CHAPTER 6

"LILYANA'S POV"

"Matalinong bata."

Sabay kaming napatingin sa nagsalita sa aming harapan. Hindi ko man lang maramdaman ang pagdating niya.

Napaatras ako nang dumapo ang nakakatakot nitong tingin sa akin. Tila may inamoy pa ito sa hangin at ngumisi ng ibaling muli nito ang paningin sa akin.

"Anong ginagawa ng isang usa sa nakakatakot na bayan ng mga mababangis na lobo?" sambit nito na nagpakilabot sa aking sistema.

Tila ang gusto niyang iparating ay bakit ako nandito sa bayan nila.

"Anong kailangan mo? Malayo pa ang lalakbayin namin, kaya kung maaari umalis ka na," narinig kong saad ni Mayeth. Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Wala man lang bakas ng takot sa boses niya.

Napatingin ako sa kamay na humawak sa braso ko at nakita ang nag-aalalang mukha ng kambal.

"Hindi lang kayo matapang, matalino pa," narinig kong saad ng lalaki kaya napabaling ako ng tingin muli sa kaniya.

Hindi na ata nawala ang ngisi nitong malademonyo tila natutuwa sa kaniyang nakikita. Nakikitang takot at pangamba sa mga mukha namin. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa at maitulong sa sitwasiyong ganito.

"Ang gusto ko lang sana ay kunin ang mga dala niyo, ngunit nagbago ang isip ko," huminto ito sa pagsasalita at tinignan ako.

"Siya na pala ang gusto kong kunin mula sa inyo," saad nito na nagpalaki ng mga mata ko. Naramdaman ko ang mahigpit na kapit sa akin ng kambal na tila handa sila sa ano mang mangyayari.

"Bago mo pa man mahawakan ang kahit hibla ng buhok niya, dadaan ka muna sa akin," saad ni Mayeth. Bakas ang determinasiyong matalo ang lalaki sa harapan namin.

Nangunot ang noo ko nang marinig kong natawa ito ng malakas sa sinabi ni Mayeth. Segundo lang ay tumingin itong muli kay Mayeth.

"Sa tingin mo ba matatalo ako ng isang tulad mo?" may halong sarkastimo nitong tanong. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Mayeth dahil tila tinapakan nito ang pagkalalaki niya.

"Eh ako, sa tingin mo matatalo ka ba sa akin?" natigilan ako nang mula sa likod namin ay may biglang nagsalita.

Napansing kong napatingin ang lalaki at napaawang ang labi ngunit bumalik din agad ang ngisi nito sa labi.

Ngunit sa pagkakataong ito makikita doon ang kaba. Naramdaman kong natigilan din ang dalawang kambal sa tabi ko at dahan-dahang tumingin sa likuran namin.

Nabitawan nila ang pagkakapit sa aking braso at napansin kong sabay silang napayuko. Sa kuryusidad ko ay binaling ko din ang tingin sa likod at muntik ng mahulog ang panga ko sa babaeng nasa harapan namin.

She has this innocent yet dangerous aura. Iyong tipong tignan kalang niya manginginig na ang tuhod mo sa takot. Ngunit sa likod ng nakakatakot nitong awra ay ang kumikinang nitong ganda.

Ang mahaba nitong itim na itim na buhok na tila sinasayaw ng hangin, ang malalantik at mahaba nitong pilik mata, ang matangos nitong ilong at pulang maninipis na labi. Ang those eyes, those gray eyes I wish I had too.

Bumalik lang ako sa realidad nang marinig kong magsalita si Mayeth.

"Miss, Ciara. Nakauwi ka na pala," saad nito kaya napatingin sa kaniyang gawi ang babaeng nag-ngangalan na Ciara.

Ang ganda ng pangalan niya, bagay sa katulad niyang maganda. Hindi ko maiwasang purihin siya dahil talaga namang mapapanganga ka kapag nakita mo siya.

"Yes. I'm on my way to our pack then ito ang unang bubungad sa akin. What a nice welcome," tugon ng babae at napatingin sa lalaking nasa harapan namin. Napansin kong napaatras ito mula sa kaniyang kinatatayuan.

"I'm tired and I want to rest. But if you want, we still can have a game," patuloy nitong saad at nakatingin sa lalaki. Nasa kaniya na ang atensiyon ng babaeng tinawag ni Mayeth na Ciara.

"A-Anong laro?" kahit halatang kabado ito nagawa niya pa ring tanungin ang babae.

Ngunit nawala ata ang lahat ng kulay sa mukha nito sa narinig na sagot ng babae. Kahit ako man, tumindig ng lahat ng balahibo ko sa katawan sa paraan ng pagkasabi nito.

"Hide and seek. At kapag nakita kita tuluyan ka na talagang hindi makikita sa mundong ito. Still want to play with me?"

Akala ko nakakatakot na ang lalaking nasa harapan namin. Ngunit walang wala awra ang niya sa babaeng kadarating lang dahil mahahalata mong malakas siya kahit nakatayo lamang ito.

Sino siya?

Hindi nakasagot ang lalaki at mabilis na nawala sa paningin namin. Halos mapasigaw pa ako dahil sa hanging ta sa mukha ko galing sa mabilis nitong paglisan.

"Why are you all doing here? Alam niyo namang delikadong magawi dito sa tuwing sasapit ang dilim, 'di ba?" parang wala lang nitong saad pagkatapos niyang takutin ang lalaking kaaalis lang.

Napalunok naman ako ng mapatingin siya sa gawi ko.

"And you, I can sense that you're not like us. I'm a right?" kahit kinakabahan ay pinilit kong magsalita at sagutin ang tanong niya.

"Tama po kayo," tugon ko at napayuko dahil nakita kong kumunot ang noo nito.

"Stop with the 'po' thing. I'm not old enough pa naman," narinig kong saad nito ng may bahid ng inis.

"Okay," nasagot ko na lamang.

"By the way, bakit nga nandito kayo?"

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya dahil nakayuko lang ako. Hindi ko maatim na tignan siya dahil nakikinita kong hindi siya basta-basta kung ibabase ko sa nakikitang paggalang sa mga mata ng magkakapatid at sa hatid ng dating nito sa sistema ko.

"Pauwi na po kami galing sa pamimili, Miss Ciara. Hindi po namin napansin ang oras dahil nalibang po kami sa aming pamimili," narinig kong tugon ni Mayeth.

"Ganoon ba? Bakit kasi ayaw niyo pang bumalik sa campo natin, mas ligtas kayo doon pati na rin ang kasama niyo," saad ng babae kaya napatingin ako sa kaniya at napansin kong sumulyap ito sa akin.

"Sasabihin ko po kay Lola ang suehestion niyo po, Miss Ciara."

"It's the alpha's suggestion, tama siya, mas mapapabuti kung nasa loob kayo ng kampo natin."

"You can go now. Wala nang gugulo sa inyo sa daan pauwi. I can make sure of that."