Chapter 29- HOPEFUL DESIRE
MALIYAH POV
Unti-unti nagkakaroon, ng magandang resulta ang phlebotomy procedure ni Tonton, sana maging tuloy tuloy na ang improvement niya para kahit papaano hindi na masyadong problemado si Ate Maze kasi nasa final exam na niya , ilang linggo na lang gagraduate na siya. Konting tiis nalang, maayos din ang lahat. Tumatakbo ang diwa ko ng hindi ko namamalayan na nasa tabi ko sir Clint.
“Are you deft, Mayah? I was calling like hundreds of times now.”
Nayayamot na ang tono ng boses niya pero hindi naman ang mukha niya.
“Huht? Tinatawag mo ba ako?”
Maang kong tanong sa kanya, totoo naman talaga hindi ko sya naririnig.
“Ay hindi,” pabalang na sagot nito.
“Eh hindi naman pala eh”
Padabog kong sagot sa kanya, sabay sipa ng electric wheel chair niya.
“Kanina pa nga kita tinatawag hindi mo naman ako naririnig ano bang iniisip mo at lutang ka na naman, if you're thinking about you nephew, don’t worry about it, Alfred handled everything.”
Iritableng sagot niya sa akin. And speaking of Alfred, siya lang naman ang ama ni Tonton. Ang buong kwento nila hindi pa sinasabi sa akin, at wala pa akong alam kung paano na si Alfred ang ama ni Tonton. Wala akong nabalitaan noon sa ate, and that’s for me to find out.
Ang daming nangyaring noong mga nakaraang linggo at nitong nakaraang araw. Hindi narin magulo ang utak ni Sir Clint, although there is an instances that he was irritated for no particular reason at all, lalo pa kung aalalayan ko siya. Gaya na lang noong mga nakaraang araw na sa gym kami sa third floor, since doon ang aming session place, inaalayan ko siya, but he rather use his exoskeleton robotic machine rather being assisted by me. He said that he wants to do it on his own, dahil kaya niya daw. Gusto niya tatayo lang ako at siya na ang bahalang gawin ang routine niya. Bakit pa pala ako nandito kung kaya na niya. Hindi ko naman mapilit. Ang hirap timplahin ang mood niya, minsan malambing, minsan malamig ang pakikitungo niya sa akin, kundi naman kaya laging mainit ang ulo lalo na kung magkadaite ang katawan namin. Affected ang peg? Alangan hindi ko siya alalayan at hahawakan. Therapist niya ako diba.
“Maliyah you kept on spacing out”
Dinig kong sabi niya, napailing nalang ako.
“Yes, sir Clint.”
I inhale and exhale just to calm down my nerves. Ang hirap sumabay sa mood ng taong mainit at iretable baka mag clash sabog lahat. And I'm not in the position to act like a teenager in front of my hidden desire man and a patient at the same time. Pero sa totoo lang kilig na kilig na ako.
But the good thing about our working relationship wasn’t difficult, like my first month being his therapist.
“Come with me, and please bring that luggage in the car.”
Hindi na ako sumagot, dahil nakita ko na aburido na ang mukha niya, dinala ko ang dalawang maliit na luggages sa labas, pagdating ko doon naka abang na si Mang Danilo. Kinuha agad niya ang dalawang maleta. Hindi naman gaanong, mabigat yun. Lumihis ako ng daan, at pumasok sa kusina. Pagdating ko doon, nag memerienda sila ng banana cue.
“Anak kain na”
It was yaya mameng offering me a snack. Kumuha ako ng banana cue at akmang isusubo ko, nang—
“Maliyah!!!”
Dumadagundong ang boses ni sir Clint. Nataranta na ako at agad akong tumakbo, palabas ng kusina, natakot na ako baka may masamang nangyari. Ang kaba ko umaapaw na abot hanggang mount Everest samahan mo ng takot.
Sir—Clint?”
Hingal na hingal ako ng makarating sa harapan niya. I was holding my chest, just to catch my breath.
“What the hell Maliyah? Why are you running like someone is after you?
Kunot noong nakatingin sa akin, pati ako nalito, siya itong sumigaw tapos tatanungin niya ako. Bipolar talaga. Hindi pa ako makapag salita dahil sa lakas ng tibok ng puso ko at hinahabol ko pa ang paghinga ko, kasunod ko si Yaya Mameng. Ang sarap dagukan ang isang ito ng very light. Nagtatanong pa, siya itong makasigaw akala mo may sunog.
“H’wag mo akong ma hell, hell, lalaki ka! Ikaw itong makasigaw na akala mo may masmaang nangyari, daig mo pa ang bomber, sa lakas ng boses mo. Bakit ka ba naman kasi sumigaw, anong prob—“
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya ako, at napaupo ako sa kandungan niya at siniil ng halik ang mga labi ko. My eyes widen, Clint lips were soft and warm, as he slowly move his lip against mine, the sensation was unbearable. My eyes were slowly closing. Napakapit ako sa batok niya, and I felt his arms around my waist. I am about to respond on the kiss when I heard the clapping in our surroundings. Nahiya ako bigla, ng ma-realized kung may mga tao sa paligid namin. Agad akong napatayo, and I stepped back away from him.
“Get in the car Maliyah. We’re going.”
It wasn’t a request, but a command ang hirap tanggihan. Hawak hawak ko pa ang banana cue, hindi ko pa ito nakakagatan, at aalis kami? Saan naman kami pupunta? Nagpaalam ako sa Yaya Mameng, malokong ngiti lang ang sagot niya sa akin. At kita kong kinurot niya sa tagiliran si Sir Clint. Nahiya man ako, wala na, may nakawang halikan na ang eksena. But Amor was raising her eyebrow pero hindi ko yun pinansin.
Binaybay namin ang kahabaan ng North Luzon express way, pupunta kami sa norte, this is my first time to travel to the north. Parang yung tv series lang na pinapanood ko. “I am the king of the north” napangisi ako sa isip ko.
Tahimik kaming dalawa, si Mang Danilo panay lang ang sulyap sa rearview mirror. Alam kong tuwang tuwa ito pero napakaseryoso ng mukha kapag si Sir Clint.
Magkatabi kami ni sir Clint, itinuon ko nalang ang mga mata ko sa magandang tanawin na nadadaanan namin. Hindi ko alam kung saan ang punta namin pero mas mabuti na rin ito kasi makaka-unwind kaming pareho ni sir Clint, libre pa.
Ilang oras pa ang nakalipas, huminto ang sasakyan, sa tapat, Mediterranean beach house, agad akong bumaba, sobrang excited ko. I smelled the sea breeze, a sun rays on my skin. Parang akong bampira na hindi nasisikatan ng araw. Feel na feel ko ang bakasyong ito.
“Clint!?”
Dinig kong tawag ng dalawang matanda, doon palang bumalik sa gunita ko nakasama ko si sir Clint, at napalingon ako sa kanya, aburido na ang mukha nito, agad kong binuksan ang pinto ng kotse.
“Naku sir, sorry, masyado akong excited, first time po kasi.”
Hinging paumanhin ko sa kanya. Agad lumambot ang mukha nito at ngumiti ng bahagya, pero walang salitang namutawi sa bibig nito.
Inilabas na ni Mang Danilo ang electric wheelchair ni sir Clint, ako naman kinuha ko ang dalawang hindi gaanong kabigatan na maleta. Saka ko narealized wala pala akong dalang gamit.
“Sir Cint, paano po yan wala po akong dalang damit, uuwi din po ba tayo agad?”
Magalang ngunit may paghihinayang sa boses ko, hindi ko naman kasi alam na magbabakasyon
“Maliyah the other luggage was yours, Yaya Mameng prepared it for you”
Napatutop ako ng bibig ko, OH My Gud! Makakaligo ako sa dagat.
“Talaga po sir Clint???”
Pagka-klaro ko sa kanya, buong galak at nag uumapaw ang saya ko talaga.
“Cut the PO Maliyah, I told you!” inis na sagot nito. Pero hindi naman ito galit kasi namumula ang mukha niya.
“Sorry naman, masaya lang ako, basag trip lang?”
Dinig ko ang bahagyang tawa niya, nag martsa na ako patungo sa tutuluyan namin, at masayang binate ang dalawang matanda.
“What?” He asked.
“Wala” taray kong sagot.
“Magandang hapon po”
Nakangiti kong bati sa kanila, kita ko agad ang pag aliwalas ng mga mukha nila, tila natutuwa na makita kami ni sir Clint.
“Maganda hapon iha, buti nakapag bakasyon kayo ni Clint. Ako pala si Fernan, at ito ang aking asawa si Sonia”
“Maliyah po ang pangalan ko, physical therapist, po ni sir Clint.”
Pag-imporma ko sa kanila. Pero nagpalitan lang sila ng kakaibang tingin pero, hindi ko na alintana yun. Kinuha agad ni Mang Fernan, ang dalawang maletang hawak ko. Iginiya nila kami papasok. Napaka-minimalist ng loob ng bahay, at sobrang luwag, makintab ang mga sahig, may hindi kataasang hagdan mga limang hakbang lamang, meron akong nakitang talong pintuan sa taas.
Hinila na ako ni Aling Sonia papasok, sa kusina, hindi gaanong malaking iyon pero sapat, meron pang island counter, may apat na high chair, double door gray refrigerator at magandang maliit na chandelier.
Meron, animan na mesa, na solid wood, at isang chandelier din sa gitna ng hapag kainan. May nakahain, na merienda sa amin, umupo na agad ako, dahil nanubig ang bagang ko, meron sago at gulaman na palamig, ensaymada at may siopao pa. Umupo na agad ako at nilantakan ang merienda sa mesa. Punong puno ang bibig ko. A soft baritone voice spoke.
“Slow down Maliyah, walang aagaw niyan, sayo, gutom ka naman, kakain mo lang ng banana cue kanina”
Natatawang saad ni sir Clint, nakaplaster na ang malolokong ngiti nito, napaangat ako ng tingin, sa kanilang apat na nakatunghay sa akin. Bigla akong nahiya, at nag init ang mukha ko. Napatawa nalang ang mag-asawa sa akin pati narin si Mang Danilo. Inirapan ko siya, at nilunok ko muna ang kinakain kong ensaymada.
“Pakialam mo ba, eh kesa masarap, gusto mo?”
Isip bata kong alok sa kanya, napailing nalang ito at tinalikuran ko.
“I will go to my room.”
Sabay pihit ng wheel chair nito. Nasundan ko ito ng tingin at nag kibit balikat lang ako. Umupo sa tapat ko si mang Danilo at kumuha ng siopao at nag lagay ng palamig sa baso. Iniwan na kami ng mag asawa dahil may gagawin pa raw mga ito para sa hapunan mamaya.
“Paano po makakaakyat si Clint sa hagdan kung nandito po kayo?”
Takang tanong ko sa kanya?
“Maliya, may silid si sir Clint sa baba hindi mo lang napansin kanina. Kasi kusina agad ang tungo mo.”
Humalakhak pa ito, nawalan tuloy ako ng gana kumain. Nagmartsa ako palabas ng kusina at tinungo ang ikalawang palapag ng bahay . lahat sarado ang mga pintuan, ang huling pintuan na lang ang hindi ko nabubuksan. Pagpihit ko ng seradura bumukas yun at nasa gilid ng kama ang maleta ko.
Sumampa ako sa kama, at humiga, sakto lang ang laki ng kama a queen size bed, ang ganda ng kwarto hindi man kasing laki at rangya ng dati kung tinutuluyan sa mansion ni Sir Clint pero sapat lang ito sa akin parang feeling ko belong ako dito. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa sarap ng hangin na nanggagaling sa bukas na terasa. Hindi ko lang alam kung gaano ako katagal natulog ng maramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata at ang maamong mukha ni Clint ang sumalubong sa akin.
“You were sleeping like an angel Maliyah,”
His voice was sexy and sweet. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko at ang lakas ng tibok ng puso ko. He was so close.
Pa—ano kayo naka—
Hindi ko na maituloy ang sasabihin ng nilamukos na niya ang mga labi ko. I felt that kiss was hungry, intense and hot. I heard his controlling himself, tinugon ko ang mga halik na kasing alab ng ginagawa niya sa akin. Hindi man ako marunong pero ginaya ko nalang ang paggalaw ng mga labi niya sa labi ko. Then I feel he snake his tongue inside my mouth , searching, na akala mo may kayamanang hinahanap. Napaungol ako at napakapit ang mga kamay ko sa batok niya. Mahinang ungol ang lumabas sa bibig ko, nag iinit na ang katawan ko. Ramdam ko rin ang pag kabasa ng gitnang bahagi ng katawan ko. Bago pa man ako makalimot buong lakas ko na itinulak si Clint. Dinig ko ang pag mura niya, na tila napahiya.
“I am sorry, Mayah, I’d been too far.”
Madamdaming wika niya, lagi nalang niya akong hinahalikan hindi ko naman siya boyfriend, hindi naman niya ako nililigawan.
“Bakit ba lagi mo nalang ako hinahalikan kahit maraming tao, namumuro kana sa akin”
Pagtataray ko sa kanya, kahit gustong gusto ko naman. Plastic, talandi gusto mo naman. Kastigo ng isip ko. Hindi ito sumagot at kinuha ang dalawang saklay niya na, naka sandal sa gilid ng kama. Tumayo na siya at isinukbit sa kili kili niya ang dalawang saklay. Hindi siya kumibo pero kitang kita ang pagngisi niya na lalo kong ikinainis.
“ I love the taste of your sweet lips, Mayah.”
He opened the door and closed it without looking back. Napahawak ako sa mga labi, heto na naman po ako Lord, umaasa baka masaktan lang ulit ako.