Chapter 49
"Hurry! Hurry up!" Sigaw ni Milo sa mga bata bago siya nakipagpalitan ng putok sa mga nakasunod sa kanila na tauhan ni Rio Costor.
Nagtagumpay naman siyang mapatumba ang isa bago siya sumunod sa tumatakbong mga bata.
Mabuti na lamang at naisipan nilang dumaan sa binata dahil kung hindi ay baka nasukol na sila ng mga tauhan ng kanyang kapatid.
Kahit papaano ay nakahinga na siya ng kaunti dahil nakalabas na sila ng mansion ni Rio Costor. Gayunpaman kahit nasa kalsada na sila ay tuloy pa rin sa paghabol sa kanila ng mga tauhan ng kanyang kapatid.
At hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito. Muli siyang nakipagpalitan ng putok habang patuloy siya sa pagtakbo kasama ang mga bata.
"Hurry! Hurry! Let's get over there." Mabilis niyang iginiya paliko ang bata sa eskinita.
"I'm afraid, mister. Are they going to shoot us. I don't wanna die." Maluha-luha ang batang si Damon. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito sa malamlam na liwanag na nagmumula sa lamp post ng walang katao-taong kalsada.
Agad namang hinaplos ni Milo ang pisngi ng dito.
"Don't be afraid. I won't let them hurt the two of you." Bago pa siya maluha sa nakakahabag na hitsura ng bata ay iginala na niya ang paningin. Aniya, kailangan nilang makahanap ng mapagtataguan. Hindi naman siya nabigo dahil sa di kalayuan ay nakita niya ang tatlong sasakyang nakaparada. Isang kulay pulang kotse, isang kulay gray na pick up at isang close van. Ang kotse at pick up ay sigurado niyang pag-aari iyon ng kanyang kapatid. Pamilyar naman sa kanya Ang close van. Iyon ay ang sasakyan ng supplier ng gulay ng pamilya Costor at mga pamilyang nakatira sa subdivision na kinatitirikan ng hide out nila.
Muli siyang napatingin sa mga bata.
"We need to go now." Pareho niyang hinawakan ang kamay ng kambal at saka mabilis na dinala sa likod ng close van. Agad rin niyang binuksan iyon. Swerte namang hindi iyon naka-lock.
"Get inside. Don't make any noise, okay?"
Bago pa makaimik ang mga bata ay binuhat na niya si Damon at isinampa iyon sa loob. Malugod namang nagpabuhat ang batang si Devonne.
"Umusog kayo doon."
Agad namang tumalima ang mga bata. Nang tuluyang makapasok ang dalawa ay muli siyang nagsalita.
"Remember, no matter what happen, don't make any noise."
"Yes, mister." Sagot ng batang si Damon kasabay ng pagtango nilang magkapatid.
Akmang isasara na ni Milo ang sasakyan nang magsalita si Damon.
"Mister, please don't leave us."
Marahan namang umiling si Milo.
"Hindi ko kayo iiwan. Babalikan ko kayo, ililigaw ko lang 'yong mga humahabol sa 'tin. Pero sa ngayon, kailangan niyo munang magtago, okay?"
Tila alanagin namang tumango ang bata.
"I know, you two are brave. I know you can do it." Muling kumilos si Milo upang isara ang sasakyan ngunit muli siyang natigil nang magsalita ang batang si Devonne.
"Thank you for helping us."
Gumuhit naman ang munting ngiti sa labi ni Milo.
"You're welcome, young Villacorda."
Gumuhit naman munting ngiti sa labi ng batang si Devonne. Ang ngiting iyon ang huli niyang nasaksihan bago siya nagpasya na tuluyan nang isara ang sasakyan.
Nang maisara niya iyon ay wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumayo sa sasakyan. Mahigit isang dipa pa lamang ang layo siya sa sasakyan nang makasalubong niya ang isang lalaki. Kitang-kita ang pamamawis ng noo nito. Nagmamadali ito pumasok sa driver's seat ng close van. Noon siya natantong ang lalaking nakasalubong niya ay ang delivery man ng gulay.
Napalunok siya. Kahit papaano ay nabuhayan siya ng pag-asa. May mahihingan na siya ng tulong upang mailayo ang kambal. Kumilos ang kanyang paa upang sundan ang lalaki ngunit natigil siya nang marinig niya ang pagtawag.
"Milo!" Tila tumigil ang pintig ng kanyang puso. Kahit nakatalikod siya ay natitiyak niyang tinig iyon ng kanyang kapatid.
Muli siyang napalunok bago siya marahan lumingon sa pinanggalingan ng tinig.
"Kuya." Ramdam niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo lalo na nang makita niya ang matalim na titig ng kanyang kapatid.
"Traydor ka, Milo!" Mariing wika nito.
"I'm sorry, Kuya."
"I can't accept your apology!" Mariing wika nito kasabay ng pagtutok nito ng baril sa kanya. "Sinira mo ang plano ko!"
"Forgive me, Kuya. Ayoko lang na lalong lumaki ang kasalanan mo." Puno ng sinseridad ang mga mata nito habang nakatingin sa kanyang kapatid. Ngunit tila wala namang saysay iyon kay Rio dahil sa sandali itong bumaling sa mga tauhan niyang nakasunod sa kanila.
"Hanapin niyo sa paligid ang kambal. Siguradong nandito lang sila."
Tila naman lalong tinambol ang puso ni Milo. Piping dasal niya, sana ay huwag maisipan ng tauhan ng kanyang kapatid na halughugin ang nakakadarang sasakyan.
"Now, tell me, nasa'n ang mga bata?"
Agad siyang nag-iwas ng tingin.
"I don't know, Kuya."
"Liar! Alam kong itinago mo sila." Iginala ni Rio ang kanyang tingin. Hindi naman naitago ni Milo ang pag-alon ng kanyang lalamunan nang mapunta ang tingin ni Rio sa close van.
Lalong kumabog ang kanyang dibdib nang bumalik ang tingin sa kanya ni Rio.
"Mukha alam ko na kung nasa'n sila." Nakaguhit ang ngisi sa labi nito kasabay ng paghakbang ng paa nito patungo sa direksyon ng sasakyan.
Mabilis naman na kumilos si Milo upang harangan ang kanyang kapatid.
"Huwag na, Kuya. Hayaan mo na sila." Puno ng pagmamakaawa ang mga mata nito.
"Tarant*do!" Ipinukpok nito ang hawakan ng baril sa noo ni Milo. Naging dahilan naman iyon upang gumewang si Milo. Muntikan na siyang mawalan ng balanse. Kasabay ng kanyang pagdaing ay pagsapo niya sa kanyang ulo. Tila naman hindi nakaramdam ng kahit katiting na habag man lamang si Rio.
"Ang tagal naming naghintay ng tamang tiyempo para makuha sila tapos gusto mong hayaan ko na lang? Nahihibang ka na, Milo!"
"Kuya, wala silang kasalanan. Labas sila sa gulo niyo ni Villacorda."
Umigting naman ang panga ni Rio dahil sa tinuran ng kanyang kapatid.
"Kasali sila dahil anak sila ng mortal kong kaaway. Ngayon, umalis ka sa daraanan mo kung ayaw mong ikaw ang unahin ko."
Agad namang umiling si Milo bagama't kitang-kita ang mga butil ng pawis sa noo nito.
"Hindi ako aalis, Kuya." Dumipa ito upang ipakita ang lantaran niyang pagpigil sa kanyang kapatid. "Hindi ko sila ipagkakaluno sa 'yo." Gumuhit ang sinseridad sa mga mata nito,"I'm sorry, Kuya."
Lalo namang nagngitngit ang kalooban ni Rio. Aniya, sobra na ang katangahan ng kanyang kapatid para protektahan ang mga tagapagmana ng kanyang mortal na kalaban.
"Don't try my patience, Milo. Alam mo kung paano ako magalit!" Kitang-kita ang paglabas ng litid sa leeg nito.
Muli namang umiling si Milo.
"Hindi pa rin ako papayag, Kuya."
"D*mn it. Ang tigas ng ulo mo!" Pinaputok nito ang baril at tumama iyon sa hita ni Milo. Agad namang dumaing sa sakit si Milo. Hindi rin nito napigil ang mapahawak sa kanyang duguang hita.
Sa halip naman na maawa ay tumalim naman ang titig ni Rio sa kanyang kapatid.
"Sabi ko naman sa 'yo na huwag mo akong susubukan!" Kumilos siyang upang humakbang patungo sa sasakyan. Ngunit bago niya tuluyang malampasan si Milo ay maagap nitong nahawakan ang kamay ng kanyang kapatid.
"Please, Kuya. Huwag na, hayaan mo na lang sila." Hindi nawala ang pagsusumamo sa mga mata nito. Marahas namang tinabig ni Rio ang kamay nitong nakahawak sa kanya.
"You can't stop me, Milo!" Muli nitong itinutok ang baril sa kanya. Bago pa makahuma si Milo ay tumama na iyon sa kabila niyang hita. Lalo siyang napadaing sa sakit. Napaluhod ito sa kalsada habang namimilipit sa sakit. Dumadaing ito at nanghihinang napahiga sa sementadong kalsada.
"Ahhhh." Ang pagdaing naman niyang iyon ay hindi nakaligtas sa pandinig ng dalawang bata. Hindi napigil ng batang si Damon ang mapahikbi. Pinilit namang huwag maluha ni Devonne habang nakatakip ang mga kamay niya sa magkabilang tainga ng kanyang kapatid.
"Iyan ang napapala ng matigas ang ulo!" Muling kumilos ang paa ni Rio patungo sa sasakyan. Tila balewala rito ang naririnig niyang pagdaing ng kanyang kapatid. Tatlong hakbang na lamang ang layo niya sa likod ng close van nang bigla iyong umusad.
"D*mn it!" Kumilos siya upang sundan ang sasakyan ngunit tila lalong bumilis ang pag-usad nito.
"Punyemas! Habulin niyo!" Sigaw niya sa kanyang mga tauhan. Taranta namang kumilos ang mga ito upang magsisakay sa nakaparadang pick up.
"Nasa'n ang susi?" Narinig niyang wika ng tauhan niyang nasa driver's seat.
"Aba! Malay ko."sagot naman ng isa.
"Nasa loob yata."
Tila lalo namang kumulo ang dugo ni Milo sa mga narinig.
"Mga b*bo! Wala kayong silbi!"
Tila namang nakahinga ng maluwag si Milo sa narinig. Lihim siyang magpasalamat, tiyak na niya ngayon na ligtas na ang dalawa.
Lalo namang naglagablab ang nagpupuyos na damdamin ni Rio nang mapunta ang tingin niya sa kapatid niyang nakahiga sa kalsada.
"This is all your fault, Milo." Hindi siya nagdalawang isip na muli itong paputukan ng baril. Tumama iyon sa tiyan nito dahilan upang lalo itong dumaing.
"Kung hindi ka nakiaalam, tagumpay sana ang plano ko!" Muli niyang kinalabit ang gatilyo. Tumama ang bala sa dibdib ng kanyang kapatid.
"K-Kuya." Tila hirap na hirap nitong wika kasabay ng pagbulwak ng dugo sa bibig nito.
"I will never forgive you for ruining my plan! I will kill you!" Muli niyang itinutok ang baril kay Milo.
"Boss, kahit hindi mo barilin 'yan, malabo nang makaligtas yan." Nagawang maisatinig ng isa sa kanyang tauhan.
Agad namang napalingon sa kanyang si Rio.
"I don't care! I will kill him over and over again! Magsisisi siyang trinaydor niya ang sarili niyang kapatid! Ito ang mapapala niya sa pagpili sa kalaban!" Muling bumalik ang tingin ni Rio sa nag-aagaw buhay na si Milo. Kumilos ang kamay niya upang kalabitin ang gatilyo ngunit bago pa niya iyon magawa ay umalingawngaw ang putok ng baril. Tumama iyon sa kamay niyang may hawak na baril.
Napadaing siya. Kumilos naman ang mga tauhan niya upang makipagpalitan ng putok ngunit makalipas ang ilang sandali ay isa-isa silang natumba.
"Punyemas!" Kumilos siya upang damputin ang kanyang baril ngunit bago pa niya magawa iyon ay tumama na ang bala ng baril sa kanyang hita. Napadaing siya ngunit hindi nawala ang bangis sa kanyang mukha. Tila ba isa siyang sugatang leon na handa pa ring lapain ang mangangaso.
"Wala ka nang kawala, Rio."
Napunta ang tingin niya sa may-ari ng tinig. Lalong nagngitngit ang kanyang kalooban nang makita niya ang mukha ng mortal niyang kaaway--si Damielle Astin Villacorda.
"D*mn you!" Buong tapang niyang wika. Kumilos siya ngunit nagawang barilin ni Damielle Astin ang isa pa niyang hita. Natumba siya sa kalsada at lalo siyang napadaing. Gayunpaman ay buong tapang pa rin siyang bumaling sa mortal niyang kaaway.
"Pagsisisihan mo 'to, Astin!" Nagngitngit nitong wika.
Napailing naman si Damielle Astin.
"No, Rio, ikaw ang magsisisi."
Dumadaing na gumapang si Rio upang upang muling kunin ang baril ngunit bago pa niya magawa iyon at muli pinaputukan ni Damielle Astin ang magkabila nitong hita.
"I will make you remember this night, Rio!" Muli niyang binaril ang braso ni Rio na may tama na. Lalo namang umatungal ang lalaki.
"D-damn y-you." Puno ng paghihirap na wika nito bago ito tuluyang nawalan ng ulirat.
"Hindi mo ba siya tutuluyan, boss? Kung tutuusin, pwedeng-pwede mo na siyang patayin."
Umawang ang labi ni Damielle Astin ngunit hindi na niya nagawang magsalita nang marinig niya ang pagtawag.
"Boss!" Ang hinihingal na tinig ni Cholo ang kumuha ni atensiyon ni Damielle.
Agad siyang napalingon sa kanyang tauhan.
"B-boss, s-si m-ma'am Raya."
Tila tinambol ang puso ni Damielle Astin sa narinig.
"What happened?"
Kitang-kita naman niya ang paglunok ng tauhan.
"K-kasi boss--" Tila nag-alangan ito sa kanyang sasabihin.
"Kasi ano?"
Kitang-kita niya ang paglunok ni Cholo bago ito nagsalita. Nagbitiw ito ng salitang tila nagpahina sa tuhod ni Damielle Astin.
"D-Dinudugo po si Ma'am Raya."