Chapter 13
“So, ano na ngayon? Single ka na ulit. Officially. Are you open to dating once again?” tudyo ni Mindy kay Estelle.
Kumakain sila ng snacks sa hapong iyon. Ang akala pa naman niya ay nandoon si Leandro pero hindi pala ito bumalik simula nang mag-lunch break.
‘Nasaan kaya siya?’
“Pag-iisipan ko pa. Ayokong magkakamali na naman. Mag-i-invest pa ako ng time and effort. Buti na lang hindi masyadong malalim ang damdamin ko para kay Francis… Well, na-realize ko naman iyon. Masaya lang ako para sa kaniya kaya uminom ako no’n. I’m not sourgraping or anything. So, kung nagkataon pang mahal ko talaga siya, I would have been really devastated because of what happened. I still can’t believe it, you know? How’s that even possible? We… kissed… tapos… tapos iyon pala? Alam mo ‘yon?” Kumislot ang kaniyang mukha.
Nakita niyang napanganga si Mindy nang bigla kaya naman ay napalingon siya. Nakita nilang nakatayo sa may pintuan si Leandro. Diretso itong nakatingin sa kaniya at agad na lumukso ang kaniyang puso papunta sa lalamunan niya. Napaupo tuloy siya. Nagbawi siya ng paningin para abutin ang soft drink at ininom ito. Isa pa, may dahilan siya upang makaiwas ng paningin mula rito. Sobra kasing lagkit ito kung makatitig sa kaniya. It made her so aware of him, and worse, it made her recall of their passionate kiss in the huddle room. Aside from that, she remembered their first kiss. Now, it happened not only once but twice. Kaya parang hindi siya makapaniwala sa sariling nagawa niya iyon.
‘Leche. Bakit ba kasi gano’n na lang ang reaksyon ko kapag nakalapat na ang mga labi niya sa ‘kin? Ano ba talaga ang meron siya? Feeling ko ginagayuma ako ng lalaking ‘to, eh!’
“I have nothing against your discussing about your… love life during breaktime. Pero… puwede bang—?”
Agad siyang tumayo. “Pabalik na po ako sa puwesto ko, sir,” marahang agaw niya bago pa ito makatapos sa pagsasalita.
Nilampasan niya ang lalaking nakatingin pa rin sa kaniya. Tumalilis na siya nang tila malampasan na niya ang hurdle. Ayaw niya kasing makipagsagutan sa lalaki sa harap ni Mindy. Baka kung ano pa ang masabi niya at pagsisisihan niya sa bandang huli o kaya naman ay ikahihiya niya. Ayaw pa naman niyang malaman ni Mindy na nakipaghalikan siya sa kaniyang boss.
‘Jusko! Kasalanan ko talaga ‘to kung ba’t ako nagpapaakit sa kaniyang mga halik, eh!’
Napasapo siya sa kaniyang dibdib nang marating na niya ang ladies’ room. Nitong huling mga araw ay lagi na lang niya naiisip ang halik nito. Wala nang ibang laman ang isip niya kundi ang binata. Bakit ba siya nagkaganito?
Ayaw man niyang aminin, alam niyang naa-attract na rin siya sa binata. Kahit na medyo binigyan siya nito ng space, parang gusto naman niyang huwag siya nitong tigilan at patuloy pa ring habul-habulin. Nalilito siya kung bakit parang sala sa init at sala sa lamig ang lalaki. Pinaglalaruan lang kaya siya nito? Gawain kaya nito iyon sa America?
***
“Sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo. May gusto ka ba talaga kay Estelle o…” Ibinitin ni Mindy nang sadya ang pangungusap na iyon habang nakatingin ito kay Leandro nang may pananantiya sa mga mata.
“I prefer to tell her that, not you, Mindy,” wika niya.
Napabungisngis itong bigla. “Ows? Para kasing… Ewan ko lang, ha? Naglalaro ba kayong dalawa ng tug-of-war o ano?”
Umupo siya sa kaniyang puwesto nang pangiti-ngiti. “What? I’m not aware if we’re playing that game. Why?”
Umismid si Mindy sa kaniya. “So, how much of our conversation earlier did you hear? Hindi kasi kita agad napansin kahit na nakaharap ako sa pintuan. Nakaharang kasi si Estelle, eh.”
Kumibit siya. Ayaw niyang aminin pero narinig niya ang halos lahat ng pinag-usapan ng dalawa. Kaya naman ay natutuwa siyang single na ulit ang dalaga. Ibig sabihin ay may tsansa na talaga siya. Dapat lang na magiging masipag siya sa panunuyo sa dalaga. Ang problema niya lang ay kung paano ito sisimulan at kung kailan ang tamang oras. Mamaya kaya?
Kahit sa nararamdaman niya para sa dalaga, pinilit niyang huwag samantalahin ang kung anuman ang damdamin ng dalaga para sa kaniya dahil sa may nobyo ito. Pero ngayong nakumpirma niya nang hindi sadya na wala na itong commitment sa iba ay nagdiwang ang puso niya. Pakiramdam niya ay sumasayaw at umawit ito.
‘Huh! I sound so corny and gay right now,’ tuya niya sa sarili.
***
“You might not know this, but your house is on my way to mine,” ani Leandro na sinabayan ang dalaga sa paglabas ng gusali na pinatatrabahuhan nila. Pasado alas-sais na iyon ng gabi.
Napataas ito ng kilay sa kaniya. “So?” Bumaling ito kay Mindy para kumaway dahil sinundo ito ng nobyo na ngayon ay hindi na sementado ang binti.
“Maybe… we can have dinner first before I’ll take you home?” imbitasyon niya.
Napatitig si Estelle sa kaniyang mukha. “Dinner? Like… as in dinner? Or… is it some kind of a date?” paninigurado nito. Mababanaag sa mukha nito ang pagkalito.
“Kung alin man ang gusto mong itawag doon.” Kumibit siya. “I don’t think it matters. Or… does it? Ang sa ‘kin lang naman ay sumama ka sa ‘kin na mag-dinner sa labas.”
Biglang naningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. “So… wala kang pakialam kung ano ang tawag doon.” Mabilis itong tumalikod. “Ayoko.” Huminto ito nang saglit sa paglalakad para pumihit paharap sa kaniya. “Hanggang sa hindi mo pa alam kung ano ang ibang label ng dinner, hindi ako sasama sa ‘yo! Naiintindihan mo ba ako?” Pagkasalita ay iniwan na siyang nakatulos sa kinatatayuan niya.
Namangha siya sa sinabi nito. Dapat lang sanang pinigilan niya ito ngunit napasunod lang siya ng tingin sa dalagang pumara ng jeep at agad itong sumakay nang walang lingon-likod.
Napasuklay siya sa kaniyang buhok gamit ang mga daliri.
Naguluhan siya. Ano ba ang gusto nitong marinig? Na date ang ibig niyang sabihin sa dinner invitation niya? Hindi pa ba iyon klaro?
Napabuga siya ng hangin habang napamaywang at napaisip-isip. Ang akala pa naman niya madali lang suyuin ang dalaga ngayong wala na itong nobyo. Nagkakamali pala siya.
‘Right. It was my ego that was talking, and I’m so stupid to let it happen! Ano na ngayon, Lee?’