Chapter 52.1

"Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar.

"I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan.

Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito.

"Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya."

Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin.

"Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin."

Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi.

"Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak.

"Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?"

Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin.

"You're not helping me, Thano."

Napakamot naman ng ulo si Thano.

"Eh hindi ko naman talaga alam, boss. Wala naman talaga akong alam sa mga ganyan. At saka ikaw po ang dapat na nakakaalam niyan, boss."

Muli na lamang napabuga ng hangin si Damielle Astin.

"Whatever! Mas mabuti pa, iwan mo na lang ako."

Muli itong tumungga ng alak.

""Sige, boss." Tumayo sa pagkakaupo si Thano. "Nasa paligid lang ako, boss."

Hindi naman umimik si Damielle Astin. Nakailang hakbang na si Thano nang muli niyang lingunin ang kanyang amo.

"Pero paalala lang, boss, huwag kang mangchi-chicks. Dapat loyal ka, boss kundi isusumbong talaga kita kay ma'am Raya."

Napailing na lamang si Damielle Astin bago siya muling tumungga ng alak. Hindi na lamang niya pinansin ang tinurang iyon ng kanyang tauhan. Sa halip ay iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Kasabay ng pagdako ng tingin niya sa kabilang counter ng bar ay ang pagdaloy sa isip niya ng isang alaala.

Flashback...

"Ano ba! Let go of me!"

Hindi napigil ni Damielle Astin ang mapakunot-noo habang nakatingin sa babaeng nakasuot ng itim na tube dress. Lampas tuhod ang haba ng damit ngunit may slit iyon dahilan upang malantad ang makinis na hita ng babae. Kitang-kita rin ang makurbang hubog ng katawan nito dahil hapit-hapit ang damit nito.

"Huwag ka nang magpakipot, Miss." Gumuhit ang ngisi sa labi ng lalaki. "Alam ko namang gusto mo rin 'to eh."

Nagpumiglas naman ang babae.

"For your information, you're not my type!" Lalong siyang nagpumiglas. Kumilos rin ang paa nito upang sipain ang lalaki. Nagawa naman niyang masaktan ang lalaki dahilan upang mabitawan siya nito. Hindi naman napigil ni Damielle Astin ang sarili na lalong lumapit sa dalawa.

"Aray! Ang sakit no'n ah!" Muling kumilos ang lalaki upang sunggaban ang dalaga ngunit mabilis na pumulupot ang kamay ni Damielle Astin sa beywang ng dalaga.

"What's the matter? May kailangan ka ba sa girlfriend ko?"

Tila naman natigil ang lalaki. Unti-unting bumaba ang kamay nito. Kumurap-kurap din ito bago nagsalita.

"B-Boyfriend ka niya?"

"Yes." Matapang na sinalubong ni Damielle Astin ang kanyang mga mata.

"Ahh, pasensya na. Hindi ko alam na may kasama pala siya."

"Ano pang hinihintay mo? Alis!" Mataray na wika ng dalaga sa lalaki.

Nanatili namang walang emosyon ang mga mata ni Damielle Astin na nakatitig rito kahit na nang kumilos ang lalaki upang iwanan sila.

Nang tuluyang makalayo ang lalaki ay saka bumaling sa kanya ang dalagang may magandang hubog ng katawan. At tila namang tumalon ang puso ni Damielle Astin nang magtama ang kanilang mga mata. Tila nabato-balani siya sa mapungay na mata ng dalaga. Bumaba ang tingin niya, matangos ang ilong ng dalaga. At hindi niya naiwasang mapalunok nang mapunta ang tingin niya sa tila hugis pusong labi nito. Bukod sa tila kaylambot iyon at tila nakakahalina rin ang mamasa-masa ang natural na mapulang kulay nito.

"Thank you, handsome." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito dahilan upang mapakurap siya sa paninitig sa labi ng dalaga.

"Masyadong makulit 'yong isang 'yon. Hindi ko naman type." Tumikwas ang kilay nito kasabay ng paglayo siya kay Damielle Astin. Noon na rin niya nabitawan ang pagkakahawak niya sa maliit at makurbang beywang ng babae.

"Anyway, hindi libre ang paghawak mo sa beywang mo." Gumuhit ang munting ngisi sa labi ng babae. "How about we have some drinks?"

Tuluyan na ring gumuhit ang munting ngiti sa labi ni Damielle Astin kasabay ng pag-abot nito isang baso ng alak na iniabot sa kanya ng dalaga. It was a night of fun. Naging masayang kausap ang dalaga na tila ba parehong palagay ang loob nila sa isa't-isa hanggang sa namalayan na lamang ang sarili nilang nas loob na sila ng VIP room ng bar. Pareho silang umuungol sa init at ligayang hatid nila sa isa't-isa.

End of the flashback...

Nabuga ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pagtungga niya ng alak. Tila namait ang kanyang panlasa sa alaalang iyon. Sa mismong bar niya nakilala noon si Raya Fae. Sa private room rin ng bar nabuo ang kanilang kambal. Sa bar rin niya nakilala si Naya Faith na buong akala niya ay ang babaeng kanyang nakaniig.

Muli siyang tumungga ng alak. Aniya, sa bar kung saan siya naroon ang naging tulay sa pagbabago ng kanyang buhay. Hindi niya akalaing ang buhay niyang umiikot lamang sa Mafia ay iikot rin sa paghanga at pag-ibig sa isang babae. Nang maging asawa niya si Naya Faith, nabuo ang pangarap niyang bumuo ng pamilya. Ngunit hindi niya akalaing ang magulo niyang mundo ay lalo pang magiging magulo dahil sa pag-aagawan nila ni Rio Costor.

Buntong-hiningang iginala ni Damielle Astin ang kanyang paningin. At hindi niya napigil ang mapakurap nang makita niya ang isang babae nasa kabilang bahagi ng counter. Halatang lango na ito sa alak. At kahit nakatagilid ang babae ay natitiyak niyang kilala niya ito.

"Raya?" Awtomatiko siyang napatayo sa pagkakaupo. Agad rin siyang humakbang palapit sa kinaroonan nito.

Napalunok siya nang tuluyang makalapit sa babae.

"Raya." Mahinang tawag niya rito. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ng babae. Agad itong nag-angat ng tingin sa kanya. Kunot naman ang noo nitong tumitig sa kanya na tila ba kinikilala siya nito.

"Raya, you're here."

"Y-Yeah." Suminok ang kanyang misis bago ito muling nagpatuloy sa pagsasalita. "You're also here. But anyway, sino ka ba, ha?"

Sa halip na intindihin ang winika ng lasing niyang misis ay naupo na lamang siya sa tabi nito.

"Lasing ka na." Wika niya kasabay ng paghagod nito ng tingin sa kanya. Nakasuot ito ng high waist fitted pants na tinernuhan nito ng long sleeve na gray female polo. Maluwang iyon ngunit hindi pa rin naikubli ng damit ang magandang hubog ng katawan nito.

"Uwi na tayo."

Mahina namang natawa ang babae.

"I can manage myself, mister."

Buntong-hininga namang napunta ang tingin ni Damielle Astin sa hawak na alak ng kanyang misis. Sa ginawa niyang iyon ay nahagip ng kanyang mata ang suot na singsing ni Raya Fae. Iyon ay walang iba kundi ang wedding ring nilang mag-asawa.

Tila hinaplos ang kanyang puso. Kahit papaano ay nakasilip siya ng pag-asa na maaari pa silang magkaayos. Hindi naman nakaligtas sa paningin rin Raya Fae ang paninitig nito sa kanyang singsing.

"Ba't nakatingin ka sa suot kong singsing?"

Muling natawa ang babae.

"Bakit? Akala mo ba single pa ako?"

Bago pa siya makaimik ay muling nagsalita ang babae.

"Well sorry ka, may asawa na ako."

Napatikhim naman si Damielle Astin bago siya lakas loob na nagsalita.

"Where's your husband? Kasama mo ba siya?"

Unti-unti namang gumuhit naman ang lungkot sa mga mata ni Raya Fae.

"Hindi eh." Mag-iwas siya ng tingin. "At saka parang malabo na kami."

Umawang ang labi ni Damielle Astin upang magsalita ngunit hindi na niya naituloy nang muling tumungga ng alak ang babae. Matapos niyang ibaba ang bote ng alak na hawak niya ay muli itong nagsalita.

"Hindi kami okay." Wika niya sa gitna ng kanyang pagsinok-sinok.

Bumuntong-hininga rin ito pagkatapos ay dumukdok ito sa counter.

"Kasalanan ko kasi naging mahina ako. Hindi ako naging matapang para harapin ang problema namin."

Bumaling siya ng tingin kay Damielle Astin habang napatong pa rin sa counter ang kanyang pisngi.

"Hayaan mo na nga siya. Huwag na natin siyang pag-usapan." Kitang-kita ang lungkot sa mga mata nito.

Tila naman binalot ng lungkot ang puso ni Damielle Astin sa ideyang ayaw pag-usapan ni Raya ang bagay tungkol sa kanya.

"Pero kahit na gano'n, huwag mo pa rin akong lalandiin. Loyal ako."

Unti-unting pumikit ang mga mata nito.

"Loyal ako sa tatay ng mga anak ko."

Tila naman hinaplos ang puso ni Damielle Astin sa narinig.

"Ma-pride lang ako pero mahal ko 'yon. Mahal ko siya Damielle Astin Villacorda."