CHAPTER 4

CHAPTER FOUR

Pagdating ng lunch ay kumain kami sa Pancitan ni Aling Bebang. Masarap maglito si Aling Bebang lalo na ng specialty nila ng Pansit at Lomi. Sobrang nakakatakam. May ilang putahe din syang tinitinda like adobo which is favorite namin ni Travis at iba pa.

Pagkatapos naming mananghalian ay naglibot-libot muna sila saglit sa buong lugar bago kami bumyahe ulit.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong karenderya pero hindi ko makita si Travis. Naglakad na lang ulit ako pabalik sa kotse at doon ko sya naabutan. Nakaupo ito sa hood ng sasakyan habang nakatanaw sa malayo at para bang may malalim na iniisip. Hawak-hawak din nito yung chocolate na binigay sa amin nung Fortune Teller kanina.

Naglakad ako palapit sa kanya. "Mukhang malalim yata ang iniisip natin ah. May problema ka ba? You know, you can tell me."

Tumingin ito saglit sa chocolate na hawak bago tumingin sa akin.

"You know what? Napa-isip lang ako. What if totoo nga yung hula kanina? What if nakita ko na nga yung babaeng tanggap ako kahit na ganito ako? What if magkagusto nga ako sa isang babae kahit bakla ako?"

"Alam mo.... Hindi naman mahalaga yun, alam mo kung anong mahalaga?"

"Ano?"

"Yung masaya ka sa pinili mo. Na in the end, hindi mo pagsisisihan dahil pinili mo 'yun."

Matagal na katahimikan ang bumalot sa paligid namin. Walang nag-sasalita sa aming dalawa. Tanging simoy lang ng hangin at huni ng mga lumilipad na ibon ang maririnig.

"Gusto mo?" Napatingin ako sa kanya ng bigla syang magsalita. Inaalok sa akin ang chocolate na hawak.

"Sayo na lang." Inabot nya sa akin iyon. "I hate chocolates! Valentines naman kaya ibibigay ko na lang sayo. Pasalamat ka na dahil libre yan. Ang mahal kaya ng isang pirasong chocolates ngayon." Pabirong umirap ako sa kanya bago iyon kinuha.

Tinitigan ko ang hawak na tsokolate nang bigla kong maalala ang dapat kong itatanong sa kanya kaya ko sya hinahanap.

"Anooo.... Ahmmm.... Alam ba ng mga pinsan mo na... you know."

He let out a heavy sighed. Itinukod nya ang magkabilang braso sa likuran at bahagyang lumiyad paatras doon.

"A year ago. Nahuli nila akong naglalagay ng make-up sa pisnge. Hindi ko pala naisara ang pinto saktong pumasok si Krystal then yun na. Nakakatawa lang dahil imbes na magalit sila sa akin, sinuportahan pa nila ako. Muntik na akong maiyak noon dahil nagmamakaawa akong huwag nilang ipaalam kina Dad and thankfully, they didn't." Yumuko sya para paglaruan ang paang nakalawit sa hood ng sasakyan.

"Sa lahat ng close kong pinsan, silang anim lang ang mapagkakatiwalaan ko, bukod sayo syempre. Alam ko namang kahit na sobrang daldal mo, hindi mo ako ilalaglag. Takot mo na lang na ipa-salvage ko, huh!"

Napangiti ako sa sinabi nya. Sira-ulo talaga!

"Kainin ko na 'to ah."

Tumango naman sya. Binuksan ko na ang balat at may biglang nalaglag na maliit na papel mula doon. Kukunin ko na sana ng maunahan nya ako.

Itinaas nya iyon saka itinapat sa sinag ng araw.

"Intertwined your both fingers together. Your both souls are mates?" basa nya sa nakasulat. "What is that mean?"

Kunot noong lumapit sya sa akin habang nakatingin pa rin sa papel. Nagulat ako ng bigla nyang kunin ang kamay ko at pinagsaklob nya ang kamay naming dalawa.

"Ganito ba?" Bahagya nyang itinaas iyon para ipakita sa akin ang magkahawak naming mga kamay.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking dibdib dahil sa hindi ko inaasahang kilos nya. Gosh! Feeling ko mawawalan ako ng hininga dahil sa kanya. I'm being hyperventilated!

OXYGEN! Oxygen please! Charm hinga! Kalma ka lang muna, h'wag ka munang hihimatayin. Jusko!

"HOOYYYY!"

Bumalik lang ako sa realidad ng bigla nya akong sapaking sa balikat. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak pa rin.

"H-Huh? M-May sinasabi ka ba?"

"Natulala ka na dyan. Humihinga ka pa ba? Gusto mong bigyan kita ng hangin?"

H-Hangin? Paano? Mouth to mouth recitation?

"SIGE BA!" Malakas kong sagot na nagpabigla sa kanya. "W-WHAT?"

"H-Huh? A-Ano... k-kase ano... Wala. Wala."

"Lutang ka?" Ngiwing aniya. "Tara na! Baka nasobrahan ka na sa hangin dito at pinasok na yang utak mo. Masama ang hangin sa utak, nakakabaliw. Baka mabaliw ka bigla, madala pa kita sa mental ng wala sa oras." Natatawang pag-aasar nya.

Pero hindi effective sa akin dahil lutang talaga ako. Walang pumapasok sa utang kong maayos na salita. Nababaliw na nga yata ako. Bwesit kaseng holding hands yan eh! HUHUHU!

Bakit kase nambibigla? Hindi muna mag-paalam. Kaya pati puso ko hindi napigilang magwala.

"Matagal na'kong baliw. Hindi mo ba alam?"

Kunot noong tumingin sya sa akin. Nagtatanong ang mga matang tumitig sa akin. Mahina akong natawa dahil sa itsura nyang hindi maipinta.

"Matagal na'kong baliw...... SAYO!"

Natigilan sya at halata ang gulat sa kanyang mukha. Maging ang mga mata ay nanlaki din at hindi alam kung anong dapat i-react sa sinabi ko.

Yung itsura nya ngayon hindi ko alam kung natutuwa ba sya o nawiwirduhan sa akin.

Kahit ako ay hindi ko din alam kung ano bang pumasok sa isipan ko at sinabi ko ang mga iyon sa kanya. Siguro nga ay pinasukan na ako ng sobrang hangin sa utak.

"JOKE!" dugtong ko pa bago ako tuluyang tumawa.

Madaling umamin sa pabirong paraan. Kahit na ang totoo, para sa'yo hindi iyon joke. Wala eh! Nakakatakot mareject. HAHAHAHA! Kaya sa mga biro mo na lang talaga madadaan yung feelings mo for him.

"GAGA KA TALAGA! Muntik na'kong atakihin sa puso. Huminto bigla ang paghinga ko sa sinabi mong bakla ka. Hmp! Tara na nga nasosobrahan ka na talaga sa hangin. Lumolobo na utak mo."

Nauna syang sumakay sa sasakyan nang tumatawa.

Pagpasok nya ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Kung alam lang nya, pinigilang ko talagang huminga dahil sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko nang sabihin ko 'yun.

"Sheeettt! Wala na talaga ako sa tamang katinuan."

Haist!

Sumunod na ako sa kanya sa kotse. Sakto namang dumating na din ang mga pinsan nya kaya bumyahe na ulit kami pabalik sa Cagayan.

"Take a rest! Gigisingin na lang kita pagkarating natin ng Sta. Ana."

Mahinang ani Travis na hindi tumitingin sa akin. Nasa labas lang ng bintana ang tingin nya. Hindi ko tuloy alam kung ako ba ang sinasabihan nya nun o hindi pero tumango na rin ako kahit na hindi nya kita.

Bahagya kong isinandal ang aking ulo sa sandalan ng inuupuan ko. Maya-maya pa ay dahan-dahan na ding pumipikit ang mga mata ko at kinakain na ako ng antok.

NAGISING ako nang maramdaman kong parang nag-iba ang aking pwesto. Nakahiga na ako sa isang kama.

KAMA?

Napabalikwas ako ng bangon ng makitang nasa isang cabin na ako at nakahiga sa isang puting kama. Umupo ako ng maayos tsaka nilibot ang paningin sa kabuoan ng kwarto.

Tama lang ang laki ng kwarto, hindi malaki at hindi rin maliit. May tatlong kama at may mesa sa kabilang gilid na may apat na upuan. May malaking bintana din sa kabilang bahagi ng kwarto na tanging kutinang puti lamang ang pangharang. Kaya naman malayang pumapasok ang malamig at sariwang hangin sa loob.

"Paano ako napunta dito?"

"Binuhat kita, syempre."

"AYYYY PUK*NG INA MO KA! ANO BA? BAKIT BA NANG-GUGULAT KA DYAN?"

Singhal ko sa lalaking bigla na lang nagsalita. Nakaupo ito sa isang kahoy na upuan sa gilid ng kama habang naka-taas ang dalawang paa, nakapatong sa mesa. Sino pa ba, edi si baklitang Travis a. k. a Julia.

Bakit hindi ko sya napansin kanina?

"Nagtatanong ka diba? Sinagot lang kita."

"K-Kanina ka pa ba dyan?"

Humalukipkip ito bago tumingin sa bintana. Napatingin din ako doon at ngayon ko lang napansin na kitang-kita mula dito ang malawak na dagat. Ang kulay asul na tubig, pino at puting buhangin na sinamahan pa ng maganda at kulay asul na kalangitan.

Hindi nya ako sinagot, imbes ay tumayo ito saka ako inayang lumabas.

"Hindi ka pa ba magbibihis? Sayang naman ang oras kung hihilata ka na lang dyan. Ang ganda ng dagat oh. Madami din ang gwapo sa labas. Ay oo nga pala, bawal ang boys.... Sayo."

Nginisihan nya ako. Bwesit talaga!

"Bawal sa'kin, tapos sa'yo pwede? Ganun? Ang unfair naman nun. Dapat ako din pwede. Kung hindi man sa iba, edi sayo na lang, diba?"

Nawala ang kanyang ngisi at napalitang ng pangangasim ng mukha. This time ako naman ang ngumisi sa kanya sabay tayo.

"Ikaw na lang ang lalandiin ko. Lalaki ka pa rin naman eh. What do you think?"

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya na kanyang ikina-urong.

"Hoy babaeng maharot! H'wag ako ah! Matatampal kita. H'wag kang lalapit babae ka." Nanginginig ang boses na suway nya sa akin. Nagpatuloy ako sa paglapit habang nakangisi.

"I'm telling you-- don't! H'wag kang lalapit sabi eh! Tatampalin talaga kitang babae ka. Hindi ako nagbibiro hahambalusin kita nitong bangko."

Natawa ako sa pagiging tense nya sa sitwasyon. Nauutal na din sya at hindi alam kung anong gagawin.

May epekto ba ako sa kanya? Did I making him uncomfortable?

Tuluyan na syang napasandal sa hamba ng bintana. Ilang dangkal na lang din ang layo ko sa kanya. Ang layo naming dalawa ay inisang hakbang ko kaya mas lalo syang nanigas sa kanyang kinatatayuan. Muntik na din sya ma-out balance at malaglag sa bintana buti na lamang ay napakapit sya doon.

Ang pwesto tuloy namin ngayon ay bahagyang naka-upo sya sa hamba ng bintana habang nakalapat ang katawan ko sa kanya. Dumukwang ako palapit sa tenga nya para masilip ang labas ng cabin.

"Breath Travis. Breath!" mahinang bulong ko.

I heard him snorked. Pinaglapat ko ang aking labi para pigilang ang pagtawa.

Naalala ko kapag sumisinok sya, ibig sabihin nun kinakabahan sya. And I know, right now, kinakabahan sya.

"C-Charm---"

Hindi na nya natuloy ang sasabihin dahil may sunigaw mula sa labas.

"Hoy! Kayong dalawa masyado pang maaga para dyan. Mamaya na kayo mag loving-loving. Tsaka mahiya naman kayo sa amin, sa bintana pa kayo nag PDA," sigaw ni Krystal na nagtatampisaw sa tubig.

Kumaway lang ako sa kanila bago lumayo kay Travis.

"Mauna ka na. Susunod na lang ako."

Tatalikod na sana ako para kumuha ng pamalit nang may maalala ako bigla. Muli akong humarap sa kanya.

"About sa kanina pala. A-Ano k-kase--"

"Don't mind it! Wala lang naman sa'kin yun. I know nagbibiro ka lang kanina. Tsaka hindi naman ako basta-basta magpapa-apekto sayo, alam mo yan. 'Di kita type noh! Alam mong gwapo ang gusto ko. Ayoko sa may tahong."

Tumango ako saka ngumiti. "O-Okay!"

Pagtalikod ko sa kanya ay agad akong sumimangot.

"Di kita type noh!"

"Di kita type noh!"

"Di kita type noh!"

Mariing pumikit ako bago bumuntong-hininga.

"Shaket ah! HAHAHA!"