Chapter 52.2
Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata.
"Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito.
"Please bring me home." Mahinang wika nito.
"We're already home."
Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson.
Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim.
"I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang pagtutol. Nang hindi umimik ito ay nanginginig na kumilos ang kamay ni Damielle Astin upang tanggalin ang pagkakabutones ng damit nito.
Napalunok na lamang siya nang tumambad sa kanya ang malusog na hinaharap ng kanyang misis. Lalo siyang pinagpawisan nang dumako ang kamay niya sa pagbaba sa pantalon ng kanyang misis.
"No, this is not right." Ugong ng kanyang isipan. Agad niyang ipinilig ang kanyang ulo upang iwaglit sa kanyang isip ang pagnanasang bumabalong sa kanyang kaibuturan. Nang tuluyan niyang maalis ang kasuotan ng kanyang misis at tanging panloob na lamang nito ang natira ay kumilos siyang upang kunin ang kumot sa tabi nito.
"Damielle." Mahinang usal ni Raya Fae dahilan upang matigil si Damielle Astin sa ginagawa nito. Agad ring napunta ang tingin niya sa kanyang misis.
Unti-unti namang nagmulat ng mga mata si Raya Fae. Naghinang ang kanilang mga mata. Ilang sandali naman siyang tinitigan ng kanyang misis bago ito nagsalita.
"You're here." Mahinang wika nito. Unti-unting kumislap ang mata nito na tila anumang oras ay maluluha ito.
"Is this real? Are you real?" Tuluyan nang nahulog ang luha sa pisngi ni Raya Fe habang nakatitig sa kanya.
"Hey." Agad namang hinawakan ni Damielle Astin ang kanyang pisngi upang patahanin ito.
"Tell me that I am not dreaming."
"Please don't cry." Maagap na pinunas ni Damielle Astin ang kanyang luha.
"Sorry, I just missed you." Mahinang usal nito. Muli ring nahulog ang luha nito. "Akala ko, sinukuan mo na ako. Akala ko, hindi mo na ako babalikan."
"I miss you too." Ginawaran siya ni Damielle Astin ng halik sa noo.
"Hinding-hindi kita susukuan, Raya." Puno ng pagmamahal na sagot ni Damielle Astin habang magkahinang ang kanilang mga mata. Bago pa muling umimik ang babae ay hindi na niya napigil ang sarili dampian ng halik ang labi ng kanyang misis.
Muli naman pumikit si Raya Fae. Nang tumugon ito sa kanyang halik ay tuluyan nang pinalalim ni Damielle Astin ang kanilang halik.
"I love you, Raya." Hinihingal niyang sambit nang tapusin nito ang halik.
"I love you too, Damielle."
Muling naghinang ang kanilang mga labi.
Ang mga sumunod na sandali ay tila naging maalab. Nagliliyab ang kanilang nag-iinit na damdamin. Namalayan na lamang ni Damielle Astin na siya na ang nasa ilalim. Nakaibabaw sa kanya ang kanyang misis. Tila ba punong-puno ito ng kasabikan sa kanya dahil ito na mismo ang nagtanggal ng suot ng kanyang mister. Hinayaan lang naman iyon ni Damielle Astin. Namalayan na lamang niyang parehong damit panloob na lamang ang tangi nilang suot.
Dumausdos ang palad ni Raya Fae sa matipunong dibdib ni Damielle Astin. Kusa namang kumilos ang kamay niya patungo sa maumbok na pang-upo ng kanyang misis. Tila may sarili buhay ang palad niyang hinimas ang pang-upo nito. Ang pagkawala naman ng ungol sa labi ni Raya Fae ang tila nag-ahon sa kanya mula sa nagbabagang init ng kanilang mga katawan.
Mabilis niyang pinutol ang kanilang halik.
"What's wrong?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng babae dahil sa kanyang ginawa.
Napalunok naman si Damielle Astin.
"Lasing ka, Raya. This is not right."
Lalo namang nangunot ang noo ng babae.
"I wanted to make love with you. I badly want to do this with you. But this is not the right time. Kung gagawin natin 'to, gusto ko dahil gusto natin, at hindi dahil sa epekto ng alcohol."
"Ang labo mo."
"I just want to show respect to you."
Marahas na lamang napubuga ng hangin si Raya Fae bago siya pumikit. Agad namang kumilos si Damielle Astin upang punasan ng basang bimpo ang katawan ng kanyang misis.
"I love you." Naramdaman ni Raya Fae ang pagdampi ng magaang halik sa kanyang noo. Gayunpaman ay hindi na niya nagawang magmulat ng mata. Tila musika sa kanyang pandinig ang mga katagang iyon sa inaantok niyang diwa.
Tila ba isang mapayang gabi ang nagdaan. Pakiramdam ni Raya Fae ang nabawi niya ang lakas mula sa pagtulog. Pakiramdam niya ay tuluyang nakabawi ang katawan niya mula sa nakakapagod na mga araw.
Gumuhit ang munting ngiti sa labi niya kasabay ng unti-unti niyang pagmulat ng kanyang mga mata.
"What a beautiful morning," anang kanyang isipan nang maramdaman niya ang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang balat.
Ngunit ang aliwalas sa kanyang mukha ay unti-unting naglaho nang igala niya ang kanyang paningin. Hindi niya naiwasang mapakunot-noo dahil sa hindi pamilyar na paligid.
"Nasa'n ako?" Marahan siyang bumangon kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin.
"Paano ako napunta dito?" Tanong niya sa sarili ngunit natigil siya nang maramdaman niya ang paggalaw ng kumot na nakatakip sa kanyang katawan.
Awtomatikong napunta ang tingin niya sa kama kung saan siya naroon. At tila tinakasan siya nang dugo nang makita niya ang isang lalaki sa kanyang tabi.
Hindi niya napigil ang panlalaki ng kanyang mga mata nang magsalubong ng tingin nila ng lalaking kamumulat lamang ng kanyang mata.
"D-Damielle?" Pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan. "Anong ginagawa mo dito?"
Tanging kunot-noo lang naman ang naisagot ng lalaki. Kahit magulo ang buhok nito at halatang bagong gising ay napakakisig pa rin nito. Aniya, kahit saan yatang anggulo ay gwapo ang lalaki.
Lalo nanlaki ang mga mata ni Raya Fae nang makita niyang walang suot na T-shirt ang lalaki.
"Gosh! Anong nangyari?" Tila napapaso itong tumayo sa kama. Naging dahilan iyon upang maalis ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Ngunit natigil maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang ulo.
"Ouch!"
Ngunit ang sakit na kanyang nadarama ay tila nabalewala nang dumako ang tingin siya sa kanyang katawan.
"Gosh!" Mabilis niyang niyakap ang kanyang sarili. Agad rin siyang napalingon sa kanyang mister. "What did you do to me?"
Bago pa makaimik si Damielle Astin ay muli siyang magsalita.
"Pinagsamantalahan mo ako!"
Napaawang naman ang labi ni Damielle Astin.
"What?" Tumayo siya mula sa kama. "Hindi kita pinagsamantalahan."
Lalo namang maghisterikal si Raya Fae nang makita niya ang ayos ng kanyang mister.
"Kung hindi, ba't ito lang ang suot ko? At bakit naka-boxer ka lang?"
Napahilot naman ng kanyang sentido si Damielle Astin.
"Ikaw ang nanghubad sa 'kin, Raya."
Tila naman sandali napaisip si Raya Fae Bagama't hindi malinaw sa naalala ang nangyari dahil sa labis na kalasingan, hindi pa rin niya naiwasan ang pamumula ng kanyang pisngi.
Napakurap-kurap siya upang maibalik ang kanyang komposyur.
"Si-siguro dahil lasing ako," taas noo niyang sinalubong ang tingin ng kanyang mister, "Oo, tama! Lasing ako! At sinamantala mo 'yon."
Napailing na lamang si Damielle Astin.
"Fine. Fine. Kung tingin mo, pinagsamantalahan kita then hayaan mong panagutan kita. Let's be husband and wife again.
Agad naman tumikwas ang kilay ni Raya Fae sa narinig.
"Ayoko!" Mabilis naman sa sagot ng babae. Agad rin siyang humakbang patalikod bago pa makaimik ang kanyang mister.
"Uuwi na ako. Nasa'n ang banyo dito. Maliligo ako bago ako umuwi." Nagpatuloy siya sa paghakbang at tila paghahanap ng pintuan ng banyo ng silid.
Buntong-hininga namang bumangon si Damielle Astin at sumunod sa kanya. Mabilis ang hakbang nitong nilapitan ang kanyang misis.
"Let's just shower together. Ihahatid na rin kita pagkatapos."
Awtomatiko siyang napalingon sa kanyang mister.
"Ano? Ayoko!"
"Ayy!" Impit siyang napatili nang buhatin siya ng kanyang mister. "Ano ba! Bitiwan ako."
Napabuga na lamang ng hangin si Damielle Astin. Ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo dahil sa hang-over ngunit kailangan niyang magtimpi.
"Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas si Raya Fae ngunit lalo namang hinigpitan ni Damielle Astin ang pagkakahawak sa kanya.
"Ayy!" Muli siyang napatili nang itinapat sa kanya ni Damielle Astin ang dutsa. "Ano ba? Papatayin mo ba ako sa gulat? At hindi mo man lang ba naisip na ang lamig ng tubig? Kung hindi ako aatakehin siya puso baka sa sobrang ginaw naman ako mamata--"
Hindi na nagawang matapos ni Raya Fae ang kanyang sasabihin nang yakapin siya ni Damielle Astin. Napalunok siya nang maramdam niya ang paggapang ng init na nagmumula sa katawan ng kanyang mister.
Pakiramdam niya ay sandaling tumigil ang ikot ng kanilang mundo. Sa hindi mawaring dahilan ay tila naghurumentado rin ang kanyang puso.
Bago pa tuluyang lamunin ng malakas na kabog ng kanyang puso ay mabilis niyang itinulak si Damielle Astin.
"Bitiwan mo nga ako!" Bago pa makita ni Damielle Astin ang damdamin gumuhit sa kanyang mga mata ay mabilis na siyang tumalikod.
"Tsansingero." Pagtataray nito bago siya kumilos upang sabunin ang kanyang katawan.
"Ikaw kaya." Napapailing na wika ni Damielle Astin bago rin siya kumilos usapang sabunin ang kanyang katawan.
Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni Raya Fae. Awtomatiko siyang napalingon sa kanyang mister.
"Anong sabi mo?" Pinanliitan niya ito ng mata.
"Wala. Ang sabi ko, maligo ka na."
Napaikot naman ng mata si Raya Fae kasabay ng pagbawi niya ng kanyang tingin.
Hindi naman naiwasan ni Damielle Astin ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi habang ang pinapanood ang pasimpleng pagdadabog ng kanyang misis.
"Manyak! Hinintay mo talaga akong matapos noh bago ka magbanlaw." Pagtataray ni Raya kasabay ng paglabas nila ni Damielle Astin ng shower room. Kasalukuyan niyang ibinubuhol ang tali ng suot niyang roba. Tanging puting tuwalyang naman ang nakapulupot sa beywang ng kanyang mister.
"Alin ang manyak do'n? Ikaw kaya itong tingin ng tingin sa abs ko." Pang-aasar naman sa kanya ni Damielle Astin.
Tila lalo naman kumulo ang dugo ni Raya Fae. Hindi na napigilang panlisikan ng mga mata ang kanyang mister.
"Napakasinungaling mo!" Nanggigigil na kumilos ang kanyang kamay upang dakmain ang kanyang mister. Mabilis naman naagapan iyon ni Damielle Astin. Nagawa niyang mahuli ang kanyang misis. Sa gulat naman ni Raya Fae ay nawalan siya ng balanse.
"Ayy!" Impit siyang napatili nang madulas ang kanyang paa. Ngunit ang inaasahan niyang pagbagsak sa sahig ay humantong sa matipunong dibdib ng kanyang mister.
"Argh." Kusang nanulas sa labi ni Damielle Astin nang maramdaman niya ang pagbagsak ng kanyang katawan. Mabuti na lamang at nataong sa tapat ng malambot na kama sila natumba.
"Boss!"
Parehong napunta ang tingin nila sa pinagmulan ng tinig.
"Ay putcha! Wrong timing." Hindi malaman ni Thano kung kikilos siya paatras.
Mabilis namang tumayo si Raya Fae mula sa pagkakadapa niya sa ibabaw ng kanyang mister.
"Mali ka ng iniisip." Maagap niyang paliwanag kay Thano. Hindi rin niya naitago ang pamamawis ng kanyang noo.
Tila balewala namang bumangon si Damielle Astin.
"Next time, huwag mong kalimutang kumatok muna."
Agad na napunta ang tingin sa kanya ni Raya Fae.
"Ano ba! Baka kung anong isipin niya."
Hindi naman naiwasan ni Thano ang mapangiwi habang nakatingin sa kanyang mga amo.
"Ay pasensya na, boss. Pumasok na lang ako basta. Hindi ko naman kasi alam na di pa kayo tapos maglabing-labing."
Napaawang naman ang labi ni Raya Fae. Ngunit bago pa siya makaimik ay muling nagsalita si Thano. Kasabay no'n ay ang pagkamot nito sa kanyang batok.
"Pero pwede niyo naman pong ituloy mamaya. Importante lang kasi talaga 'to"
Hindi naman umimik si Damielle Astin. Sa halip ay binigyan siya nito ng tingin na tila nagsasabing magpatuloy siya.
"Kasi boss, n-natagpuan na ang mga bata."