Ang Manika ni Ponny

Author: Zvredd

Ano ang gagawin mo kapag biglang nagsalita sayo ang isang manika at hilingin ang kaluluwa mo? Ibibigay mo ba?

Ako si Yumi, twenty-four years old.

Eighteen years old palang ako noon at na sa high school palang ng maranasan ko ang mga pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan.

Mahirap lang ang pamilya namin, kaya kahit may naririnig na kong issue patungkol sa pamilyang Roquez, na demonyo daw ang mga ito, itinutuloy ko pa rin ang pag a-apply ko rito ng trabaho bilang Yaya ni Ponny sa Gabi. Malaki ang sweldo, eight thousand pesos per night, kaya kaagad ako nag apply para makapasok dahil isang malaking tulong na ito para sa akin at sa pamilya ko.

Nang panahon na ito, sunod-sunod ang mga projects namin ng mga kapatid ko sa school, bayarin sa hospital at gamot nila Lolo at Lola. Kaya kahit pinipigilan na ko ni Tita Kim sa pag-a-apply, itinuloy ko pa rin.

Pero kung maibabalik lang sana ang panahon, eh di sana... may mga paa pa ko ngayon at nakakapag-salita pa.

Ang plano ko talaga noon, hanggang apat na gabi lang ako mag-tra-trabaho sa kanila. Natatakot kasi ako na baka hindi ako makapag-focus sa pag-aaral dahil sa puyat. Pumayag naman sila Mr. Roquez sa gusto ko. Pero habang tumatagal, napapalapit ako kay Ponny.

Cute, mabait, at malambing na bata si Ponny. Hindi siya mahirap alagaan at patulugin sa gabi. Hindi rin siya mukhang demonyo katulad nang sinasabi ng iba.

Ayos ang naging trabaho ko sa bahay ng Pamilyang Roquez. Dahil ang babait nilang lahat sakin at palagi rin nila ako tinutulungan lalo na sa usaping pera.

Kaya kahit na apat na araw lang ang kontrata ko sa kanila, naging isang buwan ito dahil sa kagustuhan ko pang ipagpatuloy ang trabaho ko sa kanila.

Naging mas maalaga at mabait sila Mr. At Mrs. Roquez sakin, lalo na si Ponny. Nilakihan din nila ang sweldo ko at binigyan pa nila sila Lolo at Lola ng wheelchairs.

Hindi naging masaya ang pamilya at kamag-anak ko sa mga nangyayari. Pinilit din nila akong pauwiin pero tumanggi ako. Nagalit pa ko sa kanila dahil imbes na magpa-salamat sila kila Mr. Roquez, nagalit pa sila rito at tinapunan pa ng itlog.

Hindi ako umuwi noon sa bahay namin dahil sa ginawa nila. Pinatuloy naman ako nila Mr. At Mrs. Roquez sa kanilang bahay nang malaman nila na hindi ko na gusto umuwi sa bahay namin at sa isang apartment na ko tutuloy.

Mahal na mahal ko ang pamilya ko, pero noon, napuno ng galit ang puso ko sa kanila dahil hindi nila ma- appreciate at kilalanin muna ng mabuti ang pamilyang Roquez.

Walong araw din ako tumuloy sa bahay nila kaya mas lalo kong napansin ang anim na weird na sculpture ng tao sa kanilang bahay at ang manika ni Ponny.

6:00 pm kasi ako pumupunta sa bahay nila para alagaan si Ponny at umuuwi rin  ako kaagad tuwing 9:30 pm, kaya hindi ko napapansin ang manika at ang sculpture nila. Pero ngayon na napapansin ko na at natitingnan ng medyo matagal. Masasabi ko talaga na ang weird nila.

Ang isang sculpture, walang ulo at butas ang tiyan. Ang isa naman, wala ang isang kamay at may parang dugo pa ito. Gusto ko nga hawakan kong totoo dahil parang totoo siya pero parang ang tanga ko naman ata kung gagawin ko ‘yon lalo na kung may makakakita sakin, baka sabihan pa ko ‘non na ‘baliw ka ba?’. Hmp.

Pero ang nag-iisang sculpture talaga na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malapit-lapitan ay ang pang anim na sculpture. Nakatayo ito pero ang kalahati nitong katawan ay nakababa. Creepy din ang ngiti nito na kapag titingnan mo pa ito sa mga mata, mapapa-nginig ka nalang sa takot. Ang mga tingin kasi nito parang tagos sa katawan. Nakakatakot. Para din siyang buhay na hindi.

Kaibigan daw ni Mr. Roquez ang gumawa nito at ibinigay sa kanila dahil pupunta na ito sa Canada para doon tumira.

Sa manika naman ni Ponny, creepy din. Para kasi siyang gumagalaw at palaging nakatingin sakin.

Hindi rin ako masyadong makatulog sa kanila dahil sa lamig at pagbukas-sara nang pintuan ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit, basta kapag sumasapit na ang alas dose ng Gabi, bumubukas nalang bigla ang pintuan.

Nang una, hinayaan ko lang dahil baka sira lang ang pinto at pina-prank lang ako ni Ponny dahil palaging na sa labas ng pintuan ang manika niya kapag tinitingnan ko. Pero nang mangyari ulit ito nang dalawang beses, kaagad ko ng sinabi kila Mr. And Mrs. Roquez ang patungkol dito. Pero sinabihan lang nila ako na baka guni-guni ko lang ‘yon at namamahay lang ako kaya ganun.

Gusto ko sana maniwala sa kanila. Pero talaga ang creepy na. Kaya nang kami nalang dalawa ni Ponny ang na sa kwarto, tinanong ko ito kung pina-prank ba niya ko tuwing gabi dahil palaging na sa labas ang manika niya kapag bumubukas ang pintuan ng kwarto ko.

“Nakikipag-laro lang siya sayo, Ate hehehe.” Sagot ni Ponny habang nilalaro ang manika nito.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa sagot niya. Parang may bigla rin bumulong saakin na tumakbo na at umalis sa bahay nila.

Kahit kinakabahan na ko, nagtanong pa rin ulit ako sa kanya. “B-bakit naman, Ponny?.” Napalunok ako.”Hindi ba ko gusto ng manika mo?.”

Makahulugang tiningnan ako ni Ponny sabay ngiti.

“Secret.”

Dito na ko nagsimulang mag-desisyon na umuwi na. Kaya kaagad akong nagpunta kila Mr. At Mrs. Roquez para sabihin sa kanila na gusto ko ng umuwi. Pinayagan naman nila ako pero dapat daw bukas pa dahil hapon na. Kaya nagpalipas muna ako ng isang gabi sa kanila.

Hindi ako sumabay sa pagkain sa kanila dahil sumasakit ang tiyan ko sa kaba at takot na nararamdaman ko. Marami akong what if na naisip noon. Nag-simula na kong mag-overthink. Kaya hinanda ko lang ang sarili ko para kung may mangyaring masama, maipaglalaban ko ang sarili ko.

At hanggang sa dumating na nga ang mga pangyayari na hindi ko inaasahan.

Nagising akong na sa dibdib ko na ang manika ni Ponny. Nakatayo habang nakatingin saakin.

Napakalapit ng mukha nito kaya hindi ko magawang gumalaw at huminga.

“Ang ganda ng mga mata mo. Akin nalang.”

Bigla akong napa-sigaw at mabalis na umalis sa kama ng magsalita ito. Mabilis ko dinampot ang ballpen na nakita ko at itinutok dito.

“DEMONYO! UMALIS KA SA HARAP KO!.” Malakas na sigaw ko.

Napa-atras ako ng mag-simula itong maglakad papa-lapit sa direksyon ko.

“Shhh. Ang kaluluwa mo lang naman talaga ang gusto ko. Akin na lang.” Sabi nito bago humakbang ulit papa-lapit sakin.

Malakas kong itinapon dito ang librong nahawakan ko bago tumakbo palabas ng kwarto.

Pero paglabas ko ng kwarto, may biglang humampas sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay.

Nagising na lang ako na hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. May malaking apoy din sa tabi ko kaya ramdam ko talaga ang init at masasabi ko rin na hindi ako nananaginip. Totoo talaga ang lahat.

Dinala nila ako sa likod ng bahay nila.

Nakatayo sila Mr. At Mrs. Roquez sa may sulok. Si Ponny naman ay nakatayo malapit sakin habang hawak-hawak nito ang manika. May dala itong kutsilyo sa kaliwang kamay.

“Ate Yumi naman eh. Hindi ka naman magiging ganito kung hindi ka lang tumakbo.” Nakasimangot na sabi ni Ponny sakin.

Napapikit ako dahil sa galit. Kung noon napaka- cute niya sa paningin ko, ngayon, isa na siyang demonyong bata na gusto kong itulak sa apoy para mamatay. Kasama na rin ang demonyong manika at ang mga magulang niya.

“Kung ikaw kaya ang na sa posisyon ko?! Hindi ka tatakbo?!.” Galit na sigaw ko. “Sana hindi nalang kita inalagaan!.” Pagpapatuloy na sabi ko pa habang palihim na hinawakan ang bato na ilang pulgada lang ang layo sakin.

Nasaktan si Ponny sa sinabi ko kaya bigla niya kong sinaksak sa may tiyan.

Napasigaw ako sa sakit. Nanghihina na ko.

Pero dahil ang makalabas lang ng buhay ang na sa isip ko, kahit na nanghihina na ko, malakas ko pa rin siyang binato sa ulo kaya napasigaw ito. Mabilis naman na lumapit sila Mr. At Mrs. Roquez dito.

Habang ako naman ay biglang napatakbo habang sumisigaw ng tulong.

Hinahabol habol pa ko ng manika ni Ponny habang tumatawa kaya nadagdagan ang takot ko at ang bilis din ng takbo ko. Hindi ko na masyadong  matandaan kung ano na ang nangyari. Basta nang makalabas ako, maraming tao na ang na sa labas. Ilang araw na pala nila ako hinihintay at ang iba pang mga babae na nakasabay ko mag trabaho sa pamilyang Roquez na lumabas at palabasin ng mga Roquez. May dala rin silang speaker para marinig pa ito nila Mr. At Mrs. Roquez lalong lalo na ako. Pero bakit wala naman akong narinig sa loob na ingay at napansing tao galing sa labas? At isa pa, akala ko ba umalis na ang mga naging ka-trabaho ko dahil pagod na sila?

Pero dahil sa naranasan ko, unti-unting nagkaroon ng kasagutan ang mga katanungan ko.

Mabilis na dinala ako ng pamilya ko sa hospital para masagip ang buhay ko. Dahil imposible talaga na mabuhay pa ko nang mangyari ‘yon.

Nang mawawalan na nga ako ng malay, narinig ko pa ang paulit-ulit na pananalangin nang Mama ko sa Diyos. Na sana iligtas ako at huwag ako pabayaan.

At sa awa naman ng diyos, na buhay pa ko.

Naputol ang dalawa kong mga paa dahil naputol na ang mga buto nito sa sugat at hampas na natamo.

Hindi na rin ako makapag-salita dahil sa trauma.

At natatakot pa rin ako kahit na dinala na silang lahat sa mental hospital.

Pakiramdam ko kasi, nandiyan pa rin silang lahat. Nakatingin saakin.

Lalo na ang manika ni Ponny.

Dahil gabi-gabi ko itong nakikita sa kisame... palaging nakatingin saakin at paulit-ulit na hinihingi ang kaluluwa ko.

“Yumi-yumi. Akin na lang ang kaluluwa mo.”