantropo na si G. Elmer Fabian o Kilala bilang Don Fabian ay mayroong ganitong klaseng pataniman? Patuloy po nating tunghayan ang kwento at katotohanan sa likod ng mga pangyayaring ito." Iyon ang balitang narinig at napanood na rin ng lahat.

Samantalang malakas na naibalibag ni Don Fabian ang hawak nitong remote control ng T. V at galit na galit itong may tinawagan.

"Talagang kinakalaban ako ng Dave Santivaniez na iyan! Sige gawin niyo na ang isang plano." Binaba nito ang awditibong hawak. At ngumisi ng todo. "Tingnan lang natin kung maituloy mo pa ang lahat ng mga binabalak mo," sabi pa nitong muli na tila siguradong mapipigilan pa niya ang mga binabalak ko.

Ang hindi ko alam ay plano pala nitong ipadukot ang anak kong si Daniel, at ang mga kapatid at ina ni Annie. Pati pala si Carol na nag-iisa kong pamangkin at kamag-anak na nasa America ay nagawa na niyang kunin at bihag na niya sa kanyang poder. At lahat ng iyon lingid pa sa akaalaman ko. Habang naroon pa rin kami sa lugar ng pataniman ay naglabas ako nang napakaraming gasolina, nagulat sila na sinasabuyan namin ang kalupaan ng napakaraming gasolina.

"Mr. Santivaniez! Anong ginagawa ng mga tauhan mo? Bakit kayo nag sasaboy ng gasolina sa buong Lugar?" tanong ng isa sa mga NBI agent.

"Nakakuha na tayo ng mga sample ng mga ginagawa nilang gamot at mga halaman na rin, ano pang dapat nating gawin sa lupaing ito? At sa mga halamang iyan na sumisira ng maraming buhay ng mga tao!"

"Mr. Santivaniez, hindi pa natin napapatunayan ang akusasyon mo, at ang panig ng nasasakdal ay hindi pa natin nakukuha, hindi mo pwedeng gawin yan!"sabi uli ng NBI agent.

"Sige handa kong harapin ang magiging kaso ng gagawin kong ito." At kinumpas ko ang mga kamay ko. Upang sindihan ng mga tauhan ko ang taniman. Isang upos lamang ng sigarilyo ay lumiyab ang buong pataniman. Lahat kami ay sumakay muli sa helicopter at nakuhanan namin maigi ng live ang buong pataniman na nasusunog.

Habang patuloy naming pinagmamasdan sa aking sasakyang helicopter ang patanimang nasusunog ay nag-ring ang cellphone ko. "Hello," sagot ko sa tumatawag, hindi ito nagsalita agad. Malakas na halakhak ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Sino to? Magsalita ka!?" sigaw ko sa taong nasa kabilang linya. Na alam kong si Don Fabian.

"Sino kaya sa mga bihag ko ang uunahin kong kapalit ng pataniman kong pinatay mo! Ang mga kapatid ng asawa mo? Ang nag-iisa mong pamangkin o ang nag-iisa mong Anak!”

Malakas itong tumawa, tawang tila sa isang demonyo!

"Hayup ka! Demonyo ka! Don Fabian! Huwag mong idamay ang anak ko!" Nanginginig kong sigaw sa kanya sa kabilang linya. At nawala na nga ito sa linya.

"Okay Guys... Bumalik na tayo sa manila. Maghaharap kami ni Don Fabian. Iyong lahat nang nakuhaan natin na live televise ba iyon?"

"Oo sir, napapanood na ng lahat iyon ngayun," sagot ng mga tauhan ko. Kahit paano ay may laban pa rin ako kay Don Fabian. Kahit na nag-aalala ako dahil sa nasa panganib ang buhay ng pamilya ko. Kinakailangan ko paring mag-isip ng plano.

"Nakarecord ang tawag diyan. Pati lahat ng pinag-usapan namin, I-track niyo ‘yong number at location. At gumawa ka ng kopya para sa ebidensiya at sa NBI," iyon ang iniutos ko sa kanila dahil alam kong kakailanganin ko ang lahat ng iyon.