Chapter 28- UNTOLD TALES

MALIYAH POV

Tunog ng telepono ang nagpagising sa akin. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko. hindi ko namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi. Antok na antok pa ako dahil hindi ako makatulog sa ginawa ni sir Clint sa akin. Pati ba naman sa panaginip ko may halikan na eksena. May lahing witch ba si Sir Clint?

“Hello?” patanong kong sagot sa kong sino man tumawag hindi ko na natingnan ang screen ng telepono ko. Nakapikit pa ang mga mata ko.

“Mal-Maliyah?” garalgal na boses ni ate ang nasa kabilang linya, napabalikwas ako ng bangon at biglang nagising ang diwa ko.

“Ate Maze, kalma muna, anong nangyari?” nanginginig ang kalamnan ko, sa takot at nerbiyos.

“Si Ton-ton, Maliyah!” pasigaw na ang boses ni Ate Maze. Hindi ko na siya naiintindihan. Dali dali akong bumangon at pinatay ko na ang tawag at diretso ako sa banyo para maligo. Gusto ko nang liparin ang Maynila papuntang Cavite. Diyos, ilayo niyo po sa kapahamakan ang pamangkin ko. Piping dasal ko.

Agad akong naligo, at halos bagyo na ang kilos sa pagmamadali, bakit ganun, minsan lang ako maging masaya, kagabi lang ngayon naman problema ang kakaharapin ko. Diyos ko, ano na naman ito.

Malalaki ang mga hakbang kung bumaba patungo sa kusina, masyado pang maaga, para abalahin ko si Sir Clint para magpaalam. Wala naman kaming session ngayon dapat, although sinabi niya na may double pay ako pero hindi ako pwedeng hindi umuwi kailangan ako ng ate. Alam kong napaka unprofessional ng gagawin ko pero pamilya ko ang pinag uusapan dito.

Pagpasok ko sa kusina, nakita ko ang Yaya Mameng na nag mamando ng gagawin.

“Ya, kailangan ko pong umuwi ngayon,” paalam ko sa kanya, hilam na ang luha ko alam kung maiintindihan niya ako.

“Maliyah bakit ka umiiyak anak?” puno ng pag-aalala ang mga mukha niya para sa akin.

“Yaya si Ton-ton po kasi yung pamangkin ko, may masamang nangyari sa kanya, kailangan po ako ng ate Maze ngayon.” Nanginginig ang mga kalamnan kong sagot sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Sasabihan ko si Danilo na ihatid ka. Ako na magpapaliwanag kay Clint, pag gising niya.” Sobrang-sobra na ang kabaitan ni Yaya sa akin. agad akong iginiya ni Yaya sa labas, sa likod ng kusina na kami dumaan. Hindi na ako nag abalang kumain ng umagahan dahil hindi rin ako makakain dahil sa pag-aalala. Paglabas namin kita ko agad si Mang Danilo, nag kakape pa. Napatayo ito ng matanawan niya kami.

“Danilo, ihatid mo si Maliyah sa kanila, itoy emergency, h’wag ka muna umuwi hanggat kailangan ka niya huwag mo siyang iiwanan, ako na bahala kay Clint.” Malumanay na imporma ni yaya kay Mang Danilo. Inubos na agad niya ang kape, at dali daling kinuha ang susi na gagamitin naming sasakyan.

“Mag-iingat ka doon Maliyah, tawagan mo agad ako, kung may kailangan ka” sabay yakap niya sa akin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa past life ko bakit ganito kabait sa akin si yaya, ramdam ko ang pagmamahal niya, hindi lang sa akin kundi pati sa pamilya ko.

Tahimik lang ang byahe namin, at ilang oras pa nakarating kami sa aming bahay, tahimik at sarado ang pintuan. Agad kong tinawagan si Ate Maze. Ilang beses yun nagri-ring bago pa niya sinagot ang tawag ko.

“Maliyah, nandito kami sa Buenavista Medical Center.” agad nitong sagot sa akin.

“Papunta na ako na ako diyan ate, hintayin mo ako ha?” buong suporta kong sabi kanya. Pinaramdam ko na andito lang ako, para sa kanya at kay Ton-ton. Na kahit anumang oras handa ko silang alalayan at damayan, lalo na sa ganitong pag kakataon.

Sinabi ko agad, kay Mang Danilo sa hospital ang tungo namin, hindi naman ito sumagot, buong simpatya lang siyang tumango sa akin. Hindi ko ito nakikitaan ng magaang awra gaya dati, kundi buong unawa siyang sumunod sa mga sinabi ko ng hindi ito nagrereklamo.

Pagdating namin sa hospital agad kong tinungo si Ate Maze na nasa emergency room, iyak ito ng iyak habang hawak kamay ang walang malay na si Ton-ton.

“Ate, pag tawag ko sa kanya.” Agad siyang tumayo at mabilis na lumapit sa akin at buong higpit akong niyakap, at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Maga ang mga mata niya, at pulang pula yun.

“Maliyah, si Timothy.” Garalgal na agad ang boses, hindi ko na napigil ang mga luha ko.

“Anong, nangyari ate?” tanong ko sa kanya.

“Bigla, lang siyang hinimatay, at namaga ang mga paa, at binti niya, sinusuri pa siya ng mga doktor. Hindi ko alam ang gagawin ko Maliyah. Hindi ko kakayanin kung may mangyayari kay Tonton.” Kumalas ako ng yakap sa kanya, at sinapo ang mukha niya, buong tapang ko siya tinigitan.

“Andito lang ako ate para sa inyo ni Tonton , malalampasan din natin ito okay?” Tumatango lang siya sa mga sinabi ko.

“Maliyah” napalingon ako ng tumawag si Dr. Ellazar Marquez para kunin ang atensyon namin ni Ate.

“Doc Marquez, ano po balita sa pamangkin ko?” tanong ko sa kanya.

“I can't say, nor confirm anything Maliyah, and Ms. Delos Santos, I am waiting for the laboratory results, and I scheduled for MRI dahil nawalan ito ng malay, but to be honest I suspected liver problem.” Paliwanag nito sa amin, kinabahan na agad ako, alam kung delikado kapag liver problem na, hindi ko lang alam kung anong klase. Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ng Doktor. Diyos ko tulungan niyo kami. Piping dalangin ko. Lalong umiyak ang ate, pinisil ko ang kamay para bigyan siya ng suporta at kumalma kahit paano. Agad nagpaalam si Doc Marquez dahil mag ra-rounds pa daw ito.

Inilipat na sa semi-private room, ang pamangkin ko, lumabas ako ng silid at pinuntahan ko sina Papa sa waiting area. Pagdating ko doon wala si Papa, at Merleah, dumiretso ako sa chapel. Nakita kong taimtim na nagdarasal si Papa at Merleah, parang pinipiga ang puso ko. Alam ko kung gaano niya kamahal si ang nag iisang apo niya.

Nang hapon iyon dumaan si Wendy sa silid ni Tonton, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko, matagal din ang balitaan naming dalawa. Pinauwi ko muna sina Papa, at Ate Maze, para makapagpahinga. Bukas walang pasok si Ate Maze dahil linggo pa lang naman, kapalitan ko siguro muna mag bantay ay si Papa, balak ko rin munang mag leave sa trabaho, habang inaasikaso si tonton. Sana pumayag si Doc Chlyde at Sir Clint.

Malalim na ang gabi pilit kong makatulog, para meron akong lakas kinabukasan, binabaan ko rin ang aircon dahil lamig ng temperaturang aming silid. Wala man lang akong dala kahit jacket man lang. Tulog si tonton simula kanina, gumigising ito pero agad din natulog pagkabigay ng gatas niya.

I was in my deep sleep when I felt someone touching my face. No one was around as I opened my eyes, but I already had a blanket. A big question first came into my mind the following day as I opened my eyes. Para akong nanaginip.

Walang pang alas nuebe ng umaga dumating agad si Ate, may dala itong almusal at damit na pamalit sa akin. Pumunta agad ako sa banyo, para mag buhos, at magpalit ng damit na suot ko pa kahapon

“Maliyah, halika na kumain ka muna bago umuwi, para makatulog at makapagpahinga ka.” Saad ni ate. Tumango ako ngunit pumasok ako sa banyo. Pagkalinis ko ng katawan hindi na ako naligo dahil walang dalang shampoo si Ate kundi sabon lang sa katawan at pamalit ko at maliit na towel para panuyo.

“Ate Maze? umangat ang ulo niya at tinitigan ako. Darating si doctor Marquez, mamaya para basahin ang resulta ng laboratory ni tonton at MRI. Kung anuman ang mangyari , gusto kong tatagan mo ang loob mo , nandito lang ako.” Kita ko ang butil ng luha ni Ate Maze, alam kung nahihiya siya pero hindi ko sila pwedeng pabayaan. Hinintay ko muna ang doctor, para alam ko kung ano ang sakit ng pamangkin ko. Ilang minuto pa dumating na nga si Doc Marquez, kasama si Doc Chlyde, Sir Clint at Si Mr. Alfred. Nakakunot akong tumingin sa apat na nag gwa-gwapuhan mga binatang nasa harapan ko, wala kang tulak kabigin sa kanila, pero siyempre si Clint parin ang pinaka-gwapo sa lahat. Ramdam ko ang bawat pagdagundong ng tibok ng puso ko, daig ko pa ang sumali sa track and field.

“Maliyah, I am sorry, I came unannounced. I was updated for your nephew’s case and as your Chief I want you to know that Doc Marquez was our best Doctor in this field.” Deretsahang paliwanag ni Doc Chlyde. Tumango ako, at dumako ang tingin ko kay Ate, namumula ito at nakayuko, tumingin ako sa kanilang lahat, bukod tangi si Mr. Alfred ay naka tiim ang mga bagang niya at masamang tumingin kay Ate Maze nakayuko parin ito, hindi man lang siya umangat ng tingin. Hindi ko na muna pinansin ang kakaibang galawan nina Mr. Alfred at Ate Maze. This is not the time nor the place to talk about it.

“Doc Marquez, may resulta na po ba ang laboratory ni Tonton?” magalang kong tanong sa kanya.

“I want to be frank, and honest about the laboratory result, Ms. Delos Santos, you son, has hemochromatosis ito ay sakit sa atay kung saan mataas ang iron deposit ng pasyente, kailangan niyan sumailalim sa tinatawag na, phlebotomy o sa madaling salita ay bloodletting, ito ay isasagawa isang beses kada linggo, sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan, o hanggang maging normal ang iron deposit ni Timothy Neil, pagkatapos makuhanan ng dugo, kailangan itest ulit para malaman kung normal na ba ang iron deposit sa liver niya. Ang pinaka last resort natin ay liver transplant, kailangan ng kapatid, or ama ng bata na match sa kanya.” Hagulgol nalang ni Ate Maze, ang narinig ko.

“Pwede po ba akong itest doc for matching.” Agad kong mungkahe sa kanya.

“Pwede pero, mas mainam kung ama ng bata.” Sagot ni Doc. Marquez.

“Why Maze?” it was Mr. Alfred firmed and serious tone of voice. Naguguluhan man ako, hind ito ang tamang panahon para ungkatin ang dapat ungkatin sa kung ano man ang kwento ng dalawang ito. Hindi naman ako manhid. Alam kong meron lihim ang dalawang ito base narin sa kilos ng ate Maze at sa reaksiyon ni Mr. Alfred matapos basahin ang resulta ng Lab results ni Ton-ton. Hinawakan ko ang kamay ni Ate at pinisil yun.

“Kaya natin ito Ate.” hindi na ito sumagot at lumapit siya kay Tonton hanggang ngayon tulog parin.

“Normal lang po ba na tulog parin siya hanggang ngayon Doc? Tanong ko sa gwapong doctor.

“Oo Ms. Delos Santos, kailangan mahanap niyo ang ama ng bata, o sa susunod na araw umpisahan na ang bloodletting procedure niya, para hindi na lumala pa.” dagdag pa nito.

“Opo, gagawa ho kami ng paraan. Maraming salamat po Doc.” Inangat ko ang kamay ko para kamayan ang doctor. Pero naiwan lang sa ere ang kamay ko. Bagkus hindi si Doc Marquez ang sumalubong noon kundi ang maiinit na palad ni Sir Clint.

“Ahem, it was nothing Maliyah,” pinisil niya yun at ramdam ko ang init ng palad na tila kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. I heard Doc Marquez smirking and laughing at the same time.

“Baka maputulan ako ng kamay ng wala sa oras” komento nito, at lumapit kay Tonton para suriin. Gusto kung hinlahin ang kamay ko ngunit lalo lang itong hinigpitan ni sir Clint, na ikinapula ng mukha ko.

“You’re putting Maliyah in a very uncomfortable situation Clint.” It was Doc Chlyde, teasing me. My face reddened, and my heartbeat was so fast, like horses were running on it. I saw Clint look at Doc Chlyde in a deadly glare. Isang malutong natawa lang ang sagot ni Doc Chlyde.