Chapter Six

Bumungad sa amin ang isang malawak na daan na may matataas na puno sa tabi. It might sound like a cliché but this university is beyond ordinary. Mapapansin na malayo sa main gate ang mismong campus ground na pinalilibutan ng mga buildings, kung saan naman naroon ang classrooms at offices. Just like a typical university.

Inihatid ako ni Robie sa parking lot kung saan doon din nagtungo ang anim na aliens na mga rich kid.

"Don't worry. Nandyan naman sila." biglang sabat ni Robie sa pag-iisip isip ko.

Alam ko naman iyon. Hindi ako kinakabahan but I admit that I feel something since I first laid my eyes on this university. Hindi ko alam pero pilit nitong binubuhay ang curiosity ko.

Bumaba ako at nagpaalam na sa kanya. Nakita ko namang nakababa na rin sa kani-kanilang sasakyan ang mga kumag.

Isa-isa silang lumapit sakin at pinalibutan ako na para bang mga body guards ko talaga. Once they're finish with their "positioning", naglakad na kami palabas ng parking lot at doon tuluyan kong nalanghap ang hangin sa loob ng GU.

Hindi naman ako na-suffocate dahil nasa Earth pa din naman ako, hindi naman ako nakarating sa Mars o Jupiter.

Nilingon ko ang mga kasama kong tahimik na nakasunod sa bawat galaw ko. Hindi tulad ko, mas kalmado ang mga ito. Baka napaparanoid lang talaga ako.

The bell rung and the students gathered in front of the main building. Mukha itong kastilyo na kulang na lang maimagine mong nasa Hogwarts ka. Doon nanggaling ang mahigit sampung katao na sa tingin ko'y mga faculty staffs o yung may matataas na posisyon.

"Greetings, students!" puno ng buhay na pagbati ng isang babaeng nasa unahan na kung titignan ay nasa early 30's na. "Today, we gather to witness the first and very special day for the freshmen."

"Come." bulong sa akin ni Lux at hinila ang braso ko. Nakaalis na pala sila sa mga pwesto nila. Ano bang klaseng mga body guards yan?

Naglakad kami patungo sa maaayos na nakalinyang mga estudyante.

"We, the officials of Grifhorst University, welcome our new students! We hope that all of you will be chosen to stay here and be part of us. Again, welcome!" masiglang anunsyo ng babaeng kanina pa dumadada sa unahan. Naramdaman ko ang kamay ng dalawang nasa likod ko nang hawakan nila ang braso ko.

Nilingon ko sila at napansing nagmamadali sila kaya umatras agad ako at sumunod sa ibang naglalakad na palayo, ang ilan naman ay pumapalakpak pa rin sa gitna ng ground.

"What the hell, Vryll?" may kahinaang sigaw ni Jin kay Vryll na mabilis na naglalakad palayo at papunta sa ilalim ng isang malaking puno.

Hindi ito sumagot o lumingon man lang. What's with these people?

Nang makarating sa ilalim ng puno ay naupo ako sa bench na naandon at tumabi naman sakin si Joaquin na as usual halatang tinatamad maglakad-lakad. Pumalibot naman agad ang lima sa bench na inuupuan namin.

"Did you notice anything strange?" ang pangunang tanong ni Lux. Sabay sabay namang napalipat sa kanya ang atensyon namin. Did we?

"Nothing." sabay na sagot ng tatlo.

"Nah." tamad na sagot naman naming dalawa ni Joaquin.

"Tsh. Nakikinig ba kayo? Hindi niyo ba narinig yung huling statement?" iritadong tanong sa amin ni Lux.

"Bro, there's nothing to be noticed there. What they said was totally nonsense. They just stated that they hope that all of us will be cho--" seryosong sagot ni Xander nang bigla itong natigilan na para bang may bigla siyang narealize.

"What the hell, man? What?" biglang sabat ni Jin nang huminto sa pagsasalita si Xander. Bakit ba ang hilig magmura ng lalaking to?

"Exactly. You hit it right, Xander." komento naman ni Lux sa sinabi nito na hindi naman natapos.

Ako lang ba? O ako lang talaga? Yung hindi maintindihan yung sinasabi nila kasi.. kasi.. English?

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang naggaguwapuhang nilalang sa harapan ko na walang humpay ang pagi-english.

Pawang napahawak sa kanilang mga baba ang anim na alien na kasama ko na para bang nag-iisip ng kung ano.

We hope that all of you will be chosen to stay here and be part of us.

Te-teka, yun ba yung tinutukoy nila? Wth?

Nahawa ako sa kanila at nilagay na rin ang kamay sa aking baba upang mag-isip.

"Let's hang in there for a while. First day of school! Chill lang tayo dapat." mahinanong kumento ni Polo na kanina pa walang imik. At last.

Narinig ko namang napabuntong hininga sila na parang nakahinga ng maluwag.

~•~

First day of school really isn't the best part for a freshman. Halos puro orientation at introduce yourself ang drama namin maghapon. College ba talaga to?

It turns out na ka-block ko sina Lux at Vryll and yeah, we're on the same course. Bakit ba parang feeling ko wala akong moment para maging malayo sa mga mokong? Talaga bang cinareer nila ang pagiging body guards ko?

"Psst!"

Lumingon-lingon ako sa paligid. Ako ba tinatawag non?

Nang wala akong makitang taong nakatingin sa gawi ko ay tumalikod na ulit ako. Hindi kumikibo ang dalawang alien na kasama ko simula pa kaninang magkahiwa-hiwalay kami.

"Psst!"

Muli, lumingon ako sa likod, sa gilid at sa harap para hanapin kung sino man yon. Baka naman nag-aassume lang ako na ako ang tinatawag?

Ibabalik ko na sana ang atensyon ko sa librong hawak ko kanina pa nang may makita akong papalapit sa diteksyon ko. Ni hindi ko pa nabubuklat yon simula nang makita ko iyong maiwan ni Nyx sa kwarto ko.

Tumigil sa harap ko ang babae. Maiksi ang buhok nitong nagiging mapula dahil sa sinag ng araw na tumatama rito. Mapapansin din ang makinis niyang mukha at ang bilugang mga mata niya. Her eyes are really shining. Ngumiti ito sa akin at ganoon din naman ako. I can tell that her wide smile is true.

"Keep off from fake people."

Iyon ang sabi ni... Rogie? Ah basta, kanina bago ako bumaba sa kotse. Ang sabi pa niya be observative.

Umupo siya sa katabing upuan malapit sa akin. Samantalang ang dalawang mokong ay nasa kabilang side ko.

"Hi!" bati nito sa akin na kumikislap ang mga mata. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya.

"Chelsea." pakilala ng babae habang nakalahad ang kamay sa harapan ko. Akmang aabutin ko na ito nang bigla siyang tumayo at nagtatalon na parang nanalo sa lotto.

"Yay! I like you, ya know? I'm very interested na makilala kita! Kasi you're so pretty kaya!" walang humpay na pagsasalita niya habang nagtatatalon pa rin. Napansin kong nagtitinginan na ang mga kasama namin sa loob ng classroom sa kanya. Pati na rin ang dalawang nasa likod ko.

May lumapit na isang lalaki sa babaeng nasa harapan kong tuwang tuwa pa rin sa pagtalon na may kasama pang pagpalakpak.

Hinawakan nito ang braso ng babae at pinaupo ito sa malayo. Pagtapos ay lumingon ito sa akin at saka hinawi ang medyo nagulo nitong buhok pati ang kanyang salamin.

"Sorry for that. Inaatake kasi siya minsan ng ADHD." paliwanag ng lalaking nakasalamin na nasa harapan ko na ngayon.

"By the way, I'm Lucas." pakilala niya sa akin na seryoso ang mukha. His eyes are directly looking at mine.

"Excuse me," singit ng isang baritonong boses sa likod ko. Naramdaman ko na lang na may nakahawak na pala sa kaliwang braso ko.

"I think we should go." ang sabi pa ng isang seryosong boses sa likod ko. Ramdam ko ang lamig sa mga boses na iyon.

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang dalawang lalaking seryosong nakatitig sakin. Fine. I'm not able to befriend with anyone.

Umiwas sila ng tingin bago nilisan ang kwarto. Napansin ko namang nakatingin ang halos lahat ng estudyanteng naroon na kasama naming na-orient.

Naglakad ako palabas para maabutan sina Lux at Vryll. Who knows? Baka iwan nila ko. Lalo na wala si Robie para pagalitan sila.

"You deserve scolding right now." pakinig kong sabi ng baritonong boses na nasa gilid ko.

Right after I looked at where that voice came from, I met his almond eyes scorching with lust, his devilish grin made me think who this man could be and what he is capable of. Lux himself can make women weaken their knees. His stare, his aura and his grin, can definitely make me stone cold. What is this man?

~•~

~ Robie

"May tumatawag sayo"

"Who?" malamig kong tugon kay Tita Linda na kanina pa kong binabantayan sa opisina ko. Ang sabi niya kasi baka gumawa na naman ako ng bagay na ikasasama ko. Tsh.

Ipinatong lang niya sa desk ko ang telepono bago bumalik ulit sa kinauupuan niya kanina pa. Hindi ba siya nangangawit sa kakaupo dun na mahigit maghapon?

It's pass 4 o' clock kaya sigurado akong nasa loob pa rin sila ng campus ground ng ganitong oras. So, bakit napatawag?

The screen says Vryll's calling. I picked it up then answered the call.

"Eh malay ko ba kasing bawal ako makipag-usap dito.." ang halos mabingi ako ng marinig ang mga sinasabi ng isang babae sa kabilang linya. Won't doubt who it is.

"What? May problema ba?" kalmadong tanong ko sa kabilang linya. Intensyon talaga nilang iparinig sakin ang panenermon nila kay Ash. This woman..

"Sino yan? Si Rogi--"

Here she goes again.

"Robie." mabilis kong pagputol sa susunod niyang sasabihin.

"A-ah, hehe.."

"Anong problema? You guys won't call me if there's nothing off."

"Eto kasing si Ash. Muntik na makipagsh--"

I knew it.

"Hand her the phone," utos ko kay Vryll.

[She knew that at this moment... she fucked up.]

"He-hello? Ah, ano kasi eh.."

"No more explanations. You know you're not able to make friends there. Lalo na't hindi ka naman sigurado kung totoo sila o hindi."

Walang umimik sa kabilang linya. For a second I thought I popped her bubble, but...

"Sorry na kasi."

Is this really that girl? Parang hindi?

Then the call end up there. Bigla na lang nawala. I wonder why..

Ibinaba ko na ulit ang phone ko sa mesa. My eyes focused again on the papers messed up on top of the table. Gah, how I hate paperworks.

"Sabi ko naman sayo--"

"Lahat yan nagloloko? Tita, hypebeast ka na din ba?"

Tumawa lang ito saka napailing-iling at tumayo sa kinauupuan niya. At last! Makakapag-isa na rin ako.

Paglabas na paglabas ni Tita sa opisina ko ay siyang pagbukas ko rin ng laptop ko. Walang anu-ano'y nasa mismong page na ako ng GU.

Scroll. Scroll.

My jaw dropped when I saw something.. No. Someone.

Niccoli Crebidilia

18 years old

Current SSC Vice President

I closed my laptop and immediately made a call. He would love to hear the great news.