Chapter 6 Plano
"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Gino sa tabi ko.
"Shh!!! Huwag ka ngang maingay! Baka marinig tayo." bawal ko.
"Stupid! Hindi tayo maririnig dahil kaluluwa pa rin tayo hanggang ngayon!"
"Sorry naman! Nakalimot, nakalimot."
"Tss..." rinig kong sabi niya na nagpaikot sa mga mata ko.
Sinusundan ko ngayon si Vince kung saan siya pupunta. Ang kapal naman talaga nang mukha niyang magpakita sa hospital kung saan ako nakaconfine at magpanggap na mahal niya ko! May pa emote-emote pa siyang nalalaman sa harapan ng mga magulang ko na concern talaga siya sa ‘kin!
Minamatyagan ko siya ngayon dahil kasama na naman niya si Sheena. Kinakabahan ko silang sinundan kung saan sila pupunta dahil mukhang pamilyar ang lugar na tinatahak nila.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang dumeretso sila sa condo unit namin ni Vince! Anong gagawin nila dito?!
"Teka! Dapat bang pumasok tayo?" pigil sa akin ni Gino habang papasok na sana ako sa loob.
"Gaga! Condo ko rin 'to 'no! Isa pa, sila ang dapat na umalis dahil condo ko 'to! Akin 'to! Nakikitira lang yang si Vince noon sa akin 'no!"
"You mean, nag li-live-in na kayo?" kunot noo niyang tanong.
"Almost three months lang before the accident."
Tumango tango siya pagkatapos ay sinamahan na ako sa loob. Mabuti naman at wala kaming eskandalong nakita ni Gino pagpasok namin sa sala.
Nakikita kong nag iikot ikot si Sheena na loob ng sala.
"Na miss ko dito. Tagal ko ring hindi nakapunta. Nakakainis ka kasi e, hindi mo ko pinapayagang pumunta dito." ani ni Sheena habang pinapalibot pa rin ang mata sa buong lugar.
"Alam mong hindi pwede, nandito si Krystal." sagot ni Vince.
Sheena pouted then sat on the couch. "Kahit naman nung wala siya di pa rin pwede."
"Baby..." ani ni Vince na nagpakulo sa dugo ko.
Baby? Endearment ba nila 'yon? Ni wala nga siyang endearment para sa ‘kin pero sa kanila ng babae niya meron?
"Gago ka!" sabi ko at sinuntok si Vince pero walang nangyari at ako pa ang napasubsob dahil tumagos ako sa kanya.
Iritado akong tumayo nang may tumulong sa akin. Paglingon ko kay Gino ay nakita ko ang natatawa niyang mukha.
"Ewan ka kasi e, alam mo namang walang silbi ‘yan. Ayan! Ikaw pa tuloy sumubsob." aniya pagkatapos ay tumawa.
I rolled my eyes at him. "Yeah right! Thanks for reminding me." I sarcastically said.
He chuckled after. "Hindi pa ba tayo aalis? Baka dalawin ako ni Joyce e." Aniya na tila ba nahihiya pa dahil nagkamot siya ng batok.
"Saglit na lang..."
Tumango siya at umupo sa bakanteng upuan sa tapat nila Vince. Umupo na rin ako sa tabi niya.
"Itutuloy mo pa rin ba kasal niyo? Pano kung magising pa siya?" rinig kong sabi ni Sheena.
Inakbayan ni Vince si Sheena habang si Sheena naman ay inihilig ang ulo sa dibdib ni Vince. Nagtagis ang bagang ko at napakuyom ng kamao. Akma na naman akong susugod nang may humablot sa kamay ko.
"Oh, oh, relax. Remember, hindi ka pa rin nila nakikita. Lets keep on observing first." ani ni Gino sa tabi ko.
Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos ay bumalik sa pagkakaupo. Hindi na binitiwan ni Gino ang kamay ko para siguro maisip ko na di dapat sumugod.
"You know I need her." sagot ni Vince.
"Pero di ba bibigay na ng mommy at daddy niya sa ‘yo yung shares ni Krystal kapag nawala na siya. I overheard you sa hospital noong isang araw. Narinig ko si Tita na ibibigay na lang nila ang shares ni Krystal once na hindi siya magsurvive na magising. Remember, Two months na ring comatose si Krys, at wala silang nakikitang signs na pwede siyang magising."
Vince then sighed, umalis siya sa pagkakaakbay kay Sheena pagkatapos ay tumingin dito.
"Pero mas magandang maikasal kami para mapunta lahat sa ‘kin di ba? After a few months hihiwalayin ko rin naman siya once na matransfer na niya sa akin lahat ng properties niya." sabi ni Vince.
Sumilay ang demonyong ngisi sa labi ni Sheena at tumango. Nanlalambing siyang yumakap kay Vince.
Napakuyom ulit ang kamao ko at naramdaman ko ang paghigpit lalo ng hawak sa akin ni Gino.
"Ano ba naman! Bakit kasi hindi pa ko magising gising?" sabi ko habang tinatadyakan ang pader.
"Walang magagawa ‘yan," sabi ni Gino na nanonood lang sa akin habang nakaupo sa bench sa labas ng hospital.
"E ba—" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang isang taong papasok ngayon sa hospital.
"Ano namang ginagawa nang gagong ‘yan dito?"
"Sino?" tanong ni Gino at luminga-linga.
"Bumalik tayo sa room ko bilis." sabi ko at hinila si Gino.
Shoot! Sa kuwarto ko nga pumunta si Vince. Kapal talaga ng mukha. Tatlong linggo niya rin akong di binisita tapos pupunta-punta siya ngayon dito? Para ano?
"Buti binibisita ka pa." sabi ni Gino.
"Tss... Pakitang tao lang yan!" sabi ko at binatukan si Vince pero tumagos na naman ako.
Kapal ng mukha niya. May pahawak hawak pa siyang nalalaman.
"Yuck! Kadiri! Wag mo ngang halikan yang kamay ko! Shoo! Shoo!" bulyaw ko kay Vince nang makitang hinalikan niya ang kamay ko at hinimas himas ang ulo ko.
"Krys... Sana magising ka na." sabi niya.
"Yuck! Plastik!" padaskol na sabi ko.
Tinadyak tadyakan ko siya kahit wala namang silbi. I heard Gino chuckled. I turned to him and gave him a dangerous look.
"Anong nakakatawa? Isa ka pa diyan! Lalo tuloy akong nabubuwisit!" I said then slightly pouted my lips.
He chuckled and move beside me. "Sorry na—"
Magsasalita pa sana siya pero naagaw ang atensiyon namin nang may biglang tumunog na cellphone. Sinagot ‘yon ni Vince nang hindi umaalis sa kuwarto ko.
"... Yes Tita, nandito nga po ako sa hospital... Yes... Dinalaw ko po si Krys..."
"Sinong kausap niya?" Gino ask me while we're listening to Vince one sided call.
"Si mommy siguro." mahina kong sabi.
"Mommy mo?"
I nodded.
"... ngayon na po Tita? Alright, pupunta na po ako diyan." sabi ni Vince at tumayo.
Nakita ko siyang dire-diretsong umalis sa kuwarto ko. I don't know but I have this feeling na gusto kong sundan siya, so I did.