CHAPTER ELEVEN

THIRD PERSON'S POV

Pagkapasok nila sa kanilang classroom, ang dating maingay na silid bigla itong tumahimik. Pakiramdam ni Selena matutunaw na siya sa mga titig nito. Parang gusto niya magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan na nararamdaman niya pero hindi niya ito pinapahalata. She remained her cold aura. Na nagbibigay kilabot sa mga tao na nasa loob ng classroom.

"You must be Selena Zaffiro?" ani ng isang guro na nakasunod lang pala sa kanila.

At muli na naman siyang nakarinig ng bulongan.

"omo! Selena Zaffiro? it means nahanap na ang prinsesa?!"

"Zeus must be happy!"

"ligtas na ba tayo ulit?"

"Ah yes, I'm Selena Zaffiro Sicilian from mortal world." malamig niyang sambit.

Hindi niya alam bakit noong sinabi niya ang kanyang buong pangalan bigla niyang napansin ang mga dating may pag asang mga mata napalitan ito ng pagka dismaya.

"So what's your magus?"

"Ice."

"Cool. It's rare. You may take your sit."

Nagkibit balikat na lang siya bago pumunta sa likod at tumabi kay Hades. Tahimik lang siyang umupo at nakinig kung ano man ang sasabihin ng kanilang guro.

"Okay. Since Miss Zaffiro-

"Sicilian. It's Sicilian madame." pag putol niya rito.

"Ow okay my bad, let me introduce myself again. I am Jenelle Stairway from Emerald Empire and I am your History Teacher. You can call me Miss Jen. Since Selena is just new here, let's have a recap about our history."

Magsasalita na sana si Miss Jen ng biglang may kumatok. Sabay silang napatingin dito at sabay na yumukod upang mag bigay galang.

"Good morning HM" sabay nilang bati maliban na lamang kay Hades at Selena na pareho lamang nakatitig sa bagong dating.

"Ah dito raw kasi ang classroom ng anak ko. I'm just checking if my dear Selena is doing okay." nakangting bumaling ito sa kanya. "Goodluck on your first day, daughter."

Lahat ng mga kaklase niya ay nakatingin sa kanya na nakanganga even Miss Jen and the Royal Elites. Alam ng lahat na walang naging asawa ang kanilang Headmaster kaya lahat sila nagtataka kung bakit tinatawag siyang anak nito. Napapa iling na lang si Selena.

what's with him? crazy headmaster.

------

"Selena naman ano ba kasi ang relasyon niyo ni HM? Why did he called you anak ba? Is he your father? Tell me! Tell us Selena!"

Kanina pa siya kinukulit ni Hera at naririndi na siya sa paulit ulit na tanong nito. At kanina pa siyang nahihilo dahil sa pagyuyogyog ni Hera sa kanya. Papunta na sila sa cafeteria para mag lunch at hindi pa rin siya tinitigilan nito.

Sa sobrang inis niya hindi na niya namalayan na kasabay ng pagkainis niya bigla na lamang humaba ang kanyang buhok at walang pasabing inatake si Hera. Hera was caught of guard, nagsisigaw na lang ito sa sobrang lamig ng nararamdaman niya habang ginagapos siya ng buhok ni Selena. Ang dating kulay rosas nitong buhok naging puti ito kasabay ng kanyang mga mata.

"Stop making me pissed Fire Girl." she coldly said.

All of them are speechless. Nawala bigla yung gutom nila sa nasaksihan.

"Tangina remind me not to piss her off."

Nakatingin lang sila sa likod ni Selena. Naglalakad papalayo sa kanila at lumiko sa kabilang pasilyo.

Selena is just too powerful for them to handle. Who are you Selena?

— s4ucevenomous