Chapter 8 Still

"Kanina ka pa ba?" Gino ask me.

Umiling ako. "Nope! Halos kararating ko lang..." I lied.

He nodded. "Bakit hindi ka pumasok?"

I place a small smile in my face. "Uhm, I think you two needs privacy?"

Tumawa siya na parang may mali sa sinabi ko. Wala naman di ba?

"Hindi ka naman na iba sa ’kin. Your my friend."

Shit! Friend daw. Biglang may dumalaw na pait sa lalamunan ko. Umiling iling ako at winala ang sarili sa iniisip.

"Anong iniiling-iling mo diyan?" tanong niya.

"Wala! Hindi mo pa ba susundan si Joyce? Umalis na siya di ba?"

"Ah yeah... Let's go?" anyaya niya.

Nilahad niya ang kamay niya pero tumango lang ako at tumayo. Hindi ‘yon tinanggap. Nakita kong tumabi siya sa ‘kin nang papalabas na ng ospital.

Napatigil ako bigla nang makitang may lalaking humarang sa harapan ni Joyce.

"Si Mark na naman?" tanong ko.

"Mukhang sinasadya niya talaga habang hindi pa ko nagigising." sabi ni Gino.

Paglingon ko sa kanya ay kita ko na naman ang pagtitiim bagang niya, paglingon ko sa kamay niya ay parehong nakatiklop ang mga kamao. Hinawakan ko 'yon katulad kung paano niya ako awatin kina Vince noon. Lumambot ang expresyon ng mukha niya nang mapalingon sa ’kin. I gave him a small smile to assure him that it’s alright.

"Baka naman mabuti ang intensiyon niya di ‘ba? Huwag ka munang mag-alala." sabi ko.

Huminga siya ng malalim pagkatapos ay sinabihan kong lumapit kami sa kinaroroonan nina Mark at Joyce.

"Bakit nandito ka na naman?" said Joyce, irritated.

Tipid na ngumiti si Mark pero nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Gusto lang sana kitang ihatid? Pwede ba?"

"Hindi, makakaalis ka na." sabi ni Joyce at naglakad na pero hinablot ni Mark ang kamay niya.

"Ano ba Mark! Bitawan mo ‘ko!" ani ni Joyce, nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ni Mark.

Umambang susugod si Gino pero napatigil siya dahil hinila ko ang kamay niya pabalik. Umiling ako nang hindi nagsasalita. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin at pinagpatuloy ang gagawin nila.

"Gusto ko lang tumulong okay? Wala akong masamang intensiyon. Ihahatid lang naman kita pauwi." nagmamakaawa na ang boses ni Mark.

Tumigil naman sa pagpupumiglas si Joyce at hinawi ang kamay niyang hawak ni Mark.

"Kaya ko sarili ko!"

"Baka mapahamak ka na naman! Gabi na oh! Mahirap maglakad sa inyo kapag madilim. Please? Ihahatid lang kita... Aalis naman ako kaagad kapag nakita kong ligtas kang nakauwi... Please?..." Mark said while pleading.

Lumambot naman ang hitsura ni Joyce pagkatapos ay saglit na pumikit. Pagdilat niya ay saka siya tumango. Napangiti naman si Mark pagkatapos ay sinenyasan si Joyce na sumunod sa parking.

Sinundan namin sila hanggang sa makarating sa isang kulay pulang BMW car. Pinapasok niya si Joyce sa front seat kaya agad din kaming pumasok sa likod ni Gino. Umupo sa driver's seat si Mark pagkatapos ay ini-start na ang kotse para makaalis.

Buong byaheng tahimik ang dalawa. Nakatingin lang si Joyce sa bintana niya, samantalang si Mark naman ay panaka-nakang lumilingon kay Joyce.

"Joyce? How's Gino? Is he recovering?" tanong ni Mark.

Nakita ko sa rearview mirror ang pag-ayos ng upo ni Joyce pero hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"He's okay... I think? Hindi pa niya ako binibigyan ng signs kung magigising na siya e, but I'm hoping it will be soon."

"That's good. Dapat gumising na siya, para ikaw naman ang naaalagaan niya."

I looked at Gino while listening to their conversation.

"Binabantayan ko naman siya kahit hindi niya ko nakikita." ani ni Gino sa kung saan.

Alam kong para kay Mark niya sinasabi 'yon. Hindi ako nagsalita o nagkomento dahil pakiramdam ko ay hindi naman dapat.

"Ingat ka... Thanks for the ride." sabi ni Joyce sa tapat ng pintuan ng gate.

Tumango lang si Mark pagkatapos ay sinenyasan siya. "You’re welcome. Pumasok ka na. Aalis ako kapag nakapasok kana."

Tumango si Joyce pero hindi pa rin umaalis sa puwesto niya.

"Uhm... Mark? Huwag na sanang makarating kay Gino na hinahatid mo ko sa bahay please? A-Ayoko lang kasing magalit siya," mahinang sabi ni Joyce at nag iwas ng tingin.

May dumaang sakit sa mga mata ni Mark at parang pilit na pilit na tumango.

"Don't worry... I wont tell him. I just want you to be safe." ani ni Mark pagkatapos ay pumasok sa kotse niya at pinasibad na ito papalayo, hindi na niya hinintay na makapasok ng bahay si Joyce.

A tear escape from Joyce's eyes as I looked at her. Agad niyang pinunasan 'yon pagkatapos ay pumasok na sa loob.

"Gino wait! Saan ka pupunta?" tanong ko nang bigla niyang binitawan ang kamay ko.

"Stay there! Diyan ka lang! Don't follow me!" pasigaw na sabi niya habang tuloy-tuloy ang pagpasok sa loob ng bahay ni Joyce.

I was so stunned in my place dahil sa pagsigaw niya. Sinunod ko ang sinabi niyang huwag akong sumunod sa kanya at manatili lang dito sa labas dahil na rin sa takot ko sa pagsigaw niya kanina.

Ilang minuto rin akong naghintay dito sa damuhan sa labas ng bahay nang makita ko siyang dire-diretsong lumabas ng bahay nina Joyce na nangingislap ang mga mata at napapatiim bagang. Dali-dali akong napatayo at sinalubong siya pero dire-diretso lang siya sa paglalakad at hindi ako pinansin.

"Gino! Hintayin mo naman ako!" frustrated ko nang sabi habang pilit na hinahabol siya dahil sa bilis ng paglalakad niya.

Hindi niya ko pinapansin kahit todo ang pagsigaw ko sa kanya na hintayin niya ako.

Hindi ko man lang siya maabutan o makatabi man lang sa paglalakad niya kahit tumatakbo na ako! Lakad takbo ang ginawa namin hanggang sa namalayan ko na lang na nasa hospital na pala kami.

Dumeretso si Gino sa kuwarto niya at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang pilit niyang pinagsusuntok at tadyak ang katawan niyang nakahiga sa hospital bed.

"Oh my God! Gino! Ano bang ginagawa mo? Itigil mo nga ‘yan!" sabi ko at napatakip sa bibig ko sa sobrang gulat.

"Tangina! Tangina! Bakit pa hindi na lang ako matuluyan!" aniya sa sarili niyang katawan at pilit pa rin ang pagsuntok kahit wala namang nangyayari.

Ano bang problema niya? Naguguluhan na ako sa nangyayari ngayon sa kanya.

"Gino! Tama na please?..." I said as I start sobbing. My tears started also to pool on my eyes.

"Gago! Sana hindi na talaga ako magising!" sabi niya habang pinipilit na suntok-suntukin ang katawan niyang walang malay.

"Gino!" sabi ko nang makitang natamaan niya ang dextrose niya na nakasabit at muntik pa iyong mahulog!

"Gino, stop it please? Baka may mangyaring masama sa katawan mo!" I said as hug him from the back. Pinipigilan siya sa gagawin niya dahil baka matuluyan nga ang katawan niya lalo na't wala siyang bantay!

"Gino please!..." bahagya pa siyang nagpumiglas pero hindi ko binitawan ang kamay kong nakayakap sa baywang niya sa likod. "Please..." bulong ko pa, still sobbing. "Stop it please..." nanghihina kong sabi sa kanya.

Tumigil siya sa pagpupumiglas pero nakatalikod pa rin sa akin. Walang nagsasalita sa amin kaya mariin kong ipinikit ang mga mata ko at lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya mula sa likod.

"She still love his ex..." sabi niya na nagpadilat sa mga mata ko.