Chapter 50

Flash back...

Mabilis na tinalunton ni Raya Fae ang pasilyo patungo sa silid kung saan sila ikinulong. Bago siya tuluyang makarating sa silid ay narinig pa niya ang tinig ng kanyang mister.

"Maghiwalay tayo, Thano. Mas madali nating mahahanap si Raya kung maghihiwalay tayo." Rinig niyang wika ng kanyang mister.

Agad naman siyang nagkubli sa malaking banga na palamuti sa malawak na pasilyo.

Tila tinambol ang kanyang dibdib nang masilip niya ang kanyang mister. Mas lalo siyang sumiksik sa gilid. Ngunit sa maliit na siwang ay nakagawa niyang makita ang paglinga-linga ni Damielle Astin sa paligid bago ito tuluyang umalis sa lugar.

Tila naman nakahinga nang maluwag si Raya Fae. Aniya, malaya na niyang mahahanap ang kanyang mga anak. Wala nang pipigil sa kanya.

Marahan siyang tumayo mula sa pinagkukublian. Ngunit tila tumalon ang kanyang puso nang bumungad sa harap niya ang bunganga ng baril.

Napalunok siya. Agad ring napunta ang tingin niya sa may hawak ng baril.

Bumungad sa kanya ang isang lalaking malaki ang pangangatawan. Halos puno ng tattoo ang magkabilang braso nito. Moreno ang balat nito. Bahagyang namumula ang mata nito nitong hugis almond. Sakto lang ang tangos ng ilong nito at ang labi nito ay nakaguhit ang nakakakilabot na ngisi.

At kilala niya ang lalaking iyon. Ito ay walang iba kundi ang pinagkakatiwalaang tauhan ni Rio na si Runo.

"Nahuli rin kita sa wakas. Tiyak na matutuwa si Boss nito."

Muli namang napalunok si Raya Fae bago siya lakas loob na nagsalita.

"Name the price in exchange of my freedom."

Napahalakhak naman si Runo sa kanyang winika.

"At tingin mo, madadaan mo ako sa pera?"

"Kahit magkano handa akong ibigay." Kitang-kita ang desperasyon sa mukha nito. "Kahit magkano, name it."

Muli namang natawa ang lalaki. Matapos iyon ay tumikwas ang makapal na kilay nito bago muling nagsalita.

"At anong mangyayari kapag tinanggap ko ang pera mo? Papatayin ako ni Boss dahil sa pagtatraydor?" Umiling ito bago nagpatuloy. " Hindi pa ako nahihibang para gawin 'yan, Raya Escobar."

Lalo namang kumabog ang puso ni Raya Fae. Kitang-kita rin ang pamamawis ng noo nito. Ngunit hindi siya pwedeng matinag.

"Nandito na ang grupo ng asawa ko. Paano ka nakakasigurong bubuhayin pa nila si Rio?"

Muli namang napahalakhak si Runo.

"At tingin mo, hahayaan ng Black Cult iyon? Lalaban kami. Hindi kami magpapatalo sa Red Majesty."

Bago pa makaimik si Raya Fae ay muli itong nagsalita.

"Pababagsakin namin si Astin Villacorda! Ngayong gabi, babagsak ang pinuno ng Red Majesty. At sa oras na mawala si Astin, tuluyan na ring mabubuwag ang Mafia."

Hindi naman naiwasan ni Raya Fae ang mapakunot-noo.

"Mafia? Anong pinagsasabi mo na pinuno si Damielle? Pinuno siya ng alin? Ng Mafia?"

Hindi naman naiwasan ni Runo ang pagsasalubong ng kanyang kilay.

"Hindi mo alam? Hindi mo na alam na ang asawa mo ay isang mafia boss?"

'Mafia boss ang kanyang mister.' Tila umugong iyon sa isipan ni Raya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Runo ang pamumutla ng kanyang kaharap.

"Masamang tao si Astin Villacorda! Lahat ng kayamanan na meron siya ay galing sa masama, galing sa illegal." Gumuhit ang ngisi sa labi nito. " Nakapag-asawa ka ng masamang tao."

Matapang naman na sinalubong ni Raya ang kanyang mga mata.

"Hindi totoo 'yan!"

"Pero iyon ang totoo! Tingin mo ba si Naya Sevestre ang ugat ng gulo? Tingin mo dahil sa pagiging magkaribal nila sa isang babae kaya sila nagpapatayan?"

Umiling si Runo at saka nagpatuloy.

"Hindi. Hindi lang si Miss Naya ang dahilan. Oo, maaaring isa siya sa dahilan pero hindi siya ang puno at dulo ng lahat. Walang ibang ugat ang gulong ito kundi ang pagiging pinuno nila sa magkalabang Mafia."

Umiling si Raya Fae. Pinilit niyang magpakatatag sa rebelasyon.

"H-Hindi totoo 'yang sinasabi mo." Mahinang wika nito.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Wala akong dahilan para gumawa ng kwento. At alam kong alam mong nagsasabi ako ng totoo. Nasa 'yo na kung lolokohin mo ang sarili mo."

Malaking bahagi ng isip niya ang naniniwala kay Runo. Tumutugma ang minsang narinig niyang usapan nina Damielle Astin at Thano. At tila nanghina ang sistema ni Raya. Malinaw na linoko siya ng kanyang mister. Naglihim ito sa kanya. Hindi lang basta lihim kundi isang malaking lihim.

"Ang pagiging Mafia Boss ni Damielle ang ugat ng lahat ng ito." Udyok ng traydor niyang isip.

Naramdaman ni Raya Fae ang paninikip ng kanyang dibdib. Tila ba walang kasing bigat iyon. Hanggang ang sakit na iyon ay unti-unting narating ang kanyang puson.

"Ahhh." Napahawak siya sa bahaging iyon na sumasakit.

"Huwag mo nga akong artehan." Akmang kikilos si Runo upang muling itutok ang baril sa kaharap nang umalingawngaw ang putok ng baril. Kasunod ay ang malakas na pagdaing ni Runo. Napunta ang tingin ni Raya sa lalaki. Kitang-kita niya ang dugong umaagos sa tagiliran nito ngunit tila mas naagaw ng pansin niya ang pananakit ng kanyang tiyan.

Kumilos naman si Runo upang gumanti ng putok sa taong bumaril sa kanya ngunit bago pa niya magtagumpay ay muling umalingawngaw ang putok ng baril. Muling tumama iyon sa tiyan ni Runo.

"H-Hayop ka, T-Thano." Muling kumilos ang kamay nito ngunit bago pa nito makalabit ang gatilyo ay tumama na ang bala ng baril sa noo nito.

"Magkikita na kayo ni Bruno sa impiyerno. Pakihintay na lang doon si Rio." Walang emosyong turan ni Thano habang pinapanood ang unti-unting pagluhod at pagkatumba ni Runo sa sahig.

"T-Thano." Agad napunta ang tingin ni Thano sa nahihirapang tinig ni Raya Fae. Tila nagkulay suka ang mukha ni Thano nang makita niya ang pamumutla ng kanyang among babae.

"Ma'am Raya!" Napunta ang tingin niya sa tiyan na sapu-sapo ng babae. Awtomatikong bumaba ang tingin niya sa binti ng babae at gano'n na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya ang kulay pulang likido na umaagos sa paa ng kanyang amo.

"D-dugo." Hindi niya naiwasang mautal.

"H-Help m-me." Unti-unting pumikit ang mata ni Raya Fae. Mabilis namang kumilos si Thano upang saluhin ang kanyang amo.

"Ma'am Raya!" Narinig niyang pagtawag ni Thano sa kanya.

"Cholo! Kailangan mong ipaalam agad 'to kay boss!" Narinig pa niyang wika ni Thano bago siya tuluyang lamunin ng dilim. Kadilimang tila kapares ng katahimikan. Sobra-sobrang katahimikan. Wala na ang nakakabinging putok ng mga baril. At tila ba ang paligid ay bumalik sa kapayapaan.

Marahang umimulat ni Raya Fae ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanyang ang liwanag dahilan upang mapapikit siyang muli.

"Raya." Narinig niya ang nag-aalalang tinig ng lalaki. Muli niyang iminulat ang kanyang mga mata. At ang nanlalabong imahe ng isang lalaki ang bumungad sa kanya.

"Call the doctor." Narinig niyang wika ng pamilyar na tinig ng lalaki. Napakurap siya ng mata. Nagbabakasakaling sa gano'ng paraan ay mawaglit ang panlalabo ng kanyang paningin.

"Raya! Thank God you're awake now."

Muling napakurap si Raya Fae.

Ang imaheng malabo ay unti-unting luminaw. Iyon ay walang iba kundi si Damielle Astin Villacorda.

"How are you feeling?" Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito.

Sa halip na umimik ay iginala ni Raya ang tingin sa paligid. Bumungad sa kanya ang pamilyar na lugar. Walang iba kundi ang Master’s Bedroom ng mansion ni Damielle Astin Villacorda.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba?"

Muling napunta ang tingin niya kay Damielle Astin.

"Ang mga bata?" Tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.

Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin. Kitang-kita rin ang pagguhit ng lungkot sa mga mata nito.

"Hinahanap na sila ng mga tauhan ko." Mahinang wika nito.

Tila naman nakaramdam ng panghihina si Raya Fae. Aniya, halos ibinuwis nila ang buhay nila para mailigtas ang mga bata ngunit hindi pa rin sila nagtagumpay.

Napabuga siya ng hangin. Sinubukan niyang bumangon ngunit sa pagkilos niya ay hindi sinadyang makuha ng atensiyon niya sa kamay niyang may nakakabit na dextrose.

"Anong nangyari?" Tanong niya. Ngunit bago pa niya mahintay ang sagot ng kanyang mister ay tila bumalik sa alaala niya ang pagkirot ng kanyang tiyan at ang paglabas ng mainit na likido sa kanyang kaselanan.

Muling napunta ang tingin niya kay Damielle Astin.

"Bakit ako dinugo? Anong nangyari?"

Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin niya ang pag-alon ng lalamunan ng kanyang mister.

"N-nakunan ka." Tila nag-aalangang wika nito. Lalo namang nangunot ang noo ni Raya Fae.

"Nakunan ako? You mean, I am pregnant?"

Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin. Bago ito marahang tumango.

Tila naman tinakasan ng kaluluwa si Raya sa kanyang narinig. Unti-unti niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata.

"I was pregnant." Nangingislap ang mga mata nitong tila anumang oras ay maluluha ito. Ilang sandali lamang ay muli niyang sinalubong ang tingin ng kanyang mister.

"Tell me, alam mo bang buntis ako? Kaya mo ba ako pinapauwi?"

Marahan tumango si Damielle Astin.

Tila naman lalong bumigat ang dibdib ni Raya sa kanyang narinig.

"K-kailan mo pa nalaman?" Hindi naiwasan ni Raya Fae ang pagpiyok.

Napayuko naman si Damielle Astin.

"Noong araw na nawala ang mga bata. Nalaman ko, matapos kang himatayin."

Hindi na napigil ni Raya ang pangingilid ng kanyang luha.

"You knew? At hindi ko lang sinabi sa 'kin? Karapatan ko namang malaman 'yon, 'di ba?"

Muling nag-angat ng tingin si Damielle Astin.

"I'm sorr--" Umiling si Raya Fae. Hindi niya hinayaang matapos ni Damielle Astin ang sasabihin sana nito.

"Hindi mababalik ng sorry mo ang nawala, Damielle. Kung pinaalam mo sana sa 'kin, sana alam ko kung anong dapat gawin. Katulad lang din sa kung paano itinago sa 'kin ang totoo mong pagkatao."

Tumalim ang titig nito sa lalaki.

"You know what, kasalanan mo ang nangyari. Kasalan ito ng letcheng Mafia na 'yan!" Nagngingitngit nitong wika.

Tila naman nagulat si Damielle Astin sa kanyang tinuran.

"You know--"

"Oo! Alam ko na!" Puno ng hinanakit na wika ni Raya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. "You know what, pwede sana kitang intindihin na itinago mo sa'kin ang pagiging Mafia boss mo. Sino ba naman ako para sabihan ng tungkol sa bagay na 'yan? Pero 'yong itago mo sa 'kin na buntis ako, sobra na! Sobra ka na!"

"I'm sorry." Sinubukan niyang hawakan si Raya ngunit mabilis nitong natampal ang kanyang kamay.

"Stay away, Damielle!"

Napatda naman ang lalaki ngunit tila lalong nahiwa ang kanyang puso sa sunod na tinuran ng kanyang misis kasabay ng muling paghiga at pagtalikod nito sa kanya.

"Iwan mo muna ako. Ayaw kitang makita."