Chapter 5 Subok
"I'm sorry... Wala ako doon para ipagtanggol ka, what I mean is… my soul is there but not my body..." mahinang sabi ni Gino kay Joyce na nakahiga na ngayon sa kama at natutulog.
Sumunod si Gino kay Joyce sa loob ng bahay nila kaya wala akong choice kundi sumunod na rin at ayoko rin namang maiwan sa labas ng bahay.
Nakaupo ako ngayon sa paanan ng kama ni Joyce at tinititigan lang si Gino kung anong ginagawa niya sa natutulog niyang nobya.
"Huwag ka nang mag emote dyan. Nakaligtas naman siya di ba?" walang gana kong tanong sa kanya habang nakapangalumbaba.
Sinulyapan niya lang ako pero binalik niya rin ang tingin kay Joyce. Nakaupo siya ngayon sa tabi niya sa kama at humahaplos haplos ang kamay niyang tumatagos lang sa mukha ni Joyce.
"Bumalik na tayo... Natutulog na naman rin si Joyce." aniya.
Agaran akong tumayo. "Hay sa wakas..." sabi ko at nagpatiuna na sa paglabas.
"Ang tahimik mo naman ata? Iniisip mo pa rin ba yung kanina?" tanong ko kay Gino.
Nandito kami ngayon sa kuwarto niya. Dumaan kami sa kuwarto ko kanina at sinubukan ko ulit pumasok sa katawan ko pero wala pa rin.
Ang sabi kasi ni Gino ay try and try hanggang sa mabuhay. Iyon ang motto namin sa ngayon.
Sinamahan ko muna sa kuwarto niya ngayon dito si Gino dahil walang bantay ang katawan niya. At least kahit kaluluwa kami ay malalaman pa namin kung may progress na ba sa mga katawang lupa namin.
Mabuti na lang at narinig ko si Mommy na buong magdamag siya sa hospital para magbantay sa ‘kin. Hindi ako gaanong mababahala sa katawang lupa ko.
"Naisip ko lang... Bakit kaya nangyayari sa atin 'to?" biglang sabi ni Gino.
Napalingon ako sa kanya. Nakaupo siya ngayon sa mismong katawan niya. Sinubukan niya kasing bumalik ulit, but still no progress. We're still stock here.
"Destiny siguro natin?" patanong ko ring tanong.
"Putanginang tadhana naman 'yan!"
Baghagya pa akong nagulat sa pagsigaw niya at napaatras sa inuupuan ko sa gilid ng kama niya.
"Galit ka?" banayad kong tanong.
Masama siyang tumingin sa akin kaya napatikom agad ako ng bibig pagkatapos ay napasandal sa headboard ng hospital bed niya. Umalis siya sa pagkakapatong sa katawan niya pagkatapos ay nakaupong hinarap ako.
"Hindi ko lang matanggap na ganito ang tadhana ko? I mean really? Hanggang ganito na lang ba tayo?" halos pagalit na niyang saad sa akin.
Bumuntong hininga ako pagkatapos ay nagkibit balikat.
"Bakit hindi na lang natin ipaubaya sa tadhana ang lahat di ba? Maybe we are destined for some reason. And that reason is... This..." sabi ko at ininguso ang katawan niya.
Pagak siyang natawa. "Hanggang kailan naman?" tanong niya.
I shrugged. "Ewan. Anyway, di ba ikaw nga itong nagpapagaan ng loob ko dati pero bakit parang ikaw naman ang pinanghihinaan ngayon?"
He sighed and look away. "Hindi ko lang siguro matanggap ang nangyari kanina. I should be the one who save her."
Ramdam ko sa boses niya ang panghihinayang at guilt? Siguro sa nangyari sa girlfriend niya.
"Hindi ka pa rin nakaka move on diyan? Ako nga oh, tignan mo, niloko ako ng gagong 'yon. Sa oras naman na gumising na ako humanda siya! Ipapalamon ko sa kanya ang suot-suot kong engagement ring na bigay niya makikita niya!" nanggigigil na sabi ko.
"Good thing para siguro ito sa 'yo, but not me. Joyce needs me." aniya sa malamlam na boses.
Nawala bigla ang inis ko ng makita ko ang mga mata niya. I can see determination in his eyes, determination that he really want to go back to his body for his girl.
"May problema ba kayo ni Joyce?"
"Bakit mo natanong?"
"Nothing... Mukha kasing madali kang madali sa kakabalik mo sa katawan mo."
"Bakit ikaw? Hindi ba?" balik niyang tanong.
I raised an eyebrow. "Mas excited ako sa iyo ‘no! Gusto ko na kasing pagtatagain yung mga manlolokong yun ano!"
He chuckled as if na may sinabi akong nakakatawa. I meant that! Papatayin ko talaga sila ano!
"E ikaw? Mukhang hindi mo gusto yung Mark ah?" usyoso kong tanong.
He let out a deep sighed then he stood up. Napansin kong nagpamulsa siya pero nakatalikod sa akin.
"Sino ba namang matutuwa na aaligi- aligid ang ex ng girlfriend mo habang comatose ka di ba?" walang buhay niyang saad.
Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Really? Ex ‘yon ni Joyce? Kaya pala ganoon na lang ang gulat sa mukha ni Joyce nang makita kung sinong nagligtas sa kanya.
"Kaya pala ganoon na lang ang gulat ni Joyce..." bulong ko pero mukhang narinig niya dahil napalingon siya sa ‘kin.
Sinundan ko siya at umupo rin sa tabi niya nang makitang umupo siya sa couch sa kuwarto niya. Bumuntong hininga siya pagkatapos ay hinilot ang sentido habang nakapikit. Nagmulat siya ng mata pagkatapos at tumingin sa akin. His teary eyes drifted to me.
"Hindi ko yata kayang ipaubaya si Joyce sa iba..." mahina niyang sabi.
"Bakit mo naman siya ipapaubaya sa iba? Nandiyan ka naman di ba?" taka kong tanong.
Mapait siyang tumawa pagkatapos ay umayos ng pagkakaupo.
"But not physically," walang buhay niyang saad.
"Ano ka ba! Mabubuhay ka pa ano!" pagpapagaan ko ng loob.
"I hope so,"
"Tigilan mo na nga yang mga negative vibes mo. Baka lalo tayong hindi makabalik sa katawan natin niyan e!"
"Hindi ko lang maiwasan na baka paggising ko wala na pala si Joyce sa tabi ko, naagaw na pala siya." pagak siyang natawa sa huli niyang tinuran.
"Bakit ka naman mag-aalala? I think Joyce really loves you." pag-papagaan ko ng loob niya.
"Pero mahirap rin kapag may dumadamay sa kanyang ibang tao at hindi ako 'yon." aniya.
"Wala namang masama sa pagdamay ng isang tao para gumaan ang loob niya di ba? ‘Tsaka por que ba ex ang dumadamay sa kanya, maaagaw na niya si Joyce sa 'yo? Di ba it really means lang na it testing yung feeling ni Joyce para sa 'yo? Dahil para sa akin, how tempting a person is, if you love someone else, you won't dare to cheat on your partner di ba?" sabi ko at ngumiti ng bahagya.
Titig na titig siyang nakatingin sa akin. "Iyon ba ang hindi nagawa ng boyfriend mo? Di ba he cheated on you?"
Napatikom ako ng bibig sa sinabi niya. He's right, ang lakas ko mangaral pero nangyari na pala sa akin.
"Sorry... I didn't mean to say that." he said nang nakitang natahimik ako.
"It's okay... I'm moving forward anyway, my main goal now is to get back to my body. I want to live a long life," I said as I look at him with a smile. He just stared at me with unknowing look.
"Malay mo, sa paggising ko doon ko pala talaga makita ang true love ko di ba? Hindi siguro si Vince ‘yon dahil napunta ako sa kalagayan na ‘yon para malaman na we are really not meant to be."
Maybe someone else that I've already met that I wasn't realize that it was already him that destined for me.