Chapter 79 Knight and shining armor
Pearl's Pov
Hanggang sa dahan dahan niyang tinanggal ang tela sa mukha ko at malinaw na nakita ko kung sino ang tinatawag nilang boss. Gulat akong napatingin sa kaniya, "Ikaw?"
"Yeah, ako! At sure ako na ito ang magiging masamang bangungot mo!" napakasama talaga niya. Ano ba ang nagawa kong kasalanan at ganito na lang lagi ang gawin niya sa akin?! Masama ba akong tao kaya ganito na lang parati ang dinaranas ko sa kamay ng ibang tao?!
"Ang sama mo Jaynie. Sinasabi ko na nga ba na may niluluto kang plano kaya ka natahimik ng ilang araw." sigaw ko sa kaniya.
Hindi naman ako takot, pero nag-da-doubt ako sa sarili ko na baka hindi ko kayanin ang mga gagawin nila sa akin. Kawawa naman ako, pagdadaanan ko na naman ang matinding trauma na naranasan ko noon sa parehong kagagawan ni Jaynie.
"Huwag kang mag-alala, may magliligtas naman sayo, 'di ba may prince charming ka?!" nakangisi niyang saad sa mismong mukha ko.
May chance pa kayang mag-bago si Jaynie? Sana naman meron!
"Oo at patutumbahin niya kayong lahat." pinagtaasan ko na rin siya ng boses pero tanging pag-tawa lamang ang isinagot sa akin ng mga tao niya.
"Kung kaya niya kami." sabat ng isang lalaki na sumulpot sa mismong likuran ni Jaynie.
Masama lang ang way ng pagtitig ko sa kanila. Bakit kaya may ganitong mga tao 'no, 'yong gagawin ang lahat basta makuha lang ang gusto kahit na ikasama pa ng kapwa nila.
Hindi ko lubos maisip na magiging kagaya ko sila.
"Hi babe," bati naman sa kaniya ni Jaynie tsaka sila naghalikan sa mismong labi.
Nakakabanas, ang haharot. Tsaka ano ba 'yan, nakikipaghalikan sa labing kagagaling lang sa yosi? Hindi ko naman bina-bash ang mga nagyoyosi pero kasi masama iyon sa kalusugan ng tao 'di ba. Tsaka ayoko rin ng amoy ng yosi, para akong sinisipon kapag nakaka-amoy ng ganoon. Mabuti na lang at tinigil na ni Dwight ang ganoong bisyo.
"Siya ba ang girlfriend ni Gagong Dwight?" how dare him na tawagin ang boyfriend kong g'wapo ng 'gago' mas gago pa nga yata siya kaysa kay Dwight eh.
"Yeah, she is! Anong plano mo? Tatawagan mo na ba ngayon si Cheon para iligtas ang kaniyang girlfriend?" tanong naman sa kaniya ni Jaynie.
"Oo, bantayan niyo siya at kokontakin ko si Cheon. Ihanda niyo ang inyong mga sarili dahil kilala niyo ang gagong 'yon, matinik kung makipaglaban." sagot no'ng boyfriend ni Jaynie.
May boyfriend na pala tapos kung makipag-picture sa boyfriend ko wagas. About nga pala sa picture nila ni Dwight na pinost ni Jaynie, photo shop lang daw iyon sabi ni Dwight dahil nga sa kinompronta ko siya dahil doon. Syempre 'no, ako yata ang original at siya lang ang peke!
"Mabuti at alam mo, matakot ka dahil Dwight Cheon ang kinalaban mong baliw ka." sigaw ko sa boyfriend ni Jaynie.
Pansin ko naman ang sama ng titig niya sa akin. Nainis ko yata siya dahil sa sinabi ko. Well, totoo nga naman kasi, takot lang niya at kinalaban niya ang isang Dwight Cheon.
"Pwedeng manahimik ka?" pabulyaw na sigaw niya sa akin. Akmang sisipain rin niya ako pero hindi niya naituloy dahil sa biglaang pag-bukas ng pintuan.
Parang naiiyak na ako sa aking kinauupuan dahil nakita ko siya, nakita ko ang aking prince charming. Siya na naman ang magliligtas sa akin.
"Touch her and you will see the real face of hell." iyan rin ang narinig kong sinabi niya no'n doon sa mga nambugbog sa kaniya, akala ko pa that time si Jaynie ang pinagtatanggol niya, wala man lang akong kaalam-alam na ako na pala ang tinutukoy niya.
Paano kaya niya nahanap ang location namin? Ang tali-talino talaga ng honey ko!
"Dwight..." sigaw ko kaya napatingin silang lahat sa akin.
Pinilit ko rin na tumayo pero hindi ko kaya kasi nakatali ang mga paa ko. Nahihirapan na ako dahil sa sobrang higpit ng tali sa kamay at paa ko.
"Honey, don't worry narito na ako." iyan ang sinabi niya bago siya atakihin ng mga tauhan nila Jaynie.
Naka-hanap naman ako ng pag-asa ng ngumiti siya sa akin bago niya pagsusuntukin ang mga tauhan nila Jaynie na naglakas loob na lapitan siya.
Akma na naman akong tatayo pero hinila ni Jaynie ang buhok ko kaya napaupo akong muli. "And where the hell you think your going?" tanong niya sa akin habang hawak hawak pa rin niya ang buhok ko.
Napaka-sama talaga ng babaeng 'to. Hindi patas ang laban dahil mag-isa lang si Dwight at ako naman ay nakatali ang kamay at paa. Paano ako makakalaban kay Jaynie kapag ganito ang hitsura ko?!
"Mas masahol ka pa sa hayop! Napaka-sama mo bitch!" dinuraan ko siya sa kaniyang mukha ng akmang maka-harap siya sa akin. Kahit na tinuruan ako ni Mom noong bata ako na masama ang mag-dura sa kapwa, ginawa ko pa rin kay Jaynie dahil namumuro na talaga siya.
That's what you got on messing up with me bitch!
"What the hell," akma niya akong sasampalin pero may humawak sa palapulsuhan niya kaya hindi natuloy ang pag-dapo ng kaniyang palad sa aking pisngi.
"Anong akala mo? Masasaktan mong muli ang kaibigan ko? Nagkakamali ka..." sigaw na saad ni Whiskey kay Jaynie bago niya ito sampalin sa kaniyang magkabilang pisngi.
Anong ginagawa nila dito? Baka madamay pa sila.
"Sandali, hahawakan ko siya para mas masaktan pa siya lalo." galit na saad naman ni Bianca tsaka pumunta sa likod ni Jaynie at hinawakan nito ang dalawang kamay ng babaita habang si Whiskey naman ay patuloy pa rin sa pag-sampal kay Jaynie.
Ang sama ko na ba kung sabihin kong deserve niya ang mga malulutong na sampal ni Whiskey?
Nagawi naman ang tingin ko kila Dwight, naroon na rin kasama niya sila Kier at Xander tapos may mga tumutulong rin sa kanila, siguro iyon 'yong mga kasamahan nila sa gang nila. Hindi ko pa naman nakikilala ang mga kasamahan ni Dwight sa gang kaya hindi ko pa talaga sila kilala.
Maya't maya pa'y may dumating na dalawang babae sa may pintuan. Teka, parang pamilyar sa akin ang dalawang iyon ah. Si Bitch one tsaka si Bitch two... Wait, kasama rin ba sila ni Jaynie sa gang? Well, baka oo!
"Tig-iisa natin sila." saad ni Bianca.
"Hoy, baliw, kalasan mo kaya muna si Pearl, paano niya malalabanan si Bruhang Jaynie kung nakatali pa rin siya hanggang ngayon?" hanggang dito ba naman mag-aaway sila?!
"Sorry!" pag-hingi naman ng tawad ni Bianca tsaka niya kinalas ang tali sa kamay ko. Ako na rin mismo ang nagtanggal ng tali sa paa ko dahil kaya ko naman.
Bago pa man makalapit iyong dalawa kila Whiskey at Bianca, sinunggaban na nila kaagad ng sampal ang mga ito. Deserve rin naman nila dahil palagi nila kaming pinag-iinitan sa school rati no'ng mga panahon na hindi pa sila pinatalsik ni Dwight.
"Matapang ka lang Pearl kasi SSG president ang boyfriend mo, paano kaya kung isumbong ko kayo na isa kayong gang member para matanggal kayo sa pwesto niyo sa school?" wow, talaga? Inggit lang yata eh!
"Mag-sumbong ka kung mag-sumbong ka, hindi naman kami gutom sa atensyon, hindi kagaya mo. Lahat gagawin mo makuha mo lang ang gusto mo. Alam mo Jaynie, isa kang malaking salot sa lipunan. Babae ka pa man rin pero nabubulok na ang ugali mo. Siguro ampon ka lang sa pamilya niyo 'no? Kasi si Xander, mabait siya!" hindi pa ba enough ang mga sampal sa kaniya ni Whiskey para tumigil na siya kaka-putak?!
"Iiyak ka rin ng dahil kay Cheon, tandaan mo 'yan Samonte!" ano ba 'yon babala? O panakot lang niya?!
"Iiyak sa pagmamahal, oo siguro!"
sarcastic na wika ko sa kaniya. Well, hindi lang siya ang marunong mang-asar. Bitch siya kaya panindigan niya.
Hindi na rin siya nakasagot pero masama pa rin ang titig niya sa akin.
"Paano ba 'yan Cousin, kayong tatlo na lang ang natira, kinuha na ng mga police ang mga kasamahan niyo." napatingin kaming lahat kay Xander sa biglaang pagsasalita nito.
Pinatunayan niya ngayon na hindi siya kampi sa pinsan niya.
"You all pay for this, babalikan ko kayo!" pagbabanta na naman niya, dinuro duro niya pa kami isa isa.
"Kung makakalabas ka pa sa kulungan." gatong naman ni Kier na nasa tabi na ni Bianca.
Napanatag naman ang loob ko nang makita ko si Dwight na palapit sa amin kasama ang tatlong police na nasa likuran niya.
"Paki-pick up na ang mga basurang iyan." wika pa niya tsaka nilagyan ng mga police ng posas ang kamay ng tatlong bitches.
"Nagpupumiglas pa eh, enjoy sa bagong tirahan niyo, good luck maraming ipis doon!" pahabol pa na pang-aasar ni Whiskey kaya nakakuha siya ng death glare mula kay Jaynie, pero syempre, hindi magpapatalo ang kaibigan namin dahil binelatan pa niya iyong tatlo kaya natawa na lang kaming lahat dahil sa inasta ni Whiskey.
"Okay ka lang? Wala bang masakit sayo?" tanong ni Kier kay Bianca pero iling lang ang isinagot ni Bianca sa kaniya.
May LQ kaya sila? Ba't parang ang lamig?
"Honey? Are you okay? Damn, mapapatay ko talaga silang lahat kapag may nangyaring masama sayo." aniya tsaka ako niyakap. Kahit na kailan hindi talaga ako binigo ni Dwight sa pagiging sweet niya.
"Wala naman hon, ikaw? Wala bang masakit sayo? Ikaw ang nakipagbakbakan sa mga lokong iyon eh." nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
"Wala, okay na ako kasi nasa tabi na kita. Sorry kung napahamak ka dahil sa phone ko. Itatapon ko na talaga 'yon." oo nga pala paanong nangyari na nakuha ni Jaynie ang phone niya?
"Paano pala nakuha ni Jaynie ang phone mo?" takang tanong ko.
Pansin ko rin na naka-abang silang lahat sa isasagot ni Dwight sa tanong ko.
"Naiwan ko sa office... In short, she stealing my phone!" inis na sagot nito sa akin.
"Ah, eh paano niyo nalaman na nakidnap ako? Tsaka paano niyo nalaman na rito nila ako dinala?" akala ko talaga malala na naman ang sasapitin ko sa kamay nila Jaynie pero nagkamali ako, at dahil iyon sa mga taong 'to. Actually, sabunot lang ang inabot ko kay Jaynie compare sa kaniya na marami siyang natikman na sampal sa aming tatlo nila Whiskey at Bianca.
"Nakukutuban ko na mula kahapon pa lang na may mangyayaring ganito kaya in-connect ko ang GPS mo sa phone ko kaya we traced your location." sagot ni Dwight sa tanong ko.
Na-ta-touch naman ako dahil sa mga ginawa nila para sa akin.
"Thank you guys, I really really appreciated your sacrifice just to save me, nag-take risk kayo para lang iligtas ako." pagpapasalamat ko sa kanila.
I am lucky to have them talaga in my life.
"Wala 'yon best friend!" nakangiting wika naman ni Xander. Natutuwa talaga ako na okay na kami.
"Yeah, wala 'yon." si Kier naman na naka-akbay na kay Bianca. Sila na kaya?
"True, sabi naman namin sayo 'di ba. Kapag nasa risk si Pearl, i-call mo lang ang magandang si Whiskey at Bianca." sabay naman na sabi nila Whiskey at Bianca, talaga bang sabay o nag-practice sila?!
Napangiti naman ako dahil ramdam ko talaga na maraming nagmamahal sa akin.
"Honey, sila ang member ng gang." pagpapakilala ni Dwight sa mga gang members nila. Ngumiti lang ako sa kanila dahil baka isipin nilang isnabera ang girlfriend ng leader nila kapag nagkataon na dinedma ko lang sila.
"Honey? Nag-aalala ako, baka may gawing masama na naman si Jaynie, pinag-bantaan rin niya tayo na magsusumbong siya sa mga teachers para raw matanggal tayo sa posisyon natin sa SSG." hinawakan ni Dwight ang kamay ko at bahagya niya iyong pinisil.
"Hindi na siya makakagawa pa ng kalokohan dahil nasa kulungan na siya. Hindi ko na mapapayagang saktan pa niya ang Honey ko. Magkamatayan muna kami!" napayakap na lang ako kay Dwight dahil sa pangamba.
"Eh paano kung mag-sumbong siya sa mga teacher's? O isumbong niya tayo sa owner ng school? Baka mapatalsik pa tayo, hindi ko na maitutuloy ang legacy ko sa school na 'yon kapag nagkataon."
"It's fine, hindi naman niya kilala kung sino ang may-ari ng school eh." aniya sabay wink tsaka hinalikan pa ang likuran ng aking kamay na hawak hawak pa rin niya hanggang ngayon. Nginitian ko na lang rin siya dahil wala na rin naman akong kailangan na sabihin sa kaniya.
Oo nga pala, matagal na akong nag-aaral sa school na pinapasukan namin pero kahit na isang beses, hindi ko pa nakikilala ang owner ng INTERNATIONAL DCPRS UNIVERSITY. Balita ko nga rin pala, bago pa man ako nakaka-apak sa school na 'yon pinapalitan no'ng bagong owner ang pangalan nito. Dati kasi'y PEACE INTERNATIONAL SCHOOL daw ang pangalan ng school sabi ni Mom kasi roon rin siya nag-aral rati, kagaya nga ng sabi ko gusto kong ipag-patuloy ang nasimulang legacy ni Mom sa school na 'yon, since high school rin kasi noong mag-aral si Mom sa school na 'yon at same lang rin kami dahil pumasok lang ako sa INTERNATIONAL DCPRS UNIVERSITY noong mag-high school na ako.
"Guys, may announcement ako." pagpapatigil ni Whiskey sa pag-ke-kwentuhan namin.
I raised a brow on him, sign na interado ako sa sasabihin niya.
"Nahanap ko na ang forever ko..." malapad pa ang kaniyang ngiti habang palapit sa isa sa mga member ng gang nila Dwight.
"What's your name igop?" tanong ni Whiskey rito. Infairness, g'wapo naman, pasado siya sa akin para kay Whiskey.
"I'm Lex Baby!" literal na napanganga kaming lahat sa isinagot ni Lex daw ang pangalan kay Whiskey. Ang ibig bang sabihin, gusto niya rin si Whiskey? Hindi ko in-expect 'yon ah, ang expected ko ay dededmahin lang niya si Whiskey o 'di kaya nama'y itutulak lang niya palayo si Whiskey mula sa kaniya. Pero tama at hanga ako kay Lex kasi hindi niya jina-judge si Whiskey dahil lang sa kasarian nito.
Gender is just a word!
"B-baby? Oh my ghad. Sign na ba this na magiging happy na ang love life ko? Hindi na ako maiinggit!" kinikilig at with matching patalon talon pang saad ni Whiskey.
"Sa wakas Lex magkaka-jowa ka na rin." natatawa namang wika ni Kier kay Lex.
Magiging happy ako kung magiging happy si Whiskey kay Lex, i-su-support ko sila hangga't kaya ko.
"Happy na ang love life nating tatlo. Best friends goal achieved!" bigla namang imik ni Bianca kaya nabaling sa kaniya ang atensyon naming lahat.
"You mean, kayo na?" excited na tanong ko naman kay Bianca.
"Yeah, kami na ng Honeybunch ko." imbes na si Bianca ang sumagot sa tanong ko, si Kier ang nag-abala sa pag-sagot dito.
Honeybunch, Honey, Baby? Ang aastig naman ng call sign namin!
Nagawi naman ang tingin ko kay Xander. At nang magtagpo ang mga tingin namin, ngumiti lang siya sa akin. Ngiti na nagsasabing ayos lang siya.
"Congrats best friends, happy na ang love life ninyo, masaya ako para sa inyo. At least masaya akong aalis dahil okay na ang tatlong stranger na nakilala ko na naging mga kaibigan ko. Stay strong!" pinapakita niya na masaya siya kahit na alam kong nasasaktan siya.
Sorry Xander, hindi ko sinasasya!
"Mahahanap mo rin siya, sa tamang panahon!" payo sa kaniya ni Whiskey pero umiling lang siya.
"Hindi ako naghahanap at kailan ma'y hindi na maghahanap, ready na akong maging priest." nasabi na rin niya sa kanila na mag-pa-pari siya.
"Talaga?" gulat na tanong ni Bianca.
"Yeah and buo na ang desisyon ko!"
Wala na nga talagang dahilan para mag-bago pa ang isip ni Xander. Pero kung iyon ang gusto niya handa naman kaming suportahan siya.
"Happy for you bro!" ani ni Dwight sa kaniya tsaka nito tinapik ang balikat ni Xander.
"Thanks bro!" Xander respond.
Happy ako dahil okay na sila. Sana magtuloy tuloy na at wala ng dumating na kahit na anong problema.
"Bro, mag-ingat ka, huwag ka sanang masunog sa simbahan." pabirong saad naman ni Kier sa kaniya.
Lokong Kier na 'to, nagka-Bianca lang naging pilosopo na, pero mukhang rati pa naman, hindi ko lang siguro napansin.
"Gago!" mura ni Xander sa kaniya dahilan para magtawanan kaming lahat.