Chapter 27-TRUCE

MALIYAH POV

A month after that kissing scene, I felt a knife strike me in the chest; that kissing part was like a nightmare that kept on haunting me even in my dreams. Sir Clint was discharged weeks after he woke up. Our working relationship was worse than I thought. He made it complicated and difficult on my part. He was angry every time I was near, but he laughed and enjoyed it even though there was nothing to laugh about. Minsan iniisip ko, nasisiraan na ito dahil sa mga kinikilos niya. Gaya na lang ngayon. Masaya ito pero ang pinapanood naman niya ay action movie, para itong may tama sap ag iisip sa kinikilos niya. Nakatayo ako sa di kalayuan sa kanya kasi gusto niyang magpahinga. Hindi pa sana tapos ang dalawang oras na session namin. Nag rereklamo na agad itong pagod na. Their gym was fully equipped. Lahat ng kailangan mo andoon na.

“Ms. Delos Santos, come over here.” Dinig kung utos ni sir Clint. Agad akong lumapit sa bandang gilid niya at tumingin sa mga mata niya. I hid my emotions and I made sure that I masterly controlled my heart, although the rhythm is abnormal, I ignore it and maintain my composure.

“Yes sir Clint, would you like to continue our session now?” Magalang at kalmante kong tanong sa kanya. He looked at me intently, parang inaarok niya ang laman ng isip ko.

“No, we're done for the day.” May diin sa mga salitang binitawan niya, wala akong nababasa na kung ano man ang laman ng isip niya. He was stiff and cold. His eyes were black no emotions at all.

“Sir with all due respect, you kept on cutting your session, paano kayo gagaling kung palagi nyo nalang itinitigil ang therapy niyo.” Buong tapang kung sabi sa kanya. Nakataas pa ang kilay ko para alam niyang seryoso ko.

“Pagod na ako, bakit mo ba pinipilit.!” Bwelta niya sa akin. Akala niya papatalo ako sa kanya, nasaktan na nga ako, dapat dito man lang makabawi ako.

“Ako nga pinipilit ayaw masaktan pero nasasaktan parin ako.” Mahinang tugon ko sa kanya sapat lang na marinig niya.

“What?” he was irritated already.

“What I mean po, kasi po kailangan, para po yan sa ikabubuti niyo and please let me do my job po.” Sarkastikong sagot ko sa kanya. Para na naman kaming aso’t pusa, kung mag bangayan.

“When I say I'm done for the day, I am done.” Pinindot nito ang electric wheel nito at umalis. Nasundan ko nalang siya ng tingin.

Magtatanghalian na ng bumaba ako dahil tumawag sa intercom ko si Yaya Mameng, nakasuot parin ako ng blue scrub suits. Pagdating ko sa dining room walang katao tao, pero may nakahain na dalawang plato, at umuusok na pagkain. Papunta na sana ako sa kusina kung saan, makakasabay ko sina Yaya Mameng.

“Have a sit Maliyah, dine with me.” It wasn't a request but it was a command. Ito ang unang pagkakataon na kasabay ko si sir Clint kumain. My heart flutters. I felt crumbling in my stomach like butterflies. Hindi ako makahuma sa kinatatayuan ko, walang salitang lumabas sa bibig ko.

“I hate repeating myself, Ms. Delos Santos.” It was firm yet the sweetest.

“Ah— kasi po do—.” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sinundan niya ito ng utos. Akala mo hari.

“Sit, for the last time, don't make me pissed you won't like it.” his eyes were fierce. Isang kalokohan ang pumasok sa isip ko.

“Masusunod kamahalan.” Ngumiti ako ng ubod tamis. Which is really a genuine smile. Napa tuwid siyang upo. At hindi mapuknat ang titig nito sa mukha ko at alam kung nag iinit na, na parang kamatis ang kulay. He cleared his throat and place a rice on my plate and a variety of main course. Halos umawas na ang pagkain sa plato ko.

“Ano po tingin niyo sa akin sir Clint patay gutom?” bulalas kong pagmamaktol ko sa kanya.

“You’re skinny, you need to eat, wala nang mapisil sayo.” Ngising sagot nito sa akin. nakita ko ang totoong ngiti sa mga mata niya. Kinikilig ako pero kailangan kong itago ang nararamdaman ko. Unti- unti nang bumabalik ang katawan nito. Kaya ang gwapo na niya lalo tingnan, na starstruck ako.

“Naku kayo rin ho sir, kailangan niyong kumain, ang payat niyo parin, sige kayo pati sayo papayat” kita kung nabulunan ito, at lumuwa ang mga mata dahil sa sinabi ko. Bleh buti nga sayo. Gusto kong humagalpak ng tawa pero hindi ko magawa, parang umasim na ang mukha ni sir o uminit na ang ulo niya. Hindi ko alam.

Dali dali niyang tinapos ang pagkain niya at umalis ng hindi man lang nag papaalam sa akin. Saktong pumasok ang Yaya Mameng at kinurot ako sa tagiliran.

“Ikaw na bata ka napakamilya mo.” Gigil nitong sabi sa akin. tumawa lang ako ng malakas, sapo sapo ko pa ang tiyan ko.

“Si sir Clint po kasi Ya, para akong inahing baboy kung lagyan ng pagkain puno. Ayan tuloy hindi ko naubos.” Haba ng nguso kung paglalambing kay Yaya Mameng. Napailing nalang itong tinalikuran ako.

Dahil matigas ang ulo ng pasyente ko, naisip kung mag gym, sabi ni Yaya, pwede daw akong mag gym, kaso noong maalala ko wala pala akong gym outfit nagbago ang isip. Biyernes ngayon, at ito na ang pinakawalang kung ginagawa na araw. Inayos ko na lang ang mga damit ko, balak kung umuwi sa amin para dalawin ang mga kapatid ko at si Papa. Isang maliit lang na backpack ang dala ko kasya na doon ang damit ko pabalik ng Maynila. Meron pa naman akong damit pambahay sa amin. I was busy packing my clothes, when someone clear his throat behind.

“Ay gwapong palaka!” I heard sir Clint laugh.

“It’s just me Maliyah,” he said softly. Kakaiba iba talaga kapag siya ang nagbanggit ng pangalan ko. Don't go there Maliyah.

“Para kasi kayong kabote sir bigla nalang po kayong sumusulpot”. Hindi ako lumingon sa kanya dahil alam kung namumula ang mukha ko.

“Where are you going?” seryosong tanong niya sa akin, wala na yung tawa, seryoso na ito.

“Day off ko po bukas at sa linggo, dadalawin ko lang po ang pamilya ko.” Malumanay kung sagot.

Pamilya mo o yung engineer niyong kapitbahay?” pagalit nitong tanong at nagdilim ang mukha niya nakatitig sa akin.

“Huh?” naguguluhan kong tanong sa kanya, akala ko ba hindi niya ako naalala.

“Nothing, you don't go anywhere, we will continue our session and I will pay double for working on your day off.” Agad na itong pinihit ang electric wheelchair niya na hindi man lang hinintay ang sagot ko. Inis na inis ako, ilang buwan ko nang hindi nakikita ang pamilya ngayon naman hindi ako pwedeng mag day off.

“Arrgggh” inis kung sigaw kasabay ng pagsabunot ng buhok ko at nagpapadyak narin ako sa inis. Pero yung taong sanhi kung bakit ako naiinis ng ganito ay umalis na. Babawian talaga kita sir Clint.

Kinuha ko ang phone ko at lumabas ng silid na tinutuluyan ko buwan na ang nakakaraan. Pupunta ako sa gazebo para kahit papaano mawala ang inis ko. The gazebo location was perfect, in front of a half bean size Olympic pool with fireplace, flat screen tv and U shape sofa. It was surrounded huge beautiful pine tree, different shape of shrub plants and flowers. Umupo ako sa sofa, at binuksan ko ang akin mobile app para magbasa ng online novel, sa Novelah, sinusubaybayan ko doon ang story na kapangalan nina Dhianna at Chlyde. Kinikilig ako sa dalawang iyon.

Hindi ko na namalayan ang oras maggaga-gabi na. Tatayo na sana ako ng maamoy ko ang pamilyar na bango na nanunuot sa ilong ko. As I turn my head towards the familiar scent, my eyes widen. My heart bombarded with sudden and mixed emotions. Sir Clint is holding a bouquet of pink roses. His eyes were the same years ago, full of unexplained emotions. I couldn’t name it. He offered the roses, may pag alinlangan ko itong tinanggap, hindi ko alam kung ngingiti ako o ano, I was uneasy.

“I just want to apologize for being rude a while ago. I shouldn't have treated you like that, Mayah.” He said softly and genuinely. As I heard the name he used to call me, everything flashed in my mind.

“Wa—wala po yun sir Clint, I understand po.” Magalang kung sagot sa kanya, ramdam ko ang panginginig ng boses ko.

“Cut the po, Mayah.” He looked at me keenly, I was at ease para akong hahatulan sa mga titig niya.

“Ok–okay Sir Clint, please don’t ask me to stop calling you sir, because I can't.” lakas loob kung sabi sa kanya. Tumawa ito ng bahagya, at abot hanggang mga mata nito ang saya noon. Unti unti ko na itong napapalambot. Kahit gaano pa ito kaastig hinding hindi ko ito susukuan, maliban nalang kung tanggalin niya ako.

“Come, I prepared something for you.” he held my hand. I was walking slowly, and he controlled his electric wheelchair perfectly. As we reached the other side of the mansion, I saw a medium-sized round table, two chairs facing together. LED dim light, candle in the middle of the table, and our food, covered with a stainless lid. I smell the aroma, and I felt hungry right away. Dinig ko ang pag aalburuto ng tiyan ko. Napahawak ako doon. Buti nalang hindi dinig ni Clint. He pulled the chair for me.

“Salamat, sir Clint.” He smile sweetly. Parang may nag liliparang paru-paro sa tiyan ko.

“Welcome Mayah.” Nakailang mayah na ito simula kanina, at pakiramdam ko lutang ako sa alapaap sa mga ginagawa niya. A for effort. Kilig na kilig na ako hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi sumabay sa agos. Hindi naman siguro ito date, he said a while na gusto niya lang mag sorry. Cut the high hopes Maliyah this is not good. My mind was reminding me to think straight.

As sir Clint removed the stainless lid, I smelled the aroma. It was sirloin steak with mixed vegetables as a side dish. Ang hirap ng mayaman walang kanin.

The night went well. It was our first decent meal from a very long time na hindi nagbabangayan. He offered his hand at tumayo ako. Para sumabay sa kanya. Sabay kami, papunta sa mansion. Wala man may gustong mag salita sa amin. Pero ramdam na sana ito na ang simula. Daanin sa ladiang galawan. I rejected him before, but not this time. One goal comes to mind. SEDUCE the great Clint Beunavista.

Inihatid niya ako sa aking tinutuluyang silid, as I turn the knob to open my door, he hold and pulled me toward his laps. Napaupo ako, sa mga hita niya, he snakes his arm around me to give me support. Napahawak ako sa balikat niya. Titig na titig ako sa mukha niya, nanginginig ang mga kamay ko, napayuko ako dahil hindi ko kayang tagalan at hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya sa akin. Hinakawan niya ang baba ko, inangat niya yun para pumantay ako sa mga mata niya na kulay bughaw na may pagkaberde.

Inilapat niya ang mga labi niya sa pisngi ko, ramdam ko ang lambot, at init na lumukob sa buong sistema ko. Napapikit nalang ako para maitago ang totoong nararamdaman ko. It was a wrong move anyway. I felt his soft lips on mine. Hindi man ito kumilos, pero feeling ko ayaw ko nang bumitaw.

Ilang segundo rin na magkalapat ang mga labi namin, as he distant his face from mine, his eyes were burning with desires.

“Good night Mayah.” Agad akong tumayo, para akong napahiya sa inasal ko.

Go—good night sir Clint. Agad akong tumalikod at isinara ang pinto nang hindi hinintay ang sagot niya. dumiretso ako sa kama at yumupyop sa unan para umirit sa sobrang kilig ko. Ilang sandali, hinipo ko ang mga labi ko, ramdam ko pa ang mga labi ni sir Clint sa mga labi ko…