Chapter 24:
Saturday ngayon kaya napag planohan naming lima na pumunta ulit sa mansion nina KD. We planned to study our lectures and notes all together. We also did our projects, assignments and research. Masiyado na kasi kaming napag-iiwanan. The next semester is coming so we really need to focus on our studies now.
Ilang oras din siguro ang lumipas bago kami natapos. I mean hindi talaga tapos, kailangan pa namin 'yon I-double check. Buti nga at hindi kami na-distract sa kalandian ng dalawa naming kaibigan. Si Vin lang naman kasi ang iba ang strand sa'ming apat kaya hindi niya masiyadong gets 'yong iba naming lectures.
"Sigurado ba talaga tayong para 'to lahat sa future natin?"
Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin kay Kingdom na nakatitig lamang sa mga nakakalat na papel at iba pang mga gamit. We all became silent for a while.
"I mean, who knows? Baka magiging worth it din balang araw ang lahat na pinaghirapan natin ngayon," I said while raising both of my eyebrows.
"I'd rather do anything to make my future better than doing nothing at all. There's still hope for us, you know," Ashley said with a hopeful smile.
"We should make our future less miserable by doing our best today," pagsingit ni Kiro. I stared at him for a moment. Who made his life miserable?
Napatingin kaming apat sa gawi ni Vin nang bigla itong tumawa. He look up at us and shrugged. "Just live your life to the fullest so you won't regret it in the future."
Isa-isa niya kaming tininganan. "If the world was about to end, what y'all want to do first?" He asked again.
"I'll tell my parents how much I love them." It was Ash.
"Yayakapin ko kayong apat." Kingdom grinned.
My lips parted. Are we that important to his life?
"I will hug that one certain person." Kiro shifted his seat uncomfortably. Unable to meet my gaze.
Napatikhim ako. It must be his dad. Yeah it is.
I sighed heavily. "Same as Ashley..." I bit my lower lips, "Pero 'pag meron pang oras bago mag- end of the world, yayakapin ko nang mahigpit 'yong taong mahal ko."
I secretly took a glance at him. If the world was about to end, sasabihin ko kung gaano ko siya kamahal. Yayakapin nang mahigpit at hihilingin na sana maging masaya siya hanggang sa huli.
"Ikaw Vin? Anong gagawin mo?" Kingdom asked.
"I will kiss your cousin for one last time."
Napanganga kaming lahat sa sagot ni Vin. Sumama ang timpla ng mukha ni Kingdom sa narinig. I pursed my lips.
Mukhang magkaka-world war 3 na naman.
"Ano sabi mo?! Gago ka, a!" malakas na sigaw ni KD habang pilit na sinasakal si Vin na walang kalaban-laban na nakahiga sa floor.
"Hoy! Pinsan!" Pagpigil ni Ashley. Ash grabbed his cousin hair to stop him from strangling his boyfriend.
Bahagya akong lumayo sa tatlo at nakasimangot na pinanood sila. Halos mabasag ang eardrum ko sa lakas ng sigaw ng tatlo. I disappointedly shrugged.
Napatingin ako kay Kiro na nakatitig na din sa 'kin. I raised my one eyebrow. A small smile plastered on his face while still staring at me.
Ilang minuto rin siguro ang lumipas bago sila natapos. Halos hindi sila makahingang tatlo na nakahiga sa sahig. Umupo ako sa couch at doon sila pinagmasdan. Si Kiro naman ay nagpakuha ng juice at cookies sa Yaya nila KD.
Kinuha ko ang Polaroid camera ko sa bag at kinuhanan sila ng litrato. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang litratong unti-unting lumilitaw.
Agad ko naman iyon tinago nang dumating na si Kiro na may hawak na na tray. Kasama niya rin si babae na mukhang kasambahay din dito.
"Huwag niyong pagurin nang sobra ang sarili niyo, Young master. Your mother might kill us." She then look at the four of us, "Please do take care of our Young master." The woman probably on his 40's bow at us.
Literal na napanganga ako habang nakatitig sa babaeng nakayuko na ngayon. Napatitig ako kay Kingdom na ngayon ay nakangisi lamang na kinakain ang cookies na nasa harap niya. Parang na-guilty naman ako bigla sa lahat ng ginawa ko kay Kingdom. Literal na nasa palasyo pala siya 'gaya ng pangalan niya.
Dahan-dahan kong kinuha ang cookies na nasa ibabaw ng glass table. Narinig ko naman ang papalayong yabag ng babae.
"Wow! Hindi ko inaakala na 'yong dating dugyot noon na laging tumatambay sa bahay nila Ash ay ganito pala kayaman." Vin shook his head in disbelief.
Same reaction. Well, pang-mayaman naman talaga ang University namin kaya hindi rin maiiwasan na may nga elites kaming makakasalubong. Pero ibang level 'tong si KD e. Halos hindi na namin ma-reach.
Low profile rin naman kasi minsan 'tong si Kingdom. Baka nga kaming apat lang sa University ang may alam sa totoong status niya sa buhay. No offense pero minsan 'yong fashion niya ay masiyadong plain, hindi rin match 'yong ugali niya sa totoong status nila sa buhay, may personal driver siya pero mas prefer niyang mag-drive sa sarili niyang sasakyan at higit sa lahat kuripot siya! I've never even saw him treating somebody! Kahit na kaming mga kaibigan niya.
"Paano ba 'yan... mukha na naman akong nagmamayabang nito."
I cursed him silently. Sorry doon sa babae kanina pero hindi ko ata kayang hindi saktan 'tong Young master nila!
"Pero seriously Kingdom? Okay lang ba na kami ang kaibigan mo? I mean, hindi rin ba mapili ang mga magulang mo sa taong kinakaibigan mo? Ganoon 'yon sa mga drama na napapanood ko e." I took an another sip of my juice.
"Uhm... paano ko ba sasabihin 'to?" Napakamot ito sa ulo niya.
He heaved out a sigh. "Anong trabaho ng mga magulang niyo?" Pag-iiba niya sa tanong ko.
"Hindi 'yon iyong—
"Just answer the question." Pagputol niya sa sasabihin ko sana.
"My mom is a neurosurgeon while my dad is a lawyer," I answered, still confused.
"Your dad is one of the best lawyer in the country," he said, emphasizing every words.
"Your turn now, Harvin." He's really dead serious about this.
"My family owned a hotel and several malls here in the country," Vin also answered. Naguguluhan na rin sa inaasta ni KD.
"Hindi lang dito sa Pinas kung hindi sa ibang bansa rin," dagdag niya sa sagot ni Vin.
"And you, North?"
"My dad is also a lawyer," sagot ni Kiro habang seryoso pa rin ang mukha.
It's true, Si Tito Tiz ay lawyer din 'gaya ni Daddy. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit naging magkaibigan ang pamilya namin.
"May sarili rin kayong law firm diba? 'Yong Mom mo naman ay may sariling kompanya na ngayon ay hinahawakan ng Tito mo."
"What the fuck..." hindi makapaniwalang usal ni Kiro.
"See? Hindi lang ako dito ang nakakataas sa buhay kayo rin, tss."