Chapter 25:

Napakunot ang nuo ko nang makita ang bagong group chat kung saan ako kasali. Agad ko iyong pinindot at tiningnan. Ano naman kaya ang trip nila?

SURPRISE BIRTHDAY PARTY FOR KINGDOM.

King Dominic Hortillano added KN Climaco to the group

King Dominic Hortillano added Akira S. Velasco to the group

King Dominic Hortillano added Ashley Simpson to the group

King Dominic Hortillano added Harvin Guerrero to the group

King Dominic Hortillano left the group

Napanganga ako habang pino-proseso pa ang lahat. I blinked twice to comfirm it more. The fuck? Kingdom created a group chat and added us just to left? He want us to surprise him tomorrow because its his birthday but... Ah! That fucking bastard is really something.

Paano 'yon magiging suprise kung alam niya na simula pa umpisa? Pinahirapan niya pa kami, e alam na naman namin na birthday niya bukas.

SURPRISE BIRTHDAY PARTY FOR KINGDOM.

@Akira S. Velasco

Ang tanga talaga ni Kingdom kahit kailan! Bakit niya pa kailangan gumawa ng group chat para sa surprise party niya e, napagplanohan na natin 'yon.

@KN Climaco.

That dumbass...

@Harvin Guerrero

Akala niya siguro nakalimutan natin :)

@Ashley Simpson

Hindi kasi natin pinansin buong araw kaya akala niya wala tayong alam na birthday niya bukas.

@Akira S. Velasco

Kasi may surprise party nga tayo diba? Edi, paano na 'to ngayon? Expected niya na na may surprise tayo para sa kaniya.

@KN Climaco.

Forget it. We'll find another way.

@Ashley Simpson replied to KN Climaco.

What way?

@KN Climaco

Sabihin ko na lang sa inyo mamaya. I'll still have to study first.

@Akira S. Velasco

Huh? Wala tayong exam bukas, ah.

@KN Climaco

Kahit na. That's what students like us should do.

@Harvin Guerrero replied to KN Climaco

Oh? Alis na ko dito hehehe.

@Ashley Simpson

Me too.

@Akira S. Velasco

Ako rin! Bye, Bye Kiro!

@KN Climaco

Tss.

Ilalagay ko na sana ang phone ko sa bedside table ko nang mag-ring ito tanda na may tumatawag. I sighed. And who the fuck is this? Hindi naka-registered and number na 'to sa contact ko.

Pinili ko pa rin 'yong sagutin kahit na hindi ko alam kung sino ang caller. May gut feeling lang talaga ako na sagutin ang tawag.

(Hello?)

Kumunot ang nuo ko nang wala akong narinig na reply sa caller. Mas lalo kong nilapit ang phone ko sa tenga ko. Doon ko lang narinig ang malalalim na hininga sa kabilang linya.

(Hello? Who's this?)

"South..." His voice was soft yet vulnerable. Sa boses niya pa lang ay mukhang galing ito sa pag-iyak.

Napatigil ako sandali nang makilala ang boses. Nag-aalala naman akong napatitig sa phone ko.

"Y-yeah?" My voice cracked. Sumakit ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

"South... South... South..." he softly whispered my name again and again as if he was trying to remember it. I think his drunk or somethin'.

"Are you okay?" nag-aalala kong tanong.

"I-Im not..." I heard his loud cries after. Marahas akong napabalikwas sa kama. I'm done! Kailangan ko nang malaman kung saan siya! He's now making me worried.

"Where are you right now?!"

Naghintay pa ako ng ilang segundo dahil bigla na lang natahimik ang kabilang linya.

"Kingdom?"

"Hello? Ikaw po ba 'yong girlfriend ng lalaking 'to? Please, paki-sundo na po ng boyfriend niyo rito. Lasing lasing na po talaga kasi siya." Boses iyon ng babae halatang nag-pa-panic na rin siya sa kabilang linya.

Sasagot pa sana ako na hindi ko boyfriend si Kingdom nang may marinig ulit akong sigaw. Mas lalong dinagsa ng kaba ang dibdib ko.

"Hello?! What the fuck is happening?"

"Miss! Sunduin niyo na po 'yong boyfriend niyo rito!" naiiyak na wika na rin ng babae. Mukhang nasa hindi ito kaaya-ayang kalagayan base sa boses niya.

"Send me the address. I'll be right there right away." Agad kong binaba ang tawag.

I immediately wore my hoodie and sweatpants in my closet. Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan sa garage kahit na wala akong paalam kay Mammi. I know how to drive, well medyo lang.

Nang malaman na kung saan sila ay hindi na ako nag dalawang-isip pa na pumasok sa sasakyan. Nagdasal muna ako bago pinaandar ito. Mumultuhin ko talaga si Kingdom 'pag nabangga ako! Tangina.

Nanginginig man ang kamay ko ay nakapag-drive naman ako nang maayos kahit papaano. Buti na lang at gabi na kaya walang sasakyan sa kalsada.

Nang makarating na sa address na binigay sa 'kin ng babae kanina ay nagmamadali akong lumabas upang puntahan si Kingdom. Nasa bar lang naman ang gago! He's just fucking eighteen years old for fuck sake.

Nasilaw agad ako sa mga iba't ibang lights sa loob. Pinilit kong huwag singhotin ang mga taong amoy alak na nabubunggo ko.

Nilibot ko ang tingin sa kabuoan ng bar upang hanapin si KD. Napabuntong hininga ako nang nasilayan ko na sa wakas kung saan siya.

Lakad takbo ang ginawa ko upang makarating sa pwesto nila ng babae. Yeah, hindi pa rin umaalis ang babaeng tumawag sa 'kin kanina. Nakaalalay pa rin ito kay KD na lasing na lasing na.

Tumikhim ako upang kunin ang atensiyon ng babae. Agad niya namang inangat ang mga tingin niya sa 'kin. Nagulat pa ako nang kaunti sa magkaibang kulay ng mga mata niya. Her left eye was deep blue while the other one is green. It was fascinating to see honestly.

Tumikhim ako upang ibaling ang atensiyon ko kay KD na halos hindi na makatayo sa sobrang lasing. He's covering his whole face to hide his sobs.

My heart ache at the sight of it. I look away for a moment. I'm not used to this, ngayon ko lang siya nakitang umiiyak nang ganito.

Agad ko siyang nilapitan at inalalayan. Kinuha ko ang kamay niya upang alalayan siyang tumayo.

"Uhm... kayo na po ba bahala sa kaniya?" The girl spoke.

Napatitig ako muli sa kaniya. I smiled at her and nod. Napadako ang tingin ko sa cellphone na hawak niya, number niya siguro ang ginamit kanina ni Kingdom. I sighed.

"I'm really sorry for the inconvenience," I apologized. She just smiled at me as a response.

Mabilis na umalis agad ang babae. Sayang kasi hindi ko natanong ang pangalan niya mukhang mabait pa naman siya.

Agad kong tinuon muli ang atensiyon kay Kingdom na nakapatong lang ang ulo sa balikat ko. Hahakbang na sana ako nang bigla siyang lumikot. Pinalayo ko nang kaunti ang ulo niya dahil ramdam na ramdam ko na ang mahihina niyang hininga sa leeg ko.

"Stay still," pagalit kong wika.

Mukhang narinig niya naman dahil hindi na ito muling lumikot. Malakas ang bumuntong hininga at buong lakas na inalalayan siya palabas sa bar. Pinaupo ko siya sa passenger seat at nilagyan ng seatbelt. Nang pakiramdam ko na okay na ang lahat ay agad ko na ring pinaandar ang makina ng sasakyan.

Mahina lamang ang takbo ko dahil sa hindi pa ako bihasa sa pagmamaneho. Mahirap na kung ma-ospital kami ni KD. Hindi ko pa naman kilala ang nga magulang niya, malay ko ba kung anak pala ng mafia boss si Kingdom.

Ninakawan ko ng tingin ang lalaking tulog na tulog pa rin. Napailing na lang ako. Bakit kasi ako pa ang pinasundo sa kaniya? Meron naman siyang personal driver ah.

"South..." he softly mumbled my name, "A–am I not worthy enough to be loved?"

Napahinto ako sa pagmamaneho sa sobrang gulat sa biglaang tanong niya. The fuck? What kind of question is that?

Mabilis ang hininga ko siyang nilingon. Para namang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko nang makita ang isang butil na luha na tumulo sa mata niya.

"Kingdom..." Nilapit ko ang sarili ko sa kaniya at doon siya niyakap, "You're more than enough, KD. Marami kaming nagmamahal sa 'yo kaya huwag mo 'yan sabihin."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. "Then choose me instead of him, South. I can also give you the love that you deserve."

Gulat kong nilayo ang sarili ko sa kaniya. Napuno ng mga tanong ang isip ko habang pinagmamasdan siyang nakatitig din sa 'kin. He studied my whole face as if there's something precious on it. Tama ba ang narinig ko?

No! This can't be. . .

"Ah! Lasing na talaga ako, kung ano-ano na ang lumalabas sa bunganga ko." He tried to laugh.

"D-dont mind me. I'm just like this when I'm drunk." He laughed again but an awkward one.

Napatango-tango ako sa sinabi. Yeah, he's right. He's just drunk. Mali ang iniisip ko.

Pinaandar ko ulit ang sasakyan at tinuon ang buong pansin sa direksiyon kung saan ang bahay niya. Napasinghap ako nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. I can also feel my stomach tightening because of what he said earlier.

Sana nga lang talaga mali ang iniisip ko. . .