CHAPTER TEN
Selena's POV
Maigi kong sinusuri ang akong itsura sa isang full length mirror sa loob ng kwarto na ito. Ang dati kong itim na itim na buhok napalitan ito ng isang kulay rosas. Ang ginintuang mga mata ko na mas lalong tumingkad.
"hmm.. bumalik sa dati ang kulay ng buhok ko, dahil siguro andito na ako sa totoo kong mundo" napangiti ako sa aking sarili.
Bigla akong napabaling sa pintuan nang makarinig ako ng katok mula rito.
"Selena? gising ka na ba? breakfast is ready." dinig kong sigaw sa labas.
"Yeah lalabas na." balik ko ding sigaw.
Muli kong tiningnan ang aking kabuohan sa salamin saka bahagyang ngumiti.
"Good morning, Selena!" masiglang bati sa akin ni Athena pagkalabas ko ng kwarto.
"Hi good morning" ganting sagot ko.
"ang ganda ganda mo talaga Selena inggit beauty ko"
"for sure pagkakagulohan yan mamaya ganda ba naman ng babygirl natin" Hera said and giggled.
Ngiti lang ang ganting sagot ko sa kanila. Magaganda rin naman sila. Walang kapantay.
"Maganda rin naman kayo e"
"Naku Selena wag mong sasabihan yan dahil lalaki na naman mga ulo niyan" Biglang sulpot ni Poseidon sa gilid ko.
Hindi na ako nagtaka ng sabay nila itong batukan. Nakakatuwa silang pagmasdan.
"kahit kailan talaga napaka epal mo!" Athena.
Nakangiti lang ako sa kanila habang pinagmamasdan silang mag rambulan sa harap ko. Napaka natural na gawain ng isang Royal Elites. Na akala mo isang normal na estudyante lamang ngunit nanalatay ang dugong bughaw sa kanila.
"Halika ka na Selen, hayaan mo na mga yan" sabay hila sa akin ni Penelope.
Nang nasa baba na kami binalingan niya yung tatlo na nasa taas pa rin na nagkukulitan.
"hindi ba kayo kakain? malapit na tayong ma late saka na yang lambingan niyong tatlo baka inuubos na ni Vlasis yung ulam"
Sabay-sabay silang nagtakbuhan ang nag uunahan na makapunta sa kusina. Ang kukulit talaga.
************
Zeus POV
Palabas pa lang kami ng Dorm House alam kong na kay Selena ang lahat ng mata. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa gandang taglay nito. Na akala mo isang anghel na bumaba dito sa lupa. Sa aura niya pa lang na parang sinasabing dapat yumukod ka dahil dadaan ang isang reyna.
Napaka elegante niyang tingnan. Unang tingin pa lang namin kay Selena alam naming napaka espesyal niya. Sa kulay rosas na buhok niya na at matitingkad na gintong mga mata na dapat ang mga dugong bughaw lang ang meron.
"woy kanina mo pa tinitingnan si Selena ha, minamanyak mo na ata sa isipan mo e" pabirong sabi ni Vlasis sabay siko sa akin.
Kaya lahat kami ay napahinto at sabay silang lumingon sa akin pero isa lang talaga ang nagpapakaba sa akin, ang matalim na titig ni Hades.
"What are you saying Vampire?" malamig na tanong ni Hades pero sa akin nakatuon ang mga mata.
Tangina naman Vlasis pinapahamak mo buhay ko. Bigla na lamang akong nanghina at nahihirapang huminga.
"Are you okay Zeus?" nag aalalang tanong ni Selena sa akin sabay lapit.
Tangina mas lalo ata akong nanghihina. Selena naman ang manhid mo nagseselos yung isa lalo. Unti-unting lumalabas yung itim na tinta sa aking leeg. Mapapatay talaga kita Vlasis pag ako natuluyan.
"k-kuya... ano b-biro... lang a-ata yun hehe" Hera
"Hades?" sabi ng isang malamig na tinig.
Alam kong hindi lang ako ang nakaramdam non. Bigla na lamang may pumalibot na yelo pataas sa bewang ni Hades.
"Release him or else your i will freeze your heart. Forever." malamig na sambit ni Selena.
Iyong mga mata niya na dating kulay ginto ngayon naging isang malamig na kulay dagat na mata. Paano nangyare iyon? Tanging mga Royal Bloods lang ang kayang magpalit ng kulay sa mata.
Hindi na nagdalawang isip na pakawalan ako ni Hades sa kapangyarihan niya. Napaluhod na lang ako sa sobrang panghihina. Grabe papatayin ata ko ni Hades, napaka seloso niya.
Napapanga na lamang kami at lahat ng nakasaksi sa hallway sa pangyayare. Napasunod niya lamang ang isang Hades Ambrose. Sino hindi magugulat? Isang baguhan napasunod ang isang Hades.
"how did she do that?"
"look at her eyes! it changed colors"
"is she a royol blood? from what empire?"
"an ice user? woah she's mysterious!"
Yeah, me too wondering if she has a royal blood and what clan she came from. Selena you're indeed mysterious.
Nag iisa lang ang nag mamay-ari ng mahikang iyon. Malabo pero hindi ko mapigilang umasa, umasa na sana, sana lang ikaw na ang matagal kong hinahanap Selena.
— s4ucevenomous