Chapter 26:

"Aray!" Napakamot ako sa batok ko nang may tumamang bagay dito. Lumingon ako sa direksiyon kung saan iyon nanggaling.

Sumama ang timpla ng mukha ko nang makita si Kingdom na nakatitig din sa 'kin nang masama. Hawak niya ang isang pack ng Chocnut na pinambato niya sa 'kin.

Kinuha ko ang isang Chocnut sa sahig na tumama kanina sa batok ko. Nang umangat ako ng tingin ay agad nagtagpo ang tingin namin ni Ash. Nakakunot din ang nuo niya habang hawak ang isang Chocnut sa kamay niya. Mukhang pati siya ay binato rin ng Chocnut ng Pinsan niyang gago.

Napailing ako. Nang nilingon ko rin si Kiro ay gano'n din ang reaksiyon niya. Mukhang binto rin siya ni KD. I turned my back ang lock my gaze to him, Kingdom. Masama rin ang tingin niya sa 'ming tatlo.

Nagpapansin ata. Akala niya siguro wala kaming suprise sa kaniya. It's his birthday today at kanina pa 'yan siya masama ang loob sa'min. Nakakagago lang.

Napadaing ulit ako nang may maramdaman ulit akong tumama sa nuo ko. Dahan-dahan kung binaba ang tingin ko sa sahig upang hagilapin ang Chocnut na binato niya sa 'kin. Napakuyom ako ng kamao upang pigilan ang sarili kong sugurin siya. Pasalamat talaga 'tong gagong 'to dahil nasa kalagitnaan kami ng klase!

Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Binigyan ko ng matatalim na tingin si KD bago binalik ulit ang atensiyon sa harap. Kailangan ko magpigil sa kaniya ngayon dahil birthday niya! Ayaw ko namang sirain 'yon, 'no.

Nang matapos ang klase ay hindi namin ulit pinansin si KD 'gaya ng plano. Kailangan namin magpanggap na galit kami sa ginawa niya kanina upang mag-tagumpay ang plano naming supresahin siya. Mahirap din naman sa 'min 'to pero kailangan, e.

"Nagpapansin siya kanina," naiiyak na turan ni Ash. Mukhang ayaw niya rin iwasan ang Pinsan niya.

"Huwag kayong padalos-dalos, masisira ang plano natin," masungit na saad din ni Kiro na nakabusangot sa gilid. Mukhang naiinis pa rin siya kanina sa ginawang pambabato ni KD.

Napahilot ako sa sintedo ko at napatingin kay Vin na kumakain lang. Mukhang sayang-saya pa itong makita kaming stress.

Kinuha ko ang tissue sa ibabaw ng table at binato kay Vin. Gulat naman ang gumuhit sa mukha niya sa ginawa ko. Nakakainis kasi siya, e! Mas lalo niyang pinapahirapan ang sitwasyon namin.

"What's wrong with you, Miss Sungit?!"

I just rolled my eyes at him. Hindi ko alam pero naiinis lang talaga ako sa kaniya ng walang dahilan.

"Huwag mong pagtaasan ng boses si Kira, Hon." Pagsaway ni Ash.

Harvin Pouted. "Hindi ko kaya siya pinagtaasan ng boses."

"Anong hindi?!" Pagtatanggol ko rin sa sarili ko.

"Oh? Hindi kaya! Alam mo namang love-love kita, e!" Pinisil niya ang dalawa kong pisngi.

"Gago!" Mabilis kong winakli ang kamay niya sa pisngi ko. Tawang-tawa naman ang baliw.

Napaismid na lamang ako. Rinig ko rin ang pagtikhim ng dalawa sa hindi malamang dahilan. I sighed.

Napaiwas ako ng tingin nang makita si Kingdom na nakatitig sa'ming apat. Nakaupo lang ito sa kabilang table na walang kasama. Para namang na-guilty ako sa ginagawa namin. I think masiyado na kaming sumobra?

"Anong oras ba mag-uumpisa 'yong suprise party?" tanong ko habang nakatingin sa relo ko.

"5:00 pm. We will kidnap him according to the plan and then we'll proceed to the surprise party," ani Vin.

Tinikom ko ulit ang bibig ko upang hindi na sumabat pa. Actually, tutol talaga ako sa plano kaso si Kiro 'yong nag-plano ng lahat e. Hindi ko naman kayang makipagtalo sa kaniya.

"Is it a bit too much?" nag-aalala na sabat ni Ash.

"No. It's not," Kiro answered from nowhere.

"O-okay..."

~

"Sigurado na talaga kayo dito, guys?" Nanginginig na wika ni Ash. Kagat-kagat nito ang kuko niya sa daliri sa sobrang kaba.

Ramdam ko na rin ang pagsikip ng tiyan ko. Kanina pa kami tensiyonado dito ni Ash tapos ang dalawa ay kalmado lang na para bang wala silang gagawing labag sa batas.

Tangina. Kahit na kaibigan kami ni KD, hindi pa rin pwedeng kidnapp-in namin siya 'no?

"Let's go. Suotin niyo na 'yong black mask niyo. Itago niyo rin 'yong buhok niyo upang hindi malaman na babae kayo."

"Come here, Kira," utos ni Kiro. Agad naman akong lumapit sa kaniya.

"Turn around," sabi niya sa malalim at medyo paos na boses. I can feel my insides shaking because of his deep voice.

I turned around just like what he said.

Napa-igtad ako nang maramdaman ang kamay niya sa buhok ko. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa marahang haplos niya sa batok ko.

Dahan-dahan niyang sinakop ang buhok ko at tinali. Ramdam ko ang mabilis na hininga niya na tumatama sa balat ko.

Nang matapos na siya ay halos hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Pakiramdam ko sobrang pula na ng pisngi ko dahil sa ginawa niya kanina.

"Ehem. May plano pa tayong dapat gagawin, ano?" pagsingit ni Ash na mas lalo kong ikanapula ng pisngi. Shit! Mukha na akong nagmumukhang kamatis nito!

Bahagya akong lumayo kay Kira at mas tinuon ang pansin sa pagsuot ng mask. Takip-takip nito ang buong mukha ko maliban sa mata, ilong, at bibig. Nag-jacket din ako para hindi akong mag mukhang babae.

I look my reflection at the rear view mirror. Umasim ang mukha ko nang makita ang outfit na suot ko. Lahat lang naman ng suot ko black ang kulay. Same as Ashley.

"Dito lang kayo, girls. Kami ang papasok dito kay KD sa loob ng sasakyan," ani Vin sa malalim na boses. Masiyado niya na atang pinanindigan ang pagiging Kidnapper.

"Huwag kayong magpahalata 'pag nakapasok na si Kingdom dito," dagdag pa ni Kiro.

Tumango naman kami sa kanilang dalawa na para bang masunuring bata.

"Wait!" Pagpigil ni Ash, "don't hurt him..."

"We will never hurt him, Ash. He's also our friend."

"Don't worry, Hon." Ngumiti nang matamis si Vin kay Ash.

Kinilig naman ako sa kanilang dalawa.

Sana nga talaga sila na lang sa huli, ayaw ko pa naman masaktan si Ash.

"We'll go now." Mabilis na hinablot ni Kiro si Vin palabas ng sasakyan.

Nagkatinginan kami ni Ash na puno ng pag-aalala. Bakit parang masama ang pakiramdam ko sa gagawin nila?

Kalahating oras siguro ang tumagal bago namin marinig ang ingay sa labas. Halos tumalon ang puso ko nang marahas na bumukas ang pinto ng sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang walang malay si Kingdom habang hawak-hawak siya ng dalawa. Pakiramdam ko naubos lahat ng dugo ko sa katawan habang hindi pa rin makagalaw dahil sa nakikita.

Natauhan lang ako nang marinig ang malakas at matinis na boses ni Ashley na katabi ko lamang. Bakas ang pag-aalala sa boses niya habang naka-alalay sa Pinsan niya.

Dali-dali rin akong lumapit sa harap at tiningnan ang lagay ni KD na ngayon ay wala pa ring malay. Ano bang ginawa ng dalawa at ganito ang lagay ng lalaking 'to?!

"Who the fuck did this to my cousin?!" Nag-pa-panic na tanong ni Ash. Maraham niyang timpal ang pisngi ng pinsan niya, nagbabasakaling gumising ito.

Umangat naman ang tingin ko sa dalawa. Nang magtagpo ang tingin namin ni Kiro ay nakita ko rin ang takot at pag-aalala ko mata niya.

"Sorry, it's our fault." Nakayuko na wika ni Vin. Mukhang takot na rin siya sa girlfriend niya.

Malakas akong bumuntong hininga at sinandal ang sarili ko sa headrest ng sasakyan. Sapat na ang galit ni Ash para sa kanilang dalawa, ayaw ko nang dumagdag pa.

"The fuck?! You said that you'll never hurt him Vin! And you Kiro!" Tinuro niya si Kiro na halos hindi na makagalaw sa gilid, "Bakit mo 'to hinayaang mangyari?!

Pulang-pula na ang mukha ni Ash sa sobrang galit sa dalawa. Hindi ko rin naman siya masisisi, they hurt her cousin.

"I'm so disappointed with the two of you." She shrugged.

"Ash..." I called her name.

She turned her head at me. Bakas pa rin ang galit sa mukha niya. Napalunok ako nang kaunti.

"Let them explain. May rason naman siguro kung bakit nila iyon ginawa," kalmado kong saad.

Mukhang huminahon naman ito dahil sa sinabi ko. Mabilis ang hininga niyang tumango sa 'kin.

Nilingon ko naman ang dalawa. Tahimik lamang silang nakayuko at halos hindi na makatingin ng diretso sa 'min.

Para namang may bumara sa lalamunan ko dahilan para mapalunok ako. It's been a long time since I saw him with this expression, this is very unusual of him.

"Bakit niyo 'yon ginawa kay Kingdom?" seryoso at malamig na tanong ko. Kita ko naman ang paninigas ng balikat nila.

"W–we need to," Kiro answered first.

"Nakuha na namin kasi lahat ng attention ng tao dahil sa pagsigaw niya. We have to silence him, that's why we did that. And it's not that we hurt him! Pinatulog lang namin siya," Vin defended himself. Napatango naman si Kiro sa kaniya.

Para namang kumulo and dugo ko sa rason na binigay nila. Bago ko pa sila mahampas ay nauna nang tumama ang kamay ni Ash sa kanila. Napangiwi ako nang marinig ang mga daing ng dalawa.

"That's nonsense! You two are just fucking idiots! Hindi niyo ba kilala si KD?! Syempre sisigaw talaga 'yan kasi ki-kidnap-pin siya! Tanga ba kayo!" Patuloy pa rin ang paghampas ni Ash sa dalawa. Kaniya-kaniya naman silang harang sa mga sarili nila.

Napakagat ako sa labi ko upang pigilan ang sarili na tumawa. Mukha kasi silang mga anak na pinapalo ng nanay nila. They look so helpless. Poor them.

Nang huminahon na si Ashley ay doon na lang tumahimik ang sasakyan. Napa-upo ako nang maayos nang unti-unti ng gumagalaw si KD na kanina pang walang malay.

Mabilis kong tinago ang sarili ko nang dumilat na ang mga mata niya. Gulat ang unang gumuhit sa mukha niya nang makita kaming apat.

Doon ko lang na-realize na kinuha na pala namin kanina pa ang mask na nakatakip sa mukha namin. Sigurado akong naguguluhan na siya ngayon na makita kami.

"Kayo ang dumukot sa 'kin?" naguguluhan niyang tanong habang isa-isa kaming tinitignan.

Fuck. . . mission failed.

"Y–yes?" Hindi ko rin siguradong sagot.

He gasped. Still processing what we've done. Lahat kami ay halos hindi na makahinga sa paghihintay ng reaksiyon niya. Ramdam ko rin ang namumuong tensiyon sa loob ng sasakyan.

Bubuka na sana ang bibig ko upang magpaliwanag pa sa kaniya nang tumawa ito nang malakas. Kung kanina ay siya ang nagugulahan ngayon ay kami na.

"Tangina! Hindi niyo talaga napansin na planado ko rin lahat ng 'to?" Humagalpak ito ng tawa.

Anong ibig sabihin niya?

"Alam ko na may suprise party kayo sa 'kin pati ang plano niyong dukutin ako. Nagpanggap lang talaga ako kanina na walang malay!" He laughed so hard again.

"Ang laugh trip ng mga mukha niyo kanina! Lalo ka na Pinsan! Hindi mo naman sinabi sa 'kin na mahal na mahal mo pala ako," panunukso niya pa.

Nang matauhan na kaming lahat ay doon na namin siya isa-isang hinampas ng kung ano-ano. Gago, siya pa talaga ang nag-suprise sa 'min.

"Oh? Grabe ka na makahampas sa 'kin ngayon, Bebe South, ah? Parang hindi ka nag-alala sa 'kin kanina."

"You fucking asshole!" Sinabunutan ko siya nang malakas. Napaaray naman ito sa ginawa ko.

"You idiot! Ang sakit ng hampas ni Ash sa 'min kanina!" Kunware naman siyang sinakal ni Kiro.

"Gago ka! Para akong himatayin kanina nang makita ang girlfriend ko na galit na galit sa 'kin!" naiiyak na wika ni Vin. Pabiro niyang hinampas ng throw pillow ng sasakyan si KD.

"Nasaktan ko sila dahil sa 'yo! Tangina mo!" Nanggigil na sinasabunutan siya ng Pinsan niya.

Huminto muna ako upang habulin ang hininga ko. Kinuha ko ang Polaroid camera ko sa bag at kinuhanan sila ng litrato. I'll change the film tomorrow, paubos na kasi.

"So, where's my surprise party?!" parang bata na tanong ni KD. Kumikinanang pa ang mga mata nito habang hinihintay ang sagot namin.

"Hindi na namin itutuloy bahala ka riyan!"

"Grabe ka naman sa 'kin, Pinsan! Birthday ko ngayon, oh!" Kingdom complained.

"Bebe South..." He pouted like a child. Sa 'kin na naman siya ngayon nangulit.

Niyugyog niya ang balikat ko at paulit-ulit na nagmakaawa na ituloy daw ang suprise party niya. I sighed in defeat.

"Okay! Okay!"

Agad naman niya akong binitawan at pumalakpak sa sobrang saya. Napailing na lang kaming apat.

"Dapat talaga iniwan na lang natin siya roon at hindi na tinuloy ang plano." mahinang bulong ni Vin kay Kiro.