Chapter 78 Kidnap
Pearl's Pov
"Mom? Alis na po kami!" paalam ko kay Mom bago lumabas ng bahay. 'Oo' lang naman ang sagot niya kaya lumbas na rin ako. Naro'n na kasi si Dwight, kanina pa naghihintay, nakakahiya naman kung matagal ko pa siyang paghihintayin.
"Sorry matagal." pag-hingi ko ng tawad dahil sa natagalan ako sa loob ng bahay samantalang siya'y narito lang sa labas.
"Nahintay nga kita ng ilang taon, tapos ilang oras pa kaya? Honey, my love so sweet." bumabanat na naman.
"Oo na, let's go na. Baka ma-late pa tayo, Monday na Monday!" start na ng review namin ngayon kasi may exam's kami kaya rapat lang na mapuspos ako sa pag-aaral.
Ngumiti lang siya sa akin tsaka niya ako pinagbuksan ng pinto. Pati ang seatbelt ko siya na rin ang nag-lagay.
"Bine-baby mo ako. Kaya ko naman ilagay 'yan ah!" ang astig ko talaga, ako na nga ang tinulungan, tapos ako pa ang may ganang mag-reklamo.
"Eh ano naman. Baby kaya kita!" nakangising saad ng loko. Ngayon ko lang talaga nalaman na napaka-kulit pala ng isang Dwight Cheon.
"Para ka na namang timang eh. Kay aga aga, pinapa-pula mo na naman pisngi ko." reklamo ko naman sa kaniya.
"That's why I liked teasing you eh, you're blushing na naman. You're like a red tomato!" in-compare na naman ako sa kamatis.
"Mag-maneho ka na. Late na tayo!" utos ko na agad naman niyang ginawa. Pero nakikita ko na sulyap siya nang sulyap sa akin. Minsan talaga'y sa tingin lang niya, kinikilig na ako. Iba talaga kapag Dwight Cheon ang tumingin sayo, para kang ice na unti unting natutunaw.
Tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Pero pansin ko na parang humihigpit ang hawak niya sa manibela at kanina pa siya tingin nang tingin sa side mirror kaya maging ako'y napatingin na rin doon.
Gosh, may sumusunod sa amin.
"Huwag kang mag-pa-panic Honey. Kaya nating iwasan ang kupal na 'yan." aniya pero nakangisi na siya ngayon.
Kanina hindi maipaliwanag ang mukha, tapos ngayon, nakangisi na. Iyong totoo, lalaki ba talaga ang boyfriend ko o babae? Ang lakas kasing makapag-mood swing eh.
"Sino ba 'yan?"
"Hindi ako sure pero mukhang inutusan siya ni Jaynie para gawin 'to sa atin, may balak pa yata sila na banggain ang sasakyan natin." aniya pero nasa daan pa rin ang atensyon niya. Mahirap na, baka banggain kami ng kupal na sinasabi ni Dwight.
"Ingat ka sa pagmamaneho." payo ko kay Dwight.
Kinakabahan ako dahil baka anytime may gawin silang masama sa akin, o sa amin.
"Don't worry, kaya ko naman eh. Hindi ako papayag na saktan ka nila. May nangyari na noon na hinding hindi ko na papayagang mangyari pa ulit. Subukan ka lang nilang galawin, mapapatay ko silang lahat." parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko si Dwight na pagbantaan ang buhay ng mga tao nila Jaynie. Ano ba kasing iniisip ng babaeng iyon at kinalaban si Dwight.
"Natatakot ako Dwight, baka mamaya, may gawin silang masama sa akin. O sa atin." kahit na sinasabi ko na kaya ko ang sarili ko, natatakot pa rin naman ako dahil sanay na ako na laging nariyan si Dwight sa tabi ko. Sanay ako na lagi niya akong pinagtatanggol, kaya natatakot ako na baka may gawin sa aking masama si Jaynie.
"Don't worry, hindi ko papayagang... Fvck..." nagulat ako sa biglang pag-mura ni Dwight, nag-panic na rin ako nang dumiretso kami sa harapan ng puno, mabuti na lang at hindi kami nabangga doon, ang laki pa naman ng punong 'yon. Binangga pala kami ng kotseng sumusunod sa amin mula sa likod ng kotse ni Dwight. Ang laki talaga ng galit nila sa amin eh 'no.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin kaya tumango ako.
"Eh ikaw? Okay ka lang ba?" nag-aalala na rin ako.
"Yeah, I'm fine. Mga demonyo sila, hindi lang talaga mag-ku-krus ang landas namin, babasagin ko ang mukha ng mga gagong iyon. Are you sure your okay?" kita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya.
"Okay lang ako, ikaw ang mag-iingat dahil sure ako na ikaw ang puntirya nila, please honey, mag-ingat ka." hinawakan ko ang kaniyang kanang kamay at bahagya iyong pinisil.
"Kaya ko ang sarili ko, ikaw ang mag-iingat, ipapa-bantay muna kita kay Kier habang wala ako sa tabi mo. Sorry kung nadadamay ka sa mga gulo ko. Everything will be okay just trust me, okay?!" malambing na saad niya bago halikan ang tuktok ng ulo ko.
Palinga linga ako sa paligid habang naglalakad kami ni Dwight. Ihahatid pa kasi niya ako sa room ko. After nang nangyari sa amin kanina, natatakot ako kaya magdididikit na lang siguro muna ako kila Kier or kay Xander, tutal okay naman na kami.
"Are you sure okay ka lang? Honey, nag-aalala ako sayo!" halos pabulong na tanong niya habang hawak ang kamay ko. Binigyan ko naman siya ng ngiti na nagsasabing okay lang ako kahit na unti unti na talaga akong kinakain ng kaba ko na baka may gawing masama si Jaynie sa akin. Matapang ako pero may kinakatakutan rin, hindi naman ako superhero para hindi matakot sa panganib na dala ng kontrabidang si Jaynie.
"Basta text or call me kung may kailangan ka, agad agad pupuntahan kita. Be safe honey, okay?!" aniya bago halikan ang likuran ng aking dalawang kamay.
"Don't worry, I'll be fine!" hinalikan ko ang kaniyang pisngi para lang mapanatag siya. Grabe talaga siya kung mag-alala sa akin, damang dama ko ang love.
Hinintay muna niya akong makapasok ng room bago siya naglakad para pumasok na sa class niya. Siguro mamayang lunch na lang kami magkikita.
From Honey:
Galingan mo sa pag-re-review, I love you!
Grabe na talaga 'to, iba sa personal tapos iba pa sa text. Hindi na yata talaga ako makaka-ahon, hulog na hulog na ako sa patibong ng pagmamahal mo Dwight Cheon, my honey, my love so sweet.
To Honey:
Ikaw rin Hon, I love you too!
Pagkatapos kong mag-reply ay binalik ko na sa bulsa ko ang aking phone.
Focus na muna sa pag-aaral.
"Good morning... Nag-date na naman yata kayo ni Dwight kaya ang tagal mo 'no." bungad sa akin ni Whiskey na nakaharap sa kaniyang notes. Wow, nagbabagong buhay na ah. Nag-re-review!
"Hindi ah. In fact, may bumangga sa amin kaya natagalan kami, alalang alala nga siya sa akin kasi baka may gawin daw sa akin ang mga tauhan ni Jaynie." ikinwento ko na sa kanila, malalaman rin naman nila kay Kier, mas maganda na iyong manggaling sa akin mismo.
"Hindi ba kayo nasaktan? Maldita talaga ang babaeng 'yon." komento naman ni Bianca na nakahawak rin ng notes.
Bagong buhay na talaga... Pero goods 'yan para hindi lang sila hanggang kopya!
"Sa awa ng diyos, okay naman kami. Thank you sa concern!" nginitian ko lang si Bianca tsaka ko ibinaling ang aking atensyon sa librong kailangan kong aralin.
"Mamaya talaga sa akin ang babaeng 'yon. Uubusin ko talaga buhok niya!" nanggigigil pa na saad ni Whiskey. Ito talaga, kahit na kailan, pala-away!
Pero ilang oras na rin ang lumipas, wala pa rin si Jaynie, dumating na rin ang professor namin pero wala pa rin siya, hanggang ngayon talaga'y tamad pa rin mag-aral ang isang 'yon. O 'di kaya naman ay may binabalak siyang masama sa amin ni Dwight kaya wala siya ngayon.
Kinabahan tuloy ako bigla...
From Dwight:
Kita tayo sa likod ng cafeteria may ibibigay lang ako sayo honey.
May text message na pumasok sa phone ko na galing kay Dwight.
Pero nagtaka ako kung bakit sa likod ng cafeteria pa kami magkikita, which is hindi pa namin napupuntahan ng magkasama ang lugar na iyon.
Ano na naman kayang trip niya? Tsaka hindi ako kukulitin no'n sa pag-re-review kung hindi importante ang sasabihin o ang ibibigay niya.
Kung hindi lang talaga dahil sa 'Honey' hindi ako maniniwala na ang nag-text ay si Dwight.
"Guys? Kikitain ko lang si Dwight ah. Kitakits mamaya." paalam ko sa dalawa. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil baka maisipan pa nilang sumama, maistorbo pa kami ni Dwight kapag sinama ko pa sila.
Pagkarating ko sa likod ng cafeteria, parang ang tahimik naman yata. Kung titignan mo, parang walang pumupunta rito, may surprise kaya siya para sa akin at dito gaganapin?!
"Honey? Dito na me!" sigaw ko pero wala pa rin sumasagot.
"My love? So sweet? Asan ka na?" sigaw ko na naman pero wala pa rin.
Hanggang sa nakarinig ako ng mga hakbang na palapit mula sa akin. Tumingin ako sa aking likuran pero wala. Gosh, kinakain na ako ng kaba ko. "Dwight? Masamang mag-biro ng ganito. Ano ba 'to?" halos mamaos na ako kakasigaw kahit na wala namang makakarinig sa akin kasi napaka-tahimik ng lugar na ito.
Rinig ko pa rin ang mga hakbang, hindi si Dwight 'to, dahil kung si Dwight 'to, kanina pa sana siya lumapit sa akin at niyakap ako o hinawakan ang mga kamay ko.
Maya't maya pa'y may kung anong tela na tumakip sa mukha ko kaya wala na akong makita na kahit na ano. Gosh, mukhang kidnapping area yata ang napuntahan ko.
"Sino kayo? Bitiwan niyo ako! Tulong..." sigaw ko pero wala pa rin nangyayari, hanggang sa narinig ko na lang na may umandar na kotse.
"Please, maawa kayo sa akin. Ano bang gusto niyo?" muli ko na namang tanong sa kanila pero nanatili lang silang tahimik.
"Boss, narito na po siya." bigla na lang nila akong kinaladkad kanina tapos pinasan ako ng isa sa kanila tsaka ibinaba sa malamig na sahig na sa tingin ko'y semento kung hindi ako nagkakamali.
"Sinong boss? Please naman oh, pakawalan niyo na ako!" pagmamakaawa ko pero hindi pa rin nila ako pinansin. Nakatali rin ang mga kamay at paa ko, at maging ang tela na nakalagay sa mukha ko ay narito pa rin kaya wala talaga akong makita na kahit na ano.
"Did you miss me? Long time no see..." boses ng pamilyar na tao.
Hanggang sa dahan dahan niyang tinanggal ang tela sa mukha ko at malinaw na nakita ko kung sino ang tinatawag nilang boss. Gulat akong napatingin sa kaniya, "Ikaw?"