CHAPTER 7
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Hindi pa rin ako makapaniwala na ang nakausap naming babae kanina ay ang bunsong kapatid ng alpha maliit nq bayan ng Friego.
Kaya pala ganoon nalang ang dating ng babaeng iyon sa sistema naming lahat.
Nandito ako sa labas dahil nag-uusap pa si lola Helena, at ang mga apo nito tungkol sa inaalok ng kanilang alpha sa kagustuhang doon na lamang sila mamalagi sa kanilang bayan.
Napatingin ako sa aking harapan at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Mula rito sa aking kinauupuan ay makikita ang masiglang bayan ng Friego. Maliit lamang ito kung ikukumpara sa aming bayan ngunit masasabi kong maganda at disiplinado ang mga nakatira doon.
Sa aking pagmamasid ay dumako ang aking paningin sa pinakamalaking mansion sa bayan. Ang tinatawag nilang pack house. Doon sila madalas nagtitipon-tipon pag may mga importanteng pag-uusapan or may mga special na okasiyon ang buong grupo nila kasama ang Alpha ng kanilang bayan.
Ngunit nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang mga ibon na nagsiliparan sa madilim kalangitan na tila may gumambala sa kanilang pahinga sa sanga ng mga naglalakihang puno sa kagubatan patungo sa bayan ng Friego.
Mabilis akong napaatras ng may mapansin akong kung anong mabilis na tumatakbo sa kagubatan.
Kinusot ko pa ang mga mata ko upang masiguro ang nakita ko ngunit wala na akong napansing muli na tumatakbo.
"Ate Lily," nakuha nang atensiyon ko ang tumawag sa aking pangalan. Tinignan ko ito at nakitang si Mayeth pala ito.
"Pinapatawag ka po ni Lola," sabi nito.
"Sige," saad ko at tumayo na. Pinapagpagan ko pa ang pantalon ko at sabay na kaming bumalik sa bahay.
"Maupo ka iha."
Pagkarating namin ay pinaupo agad ako ni Lola Christina at sinunod ko agad ito.
"Napagdesisyonan namin na doon na mamalagi sa sentro ng bayan," agap nitong saad pagkaupo ko.
Napatango naman ako, "Kayo po ang may karapatang mag-desisyon at rerespetuhin ko po iyon," saad ko.
Nakita kong napangiti si Lola sa sinabi ko, "Mas masisiguro namin ang siguridad mo doon," nagulat naman ako sa sinabi nito.
Dahil ba sa akin kaya mapipilitan silang doon na tumira?
"H'wag kang mag-alala, ayos lang sa amin," patuloy nito.
Hindi ko alam pero naiiyak ako sa naririnig. Hindi ko alam na may mga tao pa palang mag-aalala sa akin.
Hindi man sila normal kung iisipin pero ang kabutihang nasa puso nila ang nagpapabura ng takot at pangamba ko sa buhay na tatahakin ko.
"Maraming salamat po," iyon lang ang nasabi ko.
Ilang oras ang nakalipas ay nakahanda na kami para sa aming muling paglalakbay papunta muli sa bayan ng Friego.
Ang kaibahan lang ngayon ay may iba pa kaming kasama papunta doon. Nang malaman nila na doon na kami titira sa bayan ay may pinadala silang mga ibang grupo ng mga lalaki upang tulungan kami sa mga gamit.
Ganoon na rin ay upang masiguro ang aming seguridad. Hindi ko maiwasang mamangha kung gaano ka disiplinado ang lahat ng mga nasasakupan ng bayan nila.
Tila ang tumatayong Alpha ng bayan ay masasabi kong magaling mamuno at nirerespeto nila ng sobra.
Nagsimula na kaming tahakin ang daan patungong bayan ng Friego. Nasa likod namin ang mga lalaking pinadala upang tulungan kami sa mga gamit namin.
Isang oras ang pa ang lumipas ay nandito na kami sa bukana ng bayan nila. Dahil alam nilang ligtas na ang lugar ay nauna na sila.
Sinundan namin sila dahil sila ang may alam kung saan kami tutuloy. Hindi man lang namin nalaman ang mga pangalan nila dahil ang seryoso ng mga mukha nila.
Nadaanan naming muli ang mga pamilihan. Lahat ay abala sa kanilang mga ginagawa. Pero mero'n pa ring mangilan-ngilan na napapagawi ng tingin sa amin.
Huminto sila sa kulay puting bahay. Hindi ito kalakihan pero sa tingin ko'y sakto lang iyon para sa amin. Nakakatuwa din na may bakuran ito at gate na gawa sa kahoy. Pagkabukas ng isang lalaki sa gate ay binalingan niya kami ng tingin.
"Pasok kayo," sabi nito.
Naunang pumasok si Lola Christina kasunod ng kambal kaya sumunod na din kami. Naabutan naming nakabukas na ang pinto ng bahay. Nilibot ko ng tingin ang kabuoan ng lugar at napangiti nang may makitang may mini garden sa gilid ng bahay.
"Ate Lily, tara pasok na tayo," anyaya ni Mayeth. Napatingin naman ako sa kaniya at tumango. Masiyado akong namangha sa nakikita kaya hindi ko napansin na nakapasok na pala sila Lola Christina sa bahay.
Pagkapasok namin ay namangha lang ulit ako sa ganda ng loob nito. May sala ka agad na makikita, sofa set, katamtaman tamang laki ng flat screen tv at sa likod ng sofa ay may bintana. Naabot din ng paningin ko ang kusina at ang mga pinto sa harapan non.
Ilang minuto pa ay kami nalang ang nandito sa bahay. Umalis na ang mga lalaking tumulong sa amin dahil may iba pa din daw silang kailangan gawin.
Tuwang tuwa ang dalawang kambal dahil magkakaroon na din sila ng sarili nilang kwarto.
Nalibot na din namin ang buong bahay. Magkakatabi lang ang mga kwarto namin. Kwarto pala ang mga pintong nasa harapan ng kusina. Napagpasiyahan din namin na share kami ng kwarto ni Mayeth habang ang dalawang kambal naman ang magkasama sa isang kwarto at mag-isa lang sila Lola Christina sa kwarto nito.
Habang ang Cr naman ay nasa likod bahay. Maliit lamang ito kung tignan sa labas pero hindi ko aakalain na malaki ang loob ng bahay.
"Magpahinga na muna kayo," napatingin kami sa gawi ni Lola Christina nang magsalita ito.
"Okay lang po kami, Lola. Hindi naman kami napagod, 'di ba ate, Lily?" Tanong sa akin ni Marien kaya nakangiti akong tumango.
"Kung ganoon ay pumunta muna kayo sa bayan upang bumili ng makakain natin," sabi nito.
"Kami na po ni Ate Lily ang bibili, Lola," sabi ni Mayeth.
"Sige, ito ang pera," nakita ko namang may inabot si Lola Christina na pera kay Mayeth.
"Mag-iingat kayo, h'wag kayong magpapagabi sa daan."
"Okay po," saad ko.
Habang naglalakad papuntang sentro ng bayan ay napansin kong may kalayuan pala kami sa sentro. Siguro dahil iyon din ang gusto ni Lola Christina.
Nang makarating sa sentro ng bayan ay napansin ko kung gaano kasigla ang bayan nila. Hindi pa din nawawala ang mga sulyap na binibigay nila pero binabalewala nalang namin ni Mayeth.
Pagkatapos naming mabili ang kailangang bilhin ay naisipan na naming umuwi agad. Ngunit sa aming paglalakad pabalik sa bahay ay may nakita kaming mga kalalakihan na nagtatawanan habang naglalakad.
Napansin kong napatingin sila sa gawin namin. Hindi nakatakas sa aking paningin ang makahaluguhang pagpapalitan nila ng tingin.
Naramdaman ko ang kamay ni Mayeth sa braso ko, tila pati siya ay may napansing hindi maganda sa mga lalaking kaharap namin.
Nang malapit na kami sa kanila ay bigla silang huminto. Nakita kong hinarang nila ang dadaanan namin. Dalawa lang kami ni Mayeth at anim sila.
Akala ko ba ligtas na kami dito? Bakit parang iba ang kutob ko sa mga lalaking ito?
"Werewolves..."
Natigilan ako sa bulong ni Mayeth. Kung mga lobo nga ang kaharap namin ay maliit ang tyansa naming makatakas sa kanila kung may masama silang binabalak.
"Hello mga miss, saan ang punta niyo?" Narinig kong tanong ng isang matangkad na lalaki. Nakuha pang magtawanan ng mga kasama nito.
Nangunot ang noo ko nang makitang malagkit akong pinasadahan ng tingin lalaking nagsalita.
"Pauwi na rin kami, kaya kung maari padaanin niyo na kami," saad ni Mayeth. Mababakas ang kaseryosohan doon.
"Woah, I like that. Gusto ko iyong mga matatapang na babae katulad mo," saad ng isang lalaking kulay brown ang buhok.
Mas humigpit pa ang pagkakahawak ni Mayeth sa braso ko.
"Masiyado pang maaga kung uuwi na kayo, ayaw niyo ba munang magliwaliw kasama kami?"
"H'wag niyo nang sayangin ang oras niyo sa amin," sabi ko. Nakuha ko ang attention ng lalaking matangkad. Matatangkad naman ang ibang kasama niya pero siya na ata ang pinakamatangkad.
"Bakit naman?" tila naasar nitong tanong.
"Dahil wala kaming panahon sa inyo," diretso at matigas ang salitang saad ko.
Nakita kong nainis sila sa sinabi ko at napahakbang. Akmang lalapitan kami ng lalaking pinaka-matangkad sa kanila ng magsalita si Mayeth.
"Alam niyong may kaakibat na parusa ang kung ano mang balak niyo."
"Sa tingin mo may pake kami?!"
"Ang tapang niyo naman para kalabanin ang Alpha."
Sa hindi ko malaman ay biglang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang boses na iyon. Naramdaman kong napabitaw si Mayeth sa braso ko.
"Beta..."
Nangunot ang noo ko nang marinig kong bumulong si Mayeth.
Beta?