Chapter Seven
~ Ash
Pagkapasok na pagkapasok namin sa boarding house na titirhan namin sa loob ng university, agad akong nagtungo sa magiging kwarto ko at nahiga. Agh, too much for a day. At take note, first day palang to. What more pa kaya sa finals? Feeling ko magiging zombie ako dito.
Unti-unting nilalamon ng kadiliman ang paningin ko. Nararamdaman ko na ang pagyakap sa akin ng antok at pagod. Maya-maya ay naririnig ko na ang tawag sa akin sa mundo ng mga panaginip. At nakita ko na lang ang sarili kong mahimbing na natutulog.
~•~
Nagising akong maganda, ay este, nagising ako nang may marinig na malalakas na katok sa pintuan ng aking kwarto.
"Ash! May pasok tayo! Aba gising na kung ayaw mong mag-push up." bulyaw ng epal na kumakatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko. Anong problema ng taong yon?
Ahh, may pasok daw pala.
Teka. Wth! Syet bakit ba hindi uso alarm sakin ha? Pag ito nalaman-laman ni--
"Harley Ash Monteliola. You are obliged to be responsible as far as you can. This is not the second time you woke up late."
Uh-oh...
Napabalikwas ako ng bangon sabay ayos ng kwarto ko at ng sarili ko. When he's around, I should be a worthy descendant. Far from reality, pero kailangan kong maging perpekto.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sakin ang nakahalukipkip na si Robie na salubong ang mga kilay at naniningkit ang mga mata. This. Is. Not. Good.
He made a deep sigh then took a step closer to me. This man really is intimidating.
Sinalubong ko ang mga titig niyang makahulugan. Yeh, alam ko namang mali ako, pero kasalanan ko ba na masarap matulog sa de-aircon na kwarto at ito pa ha, malambot ang kama!
I cleared my throat before I can say a word. But then, he just leaned closer, both his eyes staring at mine.
"I already told you, right? You should be a worthy person, as the only daughter of your father." bulong niya sa akin na lalong nagpanginig ng tuhod ko.
Out of all these men with me, wala ni isa sa kanila ang hindi nagbibigay ng malamig na aura sa akin. Bakit? Panget ba ko? Kapalit palit ba ko? Then, why?
(psy: Ay te, iba na yan.)
Without any hesitation, muli akong pumasok sa kwarto ko, diretso sa cr para maligo. In 20 minutes, magsisimula na ang daily assembly sa campus ground tulad ng nangyari kahapon.
Halos limang minuto lang akong naligo plus another 5 minutes para magbihis at mag-ayos ng sarili. Lumabas ako ng kwarto ko na suot ang isa pang set ng uniform. Sinalubong ako ng pitong pares ng mga mata. Akala ko ang ganda ko na para sa umaga, yun pala--
"Thanks G, natapos din siya."
"Oh ano na? Tara na late na tayo."
"Yung isa kasi dyan..."
"Nanonood pa kasi kaya napupuyat."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga lalaking nasa harapan ko na walang tigil ang bibig sa kakadada. Isa na lang bubusalan ko tong mga to.
Dali-dali kong kinuha ang bag ko sa may sofa at lakad-takbong lumabas ng apartment. Sapat na para maiwan ko sila sa sala.
Ilang saglit pa simula noong lumabas ako ay narinig ko na ang ilang hakbang na nagmumula sa gilid at likuran ko. Hindi ko na kailangang lingunin pa para tignan kung kanino ang mga yon. Malamang naka-"formation" na naman silang anim.
Pero teka, si Robie?
Tumigil ako sa paglalakad sabay lingon sa likod. Nakita ko ang mga mapuputi at makikinis na mukha ng anim na lalaking nakatayo sa likod ko.
My eyes roamed to search for his intimidating eyes, pero wala. Then, I remembered what he told me that night...
I am not capable of getting inside that university.
Pero kung ganon, paano siya nakapasok sa apartment namin?
"Hey, male-late na tayo." putol ng isang tinig sa pag-iisip ko. Napatingala ako at nakita ang pagmumukha ni Lux na nasisinagan ng araw.
Lumawak ang ngiti sa mga labi niya nang magtama ang mga mata namin. Agad naman siyang umiwas at hinawakan ako sa braso para hilahin papunta sa campus ground.
Nang makarating kami roon ay marami nang mga estudyanteng nakatayo at nakapila. Sabagay, kami lang naman ang medyo late.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong campus. Noon ko lang napansin ang lawak at ganda ng paligid. Aakalain mong nasa loob ka ng isang kaharian. May mga malalaking puno na may mga benches sa ilalim, malawak na field, matataas na buildings na vintage ang disenyo, pathways na may mga halaman sa gilid at higit sa lahat bukod sa main building ay ang apat na kanto na napapalibutan rin ng mga puno. Hostels and apartments are located there.
"Greetings, students."
Agad akong umayos ng tayo sa pila nang marinig ang malumanay na boses na iyon. Students hurriedly made a straight line facing the main building. Mukhang mga desiplinado talaga ang mga tao dito.
As I roamed my eyes to other students, mapapansin ang ilang hindi mapakali, mga maiingay na walang pake at yung mga tahimik na desididong makinig sa sasabihin ng mga nasa harap.
"Yesterday, orientations of each rooms were done right and on time. Now, we are discussing about the rules and terms that you need to know. But, first of all, let me introduce myself."
Natahimik ang buong campus ground nang mag-umpisa nang magsalita ang babae.
"I am the Empress of the whole university, the Head of The Council, I am Shan Rivera." nanatiling tahimik ang paligid hanggang sa huling salita ng babae. Matapos ang ilang segundo ay nag-umpisa nang pumalakpak ang mga tao.
Shan Rivera. Why does your name rings a bell?
Matapos ang ilang pagpalakpak ng mga estudyante sa ground ay muling tumahimik ang paligid at nag-aabang sa susunod na sasabihin ng babaeng nasa platform.
"Today we gather you to give enough information about the university." malumanay pa rin ang boses nitong halos garalgal.
Tahimik pa din ang mga estudyante at wala ni isa sa kanila ang naglakas loob na gumawa ng ingay at umupo.
Napatingin naman ako kay Joaquin na nasa likuran ni Lux. Pansin sa mukha niyang gusto na niyang umupo anytime. Makikita ring nakapatong na ang mga braso niya sa balikat ni Lulu. Ang iba naman ay mga seryosong nakatingala sa nagsasalita sa unahan.
"First and foremost, all of the students with their corresponding sections will be gathered in one room. Representatives of The Council will be there to discuss any other further information." tahimik pa rin ang paligid. Walang kumibo sa mga estudyanteng nakapila pa rin at nakaharap sa main building.
"You may go." after she gave her command, students started walking towards their rooms.
Ganoon din kami. Kasama si Vryll at si Lux, nagtungo kami sa isang kwarto kung saan kami na-orient kahapon. Students slowly filling up the room. Maya-maya pa ay halos mapuno na ang buong kwarto. Nanatili kaming nakaupo. Ako sa pagitan ng dalawang lalaking to. I felt safe.
Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang isang lalaking nakasalamin.
He paused once he reached the center of the platform in front. Inisa-isa ng kanyang mga mata ang bawat mukha ng mga estudyante na animo'y kinikilala ang mga ito.
Nang magtama ang mga mata namin ay parang bumigat ang tensyon sa buong kwarto.
"Is it just me? Or did you also notice something eerie with this man?" bulong sa akin ni Vryll na nasa kaliwa ko. It seems that hindi lang ako ang nakaramdam niyon.
The man cleared his throat, then wiped off the mist on his eye glasses before putting it on again. His gaze straight to the students.
"I am one of the representatives of The Council, the Vice President, and as you know, I will be discussing further information about the university." he paused then started roaming the room with his... stick? What's with the stick?
"The university ground is composed of four chambers and at the center, the main building is located. There are five main pathways, the four chambers and the entrance/exit pathway." he tapped his stick on the floor and a picture appears at the glass board. The map of the whole university.
"As you can see, the main building is at the center. The chambers formed an 'X' as they are pointing towards the center." tinuro niya pa ang apat na malalawak na pathways gamit ang kanyang stick. Oh, so that's the purpose of the stick.
"The two chambers at the top are known as the upper chambers. Buildings for Arts and Designs courses are located at the upper right while on the upper left, buildings for any branches of engineering. The library is at the top center of the ground." paliwanag niya sa amin. Napansin ko namang ilan sa mga kasama namin sa kwarto ay halos inaantok na. Sino ba namang hindi? Eh English ng English tong nagpapaliwanag samin eh.
Agad nakita ng mga mata ko si Chelsea. Ang babaeng over sa hyper na nagpakilala sakin kahapon. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napalingon din siya. Ngingiti na sana ako kaso...
"Should I call Robie?" singit ng lalaking nasa kaliwa ko. If it's not Vryll Mendoza. Ang epal na lalaking tumawag kahapon kay Robie para isumbong ako. Tsh.
Muli ko na lamang itinuon ang atensyon ko sa lalaking nagsasalita sa unahan.
"Next is the lower chambers. Rooms for future Psychologist, Prosecutors, Lawyers and Attorneys are located at the lower left. This is where your room is. Also, other courses that includes studies of the branches of Science is there. Biology, Chemistry, Physics, etcetera. Remaining grounds are holding the buildings of other courses."
Pagkatapos niyang magsalita ay umupo siya sa isang bakanteng upuan na nasa unahan. Still, hawak niya pa rin ang stick na yon.
May nakita akong nagtaas ng kamay at napansin din naman niya iyon. Tinanong niya kung ano ang problema nito.
"How about the lower right chamber?" ang tanong ng lalaki. Wait, yun yung nagpakilala sakin kahapon! Si-- Si-- Lu-- Lucas?
"Ah, that. I forgot." sagot ng lalaking nakasalamin nang makaupo si Lucas. Tumayo ulit siya at inayos ang kanyang salamin. "Hostels are located there. As you can see, there are four sub-chambers."
Tumigil ito saglit at ini-zoom ang picture para makita namin ang tinutukoy niya.
"Every sub-chambers represent the guild you are in." dugtong pa niya. Teka, guild? What is the meaning of this?
"The first sub-chamber, the Emerald Crest. Second is the Drummond. Third, Ardmorth. Lastly, the Saddle Ridge. Every sub-chamber represents guilds. Guilds are also known as The Confréries."
Makikitang halos lahat ng kasama namin nakanganga na sa kung anong pinagsasabi ng lalaking paikot-ikot sa room namin.
"And every Confréries have their significations." huminto ito saglit sa gitna ng platform bago humarap sa amin at unti-unting lumalawak ang ngiti na akala mo batang inaabutan ng candy. Af, this man is creeping me out.
"For example, the residents of Emerald Crest are known as the Magus, in Drummond they are known as Slayers, Solidus for the Ardmorth and Knights for Saddle Ridge residents." walang tigil na paliwanag ng lalaking nakasalamin. Nakaawang na ang mga bibig ng mga kasama namin na tila hindi naiintindihan ang sinasabi niya. Ganoon din naman ako.
Nanatili kaming nakikinig sa lalaking palakad-lakad. Nahilo na ko sa kakasunod ng tingin sa kanya kaya minabuti kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay.
Muli kong napansin si Chelsea na nasa gawing likuran namin. Seryoso siyang nakikinig sa lalaki. Hindi mo makikita sa kanya ang babaeng halos mabaliw kahapon sa kakatalon. And there goes Lucas, nakahalumbaba habang nilalaro ang kanyang ballpen. Everyone's seemed to be bored and fully absorbed. Sino bang hindi? Kung magpapatuloy siya sa kakasalita ng kung ano-ano baka tumulo na luga ng mga katabi ko.
Napatingin naman ako sa mga katabi ko. Si Vryll na seryoso sa pakikinig at si Lux na halos malaglag na ang mga talukap ng mata. No wonder kung si Joaquin ang katabi ko. Baka tumutulo na laway non.
Kasalukuyang dinidiscuss ng representative ng The Council ang tungkol sa mga officials ng university nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog ng fire alarm.
Hindi magkandamayaw ang mga estudyante kung anong gagawin nila. Tumayo na ako para lumabas nang may humila sakin pabalik.
Nilingon ko ito at nakitang si Vryll yon. Nagtatakang tumitig ako sa mga mata niya. Nakatingin siya sa labas. Makikita ang mga taong nagtatakbuhan, nagtutulakan.
"We'll be safe here, for now. Baka prank lang yan." ang sabi naman ni Lux na nasa gilid namin at tinanggal ang pagkakahawak ni Vryll sa braso ko.
Nakita kong hindi din lumabas sina Chelsea, Lucas at si Stickman. Pano kung yung prank na inaakala nila eh toto--
"May sunog! Labas, labas may sunog!" ang sigaw ng lalaking tumatakbo sa labas ng room namin na magulo ang ayos sa sarili.
Tumingin ako sa dalawa kong kasama. Halata sa mga mukha nila ang gulat. Lalo na nang magsimulang kumalat ang maitim na usok sa kwarto.
Mabilis akong hinila ng kung sino palabas habang takip ng kamay niya ang ilong at bibig ko. Hindi kalauna'y nakalabas kami sa kwartong iyon. Nilingon ko kung sino man siya. Pag-angat ko ng tingin ay--
"You ok?" tanong ng lalaking nasa harap ko. Nakailang kusot ako ng mata pero hindi pa din nagbabago ang mukha niya.
Dumistansya ako sa lalaking nakasalamin nang tuluyang mag-sink in sa utak ko kung sinong nasa harapan ko ngayon. Tumango lang ako bilang sagot sa kanyang tanong.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung tatakbo ba ako o ano. This could not be happening. Pag nagkataon patay na naman ako kay Robie.
"Hey."
"Ayos ka lang? Walang nangyari sayo?" tanong ng lalaking nasa gilid ko. Nilingon ko ito at nakitang si Lux yon.
Unti-unting lumilinaw ang paningin at pandinig ko. After being caught up by Stickman, nagawa ko nang magsalita.
"Ok lang ako." sagot ko sa nag-aalalang mga kasama ko. Kung nakinig lang kasi sila sakin edi sana nakalabas agad kami bago tupukin ng maitim na usok yung buong kwarto. Edi sana, hindi siya ang kasama kong lumabas kanina.
Naramdaman kong humigpit ang hawak sakin ni Lux. Napansin ko ding nagtititigan silang dalawa ni Stickman.
"Haven't introduced myself clear, by the way I'm Niccoli Crebidilla."