CHAPTER 78
Hindi ka agad ako nasundan ni Dave, hinarang siya ng mga tao dahil sa sobrang sikat siya ng mga sandaling iyon. Ngunit nakialam naman ang mga body guards niya kaya ‘t nakasunod din siya.
Nang dahil sa masamang amoy niya na dati ‘y gustong-gusto ko, ngayon naman ay sukang-suka ako sa amoy niyang iyon. Kaya pagpasok ko sa silid ni Shiela ay agad akong nagtungo sa banyo niya. Naabutan niya akong nagdududuwal sa maliit na sink doon. "Bakit ganyan ang tingin mo sa'kin?" tanong ko sa kanya na parang may inis ako sa tinig ko.
"Are you pregnant?" naguguluhang tanong ni Dave sa akin. At ang tanong na may kasamang pag-aalala.
"Bakit! Imposible bang mabuntis ako!" may galit kong tanong sa kanya. Lumakad ako patungo sa labas ng banyo at tinungo ang lamesita sa tabi ng kama ni Shiela. Kumuha ako ng alcohol at inilagay sa palad ko.
"Bakit, anong akala mo magkakandarapa akong salubungin ka! Para sabihin ko sayo, galit ako! Dahil marami nang nadadamay sa problema ko. Problemang dulot ng mga taong masasama. Hindi ba sabi mo tutugisin mo silang lahat! Hero ka nga raw! Bakit nandito ka!?"
Ngunit sa halip na magalit din si Dave, sa akin ay ubod luwang ang mga labi nitong ngumiti sa akin at nagsalita," Buntis ka nga! Kasi ganyan ka rin sa akin noong una kang mabuntis, galit ka sa akin, kaya nga kamukhang kamukha ko ang anak nating si Daniel eh,"sabi nitong animoy walang problemang kinakaharap.
"Pwede ba! Huwag kang maging masaya! Nakikita mo ba ang kaibigan ko!" Tinuro ko si Shiela na nakahiga pa sa kama at wala paring malay. May mga aparato pang nakakabit sa kanya.
"Alam mo bang pinigilan niya ang sarili niyang maging masaya para sa 'kin! Niligtas niya ang buhay ng anak natin! Alam mo ba kung ano ang pakiramdama ko! I feel so guilty! Hindi ko magawang matuwa! Because of me, she will die anytime!" At humulagpos na nga ang mga luha ko. This time mas emosyonal ang pakiramdam ko.
Lumpit sa 'kin si Dave at niyakap ako. Hinagod niya ang likod ko at bumulong," I'm so sorry Annie, I know it was me, it's because of me! Kung alam ko lang na magugulo lang ang buhay mo, hindi ko na hinangad na makasama kapa sa buhay ko. Nanatili na lang sana akong nakatingin sa 'yo sa malayo." Pagkatapos ay bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at saka tuluyang umalis.
Marahil napakasama ko sa kanya, alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko iipinakita ang walang pagsidlan kong saya sa pagbabalik niya bilang siya. Hindi ko magawa, hanggang hindi ko nakikita si Shiela na maayos ang kalagayan hindi ko magagawang sumaya. Para sa kaibigan kong nagbuwis ng sarili niyang kaligayahan, ni hindi niya naipakitang masaya siya sa buhay niya. Matagal na pala silang nagkakamabutihan ni Marvin, pero hindi niya iyon nagawang ikwento sa akin dahil naninimbang siya. Dahil alam niyang hindi magaan ang loob ko sa nobyo niya. Pero parating ako ang pinapanigan niya, I feel so guilt sa mga nagawa ko kay Shiela. Hindi ko manlang siya naisip. And because of that attitude I made her life miserable." Napaupo ako sa gilid ng kama niya at tuluyan na namang napaiyak.
"Oh God please help us... Na malampasan namin ang mga pagsubok na ito. Gusto naming lumigaya sa piling ng mga mahal namin. Napakabata pa po no Shiela. At lagi niya na lang kaming inaalala." bulong ko habang nakahawak ang kamay ko sa kamay niya. At bigla kong naramdaman ang biglaang pagsakit ng puson ko. Kaya namilipit ako sa sobrang sakit. Mabuti na lang at pumunta so Mica sa silid na iyon upang kumustahin ako at kung bakit umalis na si Dave. Ngunit nag-iwan naman ito ng mga bodyguards na magbabantay sa amin.
"Annie! Anong nangyayari sa'yo?" Mabilis na lumapit sa akin si Mica. At nang makita niyang namimilipit ako sa sakit ng tiyan ay tumawag agad siya ng tulong. May bed agad silang dinala sa kinaroroonan ko at mabilis akong inihiga roon. Dinala agad nila ako sa emergency room. At doon ako ginamot.
-----------
Dave Pov:
Umalis ako sa lugar na iyon dahil ayokong makita ang paghihirap nang kalooban niya sa mga nangyayari sa amin. Kailangan ko nang madaliin ang lahat! Kailangan ko nang tapusin ang lahat. Dahil nais ko nang makasama ang pamilya ko. Nais ko nang mabigyan ng normal na buhay ang lahat ng taong nasasangkot sa gulong ito. At nais ko nang makitang nagdurusa ang mga masasamang tao, tulad ni Edmond, at Don Fabian! Hindi ako nauunawan ni Charls gusto kong mahuli at maukha si Edmond dahil nais kong pagbayaran niya ang lahat sa kulungan ng buhay.
Nang biglang tumunog ang cellphone ko at mabilis kong sinagot. " Hello..." mahina kong sagot sa kabilang linya.
"Sir si Ma'am Annie po nasa E. R mukhang dinugo po," sabi ng isa sa mga bodyguard ko na iniwan ko para kina Annie at Shiela. Napatayo ako sa pagkabigala at pag-aalala. Kaya agad na akong umalis upang puntahan sila sa hospital. Sa isa sa mga hotel sa Benguet ako tumuloy kasama ng team ko. Kaya naman hindi na mahirap para sa akin na makapunta kaagad sa ospital na kinaroroonan nila. Nagsisi ako at nagpakita pa ako kagad sa kanya. Sanay hindi ko ginawa. Ngayon ay nasa bingit na naman siya ng kamatayan. Nawa ay maligtas sila. Taimtim akong nagdarasal sa Panginoon. Dahil alam kong ang Diyos lamang ang makakatulong sa amin sa lahat ng mga pinagdaraanan naming problema.