CHAPTER 24 LOST HER MEMORY AGAIN!?

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo dito sa damuhan at hindi alam ang lugar na ito, wala ako sa tamang pag iisip at para akong nalulunod sa sarili kong luha paano kung tuluyan ni Greth si daddy anong gagawin ko. Mababaliw ako kung pati si daddy ay mawawala. 

This is all my fault. 

Hindi na ako makahinga at bumibigat na rin ang talukap ng aking mga mata na parang bang anumang oras ay babagsak na. Bakit ba napaka hina ko at hindi man lang kayang ipaglaban ang sarili ko, sinubukan kong ihakbang ang aking paa at napangiwi ako ng maramdaman na may natapakan akong matulis. 

Muli akong sumubok na humakbang dahil nararamdaman kong nawawalan na ako ng hininga subalit sa hindi sinasadyang pangyayari dumulas ako at ramdam ko ang malakas na tumama ang ulo ko sa isang bato. 

“Tulong..” bulong ko habang ramdam ang dugo na umaagos sa aking ulo. 

Manhid ang aking nararamdaman at para akong nalunod dahil lumalalim na ang paghinga ko.

“Miss, are you okay?” wagayway sa balikat ko ang aking nararamdaman mula sa isang babaeng naririnig ko ang boses na tinatanong ako at bago ako mawalan ng malay naramdaman kong may bumuhat sa akin pasakay ng sasakyan at wala pang isang minuto tuluyan nang sumara ang aking mata at nawalan na ako ng malay. 

3 weeks later

Nagising ako dahil may humawak ng aking kamay at para akong nakuryente kaya agad akong umupo. 

“F-finally you’re awake!” kitang kita ko ang masayang aura sa isang lalaki na ubod ng gwapo. 

“W-who are you?” 

“Ira, thanks god at nagising kana.” segunda ng isang babae na siguro ay kasing edad ko habang may kasama itong lalaki na medyo hawig ‘nung lalaking unang bumungad sa akin. 

Lalo akong naguluhan ng dumami ang tao sa loob ng inuukupa kong recovery room, what happened to me? Bakit ako nasa ospital at sino ba talaga ako. 

“S-sino ba kayo?” natatakot kong saad. 

“Sorry for what happened, pero sa ngayon hindi niyo makakausap ang pasyente ng maayos dahil nag ka damage ang utak niya at lahat ng alaala niya mula sa pagsilang ay hindi niya maaalala kahit na sarili niyang pagkatao.” singit naman nitong doktor na kakapasok lang. 

“Ano bang sinasabi niyo?” 

Sabay sabay silang nag tinginan sa akin na agad ko rin namang iniwas, ano bang nangyayari bakit ako nandito at sino ba ako. 

“It’s all your fault, Liam!” para akong nawindang sa ginawang pag sigaw ng babae habang panay ang duro sa lalaking tinawag niyang Liam. 

Lumingon naman ako sa lalaking sinigawan niya at nakikita ko ang buong pagsisisi sa mga mata nito. 

“Imbis na magsisihan kayo bakit hindi kayo magtulungan para ma recover muli ang alaala niya.” sabi naman nitong lalaking katabi ‘nung babaeng galit na galit. 

“Ah, excuse lang baka mali kayo ng pinuntahan na lugar hindi po ito studio para sa mga artista. Ospital ang napuntahan niyo,” pukaw ko sa mga sosyal na ito. 

Mukha silang mayayaman kaya nasabi ko ‘yun, mamaya ay naligaw lang sila. 

“Doc, pwede palabasin niyo sila?” paghingi ko ng request sa doktor na mukhang naguguluhan na din. 

“She need some rest, Mr. Hudson may kailangan akong sabihin sayo.” saad ng doktor. 

Hays, matatahimik na ang aking diwa at umalis na ang mga maiingay na iyon. Idadamay pa ata ako sa mga kalokohan nila. 

Ihihiga ko na sana muli ang aking katawan ng makarinig ako nang pagbukas kaya hinihintay ko kung sino ba ang istorbo na ‘yun. Seconds later bumungad ang lalaking gwapo na kanina lang ay nandito, “Ang kulit mo, magaling kang artista pero mali kayo ng pinasok kasi hindi naman ‘to studio-” 

“Hey, love. Let’s eat para gumaling ka na.” hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus nagdala ng pagkain na naka tray. 

Love daw? Who, ako ba ang tinawag niyang love.

Medyo nagutom ako kaya syempre hindi ko tinanggihan ang offer niya, kinuha ko ang pagkain at pakiramdam ko ang tagal ko nang hindi kumakain. 

“Thank you, “ sabi ko sabay binakbakan ang pagkain na dala niya. 

“Ang tagal mong nakahiga dyan buti na lamang at gumising ka na.” anito na parang gustong umiyak. Best actor siguro siya? 

Pumalakpak ako bilang pasasalamat sa kanya, “Ang galing mo, salamat pala sa pagkain masarap siya.” 

Ngumiti lang siya pero ‘yung ngiting nangingibabaw ang lungkot, bakit ganun ano bang nangyari sa kanya. Sabi ko lang naman magaling siya. 

“Sino ka ba talaga? Bakit ang bait mo sa akin?” 

“I’m your husband.” 

“WHAT!?” 

Kitang kita ko ang seryosong aura sa mga mata niya habang may lungkot na tinatago. Bigla akong naawa sa kanya kaya ngumiti ako para hindi siya maglabas ng ganitong emosyon kasi naaapektuhan ako masyado, hindi ko rin alam ang dahilan. 

“Here’s the information about marriage.” aniya sabay abot ng isang envelope. 

Agad ko rin naman iyong kinuha at binasa, Ira Garcia Madrigal is now married to Liam Hudson.

“Seriously? Hindi ko nga kilala ang sarili ko paano kung gawa gawa mo lang ‘yan.” napatakip ako ng bibig ko sa aking sinabi dahil parang malungkot ang aura ng binatang ito. 

Sabihin na nating sobrang gwapo ng lalaking ito pero syempre kailangan ko muna makasiguro paano pala kung hindi ko talaga siya asawa tapos scam lang pala sila tapos kidnap for ransom, mayaman ba ako? Para sa mga negative kong iniisip. 

“Wala ka nga palang maalaala kaya ano ang silbi kung ipakita ko sayo ‘to.” aniya at saka kinuha ang marriage information sa kamay ko. 

“Okay, ganito na lang sasama ako sa inyo dahil wala naman nag pupunta dito at nagsasabing sila ang pamilya ko. If okay lang naman sayo-” 

“Sure, why not?” masayang ngiti ang namutawi sa labi nitong binata. 

In fairness much better kung palagi siyang nakangiti, ang cute niya lang tignan. 

“Thank you pala ulit sa pagkain ang sarap.” pag uulit ko dahil naubos ko na.