Chapter 7 Betray

"... really Tita? S-Sigurado po ba kayo?" gulat na tanong ni Vince kina Mommy.

Sinundan namin siya ni Gino hanggang sa makarating sa company namin. Tinawag pala nila si Vince para papuntahin dito.

"Uhm, yes its true Vince... Since you and my daughter will get wed soon... I plan to put you on a higher position." ani ni Dad kay Vince habang nakangiti.

"Dad! Huwag mo pong gawin please! Niloloko lang tayo ni Vince! He plan to take over the company over us. Dad, please, huwag!" I said as tears started pooling in my face.

Nakita kong nakangising ngumiti si Vince pagkatapos ay nagpasalamat kay mommy at daddy. Nagpaalam na rin siya na aalis na pero biglang nag ring ang cellphone ni Dad. Sinagot niya ‘yon nang hindi umaalis sa pagkakaupo niya sa swivel chair.

"What? What happen to my daughter?" gulat na sabi ni Dad pagkatapos ay biglang napatayo, his eyes widened.

"What happen dad?" my mom ask him as she caresses his arms.

Tumingin si Dad kay mommy. "We need to go hospital, Krystal is in danger."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad. W-What? I-I’m in danger? Why?

Dali-dali silang umalis kasama pa si Vince. I was so stunned that I wasn't able to move. W-Wala na ba ako? Huwag naman sana. Hindi pa pwede!

"Hindi pa ba tayo susunod sa kanila?" ani ni Gino na nagpabalik sa ulirat ko.

"A-Am I dead? The real me?" bulong na tanong ko sa kanya.

Yumuko ako only to find out that my tears are still pooling in my cheeks. Naramdaman ko na lamang ang pag-angat ko ng ulo dahil pinupunasan na ni Gino ang mga luha ko.

"Hey, stop that. Let's go back to hospital shall we? Para malaman natin ang kalagayan mo ngayon." he said with a small smile on his face. Hindi naabot hanggang mata niya ang ngiting ‘yon. Baka… baka rin siguro ‘yon rin ang nakikita niya na kasalukuyang kalagayan ng katawan ko sa hospital ngayon. Nalungkot ako sa isiping ‘yon.

I nodded as we ran to reach for my mom and dad. Good thing they are still on the parking lot kaya nakasabay pa rin kami sa hospital.

Sabay-sabay kaming tumakbo sa kuwarto ko. Pagkarating doon ay maraming nakapalibot na doctor and nurse sa katawan ko.

"Doc? What happen?" sabi ni Dad nang makarating sa kuwarto ko. "Is my daughter okay?"

"Is she alright doc?" sabi ni Vince pero hindi ko na pinansin 'yon.

"She's stable now. Bigla lang kasing nag isang linya ang heartbeat niya kanina. Good thing napadaan yung isang nurse. He immediately calls a doctor." ani ni Doc.

Nakahinga naman si Dad at Mom nang sabihin ng doctor na ayos na ako. Pero paano nangyari ‘yon? Biglang nag-isang linya ang heartbeat ko? Okay naman ako dati ah?

Mom and Dad stayed at the hospital to take care for me. Ayaw na nilang maulit ‘yon ng wala akong bantay dahil baka hindi sila makahingi ng tulong agad.

"It's good that they revive your heart. You okay now?" Gino ask while caressing my hair.

I felt something warmth in my chest as he do that. Somethings weird that I can't explain. I look at him only to find out his staring at me intently, he was wearing the sweetest smile I've ever see in my life. I look away at the thinking.

"T-Thanks..." I said and stood up. "Uhm... S-Susundan ko lang si V-Vince." I said shuttering.

"Samahan na kita."

"No! Huwag na, its Friday now right? Baka dalawin ka ni Joyce. You better look at her." sabi ko.

He nodded. "Oo nga pala, sige ingat ka ah? Baka makakita ka ng multo diyan." he joked.

I laugh and bid my good bye to him.

Papunta sana ako sa condo ko dahil doon pumunta si Vince kanina pero nasa parking pa lang ako ng condo nang maaninag ko siya. Pumasok siya sa kotse niya kaya agaran rin akong sumakay sa likod. I watched him as he drove his car to Sheena's house. Sabi ko na nga ba!

Sa labas lang nag park si Vince at hindi na pinasok sa loob ng garahe nila Sheena ang kotse niya. Bumaba siya kaya lumabas na rin ako. He tiptoe as he open the gate and walk to the door. Maybe he wanted to surprise Sheena huh?

Binuksan niya ang pinto at pumasok nang hindi gumagawa ng ingay. Ganoon din ang ginawa ko, hindi siya nakita ni Sheena dahil may kausap siya sa telepono habang nakatalikod na nakaupo sa sofa.

"... hay nako! Hindi pa kasi natuluyan 'no!"

"Sheena..." sabi ni Vince at gulat namang napalingon si Sheena sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

"V-Vince! K-Kanina ka pa ba?" kinakabahang tanong niya.

Nakita ko rin ang pamumutla sa labi niya at pawang nakahinga ng malalim nang makitang umiling si Vince sa sagot niya.

"Sinong kausap mo? Are you referring to Krystal?" Vince asked.

Umupo siya sa couch at tumabi kay Sheena.

"I'm sorry! E kasi naman! Ang tagal ko na naghihintay! I want us to be married soon! Hanggang kailan ko ba hihintayin na magising pa 'yon?"

"Don't worry, I already got promoted this day. Ang sabi ni Tito ay ililipat na niya ang ibang shares sa ’kin." ani ni Vince.

Nakaakbay na siya ngayon kay Sheena habang nakahilig naman ang ulo sa dibdib niya. Uminit lalo ang ulo ko nang makitang nag ngising demonyo si Sheena pagkatapos ay inabot ang mga labi ni Vince para halikan.

I moved my jaw at aambang susugurin sila nang parang may pumigil sa sarili ko. Para akong wala sa sarili na napaupo ulit at parang naramdaman ko ang kamay ni Gino na pumipigil sa kamay ko. I know he was not here but I still feel his presence.

I decided to leave the house and go back to hospital instead. Dumeretso ako sa kuwarto ni Gino dahil alam kong nandoon siya, and I was right. Naabutan ko siyang nasa tabi ni Joyce. He was caressing her hair habang umiiyak si Joyce sa kamay ni Gino na may nakatusok na dextrose.

Gino didn't notice me. Maybe because he was busy looking at his loving girl, how she care for him despite the fact that his soul didn't back to his body yet.

I felt a pinched on my heart when Gino kiss Joyce on her cheeks. Napadilat bigla si Joyce mula sa pagkakasandal sa kamay ni Gino. I know... She feel his presence too.

"I'll wait for you love..." Joyce said as he caress Gino's cheek using the back of her fingers.

"Wait for me love..." Gino said.

I smiled bitterly and walk towards the door. I need to breath... This is not right...