Chapter Eight

"Haven't introduced myself clear, by the way I'm Niccoli Crebidilla."

Nakatitig ako sa kamay niyang nakalahad sa harap ko. Noong huli akong nakipagkamay sa kung sino, sa pagkakatanda ko, napagalitan ako.

Nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko. Imbes na makitang sinesenyasan niya kong umalis na, nakita kong seryoso siyang nakatitig sa lalaking nasa harapan namin. Ganoon din naman ang isa pang lalaking kasama ko.

Muli kong inilipat ang atensyon ko sa lalaking nasa harap namin. Nakangiti pa rin siya na animo isang mabait at responsableng opisyal ng isang organisasyon sa campus. Well, he might be.

Akmang aabutin ko na ang kamay niya upang makipagkamay nang biglang may marinig kaming sigawan at mga malalakas na yabag na papalapit sa amin. Nang lingunin ko ang kabilang bahagi ng hallway kung saan iyon nagmumula ay nakita ko ang mga bumberong nagmamadaling mapatay ang sunog sa kabilang silid.

"Till we meet again." ang sabi ng lalaking nasa harap namin. Nang tumingin ako sa kanya'y nakapamulsa na ang mga kamay nito habang nakangiti pa rin sa amin. Tumango ito bago tuluyang umalis sa harap naming tatlo.

Aalis na rin sana ako nang may mapansin akong kakaibang amoy sa hangin kasama ng maitim na usok. Agad akong napatakip sa aking ilong ng sandaling iyon.

Huli na nang mapagtanto ko kung bakit ganon na lamang ang sama ng amoy na iyon nang isa sa mga bumbero ang sumigaw na may bangkay sa loob.

Nakita ko na lamang na naglalakad palapit sa silid na pinagmulan ng sunog ang dalawa kong kasama. Aba, mga chismoso.

Sumunod ako sa kanila habang takip ko pa rin ang ilong ko. Habang lumalapit kami ay lalo kong naaamoy ang nasunog na bangkay na para bang tumatagos maging sa panyong nakatakip sa ilong ko.

"Students are not allowed at the scene. Sa nakikita niyo, may insidenteng nangyari. You may contaminate the scene. Marapat lang na ipaubaya ito sa mga katulad namin." sabi ng isa sa mga bumberong naroon at hinarangan kami bago pa kami makalapit sa mismong bukana ng silid.

"Sir, walang hinihinalang bagay na maaaring pagmulan ng sunog maliban sa cellphone na nakacharge na sinasabi ng mga estudyanteng narito bago magkaroon ng apoy." pakinig naming balita ng isang lalaking nakauniporme sa isang medyo may edad nang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, sila ang mga police officers na in-charge sa area ng university.

"Kung ganoon, masasabing aksidente ang nangyari." komento ng may edad na lalaki sa sinabi ng isa.

"No. This can't be just a simple fire accident." saad naman ng bagong dating na lalaking naka-sunglasses. Nakita kong nabigla ang mga officers pati na rin ang dalawa kong kasama.

Dahan-dahan nitong tinanggal ang sunglasses na suot niya. Tila biglang bumagal ang takbo ng oras ng sandaling iyon. Unti-unti, nakikita ko ang singkit niyang mga mata at ang mahahaba niyang pilik. Napansin ko rin ang tamang pagkakapal ng kilay niya. What's wrong with me? Then his nose. His fine pointed nose. It matches his pinkish lips. Dahan-dahan, nilingon niya ang direksyon kung nasaan kami. Then our eyes locked at each other's. Sandaling tumigil ang mundo ko.

"This is an arson case." sabi nito sa chief police na naroon din sa labas ng silid na siya namang gumising sa diwa ko. Halatang nabigla ito sa sinabi ng lalaki.

"As you can see, the victim's body is almost burned. But it contradicts how long the fire occured. Kung sa simpleng charger lang nagsimula ang apoy, he could run out of the room as what the students did. But howcome he didn't? Or... couldn't?" paliwanag ng lalaki sa mga pulis na naroon pati na rin sa mga bumberong rumesponde, naglakad ito sa harapan nila habang parehong nakatunganga ang dalawa kong kasama sa kanya.

Bahagya akong napaisip sa sinabi niyang iyon. Posibleng totoo ang insight na sinabi niya dahil maaaring makatakbo palabas ang biktima kung nagkaroon man ng pagsabog ng charger.

"At ayon sa ilang estudyanteng nasa loob ng mga katabing silid, wala silang narinig na pagsabog. Kung totoo ngang sa nag-overheat na charger nagsimula ang sunog, there could be at least a small explosion." dagdag niyang paliwanag sa amin. Lalo akong naguluhan sa sinasabi niya.

Tumigil ito saglit sa paglalakad at humarap sa mga officers na kasama namin.

"It could be a chemical which is a strong oxidizer." kumento ng lalaking katabi ko, Lux?

"It could be, but--" naputol ang sasabihin ng lalaking palakad-lakad nang nagmamadaling lumabas ang isa sa mga officers na nag-iimbestiga sa silid.

Lakad-takbo itong lumabas bitbit ang isang plastic bag. Nang tignan ko ang laman niyon ay may nakita akong kulay puting buhangin.

Bago ito kunin ng mga kasama namin ay nagsuot muna sila ng gloves tsaka iyon tinignan.

"A chemical that is a strong oxidizer yet non-combustible." ang sabi ng chief matapos i-examine ang laman ng plastic.

"Potassium Permanganate. It could be." kumento ng lalaking kanina pa naglalakad. Di ba to napapagod?

Tumango ang chief officer bago ibinalik ang plastic bag na naglalaman ng kemikal. Matapos non ay nagpaalam na ito sa mga kasamahan niyang tuloy na nag-iimbestiga sa loob ng silid.

Naiwan kami kasama ang lalaki sa harap ng crime scene. Muli kong napansin ang dalawa kong kasamang masinsing nakatingin sa lalaking ngayo'y nasa harap na namin.

~•~

Naglalakad kami papunta sa hostel namin. Dahil sa nangyaring insidente kanina, hindi na natuloy pa ang orientation eme nila. Biglang pumasok sa isip ko ang sinasabing guild ng nagpakilalang representative ng The Council. Kung lahat kami ay magkakasama sa iisang hostel, ibig sabihin ba noon ay magkakapareho lang kami ng abilities? Personalities?

Simula kahapon nang dumaan kami sa mga pathway na magdadala sa amin sa mga hostel ay wala akong napapansing kakaiba. Hanggang sa ngayong alam ko nang nahahati ito sa apat. Ngayon ko lang nakitang may apat na pathways na mas maliit kung ikukumpara sa main pathway. Yun na siguro ang mga kantong sinasabi ng representative na yon.

"Bakit ba ngayon ka lang pumasok?" pakinig kong pasigaw na tanong ng nasa likuran ko.

As usual nauuna akong maglakad sa kanila. Para daw mas makita nila ang galaw ko. Seryoso?

"I'm a busy person, you know? Madami akong kailangang asikasuhin." sagot naman ng isa pang lalaki.

"Like what? Mga chickas mo?" sabat pa ng isang kumag.

Nilingon ko ang tatlong nagtataasang lalaki sa likod ko. Bigla silang tumigil at napatingin sa akin. Matapos non ay bumalik ako sa paglalakad ngunit mas binilisan ko para hindi na sila makapagdaldalan.

Nakarating kami sa hostel. Ang sabi ni Robie, temporary lang daw na dito kami titira. After a week or two, ililipat nila kami sa mas malaking bahay.

Pagpasok namin ay nadatnan namin ang apat na lalaking parang nalipasan ng gutom.

Unang nakaramdam sa pagdating namin ay si Polo na nakatayo malapit sa pintuan. Tumikhim ito at napatingin silang lahat.

Imbes na sa akin mapunta lahat ang mga mata nila, tumalim ang mga ito at direktang nakatingin sa lalaking nasa likod ko.

"That's how you welcome someone from the past, eh?" ang sabi nito habang isa-isang tinitigan ang mga lalaki.

Halos sabay-sabay na napabuga ng hangin ang limang lalaking nasa harap ko. Napansin ko ring ilan sa kanila ang napaiwas na lang ng tingin sa mahangin naming kasama.

"You already have one absent, Jimenez." banta ni Xander na kapagkuwan ay tinapik ang balikat ng kasama namin.

Absent? Ibig sabihin...

"I know. I've been busy for days, he knows that." paliwanag ng kasama namin.

Kung hindi ako nagkakamali ng hinala, sa GU din siya papasok, right? Sabi ko nga imposible namang nandito siya kung hindi siya dito pumapasok. Antanga mo talaga, Ash.

Dahil masyadong maraming kaganapan ngayon at malapit nang dumugo ang utak ko, naglakad ako papunta sa makitid na hallway at pinasok ko ang pintong nasa dulo niyon. Pagbukas ko ng pinto ay parang lalamunin ako ng kama ko. Kaya walang anu-ano'y binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama. Wala na kong pakialam sa nangyayari sa paligid ko. Masyado nang maraming nangyari kahit hindi pa nagtatapos ang araw.

Una na doon ang mga nabanggit kanina sa orientation na mga guilds kuno ng GU, pangalawa ang lalaking nagpakilala kanina bilang si Niccoli Crebidilla na oh-so-intimidating base sa pakikitungo ng dalawa kong kasama, pangatlo ang nangyaring fire accident na naging arson nang dahil sa, ika-apat, sa lalaking nagfefeeling detective kanina sa tapat ng mismong nasunog na classroom. And, AND, it turns out na kakilala pala siya ng mga mahahangin kong kasama at dito rin siya pumapasok.

Ano pa? Ano pang kailangan kong malaman ngayon? Na flat talaga ang mundo? Na totoong sa unggoy tayo nanggaling? Na bilog talaga ang lemonsquare? Ano pa?

Meanwhile...

- Third Person's POV

Nakaupo siya sa harap ng malaking bintanang kita ang buong frontyard ng mansyon habang nilalaro ng isa niyang kamay ang isang makinang na bakal na kumikislap sa pagtama ng maliwanag na sinag ng araw.

Napatigil ito saglit at may ibinulong...

"That's not all, honey. There's still more."