Chapter 9 Secret
"Mabuti naman at ayos pa rin ang katawan mo." sabi ko habang nakatingin sa katawan niya.
Kaaalis lang ng doktor para sa daily routine nito kung ano na ang kalagayan ni Gino. Good thing the doctor said that his vital signs are okay. Nakahinga naman ako ng mabuti dahil doon.
"Sana nga natuluyan na 'ko para wala nang problema," pabulong pa na sabi ni Gino pero sapat na para marinig ko.
"Ano ba yang mga pinagsasabi mo? Kailangan mo pang mabuhay ano? Hindi mo pwedeng iwan na lang basta si Joyce."
Tumingin siya sa ‘kin at tipid na ngumiti. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng upuan sa tabi lang ng kama niya. Kanina niya pa tinititigan ang katawang lupa niya matapos umalis ng doktor at nurse kanina. Tinabihan ko siya ng upo.
"Gino?" tawag pansin ko sa kanya.
"Hmm..." he said without looking at me.
"Nagtataka lang ako. Ilang buwan kana dito pero ni minsan hindi ko nakitang dumalaw parents mo? H-Hindi ba nila alam na na-coma ka?"
Saglit siyang lumingon sa akin pagkatapos ay binigyan ako ng tipid na ngiti, hindi umabot 'yon sa mga nangingislap niyang mga mata dahil sa pagbabadya ng pagluha.
"They both died years ago."
"Oh, sorry..."
"It's okay... Ayos naman na ako. Naging maayos rin naman ang buhay ko kahit pareho nila akong iniwan agad." he said.
"Kamag anak ba? Wala ka?"
Umiling siya habang nakayuko. "Si Joyce na lang natitirang pamilya ko."
"Ahh... That's why lagi siyang bumibisita sa 'yo. Siya lang pala ang nagbabantay at nag-aalaga sa ‘yo madalas."
"Yeah... Kaya siguro ‘yun ang dahilan kung bakit hindi niya ko maiwan iwan." sabi niya at sarkastikong humalakhak. "Naaawa siya sa ’kin dahil mag-isa na lang ako. Pero siguro kung wala ako dito, mas magiging masaya siya."
"Don't say that! Hindi mo ba nakikita na halos araw-araw ka na niyang binibisita dito? Di ba lagi mo naman naririnig na lagi ka niyang binubulungan na gumising ka na? Sa tingin mo ba dahil lang sa awa 'yon? I bet mas magiging masaya siya kapag gumising kana. I can see in her eyes. She loved you..." halos pabulong kong naituran ang mga huling salita.
"I bet that too... Ganoon pala ‘yon ano? Advantage pala talaga ang nagyayari sa atin ngayon. Malalaman mo ang sikreto ng iba nang hindi nila alam." aniya.
"Ano bang nalaman mo? Nag-iba ka bigla magmula ng sundan mo si Joyce sa loob ng bahay niya kanina.”
"Nakita ko si Joyce kanina. Mag isa siyang umiiyak sa kuwarto. She said ayaw niya kong iwanan kahit pa gaano niya kamahal yung isa. Alam niya kasing siya na lang ang nasasandalan ko," aniya at pagak na tumawa.
"Gino..." pabulong na sabi ko nang makitang may tumulong luha mula sa mga mata niya.
Tinapik tapik ko ang balikat niya ng dahan-dahan pero nag iwas lang siya sa akin ng tingin.
"I'm sorry... You need to notice this..." he said, referring to his tears.
"Nope... Its okay… I don’t mind. Naiintindihan kita," sabi ko at tinigil ang pagtapik sa kanya.
Seeing how weak he is makes me weak either. Matagal ko siyang tinitigan pagkatapos ay tipid na ngumiti.
"Want to know my secret?" mahinang sabi ko pero mukhang nakuha ko ang atensiyon niya dahil napalingon siya sa akin.
Tipid akong ngumiti. I memorize all his features, from his eyes, nose, and down to his lips. Hindi siya nagsalita kahit matagal akong nakatitig sa kanya. Bahala na... I need to do this... It may be the last time that I'm going to see him.
"Gino... Please listen... Minsan ko lang 'tong sasabihin. This was been my secret for many days now." halos marinig ko ang panginginig sa boses ko. Kinakabahan. Iyon ang tamang salita sa nararamdaman ko ngayon.
Hindi siya nagsalita at itinikom ng mariin ang bibig.
"I like you..."
It has been a week but still no recovery from my body. Hindi pa rin ako makabalik sa katawan ko.
"Anak... Gumising kana please? Miss na miss kana namin ni daddy mo," sabi ni mommy habang hawak ang kamay ko.
Kinakausap kausap niya ang katawang lupa ko kahit na alam naman niyang hindi ako sasagot.
Napangiti ako nang makitang hinahaplos haplos ni mommy ang ulo ko.
"Don't worry Mom, babalik rin ako. Hindi pa ngayon, ayaw pa kasing tanggapin ng katawan ko ang kaluluwa ko e." sabi ko at hinaplos rin ang buhok ni mommy kahit na tumagos lang ako sa kanya.
Mapait akong ngumiti at lumabas ng kuwarto ko. Ayoko kasing nakikita si mommy na umiiyak na naman dahil hindi pa ako nagigising. Umupo ako sa upuan sa labas lang ng kuwarto ko. I sighed. Hanggang kailan kaya ako ganito?
"Krystal?"
Lumingon ako sa tumawag sa ‘kin. Agad akong tumayo at naglakad palabas ng hospital nang makitang si Gino 'yon! Nagpunta ako sa bench sa labas ng hospital at umupo doon. Naramdaman ko na lang na may tumabi ng upo sa gilid ko.
"Isang linggo na tayong hindi nagkakausap ah? Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Gino sa gilid ko.
"Hmm..." pagtatapat ko at tumango. Nanatili ang tingin ko sa ibaba. Hindi ko narinig na sumagot siya kaya nagsalita muli ako. "Oo... Iniiwasan kita."
He sighed. "Ganoon ba? Bakit naman?"
Nagkibit balikat ako. "Ewan, I just feel like I need to. Mahirap na kasi e. Complicated."
"Paano naman naging complicated?"
I sarcastically look at him only to found out that he was staring at me! And I though hindi siya nakatingin sa akin, kanina pa ba niya ko tinititigan?
"M-Mas maganda 'yung mag iwasan." sabi ko pagkatapos ay iniwanan na siya doon.
"Hindi mo man lang ba itatanong kung anong sagot ko?"
Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Matapos akong magtapat sa kanya noon agad ko siyang iniwanan dahil na rin sa kaalamang natatakot ako sa kung anong isasagot niya sa akin.
"H-Hindi... A-Ayokong marinig na hindi tayo pareho ng nararamdaman." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Lumabas muna ako at naglakad lakad hanggang sa makarating ako sa isang park. Walang tao doon o mga bata dahil maggagabi na rin. Umupo ako sa may bench at tinitigan ang paghahalo ng dilim sa araw.
"Hindi ka talaga magbabaka sakali huh?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa likod ko. Napatayo ako at nakita doon si Gino.
"B-Bakit ka nandito?" I asked, shuttering. "Umalis ka na nga!"
Naglakad siya palapit sa akin. Hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko at nagsisimula nang manginig ang mga tuhod ko.
"U-Umalis ka na..." I said in a soft voice as tears started to pool on my eyes.
Hindi siya nakinig at akmang magsasalita pero tinakpan ko pareho ang magkabila kong tenga.
"Leave, please..." I said as I close my eyes.
Napadilat ako ng mata nang maghiwalay ang kamay ko mula sa tenga ko. Ang mukha ni Gino ang bumungad sa akin, akma akong magsasalita pero walang lumabas mula sa bibig ko. He held my face then pull me for a kiss. Nanlalaki ang mga mata ko nang humiwalay siya sa halik namin. Matamis siyang ngumiti pagkatapos ay lumapit sa tenga ko at bumulong.
"I love you..."