CHAPTER 23

Nandito kami ngayon ni Sarah sa labas ng gate mabuti na lamang at pinayagan ako ni manang na bumalik sa mansyon para mapigilan ko ang pagkikita ni Liam at daddy. Ngunit mukhang huli na ako sa pagdating ko sapagkat magkaharap na sila ngayon kasama si Greth. 

“Jarus, anong plano mo?” tanong ni Sarah kay Jarus habang nakatago kami dito sa loob ng Van.

Ang tatlong tauhan na nagbabantay sa amin ay naligaw ng landas sa kagagawan nitong si Jarus para lang walang hahadlang sa pagbalik namin. Mataba din utak ng lalaking ito. 

“Wala na akong maisip na paraan, sorry guys.” 

Kailangan ko na kumilos bago pa mag kainitan ang mga tao sa loob at ayokong may masaktan sa kanila. “Pumasok na tayo sa loob.” pabulong kong saad kaya’t sumunod sila at dumaan kami sa kabilang gate para walang makakita sa amin. 

Nang makarating sa loob nagtago kami sa likod ng sofa at medyo naririnig namin ang mga usapan nila. 

“Long time no see, Mr. Madrigal.” boses iyon ni Liam at nang silipin ko nakangisi siya na parang punong puno ng galit. 

Masama rin ang aura ni daddy, “Huwag mo idamay ang anak ko dito kaya ibalik mo siya sa akin. Kung galit ka patayin mo ako pero ‘wag na ‘wag mo saktan ang prinsesa ko!” sigaw ni daddy habang namumula ang buong mukha niya. 

Bakas ang tuwa sa labi ni Greth na makitang magkaaway ang dalawa, gustong gusto niya talagang paglaruan ang daddy ko at alam kong kasama sa mga plano niya na sabihin kung nasaan ako para sumugod si daddy.

Ang pinagtataka ko ay kung paano niya nalaman na buhay ako at nandito sa mansyon ni Liam. Sino ang pwedeng magsabi?

“Ira, ano ang gagawin natin.” kinakabahan na tanong ni Sarah. 

Kahit ako ay nilalamon na din ng kaba at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa ganitong sitwasyon isang maling hakbang mo lang ay pwedeng marami ang masaktan kaya hindi ako dapat bigla bigla na lamang magpakita. 

“Maghintay pa tayo ng ilang minuto, alam kong may plano si Liam at hindi niya sasaktan ang daddy mo.” pukaw ni Jairus sa akin. First time ko marinig na tinawag niya sa pangalan ang kanyang kapatid. 

Sabay sabay kaming tatlo na biglang tumahimik nang dumating ang babaeng kasama palagi ni Liam sa mga plano niya. Ito ang babaeng gusto ako ipapatay pero dahil mahal ako ni Liam hindi natuloy ang gusto niya mangyari. 

“Anong ginagawa ng mag asawang kriminal dito sa pamamahay namin?” segunda nitong babae. 

“Please, ‘wag kang mangealam dito vanessa.” suway ni Liam sa babaeng nagngangalang vanessa. 

“Bakit hindi, I’m your girlfriend!” 

Parang tanga ako sa pinagtataguan namin ng marinig ang sinabi niya, girlfriend. But how? I’m his girlfriend paanong nagkaroon pa siya ng pangalawa ‘wag mo sabihin na niloloko niya lang ako para ano, gamitin ulit laban kay daddy. 

“So hindi mo pala talaga kasintahan si Ira. Ginagamit mo lang siya laban sa amin.” singit naman ni Greth habang may seryosong aura. 

Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon at patuloy akong naghihintay na itanggi ni Liam na kasintahan niya si vanessa. 

“Ira, are you okay?” pukaw ni Sarah sa akin. 

“Kung sasabihin ko bang okay lang ako, mawawala ang sakit dito?” sagot ko bago humawak sa dibdib ko. 

Hinawakan ni Sarah ang kamay ko, “Magtiwala ka lang muna sa kanya.” 

Gusto kong magtiwala pero masakit na hindi niya itinanggi na kasintahan niya si vanessa at maraming tauhan na may hawak na baril ang nakatutok sa ulo ni daddy. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta kung sino pa ba ang dapat ko pagkatiwalaan.

“Ibalik mo na lang ang anak ko! Tama na ‘wag mo siyang pahirapan bakit hindi mo na lang ako patayin ngayon para matapos na, basta ipangako mo sa akin na wala kang gagawing masama sa kanya.” pag uulit ni daddy. Parang winawasak ang puso ko na makita ang paghihirap ni daddy maibalik lang ako. 

Akmang tatayo ako para magpakita sa kanilang lahat nang marinig ko ang dalawang sunod na baril at sakto na pagtayo ko nakita kong bumagsak ang katawan ni daddy sa sahig na puno ng dugo. 

“Daddy!” sigaw ko bago lumapit sa kanya.

“A-anak, patawarin mo ako.” nahihirapan na saad ni daddy. 

“N-no, no please dad.” liham na ng luha ang dalawa kong mata habang tinitignan si daddy na nahihirapan. 

Minuto lang ang lumipas nawalan na ng malay si daddy. “Hindi! Please dad lumaban ka.” sabay sabay na ang agos ng mga luha sa aking mata. 

Kakausapin ko pa sana si daddy ngunit tinulak ako ni Greth at agad na nag utos sa mga tauhan niya na dalhin si daddy sa kotse. 

“Anong gagawin niyo kay daddy!” hinigit ko ang kamay ni Greth bago pa siya maglakad. 

Ngumisi siya na parang demonyo, “Bubuhayin ko siya dahil kailan pa niya pirmahan ang mga nagpapatunay na sa akin mapupunta ang mga ari-arian niya.” 

“Ang kapal ng mukha mo, pera lang ang habol mo sa daddy ko!” 

Agad na tinutok niya ang baril sa ulo ko sabay tawa ng malakas, “Ano bang akala mo bubuhayin pa kita?” 

“Bitawan mo ‘yan kung ayaw mong ikaw ang unahin ko.” lumingon ako kay Liam na ngayon ay hawak sa braso si Greth at nakatutok ang baril sa ulo nito habang may nakakatakot na aura.  

Muling tumawa si Greth, “Hindi ako nagkamali na mahal niyo na talaga ang isa’t isa. Congrats sa inyo.” sabi niya bago tinanggal ang nakatutok na baril sa ulo ko. 

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makaalis sila Greth kasama si daddy at ang nakakainis ay wala akong magawa para iligtas siya. Sinabi ko sa aking sarili na hindi ko hahayaan na may masaktan sa dalawang taong mahal ko pero nabigo ako. 

“I-ira, I’m so sorry-” 

“Maibabalik ba ng sorry mo ang buhay ni daddy? Sumagot ka Liam! Nagtiwala ako sayo na hindi mo siya sasaktan pero ano, nakipag sabwatan ka sa babaeng ‘yan. Hayop ka!” mabilis kong sinugod si vanessa at agad na inagaw ang baril bago iyon tinutok sa kanya. 

“Ira, huminahon ka!” pigil ni Sarah at Jarus sa akin pero ayokong magpatinag. 

Ayoko na magmukhang mahina dahil pakiramdam ko ang pagiging duwag ko ang siyang dahilan kung bakit humantong ang lahat sa ganitong sitwasyon. Naging mahina ako sa harap ni Liam at sa harap ni Greth kaya nangyayari ‘to. 

Ako ang dahilan kung bakit nasaktan si daddy, mahina ako at hindi ko siya kayang ipaglaban o kahit na ang sarili ko. 

“Bitawan mo ‘yan, love.” mahinahon na saad ni Liam. 

I laughed sarcastically, “Love? Mahal mo ba talaga ako o ginagamit mo lang ako, masaya kana bang makuha ang hustisya.” hindi ko mapigilan ang sunod sunod na pagtulo ng aking luha, sobrang sakit na wala akong nagawa. 

“Let me explain, please bitawan mo na ‘yan ‘wag mo hayaang kainin ka ng galit at madungisan ang pagkatao mo. Mabuti kang babae, love.” pangungumbinsi niya sa akin. 

“Ira, isipin mo na lang kung papatayin mo si vanessa at magising si Tito Joseph sa tingin mo ba matutuwa siya na may nagawa kang kasalanan?” segunda pa ni Sarah. 

Sa huling pagkakataon luminga ako kay vanessa na ngayon ay takot na takot sa pwede kong gawin sa kanya. “Ito ang tatandaan mo, hindi pa tayo tapos!” sigaw ko kay vanessa bago ko iputok ang baril sa hita niya.

Kitang kita ang gulat sa kanilang lahat pero nang malaman nilang sa hita ko lamang pinatamaan naging kampante sila. 

“Ira, bitawan mo na ‘yan.” pukaw ni Liam sa akin kasabay ‘nun ay unti-unting siyang lumalapit. 

Mabilis kong itinutok ang baril sa ulo ko, “Walang lalapit kundi ipuputok ko ito.” pagbabanta ko sa kanila habang panay ang lakad ko paatras at nang makarating ako sa gate kaagad akong sumakay sa kotse ni Liam at pinaandar iyon. 

Naririnig ko pa ang sunod sunod nilang tawag sa pangalan ko pero hindi ako nakinig pinaandar ko ang kotse. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta basta ang gusto ko lang ngayon ay maging malayo sa lahat, gusto ko mapag isa para intindihin ang mga nangyari kahit hindi ko matanggap. 

Kasalanan ko ang lahat dapat ako na lang ang binaril at hindi si daddy wala siyang kasalanan gusto niya lang naman ako protektahan pero bakit siya ang binaril bakit hindi na lang ako?